chapter 9: I can't take it anymore
Gusto ng matawa ni Shem sa reaksyon ni Crescent.
'Ano ngayon? Magpapanggap ka parin ba?' Natatawa niyang sambit sa isip habang pinagmamasdan si Crescent na umaatras-atras, halatang takot na mapadikit sa kanya.
"Excuse me miss! Hindi kita kilala at di ikaw ang hinihintay ko." Pinagpapawisang sabi ni Crescent.
"So, hindi ikaw si Cryzt Yiu. Then bakit ka nakaupo sa nakareserve na table para sa aming dalawa?" Sagot ni Shem na may nang-aakit na mga ngiti sa labi.
"Wag kang mag-alala. Payag naman akong ikaw ang ipapalit sa kanya." Sabay kindat ng taas baba kay Crescent. Gusto na tuloy masuka ni Crescent at nang mga barkada niya.
"Bro, ang panget talaga niya. Di ko carry." Bulong ni Phoenix kay Cryzt.
"Ibubuko ka na yata ni Crescent." Bulong din ni Lesthin. Tumingin si Crescent sa gawi nila asking for help. Sabay-sabay naman silang umiling at nag-cross fingers pa. Lagot kasi sila sa parents ni Cryzt pag nalaman nito ang ginawa nila ngayon. Baka lahat pa sila bigyan ng mga walang kasing panget na fiance. At ayaw nilang mangyari yon.
Napalingon rin sa kinaroroonan nila si Shem kaya nanlaki ang kanilang mga mata at agad na nagsiiwas ng mga tingin.
"Hi guys!" Sabay kaway sa gawi nila. "Kaibigan kayo nitong guy?" Malakas na tanong ni Shem sa kanila para marinig nila.
"Ah, hindi. Hindi ah!" Halos panabay pa nilang sagot.
Pero nanlalaki ang mga mata makitang naglakad palapit sa gawi nila si Shem. Mabilis pa sa alas kwatro silang napatayo.
Anim na hakbang nalang at makalapit na si Shem sa kinaroroonan nila.
Six step. Pacool silang tumayo.
Five step. "Magsi-CR lang ako." Biglang sambit ni Lesthin.
Four step; "Biglang sumakit tiyan ko." Sabi naman ni Phoenix na humawak pa sa tiyan.
Three step; "takbonatayo!" Sambit ni Cryzt at nagsitakbuhan na sila palayo. Nagkauntugan pa nga silang tatlo e.
Naiwan si Draco at Frozen na nasa pinakasulok. Napalunok laway sila ng di oras.
"Bakit sila nagsitakbuhan? Nakakita ba sila ng multo?" Painosenteng tanong ni Shem sa dalawa.
"Hindi. Pero clown oo." Sagot ni Draco na napapunas ng pawis sa noo. Si Frozen naman tiningnang mabuti si Shem.
'Is that real? Parang hindi naman?' Gusto niyang makita sa malapitan ang bagay sa hita ni Shem. Napaisip kasi siya. Si Crescent nga nagpapanggap na dugyot, kaya posibleng nagpapanggap lang din ang isang to.
"Is that thing....r-real?" Alanganing tanong ni Frozen. Bigla tuloy yumuko si Draco para matingnang maigi kung tunay nga ba ang ring worms sa hita ng dalaga.
Si Shem naman, muntik ng matapilok sa narinig mula kay Frozen.
'Mukhang matalino ang isang to a. Bakit di sinabi ni Shymin?'
Ngumiti parin siya ng pilit. "Gusto mo bigyan kita? You can touch it for free pero wag na muna ngayon. Fiance ko muna ang mauuna." Sabay kindat at balik sa kinaroroonan ni Crescent na hanggang ngayon ay halos hindi parin makaget-over.
"Bhabe, can you touch my sexy legs. Don't worry, it's free of charge. Touch one bonus one." Pinatong pa ang isang paa sa table ni Crescent at pinadaan pa ng kamay paitaas.
Syempre ang neat freak na lalake di maiwasang mandiri. Gusto na tuloy niyang masuka.
"Baby, muuuah!" Nakaopen arms pa si Shem kunwari yayakapin si Crescent at hahalikan.
"Woooah!" Muli siyang nalaglag sa inuupuan niya dahil nakita niya ang maiitim na ngipin ni Shem.
"I can't take it anymore!" Sabay takbo niya palayo. Nauntog pa siya sa glass door at muli namang tumayo at tumakbong muli palabas.
Hinihingal siyang napahawak sa hood ng kanyang sasakyan. "I thought I'm going to die." Napasandal pa siya sa kanyang kotse.
Si Shem naman na naiwan sa loob si maiwasang mapatawa. Nakalimutan tuloy niyang may naiwan pa pala.
"Hahaha! There so funny. Hahaha!" Napahawak pa siya sa tiyan niya sa kakatawa. Pero napatigil dahil sa mga taong nakatulalang nakatingin sa kanya. Kasama na sa mga iyon sina Draco at Frozen.
Ang mga nandidiri kanina sa kanya napaisip na baliw siya. Pero nang marealize ang pakay niya kung bakit siya nag-ayos ng ganyan di nila maiwasang isipin na mas baliw siya. Bakit siya mag-aayos ng ganyan para sa isang gwapong lalaking katulad ni Crescent? Pero maisip na nakakatakot ang ayos ni Crescent kanina naisip nilang tama lang na nag-ayos siya ng ganyan. Para naman maturuan ito ng leksyon. Pupunta ba naman sa date na may putok sa labi at maalikabok ang suot at gusot-gusot pa?
"You! You're just pretending right?" Sabay turo ni Draco kay Shem.
Napatigil si Shem sa pagtawa at hinipan ang ligaw na buhok sa mukha.
"So what! Kayo din kaya." Sagot niya. Pakialam ba niya kung mahuli siya.
Nagkatinginan naman sina Draco at Frozen. Ilang sandali pa'y sabay naghigh-five.
"Ang galing! Keep up your good work." Nagthumbs up pa si Draco. Napakamot tuloy ng ulo si Shem.
"Tuwang-tuwa ka pa yata." Sabi ni Shem.
"Ngayon ko lang nakitang parang natatae ang mga kaibigan ko. Kaya ipagpatuloy mo lang yan. Nasa likod mo lang kami." Tinapik-tapik pa ni Draco ang dibdib.
"Pero baka malaman ng mga parents niyo ang pangyayaring ito. Di ko alam kung ano ang magiging parusa niyong dalawa. And worst baka idamay pa kami." Seryosong sabi ni Frozen.
'Sabi ni Shymin, hindi palasalita ang isang to? Parang madaldal naman a.' Nagtataka niyang tanong sa sarili.
"Frozen, ikaw ba yung nagsalita?" Nakaawang pa ang bibig ni Draco. Tinaasan lang siya ng kilay ng kasama.
"Congrats Miss. Ikaw ang unang nagpahaba sa mga salita niya." Nakipag-shake hands pa kay Shem.
"Eh? Ganon? Sige alis na ako." Paalam niya at kumaway pa.
Lumapit naman agad si Shymar na nagpanggap na bakla kanina.
"Ate, wag mo ngang kinakausap ang mga yan. Playboy yan." Sabi pa niya at sinamaan ng tingin si Draco.
"Uy! Shymar. Yung binayaran kung picture ng ate mo di mo pa binigay. Teka lang... Siya ang ate mo?" Napatigil sa paglakad si Shymar sa tanong ni Draco. Umutang nga pala siya kay Draco ang bayad ay ang selfie picture ng ate shy niya.
"Anong ate? Picture yon ng pinsan ko." Katwiran niya.
"Nasan na yon! Bayaran mo muna ang utang mo." Humarang pa si Draco.
Napatingin tuloy si Shem kay Shymar.
"Binibinta mo ang mga picture ng ate mo?" Nakataas kilay na tanong ni Shem.
"Di ah. Pinapahiram ko lang." Nilabas agad ang wallet at naglabas ng pera. "O! Ayan na ang utang ko." Sabay lagay ng pera sa kamay ni Draco. "Tayo na lola." Sabi niya agad at hinila na si Shem.
"Lola? Ate tawag niya sa babaing yon kanina a." Nakakamot ang ulo na sambit niya. Pero agad na nagliwanag ang mukha.
"Kung sexy at cute na siya sa ganoong ayos, ibig sabihin maganda siya kapag inalis ang makapal na make up na yon. Kung ganon siya nga yung ate ni Shymar." Napangiti siya maya-maya pa'y binalingan ang nanahimik na si Frozen.
"Wag mong sabihin sa mga ugok na yon ang nalaman natin. Secret lang natin to. Tingnan natin kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang hindi panget si weird nerd. At di siya tahimik kundi interesting din tulad ko." Masiglang sambit ni Draco.
"Kailan ka pa nagiging interesting?"
"Ngayon lang? Di mo pala alam? O ngayon alam mo na." Kokontra na sana si Frozen pero di pinagsalita. "Ops! Wag ka ng magsalita. Alam kong pupurihin mo lang ako kaya thank you in advance." Kaya nabatukan.
"Anong purihin ka diyan? Umuwi na nga tayo." Sambit ni Frozen at tiningnan ang papalayong pigura nina Shem.
"Ibang-iba pala siya pag sa labas na ng paaralan. Interesting." Sambit ni Frozen at napangiti ng wala sa oras. Si Draco naman naikuso ang mga mata.
"Magpapamisa na talaga ako mamaya. Ang daming nangyaring kababalaghan ngayon. Ang palaging seryoso na si Crescent nagmukhang matakutin kanina. Nawala ang ka-cool-an. Ang di naman ngumingiti na si Frozen ngumiti na. May himala nga! Hey! Wag mo kong iwan huy!" Hinabol si Frozen na nakalabas na pala.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top