chapter 7
(Long time no update. Sorry sa mga naghintay...)
Napangiti si Shem dahil may mga impormasyon na rin siyang makukuha galing sa maladetective niyang kuya o let us say pinsan tungkol sa fiance daw ni Shymerah.
"Lyder Cryzt Zin Yiu. Kilala sa tawag na Cryzt. Seventeen years old. Isang half-chinese half Filpina ang ina na galing sa angkan ng mga mayayamang Zin. At half Korean Filipino ang ama mula sa angkan ng Yiu. Isang senior high school students sa 2moons Academy at anak ng may-ari sa isang Chinese school ang Cryztal High. May kapatid na fifteen years old na babae na si Cryztal Yiu na nag-aaral sa Cryztal high." Ni-zoom ni Shymin ang larawan ni Cryzt sa laptop niya.
Nakaheadset si Cryzt na nakakindat sa camera.
"May hitsura nga at mukhang may pagkaplayboy ang dating." Tumango-tango pa si Shem habang pinagmamasdan ang larawan ni Cryzt.
"Ito naman, pinsan niya at medyo kahawig kunti si Gold Crescent Yiu Zarte. Ang pinakamatalino sa kanilang anim. Medyo may pagkasuplado at pagka-neat freak. Eighteen years old."
Napawoah pa si Shem dahil para daw itong korean na para ring Taiwanese actor. Nagseselpon ito na di tumitingin sa camera. Halatang stolen shot lang ang larawang ito.
"Ito naman si Earth Lesthin Dee. Eighteen years old. A heartbreaker at ang pinakaplayboy sa barkada." Natawa pa si Shem sa weird na pangalan nila. Pero di isinatinig dahil nawewirduhan din naman siya sa pangalan niya.
"Blake Frozen Ferner. Pinakatahimik at madalang lang kung magsalita. At pinakamabait sa grupo."
Nilapit pa ni Shem ang mukha sa laptop. At ni-screen shot. Ang cute nga daw kasi nito kaya ilalagay niya ang screen shot picture nito sa album ng mga cute person na kinokolekta niya at irereto sa mga kaibigan niyang walang kasing tigas ng ulong katulad niya.
“Ito naman si Drake Marco Seo na may palayaw na Draco. Pinaka-isip bata at ang joker ng barkada. Pinakisip-bata pero siya ang mas madaling lapitan sa anim.”
“Phoenix Jethro Montero. Lahat na yata ng mga babae sa campus sinyota na niya. Pinakgentleman, pero mapanganib lalo na kapag maganda ka. Hindi ka niya tatantanan hangga't di ka niya napapasagot. Hindi ka naman niya ipagpapalit kaya lang dinadagdagan ka niya. Ang dakilang playboy ng 2moons Academy.”
“Ang anim na ito ang pinakasikat sa 2moons. Sikat sa pagiging badboy, rulebreaker, at syempre mga playboy."
Napakunot ang noo ni Shem nang may napansin na isang group picture ng anim. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lang sila anim kundi pito.
"Teka nga lang kuya. Bakit mukhang ang dami mong alam sa kanila? At ano to? Bakit kasama ka sa group picture nila? Nakaakbay ka pa o." Sabay click sa group picture ng barkada.
"Alam mo na. Sikat ang Kuya mo kaya nagpapicture sila sa akin kasi idol nila ako." Nakangiting sagot ni Shymin at pinadaan pa ang mga daliri sa buhok.
"Idol? Wag mong sabihing ikaw ang idolo nila sa pagiging badboy?" Sabay turo ni Shem kay Shymin.
"Hindi a. Good boy ako. Mabait nga akong kuya. Gentleman, thoughtful, caring gwapo, higit sa lahat humble." Sagot niya na nakacross arm pa.
"Humble?" Nag-anyong nasusuka. "Kung ang tulad mo ang humble, wala ng kasing kapal ng mukha ang mundo.
" ate, si Kuya lider ng mga yan. Di mo pala alam? Naamnesia ka ba?" Singit ng bagong dating na si Shymar na halos ikatalon ng dalawa sa gulat.
Isiningit pa ang ulo sa pagitan nila at idinungaw ang mukha para makita kung ano ang tinitingnan nila sa may laptop.
"Iyan ang mga kaibigan ni Kuya bago siya gumraduate sa 2moons, mukhang nakalimutan mo na yata." Sabi naman ni Shymar. Hindi kasi aware ang isang to na hindi si Shymerah ang kasama nila ngayon.
"Tinatanong ko lang kung bakit kinakaibigan ni Kuya ang mga yan, mga bad influence kaya sila." Sagot agad ni Shem.
"Si Kuya kaya ang bad influence. Siya kaya ang nagturo sa kanila kung paano mag—amhff." Tinakpan agad ni Shymin ang bibig ni Shymar para di na ito magsalita pa.
"Tama na nga yan. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ni Shymin bago alisin ang kamay na nakatakip sa bibig ng kapatid.
"Dinala ko ang iniutos ni ate sa akin." Sabay lahad ng mga paper bag na hawak niya.
"Umalis lang si Kuya sa grupo dahil ayaw mo." Dagdag agad ni Shymar nang di na nakatuon sa kanya ang atensyon ng Kuya.
"Dahil ayaw ko?" Napangiti pa si Shem sa pag-aakalang mahal nga talaga ni Shymin ang kapatid. Biruin mo, sister first before anyone else?
"Syempre takot lang siyang isumbong mong sampung guro na ang nabroken-hearted nang dahil sa kagagawan niya. Baka malaman nina dad at ipapadala siya kina lolo sa America at ipapakasal sa amasona para tumino. Alam mo na, takot kaya siya."
'Kala ko pa naman.'
Kinuha na lamang niya ang mga dark make-up sa loob ng paper bag.
"Paano aatras ang lalaking yon kung mag-aayos ka?" Tanong no Shymin.
"Ako ang bahala kuya." Sabay ngiti ni Shem ng sobrang tamis.
Sa side nina Cryzt naman...
Galing sa mall ang barkada. Naghahanap ng pangdesguise para ipapasuot kay Crescent. Pagdating nila sa parking lot may nilapitan si Crescent na isang babae na isa sa mga tagahanga niya.
"Hi bhabe." Sabay akbay sa girl kahit kasama pa nito ang boyfriend. Nagulat naman si girl pero ngumiti din at gusto ng tumili sa sobrang kilig dahil pinansin siya ng crush niya sa school nila.
"He-hello." Lumayo pa sa kasama niyang lalake at dumikit kay Crescent.
"Pare, girlfriend ko yan e." Umuusok na ang ilong ng lalake.
"Girlfriend mo pala siya? Kala ko sugar daddy ka niya." Dahil don nagalit ang lalake kaya sinapak siya.
Napaatras pa si Crescent ng ilang hakbang pero ngumiti lang at pinunasan ang pumutok na labi sabay sapak din sa lalake. Kaya nagsapakan ang dalawa. Nanonood lang ang lima. Si Frozen naman iiling-iling.
"Tama na yan. Kung balak mong magpabugbog sana sa amin na lang." Sabi ni Lesthin at inawat na ang dalawa. Kung gustong umiwas ni Crescent sa sapak ng lalake ay kaya naman niya pero sinadya niyang pasapak para may bugbog siya kapag nakipagkita sa fiance ni Cryzt.
"O di ba? Cryzt junior na ako?" Sabay turo sa sariling gusot na ang polong kupas at may putok pa sa labi.
Gusot na polo. Maalikabok na pants. Sakit sa ilong na pabango. Magulong buhok. May putok na labi. Iyon ang ayos niyang makipagkita sa fake fiance niya.
"Tayo na!" Pupunta na sila sa restaurant kung saan magkikita sina Crescent at Shemerah.
Itutuloy.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top