chapter 6
(Hello everyone! I'm back! Here's the new chapter! Enjoy reading!!!!)
I'm so dead!
Title
Sa hapag kainan, panay asikaso ng buong pamilya kay Shemerah.
"Ate, fried chicken. Favorite mo." Sabay lagay ng isang paa ng manok sa plato niya.
"Anak, tikman mo itong beef stake. Masarap to." Sabay lapit ng ginang sa isang bowl sa kanya.
"Humigop ka ng sabaw anak para naman tumaba ka." Sabi naman ng ama.
Siya naman na walang kasing takaw, ayan walang patawad sa pagkain. Ngunit biglang naglaho ang gana niyang kumain nang sabihin ng ginang na kailangan niyang makipagkita sa fiance niya.
"Siya nga pala. Kailangan mong makipagkita sa fiance mo tonight." Muntik na niyang maibuga ang kinakain. "Para naman makilala niyo ang isa't-isa." Dagdag pa ng ginang.
Saglit siyang natigilan pero ilang sandali ay ngumiti ng matamis. "Don't worry mommy." Nakangiti niyang sabi pero nakahawak ng mahigpit sa braso ni Shymin.
Si Shymin naman di maiwasang mapangiwi sa higpit ng pagkakahawak sa braso niya. Pero ngumiti rin. "Don't worry mom, sasamahan ko si Shy mamaya." Sabi din nito.
"So it's settled then. Thank you anak ha na naiintindihan mo rin kami. Don't worry, mabait na bata ang anak ni Mr. Yiu kapag mapatino mo." Paliwanag ng ina.
Gusto na tuloy ni Shem na maubo. Seryoso? Mabait na bata? Pag mapatino pa?
"Wag kang mag-alala ate, kapag may ginawa siyang masama sayo, nandito lang ako. Nanakawin natin ang mga boxers niya at i-display sa divisoria." Sabi pa niya kaya sinamaan ng tingin ng mga magulang.
"Shymar! Ikaw bata ka. Kung anu-ano ng lumalabas diyan sa bibig mo." Sita ng ina.
"Anak, bakit parang may nagbago sayo?" Sabi naman ni Mr. Zhynon.
'Lagot na! Mabubuking na siguro ako nito.' Pinagpapawisan.
"Yung mga mata mo na palaging matamlay tingnan, mukhang may tinatago nang kapilyahan. Nagbago rin ang temperament mo. You look more childish than before."
'I thought you look more gorgeous than before. Childish pa talaga ang napansin?'
"But we're thankful dahil walang nangyaring masama sayo. Please don't do it again." Sabing muli ng ama.
"Yes Si—dad." Sagot niya at kinagat pa ang dila dahil palaging nagkakamali.
Pagkatapos kumain ay agad siyang nagpaalam na babalik na sa kanyang silid. Ibinagsak pa ang likod sa kama sabay sabi ng "I'm so dead! I'm so dead! I am really dead!" May naisip na siyang paraan pero hindi pa siya handa.
Tumaob siya sa kama at hinampas-hampas ang mga kamay sa kama. Ilang sandali pa'y biglang umupo at ngumiti ng nakakakilabot sabay sigaw ng TAMA! Paglingon niya muntik na siyang malaglag sa kama makita ang dalawang kapatid ni Shy.
"Kuya! Sinapian ba si ate?" Pabulong na tanong ni Shymar kay Shymin na sumunod pala kay Shem kanina.
Ang mahinhin niyang ate, parang may topak na. Iniisip niyang kasalanan ito ng future husband ng ate niya kaya kailangang maturuan ng leksyon ang lalaking yon.
"Ate, tutulungan kitang bawiin nila ang marriage agreement na yan!" Pangako ni Shymar sa kanya.
"Really? Tutulungan mo ako?" Paninigurado niya.
"Oo naman! Ayaw kong tuluyang mabaliw ang ate ko no!" Napasimangot tuloy si Shem.
"Mabaliw ka diyan. Tsk!" Napanguso na lamang siya.
Sa kabilang dako naman......
"What! Are you serious?" Gulat na sigaw ni Phoenix.
Si Frozen naman, naibuga ang iniinom na tsaa.
"Yung weird na nerd ng school? FIANCÉ MO!" Sigaw din ni Draco sa sobrang gulat. Nilapitan naman ng buong barkada si Cryzt at tinapik-tapik ang balikat niya sabay sabi ng...
"Congrats bro, taken ka na." Dagdag pa ni Draco.
"Congratulation Cryzt, wala kang magiging kaagaw." Natatawang sabi naman ni Phoenix.
Si Lesthin naman, umalis sandali at nang makabalik may dala ng mga bulaklak.
"Para saan yan?" Nakakunot ang noong tanong ni Cryzt nang iabot ni Lesthin ang mga bulaklak sa kanya.
"Para sayo."
"Korona ng bulaklak para sa patay yan e." Sabi ni Cryzt sabay tulak sa noo ng kaibigan.
"Kaya nga. Nakikiramay kasi ako sayo." Nilagay pa ang mga bulaklak sa hita ni Cryzt. Si Crescent naman napahilot ng noo. Bakit kasi siya nagkaroon ng ganitong uri ng mga kaibigan?
"Isinama ko kayo para manghingi ng tulong. Ayaw kong makipagkita sa weird na yon kaso pinilit ako ni Daddy. So please guys, tulungan niyo naman ako." Pakiusap niya sa barkada.
"Bakit hindi nalang si Gold ang ipapameet natin sa kanya? Medyo magkahawig naman kayo di ba? Saka kayang-kaya ni Gold ang babaing yon. Sa sungit ba naman niya." Si Crescent na nanahimik na nagsicellphone lang naiangat ang tingin at sinamaan ng tingin ang mga kaibigan.
"O di ba? Mata palang nakakatakot na. Siguradong magmamakaawa ang babaing yon sa parents niya para bawiin ang napagkasunduan ng mga magulang niyo." Dagdag pa ni Lesthin.
Nagliwanag naman ang mukha ni Cryzt. Medyo magkahawig nga pala sila ni Crescent. Magpinsan nga naman.
"Oo nga noh? Bakit ngayon ko lang naisip?" Sabi naman ni Cryzt na sumuntok pa sa hangin.
"Wag niyo nga akong dinadamay diyan sa mga kalokohan niyo?" Sabi ni Crescent at umirap pa.
"Pumayag ka na kasi. Kapag tinulungan mo akong ma-cancel ang marriage agreement ko at sa babaing yon, tutulungan kitang maibabalik sa Pilipinas si Fara. Alam mo namang malakas ako kay Tito Fernan at tita Clara." Sabi naman ni Crzyt.
"E bakit di mo ko tinulungang pigilan si Fara ng umalis siya?" Tanong naman ni Crescent.
"Sinabi mo ba? Hindi di ba? Nalaman na lamang namin na hinabol mo siya sa airport. Denial ka pa kasi masyado. So ano na deal?" Tanong ulit ni Cryzt.
Hindi agad sumagot si Crescent. Wala naman sigurong mawawala sa kanya kapag magpapanggap siya kahit ngayon lang naman di ba?
"Pero ngayon lang talaga." Paninigurado niya.
"Oo na. Ngayon lang. Basta, ba pag-uwi niya luluhod siya sa parents niya at magmamakaawang ikansela ang marriage agreement namin." Sagot naman ni Cryzt.
"Okey. Deal!" Saka nag-isip ng paraan kung ano ang dapat gawin.
Itutuloy......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top