Chapter 17: Chickapre vs. Tipaklong


May bagong guro na naman ang galaxy section. Hindi na rin si Teacher Jenny ang kanilang adviser kundi ang bagong guro ng ito na si Miss Liela.

"Good morning ma'am. Good morning classmates. Im sorry Im late." Lahat napatingin sa bagong dating na si Shemera. Nakangiti ito at kay naglalakihang salamin sa mata halos tumakip na sa mukha ang mahahaba nitong buhok.

Natahimik ang lahat dahil ang tahimik nilang kaklase, nagiging palaban na tapos ngayon binati pa ang guro nila pati sila? Pakiramdam nila magugunaw na yata ang mundo.

"May I come in?" Masiglang tanong ni Shemerah sa bagong guro nila. Natauhan naman agad ang guro nang magtanong siya at tumango agad ito.

"Yes, you may. Hindi pa naman nagsisimula ang klase." Sagot nito at nag-gesture na pumasok na si Shemerah.

Agad namang umupo ang dalaga sa kanyang bagong upuan at inilabas ang kanyang notebook at ballpen.

Lumapit naman sa kanya ang maingay niyang kaklase na si Assunta.
Na nagulat sa pagbabagong bigla ng pinakatahimik nilang kaklase.

"Nakadrugs ka ba? Ano ba tinira mo ha?" Tanong nito kay Shemerah.

"Wala akong tinira, dinala ko lahat." Sagot naman ni Shem. "Yung ganda, bait, at basta lahat-lahat na. Pati yung kafeelingan. Dala ko din."

"Ganda? Yang chaka mong mukha? Sinasabi mong may dala kang ganda?" Sagot naman ni Pricsy na isa sa mga pinakabulakbol ng galaxy section.

"Tinira sabi ko. Common sense naman diyan o." Sagot ni Assunta.

"Ah, common sense lang di ko dala."

"Baliw." Natatawang sambit ni Assunta.

"Bakit di ko pansin na baliw ka din naman pala. Magkakasundo naman pala tayo e." Natutuwang sabi ni Assunta. Hindi kasi nila ka close si Shymerah dahil napakatahimik nito at di man nakikipaghalubilo sa kahit sino.

Madalas napapagtripan dahil di man lang lumalaban at hinahayaan lang niya ang sinuman na apihin siya. Ngunit ngayon bigla na lamang lumaban at palasalita na rin.

"Miss Brill, kailangan mong pumili ng atleast 3 clubs na sasalihan mo." Sabi ni Miss Liela.

"Teacher, di po ba pwedeng one lang?" Tanong ni Shem. Ayaw niyang sumali sa anumang mga clubs ng paaralang ito pero mukhang kailangan yata.

"No. Each students is required to have atleast 3 clubs or more."

Napayakap naman siya sa table niya at naiiyak na parang bata.

"Miss Brill don't act like a kid. You're already a lady." Sagot ni Miss Liela makitang parang binagsakan ng langit at lupa si Shem.

Mabilis namang umupo ng tuwid si Shem. "No teacher, I'm just faking it. May balak kasi akong sumali sa drama club." Pagdadahilan niya at tumango-tango pa.

Pagkatapos ng klase lumabas na siya para makapaghanap ng club na masasalihan.

"Anong club ang sasalihan mo?" Tanong ni Pricsy na sumunod sa kanya.

"Susubukan ko ang sports club." Sagot ni Shem.

"Sports club?" Napakunot ang noo ni Pricsy.

"May problema ba?"

"Di ba hindi ka naman mahilig sa sports?" Hindi kasi sumasali sa sports si Shy at madalas ding nag-aabsent sa PE class. Kaya nga palaging mababa ang grades niya sa PE.

"May problema ba don? Gusto ko ng tumaas ang grades ko kaya naman sisikapin kong tataas lahat ng mga mababa kong grades." Sagot ni Shemerah. Ito lang ang naisip niyang gawing rason para mapagtakpan ang pagbabago niya.

"Masama bang magbago ha?" Tanong niya kay Pricsy.

"Hindi naman. Kaya lang bakit bigla kang nagbago?" Saka naalala na nagiging fiance ni Cryzt si Shymerah tapos si Crescent ang nagustuhan niya. Nang kumalat ang fiance issue nina Cryzt at Shymerah, biglang nagbago ang ugali ng Shy na kilala nila. Palaban na ito at ngayon nagbabalak ng sumali sa sports club. Kaya naisip ni Pricsy na siguro nahulog na si Shy at nainlab kay Crescent kaya naman gagawin na nito ang lahat mapansin lang ng taong minahal niya.

Miyembro ng sports club si Crescent kaya naisip ni Pricsy na kaya naisip niyang ito ang dahilan kung bakit ninais ni Shem na sumali sa sports club.

"Woah. Hindi ko alam na pursigido ka palang mahulog sayo si Crescent. Wag kang mag-alala. Support ako sayo." Sabi nito na ikinakunot ng noo ng dalaga.

"Mahilig ako sa sports kaya paanong nadamay ang gintong yun? Ano bang iniisip ng isang to?" Sambit niya sa isip at napapailing pa. Saka iniwan si Pricsy para makapunta na siya sa sports club office.

Papasok na sana siya sa sports club kaso may tatlong lalaking humarang sa kanyang daraanan.

Dumaan siya sa kabilang gilid ngunit hinarang siya kaya dumaan ulit siya sa kabila ngunit may humarang na naman. Agad siyang nag-angat ng tingin at tiningnan ang mga lalaking nakaharang.

"Hoy mga tipaklong. Wag niyo akong maharang-harang. Shoo. Alis." Naghand-gesture na nagsasabing alis.

"Kami mukhang tipaklong? Malabo ba ang mata mo ipis ka?" Sagot ni Lesthin at nilapit ang dibdib kay Shem.

"Ikaw kulangot wag mo akong matawag-tawag na ipis." Sabay tulak sa dibdib na babangga sana sa kanya.

"Alam niyo ba kadiri kayo." Sagot naman ni Phoenix.

"Siya lang kaya." Sabay turo ni Lesthin kay Shem. " Yang panget na transferee na yan. Ba't ba yan tinanggap dito e ang panget-panget niya."

"Huy chikapre. Alam mo bang bawal ang mga panget sa lugar na ito? Kaya layas na. Bawak ka dito." Pagtataboy naman ni Lesthin sa kanya.

"Bakit? May nakasulat ba sa gate na no ugly allowed? Wala naman a. Pag meron man e di bawal din kayo kasi panget din naman ang mga ugali niyo. Kaya pareho lang tayo." Katwiran ni Shem.

"Umalis ka nalang dito. Badmood si Crescent kaya umalis ka na muna." Sabi naman ni Draco na may nagsusumamong tono.

Badmood kasi ang kaibigan nila dahil may nag-upload sa video noong nagkandarapa sila sa pagtakbo dahil balak siyang halikan ni Shem. Lalo na yung pagkadikit ng labi nila ni Josh. Kapag naririnig ni Crescent ang pangalan ni Shymerah magngingitngit  talaga siya sa galit tapos ngayon nandito na naman ang babaeng pinakaaayaw niyang makita. Kaya naman hinarang na nina Draco si Shem para makaiwas ng gulo. Kaso ayaw naman paawat ang babaing to.

"What is that?" Tanong ng lalaking papalapit sa gawi nina Shem. Mabilis namang itinago nina Draco ang babae para di makita ng kaibigan nila.

Nagtaka naman si Crescent kung bakit itinatago ng mga kaibigan ang sinumang taong nasa likuran nila. Napaangat din ng tingin si Frozen na nakaupo ngayon sa gilid ng bintana ay may hawak na libro.

Tinulak ni Shem ang likuran ni Lesthin gamit ang paa na muntik ng ikasubsob ng lalake sa sahig. Dito nakita ni Crescent si Shemerah.

"What are you doing here?" Sigaw ni Crescent makita ang mukha ng babaeng kinaiinisan niya.

Napatingin naman si Shem sa magbarkada. "Kayo ang mga officers ng sports club?" Tanong niya kay Draco.

"Oo e." Sagot ni Draco.

Nadismaya naman si Shem. "Balak ko sanang sumali sa sports club pero nang makita kita wag nalang. May nakita na sana akong anghel e..." Sambit niya pa.

"Buti alam mo." Mayabang na sagot ni Crescent nang marinig na nagbanggit ng anghel si Shem. Naalala niya ang little angel na nakasalubong nila noong nakaraang araw. Gumaganda talaga ang mood niya.

"Anghel na may buntot at sungay." Sagot ni Shem na ikinasama ulit ng mukha ni Crescent.

"Namimihasa ka na talagang chickapre ka." Sabay turo kay Shem.

"Hindi ka nababagay dito. Alam mo kung bakit? Dahil galing ka lang sa galaxy section. Mga estudyanteng walang mga kwenta, mga bubo, tanga at mga baliw." Nangigigil nitong sabi. Galit siya sa galaxy section dahil sa lahat ng grupo ang section na ito ang di takot sa kanila at ang siyang nag-upload sa video kung saan sobrang napahiya siya.

"Nye, nye, nye, nye." Sagot ng palaaway ding dalaga.

"You really pissed me off."

"Anong pispis ka diyan? War to. War. Hindi pis." Sagot din ni Shem.

"Baliw." Sambit ni Crescent na sobrang talim ng tingin kay Shem.

"E di mas baliw ka. Kasi pumapatol ka sa baliw na katulad ko. Bleh!" Sabay dilat ng isang mata gamit ang isang hintuturo.

"Get out." Mariing taboy ni Crescent.

"Get out before I forget na babae ka." Pag-uulit niya na parang ano mang oras ay mananapak na.

"Hay nako naman. Kita mo namang nasa labas pa ako o. Wala ako sa loob." Katwiran ni Shem. "Pero di bale na. Makaalis na nga lang. Ayaw kong makipag-usap sa mga unggoy. Masasayang ang beauty ko." Saka siy tumalikod at naghanap ng ibang club na masasalihan.

"Masisira daw ang beauty niya? May nakikita ba kayong beauty sa babaeng yun? Tawagin ba namang beauty ang mukha niyang chaka." Sabi pa ni Crescent.

Napahinga naman ng maluwag ang magkakaibigan nang makaalis na si Shem. Ngunit ng marinig ang sinabi ni Crescent napapaisip sila.

"Mukhang may beauty nga siya." Sabi ni Phoenix na nakahawak pa sa kanyang chin na parang may malalim na iniisip.

"Bulag ka ba?" Sagot ni Crescent.

"Alam mo ba. Nakakatuwa siya. Biruin mo hindi na bababa ang dugo ni Crescent kapag nakikita siya? Talaga namang ang lakas ng epekto ni Crescent babaeng yon. Palage kasing tumataas ang dugo ni Crescent kapag nakikita siya." Tukso ni Draco sabay tawa. Ngunit agad itinikom ang bibig makita ang matalim na tingin ni Crescent.

"Mabuti pang magmeryenda muna tayo. Tara. Libre ko." Sabay akbay kina Lesthin at Phoenix at hinila na paalis.

"Aba't nang-iwan na naman ang mga mokong?" Inis na sambit ni Crescent habang pinagmamasdan ang papalayong mga kaibigan.

Iiling-iling naman si Frozen at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa ng libro.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top