Chapter 15

Chapter 15: Papatalsikin

Pinatawag si Shemera ng principal  kaya naman agad siyang nagpunta sa principal's office.

"Principal, nararapat lamang na paalisin si Shymera sa paaralang ito. Unang-una pinaupo niya ako sa kanyang upuang may super glue. Tapos binuhusan pa ako ng malamig na tubig. She humiliated me." Sumbong ni Teacher Jenny. Ang kanilang guro sa galaxy section.

"Hindi rin siya magandang example ng mga babae dahil pinipilit niya ang kanyang sarili sa top student ng paaralang ito na si Mr. Zarte. Biruin niyo, kababae niyang tao hinahabol niya ang isang lalaking ayaw na ayaw sa kanya at nilalandi pa mismo sa harap ng publiko?" Dagdag pa ni Teacher Jenny.

May dalawang estudyanteng mga babae ang dinala ni Teacher Jenny para magsilbing mga saksi sa imoralidad na ginawa ni Shemera. May pinakita pa silang video kung paano pinipilit ni Shemera na halikan si Crescent at kung paano naman nagkandarapa sa pagtakbo ang lalake.

"Gusto niyo bang masira ang pag-aaral ng top student niyo dahil sa estudyanteng katulad ni Miss Olivar?" Si Crescent kasi ang maituturing na pinakamatalino sa 2moons Academy.

"Higit sa lahat, binato niya ang upuan sa glass window na ikinabasag nito. Siguro naman sapat na ito na dahilan upang paalisin siya sa paaralang ito." Dagdag pa ng guro.

Tumingin naman ang principal kay Shemera.

"Anong masasabi mo Lady Shymerah?" Tanong ng principal sa kanya.

"May CCTV naman po kayo di ba? Bakit niyo pa ako tinatanong?" May CCTV naman sa bawat classroom pero bakit tila yata madalas parin naapi si Shymerah? Ano pa bang silbi ng mga CCTV kung di parin naman namomonitor ang mga estudyante at hinahayaan parin nilang mang-api ang mga ito sa kapwa? Kaya naman, hindi maganda ang impression ni Shemerah sa principal na ito.

Natigilan naman si Mr. Jones. Ito ang unang beses na sinagot siya ng ganito ni Shymerah. Dati kasi yuyuko lamang ito at hindi nagsasalita. Ang kuya Shymin niya ang palaging nagsasalita para sa kanya. Hindi rin ito nakikipagtitigan directly sa mata pero ang Shymerah ngayon ay nakikipagtitigan na sa kanya.

Malakas ang loob at matapang na nakatingin sa kanya. Kahit may panyo itong itinakip sa ilong at sa kalahating mukha, pero natitiyak niyang naka-smirked ito. Ito ba ang nag-iisang anak na babae ng mga Brill? Di kaya may pumalit na sa kanya?

Napansin ni Shemera na mukhang nagdududa na ang principal dahil sa inasal niya. Pero naiinis siya e. Naiinis siya na may gurong katulad ni Teacher Jenny sa paaralang ito. Sa halip na alamin kung sino ang naglagay ng super glue sa upuan niya at kung sino ang gumawa ng prank kay Shymerah, mas pinili niyang patalsikin si Shymerah sa paaralang ito. Ang gurong katulad niya ang hindi magandang ehimplo sa paaralang ito.

Napapaisip tuloy siya na hindi talaga lahat ng guro ay good example para sa mga estudyante dahil may mga guro ring siyang dahilan kung bakit lumalala ang mga pagkakamaling ginagawa ng ibang mga estudyante. Sabagay, nobody is perfect nga di ba?

"Ano pang ginagawa niyo principal? Bakit di niyo pa siya pinapaalis sa paaralang ito?" Malakas ang loob ni Teacher Jenny dahil alam niyang mabait sa kanya ang principal na ito. Noong hiniling niyang paalisin ang isang gurong minsan niyang nakatalo, agad ngang pinatalsik ng principal. Kaya naman sigurado siyang pagbibigyan ulit siya ni Mr. Jones  lalo pa't isang simpleng estudyante lang naman ang papaalisin niya.

Si Shemera naman pinili na lamang na magsi-cellphone.

May gusto si Mr. Jones kay Teacher Jenny kaya di niya ito kayang tanggihan pero di naman niya kayang patalsikin si Shymerah lalo pa't alam niyang anak ito ng may-ari ng paaralan.

Napatingin siya kay Shemerah pagkatapos kay teacher Jenny.

Pinaalis na muna niya si Shemera at ang dalawang estudyante bago kausapin si Teacher Jenny.

"Bakit di mo nalang pinatawag ang mga magulang niya at sabihing papaalisin na ang batang yun? Sabi mo mahal mo ako pero iyon lang ang hiniling ko hindi mo na kayang ibigay?" Nakapamaywang na sabi ni Teacher Jenny.

Napahilot naman ng sentido si Mr. Jones.

"Gusto mong tawagin ko ang mga magulang ni Shymerah? Kilala mo ba ang mga magulang niya?"

"So what? Maid lang naman ang mama niya. Ano ang ikinatatakot mo? Saka may kasalanan ang batang yun pero bakit mo pinagtatanggol ha?"

Ngayon lang natuklasan ni Mr. Jones ang tunay na ugali ni Teacher Jenny. Mabait ito, malambing at thoughtful sa mga kapwa guro pero di niya inaasahang pakitang tao lamang pala ang lahat ng ito.

Dahil lang sa inaakala niyang maid lang ang ina ni Shymerah kaya hindi na niya inaalam ang totoo at papatalsikin na agad ito sa paaralang ito? Hindi niya natingnan ang monitor ngayong nagdaang mga araw dahil palage siyang busy. Wala namang nagsabi sa kanya sa kung ano talaga ang tunay na nangyari and so far wala pa namang nangyayaring problema sa paaralan kaya naman kampante siya hanggang sa dumating si Teacher Jenny at hiniling na paalisin sa paaralang ito si Shymerah.

Nang tingnan niya ang monitor kanina, hindi nakita kung sino ang naglagay ng super glue sa upuan ni Shymerah dahil nasa blind spot ng camera ang posisyon ng upuan ni Shymerah. Pero wala ding ebidensya kung si Shymerah nga ba ang may gawa nito.

"Jenny. Alam mo naman siguro na hindi siya ang naglagay sa super glue kaya bakit siya ang gusto mong parusahan at hindi ang tunay na may gawa nito?"

"Pero sinadya niyang paupuin ako sa upuang yun. Alam mo bang sobrang nakakahiyang kailangan ko pang gupitan ang skirt ko para lamang makaalis sa upuan. Aware siyang may pandikit ang upuan pero bakit di siya nagsumbong?"

"At aware kang hindi siya ang gumawa non kaya bakit di ang gumawa non ang ipa-expell mo?"

Naisip ni Teacher Jenny ang tatlong mga estudyanteng nang-aapi kay Shymerah. Palage siyang dindalhan ng mga regalo ng mga magulang ng tatlo kaya bakit niya ipapa-expell ang tatlong estudyanteng iyon?

"Gusto kong malaman mo na si Shymerah Olivar ay anak ng may-ari ng paaralang ito kaya kung maaari ay humingi ka ng tawad sa kanya."

Natigilan si teacher Jenny.

"Ano ka mo?" Napatayo pa siya ng sambitin ang mga katagang ito.

"Siya si Shymerah Brill. Nag-iisang anak na babae ng mga Brill. Ayaw niyang malaman ng iba na kapatid niya si Shymin kaya wag na wag mong ipaalam sa iba ang tungkol dito. Dahil kung nangyari yon tiyak na mawawalan tayo pareho ng trabaho. Siya din ang may-ari ng paaralang ito." Parang bombang sumabog sa pandinig ni teacher Jenny ang nalamang katotohanan.

"Mas mabuti pang manghingi ka agad ng tawad sa kanya bago pa man makarating kay Shymin ang bagay na ito." Alam ni Mr. Jones na sobrang protective ni Shymin sa kapatid niya na halos ituring na niya itong prinsesa niya.

Muling pinatawag ni Mr. Jones si Shemerah.

Agad namang humingi si teacher Jenny ng tawad sa dalaga. Sad to say hindi ang mapagpatawad na Shymerah ang kaharap niya kundi ang Shemerah na nagpaparusa kapag may nakagawa ng pagkakamali sa kanya.

Papatawarin ito ni Shemerah kung nanghingi siya ng tawad dahil sa tinanggap nito pagsisi niya sa biktimang walang kasalanan at dapat na tulungan kaya lang nanghingi lamang si teacher Jenny ng tawad dahil alam niyang anak siya ng mga Brill. Ibig sabihin lang non, kundi siya isang Brill siguradong hinding-hindi manghihingi ng tawad ang gurong ito at tuluyan pang mapatalsik sa paaralang ito si 'Shymerah'.

Inaakala ni Mr. Jones na wala ng problema kapag manghihingi na ng tawad si teacher Jenny dahil mabait naman si Shymerah at mapagparaya.

Pero di niya inaasahan na sasabihan siya nito ng...

"You disappoint me SIR. Mas pinili mong ipagtapat sa kanya ang tunay kong katauhan para manghingi siya ng tawad sa akin at para malaman niya na di ako dapat pinapaalis sa paaralang ito. Kaysa ang ilagay sa utak niya na mali siya dahil nagbubulagbulagan siya sa katotohanan at mas piniling kampihan ang tunay na mga salarin." Cold na sabi ni Shemerah na ikinagulat ni Mr. Jones.

Gusto tuloy niyang itanong kung si Shymerah nga ba talaga itong kaharap niya o ibang tao na?

"Katulad ka rin pala sa kanya. I am really disappointed." Dagdag pa ni Shemerah na ikinataranta ni Mr. Jones.

"Lady Shymerah. Im so sorry. Ipinangangako kong hindi na mauulit ang dati. I will not be bias anymore. Hindi na ito mauulit." Pangako nito na halos lumuhod na.

"Hindi naman na talaga mauulit sa paaralang ito." Sagot ni Shemerah at tinalikuran na ang principal at ang kanyang guro.

Hinding-hindi palalampasin ni Shemerah ang sinumang nang-api o mang-aapi kay Shymerah. Mabait naman siya pero sa mga mababait din naman. Masungit siya sa mga masungit. Mas bully sa mga bully.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top