chapter 13
Chapter 13: Gusto ng mamatay
Title
Habang naglalakad si Shem sa hallway, pinagtatawanan na naman siya ng mga estudyante.
“alam niyo guys, totoo nga hinala natin. Ang panget nga ng babaing yan kaya palaging naghohood. Biruin niyo ang dami daw pimples at an-an?”
“eww! Baka mahawa pa tayo guys. Magsitabihan tayo.” kung dati palage nilang hinaharang si Shy para lang tanggalin nito ang hood niya at panyong itinatakip sa mukha ngayon namang si Shem na ang pumalit kay Shy, nagsisitabihan agad sila.
“tumabi kayo guys. Dadaan ang dyosa ng mga panget.” sabi ng isang guy at nagpatugtog pa ng musikang pangkasal. Para kunwari naglalakad si Shem papunta sa altar.
Si Shem naman di na sila pinansin.
Parating na siya sa magiging room niya at madadanan niya ngayon ang mga estudyanteng nakatambay sa corridor.
“siya yung naghahabol kay Crescent di ba?”
“siya nga yon. May iba pa bang wirdo sa paaralang ito?”
“alam niyo bang magtatransfer na si Cryzt dahil sa babaing yan? Pinilit kasi niya ang parents niyang i-engage sila ni Cryzt. Pero ayaw ni Cryzt kaya magtatransfer na lamang siya kaysa ang makita ang panget at malanding babaing ito.”
“ang kapal talaga ng mukha niya. Akala mo mahinhin at mabait. Iyon pala may tinatago.”
“mamaya lang siya. ”
Hindi na niya pinansin ang mga masasamang tingin ng mga estudyanteng babae sa kanya at ang mga nandidiring mga tingin ng mga lalake. Hindi na rin niya pinansin ang mga bulungan nila. Ayon sa nabasa niya sa diary ni Shy na madalas siyang inaapi ng mga estudyante lalo pa't nasa galaxy section siya. galaxy section ay ang pinakahuling section sa 2moons senior class. Hindi rin maganda ang pakikitungo ng guro sa kanya dahil nga sa may pagkawirdo siya at di rin sumasali sa mga class discussion. Higit sa lahat hindi siya nagsasalita. Kapag nagsasalita naman nasa one or two words lang.
Papasok na sana si Shem sa loob ng classroom nang may paang humarang sa kanyang daraanan. Nilagpasan lang niya ito kaso may biglang tumulak sa kanya mula sa likod. Natumba siya at agad na napahawak sa PE pants ng kung sino. Dahil nakaPE uniform nga, nahubad ang pants ng lalake na isa sa mga humarang sa daraanan niya para pagtripan siya.
Napasubsob siya sa sahig ngunit sa halip na siya ang pagtawanan ang lalaking iyun ang pinagtawanan.
“bwahaha! Ano yan! Hahaha!” umalingawngaw ang tawanan sa loob at labas ng silid. Agad na muling tinaas ng lalake ang pants niya at marahas na hinawakan sa braso si Shem na kakatayo lang.
Agad na iniwas ni Shem ang sarili at iniharang pa ang isang paa nang mapansing humakbang ang lalake. Natisod ito at napasubsob sa sahig na lalong ikinagalit nito sa kanya.
“ikaw!” sigaw nito sa kanya habang nakadapa parin sa sahig. Nilagpasan lang siya ni Shem at di na pinansin.
Tumigil si Shem sa isang upuang puno ng mga vandalism. Sa isang tingin palang alam niyang may nilagay silang super glue dito. Tumingala siya at nakita ang isang balde na nasa itaas. May nakakonektang puting nylon na kung di mo titigang mabuti, di mo mapapansin dahil kakulay nito ang sahig.
'Ginaganito ba nila palage si Shymerah? ’ habang iniisip kung ano ang buhay ni Shy sa lugar na ito, hindi niya maiwasang magtanong kung bakit parang walang alam dito ang pamilya niya? Lumalaban din ba kaya si Shy o nagpapaapi?
Umupo na lamang si Shem sa teachers table, na siya ring pagdating ng kanilang guro.
“what are you doing at the teachers chair miss Olivar.”
'Olivar? Di ba Brill ang apelyido ni Shy? ’ nakakunot ang noo niya dahil don. Pero ilang sandali lang din. Naisip niyang kaya siguro hindi nila inaayos ang pakikitungo nila kay Shy dahil sa pag-aakalang galing lang ito sa isang simpleng pamilya. But the truth is inaakala nila na malayong kamag-anak lang si Shy ng mga Brill since, Brill ang ginagamit nitong middle name. Higit sa lahat palaging maid nina shy ang dumadalo kapag may general meeting. Na inaakala nilang kapatid ni Shy o nanay ba niya.
“mukhang balak mo na yata akong palitan sa trabaho ko a.” hindi gusto ni Shem ang tono ng boses ng babaing guro na ito. This girl is hot, gorgeous and pretty 22 years old high school new teacher. At isa sa mga young teachers na pinagtripan noon ni Shymin.
Nagsimula lang sumama ang pakikitungo nito kay Shy magmula nong makita niyang niyakap ni Shymin ang kapatid. Inaakala ng gurong ito na may secret forbidden affair ang dalawa at isa si Shy sa mga babaing kaagaw niya kay Shymin.
“what are you looking at? Bakit di ka pa umupo sa upuan mo? Gusto mong ikaw ang magtuturo sa araw na to?" Nakataas kilay na tanong ng guro.
“why not? It's my pleasure to teach you.” tumayo si Shem at kinuha ang hawak na libro ng guro at ang iba pang mga kagamitan nito sa pagtuturo.
“since I'll be your teacher now so you must be one of my students. So, you may now take your seats and start our class.” di tuloy alam ng guro ang sasabihin. Hindi kasi niya inaakalang sasagutin siya ngayon ng sobrang tahimik at anti-social na si "Shy ".
“why are you still standing there? Take your seat. Ahm.. By the way, my chair is at the back if you forgot.” sabi pa ni Shem at nakacross legs na nakaupo na ngayon sa upuan ng guro habang binubuklat ang libro.
“are you insane?” umuusok na ilong ng guro.
“no I'm not. I'm Shy not insane.” balewala niyang sagot.
Huminga ng malalim ang guro.
'Gusto niyang mapahiya? Then, pagbibigyan ko siya.' Sambit pa ng guro and smirked.
“fine. Siguraduhin mo lang na alam mo ang lesson natin today.” uupo na sana siya sa isa sa bakanteng upuan sa front pero pinigilan siya ni Shem.
“since I'm acting as the teacher here you must act as me. So, you must sit at my chair, miss.” Sabay turo sa upuan niya.
Nanlaki ang mga mata ng mga kaklase niya pero walang naglakas ng loob na sabihing may ginawa sila sa upuan. Tinaasan ni Shem ng kilay ang guro. Inis namang tumayo ang guro at naglakad patungo sa kanyang upuan.
“kapag hindi mo inaayos ang magtuturo mo, ibabagsak ko ang grades mo.” she said.
“no problem. ” sambit lang ni Shem. Umirap lang ang guro sabay sabi ng...
“let's see then. Just blame your own self for being arrogant if something happen." Sabi pa ng guro. Matagal na siyang naghahanap ng dahilan kung paano ibagsak ang grades ni Shy kaya ito na ang pinakamagandang opportunity.
Pipigilan na sana siya ng mga estudyante sa pag-upo sa upuan ni Shy but it's too late. Dahil pabagsak siyang umupo. Nag-collapse ang upuan at bumuhos ang tubig na may lamang pinaghugasan ng isda sa kanyang ulo.
Napanganga na lamang ang lahat, kasunod non ang malakas na hiyaw ng guro.
"You! Sinadya mo to di ba? Ipapaexpel kita!" Sigaw ng guro kay Shem bago ito, diring-diri na tumayo at mabilis na lumabas ng silid.
Ngumiti lang si Shem at isinandal ang likuran sa upuan. Tiningnan isa-isa ang naka-smirked na mga kaklase dahil sa tuwang si Shem ang sinisi ng guro at inakalang siyang gumawa sa mga pranks na na ginawa nila.
“guys! I'll just want to remind you. Mabait ako sa mga mabait sa akin. At mas masama pa sa inyo kapag nagagalit. Wag niyo ng ulitin ang ginawa niyo kung ayaw niyong mahulog sa sarili niyong patibong. And that's all lesson for today. You may clean your mess. I'll be going. Good bye class.” sabay flying kiss.
Sila na nabaguhan sa ugali niya, nagtataka at nagkatinginan. Nananaginip ba sila o namamalikmata lang? Kailan pa nagsalita ng mahaba ang Shy na nakilala nila? Kailan pa nakakatakot at nagbanta sa kanila? Kailan pa nakaka-intimidate ang boses niya? Kung di nila nakita ang kalat sa sahig, aakalain nilang hindi nangyari ang nangyari kanina.
Nakangiting tinungo ni Shem ang cafeteria nang mahagip ng paningin ang barkada ni Cryzt sa isang table na nasa ibaba ng isang puno. Mukhang may nagdedispidida party nga daw sila kasi aalis na si Cryzt sa paaralang ito. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Shem.
'This is the last and final round." Sambit niya pa. Tumakbo siya palapit sa grupo.
"Baby ko! Kailan ulit tayo magdate?" Uupo sana sa lap ni Crescent pero dahil sa gulat nito sa ginawa ni Shem naibuga nito ang iniinom at nalaglag pa sa inuupuan.
"I love you baby ko! Muah!" Hahalikan na sana si Crescent.
"Wag! Wah!" Gumapang pa ito at nagkakandarapa sa pagtakbo. Nauntog pa sa poste na ikinahilo nito.
"Baby ko gising!" Niyugyog si Crescent.
Nagising na sana pero nagkunwaring tulog.
"Pag ayaw mong magising e-mouth to mouth kita."
Ibinuka kunti ang mga mata. Nanlaki ang mga mata dahil may papalapit na labing may nagkakalat na lipstik sa labi.
"MUUUUAAAHHH!"
Gusto niyang magpatulong sa mga kaibigan pero nawala nalang bigla ang mga ito at nagkanya-kanya sa pagsitaguan. Bigla siyang bumangon and to his shocked nagkadikit ang mga labi nila. Si Shem na inaakalang iiwas si Crescent hindi inaasahang babangon bigla kaya nagkabanggaan ang kanilang mukha. Napakurap-kurap silang dalawa at sabay pang napasigaw. Tinutukso lang naman niya ang isang to, at wala siyang balak totohanin ang banta niya. Buti nalang at may red na panyo ang namagitan sa mga labi nila. But still they felt the soft lips of each other kaya parang ganon na rin.
“AAAAAH!" Ubod lakas na sigaw ni Crescent at tumakbo ng sobrang bilis.
"Cryzt! Ayaw ko na! Gusto ko ng mamatay. Ang landi-landi niya. Dikit ng dikit. Parang linta. Ang dami pang sira ng ngipin. Ang kapal-kapal pa ng make-up, talo pang clown at joker. Tapos nagkakiss pa kami! Ayaw ko pang mamatay.” Sunod-sunod niyang sabi habang hinihingal sa nakatulalang si Cryzt. Hindi kasi ito makaget-over sa nakita kanina.
“congrats bro. Di na lalake nahalikan mo. Chic's na. Chickapre nga lang." Pang-aamo ni Cryzt sa pinsan niya.
Itutuloy.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top