50

I lied.

Hindi ako sumama dahil inaantok ako. Ang totoong rason ay wala lang talaga ako sa mood sumama. At ayaw ko ring pilitin ang sarili ko na sumama tapos masisira ko lang din 'yung mga mood nila at hindi na nila ma-enjoy 'yong live band.

So, I opted to stay.

And I actually need a quiet, alone time.

I need some alone time to think if I did something wrong to Derek. I'm trying to remember my past actions towards him. Napapansin ko kasi na napapadalas ang pag iwas niya sa'kin. Ilang araw ko nang nararamdaman na parang ayaw niya akong kasama. At kung magkasama naman kami, halos hindi siya makatingin sa'kin.

Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali para iwasan niya ako nang ganito. At kung mayroon man, I want to know what I did so ai can correct my mistake.

Pero ang hirap niyang abutin ngayon. Ang hirap niyang kausapin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang.

Bumiluntong hininga ako nang malalim habang yakap ang isang unan. Nasa sala ako ngayon habang nakatulala at nag-iisip.

Alas diyes palang ng gabi at sigurado akong nag-e-enjoy sila Pyper ngayon sa Back Alley. Actually, last minute kanina, nagdalawang isip ako na sumama nalang para mawala sandali sa isipan ko si Derek.

Mabilis kong kinuha 'yong cellphone ko na nakapatong sa side table nang tumunog 'yon. I expected a reply from Derek because I texted him an hour ago, but I never received a reply from him. Ang huling reply niya sa'kin ay sinabi niyang magkakasama sila nila Jek, kaya naisip ko na baka may basketball practice sila. Sa susunod na linggo na kasi 'yong tournament nila.

The message is from Pyper. Napangiti ako nang mabasa ang text niya. Kinakamusta niya ulit ako. Sa nakaraang isang oras, pangatlong text na niya sa'kin ng "Okay ka lang ba diyan?" "Anong ginagawa mo?" "Sure kang okay ka lang talaga? Text ka lang kung kailangan mo ko ha."

I'm really lucky to have her as my best friend. Masaya rin ako na naging ka-close kona sila Alyshi, Emma at Shivawn. Nakakatuwa dahil sobra rin 'yung concern nila sa'kin. Alam kong hindi pa kami gan'on katagal magkakaibigan, pero ramdam ko 'yung pag-alala nila sa'kin.

Dahil wala akong magawa ay nag scroll nalang ako sa Facebook. Nakita kong kaka-post lang ni Derek no'ng poster nila sa basketball tournament nila.

Facebook

Medyo na-hurt ako dahil nakakapag-post siya sa Facebook, pero ni hindi niya ako magawang reply-an kahit isang beses.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top