Sining at Agham
Sining at Agham.
Ikaw at ako.
Magkaibang mundo
At puso kong lito.
Nalilito kung ipagpapatuloy ba
Ang nararamdaman kong ito.
Nalilito kung ano nga ba
Ang sinisigaw ng aking puso.
Ikaw pa ba ay gusto lang?
Ito pa ba ay isang libangan?
Wala na bang pag-aagam
Na ika'y inaasam?
Bagama't puso ko'y gaya ng sining
Na mahirap intindihin
Maraming gustong sabihin
Subalit hindi maamin-amin.
Sa dulo ay ikaw pa rin
Ang nag-iisang sining.
Sining na nagbibigay kulay
Sa matamlay kong buhay.
Ikaw nama'y parang agham
Na mahirap pag-aralan.
Para sayo gagawin lahat
Kahit magbasa pa ng 'sang libong aklat.
Pati paborito mong kanta
Aking papakinggan.
Pipiliting magustuhan
'Pagkat sa pandinig ay baguhan.
Iba ang hilig mo,
Malayo sa hilig ko.
Kaya hindi sigurado
Kung tayo'y magkakasundo.
Bakit pa kasi aking hinahanap
Kabaligtaran ng propesyong hinahangad?
Marahil iyon ang kulang
At mag-aalis ng puwang.
Puwang sa puso kong nananabik.
Nananabik sa iyong sining.
Sining na tulad sayo.
Sayo na masyadong malihim.
Malihim gaya ng tadhana.
Tadhana na mahilig maglaro.
Ngunit para sa kaalaman mo,
Ako'y hindi nagbibiro.
Ano nga ba ang sagot?
Ang tanong, sa isip ay umiikot.
Basta alam ko lang ay may kirot
T'wing sa'kin ika'y sumisimangot.
Magkaiba man ang mundo
Alam kong tayo'y konektado.
Tulad ng utak at puso,
Tulad ng langit at ulap,
Tulad ng ilog at dagat,
Tulad ng sining at agham.
Ikaw at ako, hirang.
---------
Ang daming alaalang bumalik sa memorya ko nang balikan ko 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top