Simula
I adjusted my zoom lens and waited until the brightness and the focus becomes perfect, then I took a close-up shot to the emcee. Pero blurred iyon dahil biglang may sumagi sa akin kaya nagalaw ang camera ko.
Inis akong napatingin sa taong iyon na imbes na humingi ng pasensya ay lumapad lang ang ngiti sa akin na halatang nang-aasar pa.
“Mamaya ka talaga sa'king bwisit ka,” pagbabanta ko sa kaniya.
“Ang tagal naman. Dapat ngayon na! Baka kasi hindi kita mabigyan ng oras dahil busy ako. Ay.. hindi na nga pala ako nagsasayang ng time sa isang beginner."
Binatukan ko nga siya.
“Excuse me?! Kahit na ilang buwan pa lang akong gumagamit ng DSLR ay mas maganda naman ang mga kuha ko kaysa sa'yo 'no!” pagde-defend ko pa sa sarili ko. Digital camera lang kasi ang dati kong gamit dahil regalo sa akin iyon ni Daddy pero nasira na iyon dahil halos pitong taon ko na iyong ginagamit.
He smirked. “Sabagay, sino ba namang beginner ang aamin na beginner—”
“May oras makipag-asaran pero walang oras magpakita sa akin? And you are late again... beginner?” may pagdiin na sabi ng bagong boses na narinig namin.
Napahinto at napatalon naman sa gulat itong si Nikolai, ang siraulong lalaking tinatawag akong beginner. I mean sino ba namang hindi magugulat kung ma-call out ka ng team leader niyo.
Lumapit sa akin si Ate Cleo, our team leader, at nakipag-apir naman ako sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagligtas sa akin.
“Nice,” I giggled.
“Bago ako magpaliwanag, Ate, hindi ako beginner, siya 'yon! And...” napansin niya na walang pakialam si Ate sa sinasabi niya, “—whatever. Basta ganito kasi ang nangyari, dapat kanina pa ako nandito pero sobra talagang traffic tapo—oh?! Si Jade 'yon ah?” naputol muli ang sinasabi niya.
Hindi niya na natapos-tapos ang sinasabi niya. Bahagya naman akong napalingon sa tinuturo niya.
Parehas naming natatanaw ang kadarating lang din na si Jade, also a photojournalist. Tinatakpan pa niya ang kaniyang mukha gamit ang camera habang mabilis na naglalakad sa gawi namin.
“Akala niya naman hindi siya mapapansin ni Ate Cleo 'e ang laki-laki ng mga mata niyan,” bulong ni Nikolai na narinig ni Ate Cleo kaya napa-peace sign ito.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at kumuha pa ng maraming litrato.
“Parehas na naman kayong late na dalawa? Coincidence lang ba 'yon o nagda-date muna kayong dalawa pagkatapos ay huling pumapasok ang isa para hindi kayo masiyadong mahalata?” pang-aasar ni Ate Cleo kay Niko at Jade.
Napa-sign of the cross si Jade habang si si Nikolai naman ay kunyaring nasusuka pa sa sinabi ni Ate Cleo.
"Tabi-tabi po!” sigaw pa niya at, “Ate naman! Huwag kang magsasabi ng kung ano-ano at nasa harap mo ang kapre!” she said seriously while reffering to Niko.
"Nahiya naman ako sa'yo! Baka nga pasekreto mo pa akong ginagayuma 'e!”
“Bakit? May gusto ka na ba kay Jade, Niko at feeling mo ginayuma ka na niya?” dagdag na pang-aasar ni Ate Cleo.
Bahagya naman itong namula, “Ha! A-ako? May gusto sa kaniya?! Ano siya, himala?!” pahinto-hintong sagot niya.
"At bakit? Kinikilig ka naman?!"
"Susmaryosep, kilabutan ka riyan! Baka mamaya magselos pa ang icing sa ibabaw ng cupcake ko 'no!" aniya habang saglit na tumingin sa akin at iniwas din ito.
"Wow naman, Niko! Parang luging-lugi ka naman sa'kin?! Manalamin ka nga nang magising ka na naman sa katotohanan!"
Bahagya pa akong napatakip sa tenga ko ngunit tinanggal ko rin 'yun. Kahit papaano ay nasanay na ako sa ganiyang way ng pag-uusap nila. Normal lang talaga sa kanila ang magpalakasan ng boses kapag magkausap.
Kulang na nga lang ay magbiritan silang parehas.
"Ay sus, nag-LQ pa nga sila," walang tigil na pang-aasar ni Ate Cleo.
Tinapik-tapik ko na naman sa likod si Niko habang napapailing din. Nakakunoot pa rin ang mga noo niya sa amin.
"Sabi ko naman sa'yo, itikom mo na lang 'yang bibig mo 'e. Nabubuking ka tuloy," panggagatong ko pa.
Imbes na magsalita ay sinamaan lamang niya ako ng tingin kaya tinawanan ko na lang siya.
Dahil sa pagdadaldalan namin ay hindi na namin namalayan na patapos na ang opening speech at magsisimula na ang mga sports for intrams.
Nasa tabi na rin namin ang iba pang mga photojournalist na naghihintay sa announcement ni Ate Cleo.
“Did anyone take a close-up and medium shot?" our team leader, Ate Cleo asked.
I immediately raised my hand, “I did.”
Ngumiti naman ito sa akin. I like close up style the most. “As expected! And by the way, I just received na may emergency si Ella kaya hindi siya makakapasok today. Hindi naman tayo madi-disturb sa schedule pero may konting changes. Ayos lang naman iyon diba?”
We all answered yes.
Unti-unti na niyang binanggit ang nabago sa assigned na napag-usapan kahapon.
“Diana?” pagtawag sa akin ni Ate Cleo.
Med'yo lumapit ako sa kaniya nang kaunti para marinig siya.
“Naka-assign ka sa basketball game with... Niko. Magiging okay ka naman 'no? Well, I doubt that.”
Sumimangot naman ang siraulo, “Sa akin ka dapat mag-alala, Ate. Mukhang mas may masamang balak 'yan sa akin 'e.” pagtatanggol pa ni Niko sa sarili niya.
Hindi siya pinansin ni Ate Cleo kaya mas lalong sumama ang mukha nito, “Then, Jade, sa badminton ka as we planned yesterday.”
“Okay!” she answered.
“Is there any question? Kapag meron—”
“—itago na lang sa sarili at kung wala sabihin na,” panggagaya naming lahat kay Ate Cleo. Kabisado na namin iyon dahil paulit-ulit niya na iyong sinasabi sa amin.
“Oh? Alam niyo naman pala ang sasabihin ko. Ano pang hinihintay niyo? Magsilayas na kayo sa harap ng maganda kong pagmumukha.”
Nagtawanan namin kami sa sinabi niya at nagkaniya-kaniya na ng landas. Iniwan ko na ang partner ko dahil alam ko namang kaya niya na ang sarili niya.
Pero ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagtawag niya sa akin sa malayo.
"Grabe naman 'to! Hindi man lang ako hinintay."
Hindi ko siya sinagot na ikinairap niya. Pasekreto akong natawa. Para kasi siyang laging naaapi sa amin. Hindi naman sa binu-bully namin siya, nakakatawa lang kasi talaga ang mga reaction niya.
Mabilis siyang naglakad para masabayan ako sa paglakad. “First time mo ma-assign sa basketball 'no?” tanong ni Niko.
Tumango naman ako, “Puro volley or badminton ang napupunta sa'kin, buti nga at hindi ako naa-assign sa soccer at napakainit sa field.”
Natawa naman ito sa pagre-reklamo ko.
Maya-maya pa ay parehas na kaming umupo sa unahan at nagtingin-tingin ng magandang spot sa pagpi-picture. As I expected, punong-puno ng tao rito, mostly girls ang nanonood at may dala-dala pang mga pompoms at banners.
“Do we need to take a picture sa introduction?” I asked.
“We do, pero mostly running shots of MVP's, winning team and jump ball scenes ang inilalagay sa school paper 'e.”
Tumango naman ako at naghintay na magsimula ang game. Sana ay saglit lang 'to.
Nang ipakilala na ang group na magkalaban ay halos mabingi na ko sa sigawan ng mga babaeng nasa likod ko.
Hindi ko maiwasang mapailing nang kumindat ang isang lalaki sa mga babaeng nasa likod ko. Mas lalo tuloy lumakas ang tili nila.
Napairap ako lalo na nung makitang kulay green ang shirt nila. Meaning, mga grade 7 students sila! Pero dahil doon sa sigaw nila ay mukhang napansin rin ako ng lalaking kumindat sa mga babae na iyon dahil mabilis itong kumaway sa akin. Mabilis ko rin itong binawian ng kindat kaya napatawa ito.
Napansin naman iyon ni Niko.
“Gwapong-gwapo sa sarili ampota. E walang-wala nga siya sa level ng kagwapuhan ko,” bulong ni Niko sa akin. Napatawa naman ako.
Kung makapagsalita siya kala mo hindi kapatid 'yung pinagsasabihan niya.
“Mas gwapo naman talaga,” sagot ko.
“Tara sa EO!”
“Alam mo, madalas talaga akong napapatanong kung sino ang ampon sa inyong dalawa ni Kuya Axel,” natatawang sabi ko.
“Itinatanong pa ba 'yan?! Siyempre siya!” mabilis na sagot nito.
“Sabagay, sobrang gwapo ni Kuya Axel kaya baka nga napulot lang talaga siya sa kalsada,” pang-aasar ko.
I was just joking. Gwapo si Nikolai. Siguro ay nasa dugo na talaga nila ang kagwapuhan at kagandahan. Pati kasi parents niya ay parang tumatanda nang paurong.
Naramdaman ko naman ang masama niyang tingin, “Kung nakamamatay lang ang titig, matagal na akong nakabulagta sa sahig.”
Hindi na ko naghintay ng sagot niya at tumayo na para kumuha ng litrato. Nag-unat unat pa ako ng bahagya at pumwesto.
Ayan na naman ang mga sigaw at tili nila. Well, I admit it. May mga itsura naman talaga ang mga players kaya siguro ganiyan na lang makasigaw ang mga babae.
If I remember it right, number 8 and 5 ang center ng two groups.
Inferno ang name ng basketball team nila Kuya Axel. The explanation behind their name? He said that they're just really hot, and it's totally out of control. Hindi ko na rin sinubukang i-connect pa dahil mapapagod lang din ako.
While the other team is called as an Aces. I don't even need to explain kung bakit iyon ang name ng group nila.
Dahil gumagalaw sila ay kinailangan ko silang sundan at buti na lang ay nakuhanan ko na ng picture ang center ng isang group.
Nag-focus ako nang maagaw ng isa sa team nila Kuya Axel ang bola. It's number 8 who stole the ball from the other team. Mabilis kong in-adjust ang angle at exposure ng camera.
I was struggling at first so my first shot wasn't good. I tried to chase them at the side of the court, I fixed my position and started to take pictures. Nakakaloka pero nakakuha naman ako ng magagandang shots sa kaniya.
And since close up are my favorites, I zoomed it again to the face of their center, number 8 at Kuya's Axel team.
I don't know how long I stared at the camera habang naka-focus lang ito sa lalaki.
“Damn, he's beautiful,” wala sa sariling sambit ko.
I put my camera away from me and chase him with my own eyes. Beautiful isn't something I used to describe a man. I would say he's handsome or cute.
Pero while looking at him? I think he's too attractive to be called as handsome. Actually, even the word beautiful is not enough to express it.
“Why the heck do I have these thoughts? Pull yourself together, Diana!” natatawang pagkausap ko sa sarili ko.
When I tried to look at him again, he's already staring at me. I was caught off guard when he innocently smiled at me and also immediately look away since he needed to pass the ball to his teammate.
I shook my head a lot of times while smiling. Once I calmed down, I continued to take photos of him... and the others.
Actourine 🌿 | Simula
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top