05
05: Breakfast?
"Nakauwi ka ba nang maayos?"
Lumingon ako kay Ate Cleo na may bakas na pagtataka sa mukha.
"O-oo, Ate. Kaya nga nasa harap mo pa ako at humihinga," mapagbirong sagot ko.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng pangalan para sa attendance.
Day 3 of Intramurals. Maswerte ako at wala na akong schedule ngayong araw dahil natapos na ang volleyball sports kahapon.
"Mukha ngang okay na okay ka," sambit ni Ate Cleo.
"Pagkadating na pagkadating ko kasi sa bahay ay bumagsak na ako sa kama. Hindi ko rin alam kung bakit dahil kakaunti lang naman ginawa ko kahapon pero ramdam na ramdan ko ang pagod kaya knock out pag-uwi," natatawang sagot ko.
Tumango-tango naman siya. "Mukhang good mood ka pa," aniya.
Napakunot ang noo ko.
"At blooming.." nakangising dagdag niya.
Parang kanina pa siya may pinaparating! Agad akong napaisip kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Wala naman masiyadong ganap kahapon ah?
Nag-picture lang at nanood ng volley. Kumain, nagpahinga, at umuwi. Hindi naman kami gumala ni Zion or something kaya nakauwi kaagad ako.
Unti-unting nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang nasa isip ni Ate Cleo.
Kasabay ko si Zion kagabi!
Ang pagkagulat ay napalitan ng pamumula ng aking mga pisngi. Pinigilan ko ang sarili ko na ipakita iyon pero hindi ko talaga kaya.
Nagpakawala ako ng pekeng tawa. Pero sa loob-loob ko ay nahihiya at namamangha at the same time kay Ate Cleo! Paano niya naman nahulaan kaagad? O baka naman nago-overact lang talaga ako?
"Nag-skin care kasi a-ako kagabi, Ate," kunwari pang pabirong sagot ko, nagmamang-maangan.
Malakas siyang tumawa. "Grabe naman 'yang skin care mo, may kasamang natural blush on hanggang ngayon! Sa susunod nga rin ay magpapahatid din ako pauwi kay crush."
Napanguso ako.
Wala ng sense kahit itanggi ko dahil paniguradong alam niya na. Grabe talaga ang senses niya, para siyang girl version ni spiderman kung makaramdam. Wala man lang kawala sa kahit na anong sekreto ang itago ko e.
Mahina niyang kinurot ang tagiliran ko. "Akala mo naman makakapagtago ka sa akin? You're like a mirror, Diana!"
Mas napanguso ako. Hindi pa rin kumikibo kay Ate Cleo. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko dahil ito ang first time na nangyari 'to.
"Alam ko na agad nung nakita ko kung paano mo siya tinitingnan kahapon," sabi niya, ngiti'y abot hanggang tenga. "Those sneak peek? Your smiles, laughs, and the way you talk, iba 'yung mga 'yun nung nakita kitang kasama mo siya. Maski ang pagtataray mo ay nahahalata kong may kakaiba 'e!"
Napatingin ako sa kanya. Totoo ba talaga 'yung mga ganoon? Parang ganoon din ang sinabi ni Zion tungkol kay Niko.
Humarap ako kay Ate Cleo. "Do you think there's a chance na gusto rin niya ako?"
Napangiti siya nang sagutin iyon ng tawa,"May chance-chance ka pang nalalaman. Just ask it directly! Do I think that he likes you too? Gano'n dapat!"
"I mean, dalawang araw pa lang naman kaming magkakilala, Ate. Baka mamaya, friends lang ang tingin niya sa'kin, o hindi kaya baka infatuated lang siya kasi hindi pa naman kami magkakilala pa talaga. Kumbaga, marami kasing bago na nalalaman niya sa akin na hindi niya pa nararanasan sa iba."
Hinawakan niya ang kanang braso ko at tumango. "Doon naman nagsisimula ang lahat diba? Sa interes? Pero ikaw ba, ano sa tingin mo?
Tumawa ako.
"Siyempre, ang isasagot ko ay yes dahil crush ko nga siya. Sino ba naman ang sasagot ng hindi, diba?"
"I'm serious! Observe mo kung paano siya umasta kapag kasama ka, kung paano siya magsalita sa'yo, 'yung expression niya, basta lahat ng pinapakita niya. Does it give you the tingles?"
"I t-think so..," I stuttered, feeling flustered.
She smiled, her eyes twinkling. "Basta ako, tingin ko ay may gusto rin siya sa'yo! Well, not that deep pa, pero feel ko crush ka rin niya!"
Natatawa ako habang inaalis ang kamay niya sa braso ko.
"Talagang sinusuportahan mo pa ang pagiging delulu ko, 'no?" I shook my head, smiling. "You should be correcting me!"
She made a face palm, shaking her head. "Correcting me, your face! Siguradong kilig na kilig ka naman nung nagkasabay kayo pauwi!"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Lower down your voice, Ate! Baka mamaya ay may makarinig! Huwag mo namang gawing soap opera 'yung buhay ko," I teased, trying to suppress a grin.
She rolled her eyes playfuly. "As if I care!"
"But I do!" tumatawang sabi ko. "Anyway, I appreciate your support, Ate. But let's keep it between us for now, okay?"
"Huwag kang mag-alala riyan bebe. Basta alam mo na, ha? Kung may magkaaminan man, wag mong kalimutan mag-update," she said with a wink.
I chuckled. "Don't worry, Ate. You'll be the secone one to know."
Kumunot ang noo niya.
"Second?! Kailan mo pa ako ginawang second option, Diana?"
"If meron mang makakaalam kung nag-upgrade na ang feelings ko for him, he should be the first one to know. Then sunod ka."
Napatili siya. Agad akong napatakip sa mukha. May kasama kaming ibang tao! Pero etong si Ate Cleo ay wala man lang pake kung may makarinig man.
Mahina niya akong hinampas. "Grabe ka! May ganiyan ka pa lang personality, " nang-aasar na sabi niya.
Inilingan ko lang siya. Hindi ko na ulit siya pinansin at mabilis na pinirmahan 'yung attendance sheet. Gusto ko mang iwasan muna si Ate Cleo pero hindi ko magawa dahil sasama siya sa'kin papunta sa court. Not because of me, but because of Kuya Axel.
Paniguradong hindi naman sila magtataka kung pumunta ako roon dahil nandoon si Niko.
Hindi ko maiwasang mapailing habang naglalakad dahil humuhuni si Ate Cleo! Nakaakbay pa siya sa akin at malapad ang mga ngiti. Halatang nang-aasar!
"Pero alam mo, bagay kayo. Hindi ko siya gano'ng ka-close pero naririnig ko siya lagi kay Axel."
Kuryoso akong tumingin sa kaniya, nangangalap ng mga impormasyon.
"One thing for sure, masarap magluto si Tita! Super bait din at maganda. For sure ay magc-click kayo dahil parehas na family oriented," pagdaragdag niya.
Tumango ako. "He looks like that kind of person. Easy-going at kalmado. Mukhang nonchalant pero may pagkamakulit kapag nakilala mo."
Lumiit ang mga mata ni Ate Cleo habang ang mga ngiti ay mas lumapad. Ang kukulit talaga ng expression niya.
"Ay sus, mukhang 'di na lang crush 'yan 'e. Ang ganda ng trope ninyo ah, Mr. STEM x Ms. HUMSS. Ay hindi, masiyadong general.. more like Mr. Athlete x Ms. Photographer?"
Bahagya niya pa akong sinisiko habang ako naman ay pabiro siyang inaawat.
"E kayo ni Kuya Axel, what kind of trope is that? Friends to lovers?" pang-aasar ko rin.
Umirap siya sa akin. "More like enemies forever!"
Natawa naman ako. Kahit hindi naman nila aminin ay halata namang may gusto sila sa isa't isa. Love language lang talaga nila ang magbardagulan.
Mabilis kaming nakarating sa court at hinanap si Niko. Nakita namin siya sa may gilid na nagp-picture ng iilang players na bahagyang nagw-warm up. Mahigit dalawang oras pa kasi bago magsimula ang game. Isang laro pa muna at championship na sa basketball. Isa ngayong umaga at championship sa hapon.
Kapag nanalo sila Kuya Axel ngayon, sila ang pasok sa grand finals at makakalaban nila ang isa pang team na nanalo kahapon.
Napansin kami ni Niko kaya tumigil na muna siya sa pagkuha ng litrato at pinaupo kami sa mga free pa na upuan. Kaya lang ay nasa pinakababa at harap ito. Super lapit sa mga naglalaro!
Pagkaupo namin ay nahagilap din kami nila Kuya Axel. Lumapit sila sa amin. Agad na naglapat ang parehas na tingin namin ni Zion. Nakangiti siya habang papalapit at may hawak na pamunas sa kanang kamay.
"Wala na kayong sched?" bungad ni Kuya Axel.
Umirap si Ate Cleo. "Wala. Kaya nga nagtitiis kami rito diba?"
He slightly raised his right eyebrow and smirked, "Ikaw? Nagtitiis dito? Parang hindi naman?"
Maski ako ay namula sa sinabi ni Kuya Axel. Hindi dahil sa kinikilig ako sa kaniya pero dahil naalala ko na sinabi rin ni Zion sa akin 'yun nung 1st day!
Itinago ko ang expression ko ngunit nakita kong nakatingin siya sa akin. Mabilis kong kinalma ang sarili ko bago pa siya makahanap ng ipang-aasar sa akin.
Nakita ko naman kung paano siya napangiti dahil doon. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya ngunit dahil doon ay nagkaroon naman kami ng eye contact ni Terrence.
"Walang gatorade ngayon?" he teased.
Mas namula tuloy ako! Napansin naman 'yun nila Kuya Axel. Akma pang manunukso siya pero naunahan na siya ni Niko.
"Wag ninyo na masiyadong asarin si Diane, pre. Mabilis pa naman 'yang mapikon," sabat ni Niko.
Mabilis na nabaling ang atensyon nila kay Niko at tumawa.
"Sana all kilalang-kilala 'no?" pang-aasar ni Kuya Axel.
"Childhood friends daw 'e," dagdag ni Ate Cleo.
Palihim ko siyang pinanlakihan ng mata. Alam niya namang crush ko si Zion tapos pati siya ay sumasali pa sa pang-aasar sa'min ni Niko. Natawa naman siya nang makita 'yun.
Hindi ko alam pero ang una kong tinignan ay ang reaksyon ni Zion. Wala ng ngiti sa labi niya, bahagyang nakakunot ang mga noo at seryoso lang nakatingin sa akin. Muli ko siyang iniwasan ng tingin.
Lagi na lang siya nagiging seryoso kapag inaasar na nila ako kay Niko. Nagseselos ba siya? I mean, wala naman siyang dapat ikaselos. Kahit katiting na pagkagusto ay wala naman akong nararamdaman kay Niko. We're really just friends, that's it.
Siguro ay nasanay na lang din ako na inaasar sa kaniya dahil halos lagi kaming magkasama kahit nung mga bata pa lang kami. Maski ang mga magulang namin ay may mga kakaibang tingin kapag nagkakausap kami 'e.
Ang kaso ay wala talaga. Masiyadong malalim ang mga pinagsamahan namin ngunit wala talagang ganoon. So, I'm sure gano'n din ang nararamdaman ni Niko.
Lumapit si Niko at umupo sa tabi ko. "Tumigil na nga kayo, baka tuluyan ng kiligin 'tong si Diane," pang-aasar niya.
Hinampas ko naman siya sa braso. "Ang kapal ha! Ilang page 'yan?"
Kunwari ko pang sinusuri ang mukha niya at pabiro niya naman itong hinampas. Umirap pa ito sa akin.
Mas nanukso lang tuloy sila Kuya Axel sa amin. Pero hininto rin nila agad 'yun.
"Maiba ako, ba't pala iba-iba tawag nila sa'yo? Alin ba talaga roon ang tama?" natatawang tanong ni Terrence.
Maski ako ay napailing sa tanong niya. Hindi ko rin kasi alam kung bakit nga ba may nickname pa sila sa akin, at magkaiba pa.
Bahagya rin akong natawa. "My name is Diana Jane. Ewan ko lang sa kanilang dalawa kung bakit gumawa pa sila ng sariling nickname ko e ang dali-dali namang i-pronounce. Ano nga bang trip ninyo Niko at Kuya Axel?"
Sabay silang nagkibit-balikat, hindi sinagot ang tanong ko. See? Hobby lang talaga yata nila 'yun.
Napatango-tango si Terrence, "Ako nga rin gagawa ng nickname for you!" pagdaragdag niya.
Binatukan siya ni Kuya Axel. "Bawal!"
"Bakit?!"
"Pang-gwapo lang 'yun!"
Napaikot na lang ako ng mata. Wala talaga siyang time na hindi babanggitin na gwapo siya!
"Gwapo naman ako ah?!"
"Mama mo!"
"Talaga! Sabi talaga ng mama ko!"
Napatawa naman ako. Para silang bata kung mag-away. Hindi nga ako magugulat kung biglang may revelation na magkakapatid sila Niko, Terrence at Kuya Axel.
"Pagpasensyahan ninyo na sila at parang kulang ang mga tulog kaya ganiyan," pang-aasar ni Ate Cleo.
Sumimangot naman si Kuya Axel. Nagpatuloy lang silang magbangayan nang magbangayan. Sumasali pa si Niko kaya hindi sila matapos-tapos!
Habang kami ni Ate Cleo ay tumatawa-tawa lang sa kanila. Maya-maya pa ay nagpaalam muna ako sa kaniya.
"Cr lang, Ate Cleo," bulong ko.
Tumango naman siya. Lumabas na ako sa court at pumunta sa may pinakamalapit na bathroom.
Umihi lang ako at hinugasan mabuti ang kamay ko. Pagkatapos ay lumabas na rin ako ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nandoon si Zion at naghihintay.
"Anong ginagawa mo riyan? Doon ang bathroom for men," pambungad ko.
"Good morning din," he replied.
I rolled my eyes. Ayan na naman siya. Narinig ko ang mahinang tawa niya. Nauna na akong maglakad palabas pero agad din naman siyang nakasabay sa akin. Ang lalaki kasi ng hakbang niya. Isang hakbang niya yata ay dalawa ko na.
"Breakfast?"
Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti na siya ngayon sa akin. Nagkunwari naman akong nag-iisip.
"As far as I know, bayad na ako sa utang ko," nakataas na kilay na sagot ko.
He smiled. "P'wede bang ako naman ang mangutang ngayon?"
Huminto ako at binigyan siya ng makahulugang tingin. Hindi naman siya nagpatalo at ginawa ang expression ko sa mukha.
"Baka iba na 'yan ha," nang-aasar na sabi ko.
He chuckled. Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap sa daanan para tumuloy sa paglalakad. Habang siya ay nasa likod ko naman at bahagya akong tinutulak.
"Baka nga.." bulong niya, natatawa pa rin.
Umiling ako at hinayaan lang kung saan niya ako dadalhin. Sa likod na canteen kami kumain. Nagkalat kasi ang mga canteen dito, at paniguradong maraming tao roon sa harap. 'Yung iba naman ay hindi nagtitinda ng rice meal.
"Dito masarap ang lahat ng pagkain," sambit niya.
Tatlo lang ang klase ng ulam tapos puro pasta at ibang klase pa ng agahan. Mukha ngang masarap. Malinis pa ang lugar at maaliwalas.
Sa harap kasi kami lagi kumakain dahil doon ang pinakamalapit na canteen sa room building namin.
Napansin kong ngumiti siya sa tindera. Parang gulat pa nga itong tumingin sa kaniya pero ngumiti rin naman matapos. Napangiti rin ako at bahagyang tumango nung makitang kinakawayan niya rin ako. Matapos ay umorder na ako ng carbonara.
"Ayaw mo ng kanin?" he asked.
Ngumuso ako. "Baka kasi hindi ko maubos."
Napatawa naman siya at mahinang ginulo ang buhok ko.
Gusto ko naman talagang tikman lalo na 'yung chicken fillet nila with ala king sauce kaso nga lang ay baka hindi ko maubos dahil umorder ako ng pasta.
"Ano bang ulam gusto mo?"
Tinuro ko 'yung chicken fillet gamit ang nguso ko at inosenteng ngumiti.
"Hati na lang tayo para matikman mo," nakangiting sabi niya.
Lumaki tuloy ang ngiti ko. Basta talaga pagkain ay sumasaya ako. Hindi naman sa malakas ako kumain pero gustong-gusto ko ang kumakain.
Carbonara, bicol express, chicken fillet at dalawang rice ang binili namin. Parang hindi na 'to pang-breakfast lang sa dami, kaya lang nakakatakam kasi ang mga pagkain kaya hindi ko na rin naiwasan. Nang mailagay na ang order namin ay inabot ko na ang bayad doon sa nginitian namin kanina.
Sinamaan niya ako ng tingin at binaba ang kamay ko kung nasaan ang pera.
Pabiro ko naman siyang hinampas sa braso. "Mangungutang ka sa'kin diba?"
"Time mo lang ang uutangin ko, Diana."
Mabilis ko naman iniwas ang tingin ko sa kaniya. Kailangan ba talagang maging straightforward siya na gano'n? May tao kaya sa harap!
Lalo akong nahiya nung nakitang nakangiti rin 'yung babaeng nagtitinda. Bago pa ako lamunin ng hiya ay kinuha ko na ang order namin at nauna ng pumunta sa table.
Nung lumingon ako sa kaniya ay nakita kong saglit pa siyang nakipag-usap doon sa tindera. Mukhang close sila. Dumating din ang isang lalaki na may dalang ice box. Asawa yata nung nagtitinda.
Nakita ko na nagmano si Zion doon sa lalaki. Bahagya pa akong napangiti. He's respectful. Something I really love.
Inalis ko agad ang tingin ko nung makitang nagpaalam na siya roon at papunta na sa table namin.
"Sorry, natagalan," he said calmly.
Umiling lang ako sa kaniya, assuring him that it was okay. Hindi rin naman ako nainip. Inabot niya sa akin 'yung utensils at siya na rin ang nag-alis nung mga pagkain sa plastic.
Mas naramdaman ko ang gutom nung maamoy ang mga pagkain. Ang bango! Una kong nilantakan ang carbonara na binili ko, and as I expected, wala talagang hindi masarap na carbonara!
Hindi tinipid sa sauce at al dente ang pasta. Hindi ko tuloy maiwasan na isayaw-sayaw ang ulo habang kumakain.
Napansin niya naman 'yun kaya napangiti rin siya. Hindi ko naman iyon maihinto dahil naging habit ko na iyun.
"Tikman mo 'tong chicken fillet, masarap din," sambit niya.
Hinati niya iyon gamit ang kutsara't tinidor, nilagyan niya ng sauce at inilagay sa bowl ng carbonara ko.
Kinuha ko naman iyon at tinikman. Masarap din! Pinagsisihan ko na tuloy na hindi ako kumakain dito.
"Mukhang may bago na akong titiisin para sa pagkain."
"Huh?" natatawang tanong niya.
Napanguso ako. "Kailangan kong magtiis sa init papunta rito tuwing break time. Ang layo kasi ng room building namin dito! Nasa harap pa tas eto nasa likod."
He chuckled. "Mukhang nagustuhan mo ang mga pagkain."
"Super!"
Kumuha ako ng fried rice at sinubo iyon. Pati 'yun ay masarap! Naramdaman ko tuloy ang panghihinayang na hindi ako kumakain dito.
Napatigil ako sa pagkain nang maramdamang nag-vibrate ang phone ko sa lamesa. May isang message ako galing kay Ate Cleo.
From: Ate Cleo
Kala ko cr lang? Ba't parang may landi?
Kumurba ang ngiti sa aking labi. Pinigilan ko iyon at bahagyang umiling. Wala talagang filter 'tong mga salita niya.
Napataas ang tingin ko nang marinig ang pagtikhim ni Zion. Seryosong nakatitig sa akin at bahagyang nakakunot ang mga kilay. Agad kong binaba ang phone at dinampot ang kutsara.
"Sorry, may nag-text lang."
Tila hindi kuntento sa naging sagot ko ngunit hindi naman siya nagsalita at tumango na lamang.
"Bilisan na natin? Baka hinihintay ka na nila bumalik para sa game."
"Baka ikaw?"
Napakunot ang noo ko. "Huh?"
"Baka sa'yo ang may naghihintay na makabalik na," masungit na sagot niya.
Ba't nagsusungit na naman 'to?
Wait, is he being jealous again? Hindi siya tumitingin sa'kin at patuloy lang na kumakain. Gusto ko sanang asarin kaso baka sumama pa ang kondisyon nito at makaapekto sa laro niya mamaya.
Maski maliit na details ay napapansin niya talaga sa akin. Sa isip-isipan ko ay napapailang na lang ako. Ang cute niya 'e. Pinigilan kong mapangiti at tumikhim.
"I m-mean.. siyempre need mo rin mag-warm up. Baka lang hanapin ka agad nila Kuya Axel.." sagot ko.
Pasikreto kong inobserba ang reaksyon niya ngunit kumuha lang ulit siya ng chicken fillet at inilagay iyon sa lalagyanan ko. Nanatiling seryoso ang timpla ng kaniyang mukha.
"Matagal pa bago ang laro namin. Take your time, Diana. Pinautang mo 'ko diba?"
Itinago ko ang ngiti ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko siya sinagot.
Pinagpatuloy niya lang ang pagkain at paglalagay ng pagkain sa akin. Maya-maya pa ay binuksan niya ang isang bote ng tubig sa plastic at inilagay din iyon sa tapat ko.
Pigil na pigil ako ngumiti sa ginagawa niya. Natural na natural iyon sa kaniya. Kahit na nagsusungit sa akin ay inaasikaso pa rin ako.
Nagtama ang tingin namin. Walang kahit isang nagsalita ngunit siya ang unang bumitiw doon. Sumunod din naman ako at ibinaba muli ang tingin sa pagkain.
He licked his lips. "Don't worry about it. Just.. spend your time with me."
Nang iangat ko ulit ang tingin sa kaniya ay nakatitig na rin siya sa'kin. Like a grim reaper whose ready to take my soul. I can feel his serious aura but at the same time, it felt so soft. His gaze is gentle.. and full of warmth.
Slowly, his lips curved, emphasizing his dimple on the right side. Wala na ang seryosong expression sa kaniyang mukha at napalitan na ito ng magandang ngiti. Maski yata siya ay kinikilig sa sinasabi niya 'e.
Parang pati ako ay nahawa na sa ngiti niya. Lalo na at kita ang kaniyang ngiti maski sa kaniyang mga mata.
"Please?" he added, smiling.
Actourine 🌿 | 05
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top