02

02: Debt

"How much for that bottled of water?"

"Huh?"

Tinuro ko ang tubig na ibinigay niya sa akin, "This. How much?"

Lumiit ang mga mata niya. Nagtataka kung bakit ko iyon itinanong.

"You don't have to pay for it."

I gave him a fake smile, "I don't like owing people."

Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha niya. Bahagya pa siyang natawa dahil sa biglaang pagsabi ko noon.

The truth is, I only wanted to spend more time with him. He seems nice and outgoing. Yung tipong lahat ng bagay ay magaan kapag siya ang kasama. I guess he's a go-with-the-flow person.

Grabe, ang dami ko na agad nasabi sa pag-describe sa kaniya e wala pa ngang mahigit dalawang oras na nakasama ko siya.

Napailing ako sa naiisip. Erase all of that. He's just really my type. 100% my type. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko right?

"Seriously. It's fine. It's just a bottled of water, Diana."

It's not fine! Pakiramdam ko kasi ay maglalayo na kami ng landas kung hindi ko siya pipilitin. Who knows kung last time na namin na mag-uusap diba? Think, Diana. Think.

Naisip ko na gayahin na lang ang sinabi niya.

Pinanliitan ko rin siya ng mata, "Seriously. It's not fine. And, it's just that I don't like owing people, Zion."

A smile formed on his face. He's giving me an amused look! Hindi pa rin niya ako sinagot.

"So.. how much?" naiinip kunwaring tanong ko.

Umakto siyang nag-iisip. Bahagya niya pang hinahawakan ang kaniyang baba gamit ang kanang kamay.

"Hmm.. an hour?" he answered.

Mahina akong natawa. This guy is good at flirting! I'm expecting a pick up line but I received more than that. But wait, speaking of, aren't we taking this thing a bit fast? Pero okay lang naman siguro.. Opportunity na 'e, ba't ko pa sasayangin? Tsaka magkakasama lang naman kami for an hour so I don't think it's a big deal.

Ang daming pumapasok sa isip ko at lahat pa na iyon ay may magkakaibang sagot. Umiling ako. God, Diana! You're almost 18 and still thinking like it's a sin to flirt with your crush!

Inayos ko ang aking sarili at pinakalma ang sarili kahit kaunti.

"Oh.. an hour? Hindi ba't parang ang mahal naman niyan para sa isang bote ng tubig?" inosenteng tanong ko.

"But it's not just about the water, Diana," he said, his tone is playful.

Humakbang siya papalapit sa akin at wala sa sariling napaatras din. Parehas naman kaming natawa.

"Let's just say that you really owe me, and I intend to collect it now, Diana."

Inilahad ko sa kaniya ang kanay ko. "Charge me then," pabirong sabi ko.

Instead of answering, hinila niya lang ako at dinala sa isang booth. It's a photobooth. Hobby niya ba ang manghila ng tao? Ang bilis-bilis niya pa naman tumakbo!

Bahagya pa akong hiningal sa pagtakbo na iyon. Pagkatapos ay agad din kaming pumila sa pagbili ng ticket para sa photobooth.

"Wow, collecting souvenirs already?" I teased, referring to the booth na pinuntahan namin.

"Kanina ko pa kasi napapansin na kinukahanan mo ako ng pictures. I figured out I'll bring you here para malagyan ko na rin ng autograph ko," mahangin na sabi niya.

Napailing na lang ako.

"Here's your ticket, Sir!"

"Thank you," he responded.

Med'yo maraming tao sa props room. Pero pangalawa naman na kami sa susunod na slot. Kumuha lang ako ng headband at ilang mga quotes sign doon.

Nang matapos ay pumasok na kami kung saan talaga magp-picture. Apat na shot lang iyon kaya nag-practice muna kami ng ilang mga pose.

"Smile first?"

"Okay!"

One, two, three. Click!

Sa pangalawang picture ay naka-peace sign naman kami. Muntik pa kaming hindi makasunod sa timer dahil nag-aaway kami sa pose na gagawin.

"Anong next?!" nagp-panic na tanong ko dahil ilang seconds lang yung time.

He grinned, "Kahit ano, kung saan ka masaya."

"Sige nay."

Narinig ko naman ang tawa niya. Bahagya akong sumandal sa kaniya at nag-V sign habang naka-wink. Napansin ko naman na nakatingin lang siya sa akin sa third picture.

"Hey! Mag-pose ka rin kaya?! Ano, ako lang bubuhat sa'yo rito?"

"Gwapo naman ako kahit anong gawin ko e."

Napaawang naman ang labi ko. Ayan na, lumalabas na ang other personalities niya. Bago pa ako makasagot ay narinig ko na lang ang pagtunog ng camera para sa 4th picture.

"Next po!" sigaw ng staff sa labas.

Pagkatapos noon ay pumila na kami sa labas kung saan makukuha 'yung picture. Med'yo natagalan iyon dahil matagal ang pagp-print at may nauna pang iba sa amin.

Nung makuha ang litrato ay parehas kaming natawa sa pang-apat na litrato.

Ang expression ko kasi roon ay gulat dahil sa sinabi sa'kin ni Zion kanina habang siya naman ay bahagyang natatawa habang nakatingin sa akin.

"Ba't mo kasi nilalabas ang true colors mo?!" pagbibiro ko.

Napakamot ito sa ulo, "Bawal daw kasing magsinungaling sabi ng nanay ko."

From the second time, napaawang na lang uli ang labi ko dahil sa sinabi niya. Seryoso pa siya habang sinasabi 'yun!

"What the hell is wrong with you?" natatawang sabi ko.

"Just being honest, Ma'am."

"It doesn't suit you."

"Kailan pa hindi naging bagay sa isang tao ang maging gwapo?"

Hinampas ko siya, "Shut up, Zion!" tumatawang sagot ko.

There is a part of me na inassume na may ganoon siyang ugali pero hindi naman ganito kalala? Talagang expect the unexpected e!

Pati siya ay nakita kong natatawa na rin sa mga sinasabi niya.

"Enough with that.." tumingin ako sa relo ko, "Now, I only have 20 minutes debt to you."

Napakamot siya ng ulo, "Ang bilis naman," nagrereklamong sabi niya.

Cute. I pretended not to hear it. Itinago ko ang ngiti ko at tumingin ulit sa kaniya.

"So.. what do you want to do for the remaining time?"

"What do you want to do for the remaining time?"

I pouted. "Ako ba ang inutangan?"

Natawa naman siya. "Para alam ko lang na mage-enjoy ka."

"I'm enjoying it.." I stared at him confidently.

Napansin ko naman kung paano siya nagpigil ng ngiti. Nang kumalma ay mahina niyang pinisil ang pisngi ko.

"I'm glad.. that you are enjoying paying your debt."

Nginitian ko siya, nang-aasar. "Super."

Napansin ko naman ang bahagyang pag-iling-iling niya dahil sa sinabi ko. Pinigilan ko ang paglapad ng ngiti ko nang makita ang bahagyang pagpula ng kaniyang tenga.

"Pero siguro mas masaya kung titikman natin 'yung tanghulu sa harap ng cassi," kunwaring dagdag ko nang mapansing hinihintay niya ang sagot ko.

Sumaludo siya sa akin. "Copy, Ma'am."

Sa likod na kami dumaan at grabe ang tuwa ko nung makitang wala ng pila roon. Kanina kasi sobrang haba talaga ng pila.

Si Zion ang nag-order habang naghanap naman ako ng mauupuan namin. Saglit lang naman iyon dahil nga wala namang nakapila.

"Here's your order, Ma'am," pagbibiro ni Zion.

He handed me the strawberry tanghulu. Kinuha ko naman iyon.

I chuckled. "Nad-deja vu tuloy ako!"

"Saan?" he asked, dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko.

"Sa sinabi mong here's your order, Ma'am. Niko also said that earlier."

"Ah, 'yung kasama mo kanina. Is he your friend?"

"Yep. Childhood friend."

He coughed. "I think he likes you."

Napakunot naman ang noo ko. Mabuti na lang ay hindi pa ako sumusubo nung tanghulu kung hindi ay baka nabulunan na ako.

"Saan mo naman nakuha 'yan aber?!"

"I saw how he looked at you, Diana."

"Baka may mali lang sa paningin mo, Zion," pang-aasar ko.

Napatawa rin siya. Inayos niya kaunti ang pagkakaupo at tumingin sa akin.

"What if he likes you?"

Umiling ako, "He doesn't!"

"Pero what if nga?" makulit na tanong niya.

"I don't know.. pero I don't think that would happen. We've been friends for almost my entire life. Siguro magc-confess naman siya if he does, right?"

Tumawa siya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Bahagyang napakunot ang noo ko sa kaniya.

"Hindi ka pa nagkakaroon ng relationship 'no?"

I gasped. "Is that an insult?!"

Mas natawa tuloy siya. "I'm just saying. I'm a guy too, Diana. The way he look at you, it's different. Probably sa'yo ay friends lang talaga pero baka sa kaniya hindi."

"I know Niko most 'no! If he likes someone, sasabihin niya."

"Hypothetically, kapag nagkagusto ka ba sa kaibigan mo na let's say more than 10 years mo ng kaibigan tas one day nagustuhan mo siya, do you think  you can easily confess o mas aangat sa'yo 'yung takot na baka masira lang 'yung friendship ninyo once na umamin ka?"

That make sense. Hindi ko na kailangang sagutin 'yun dahil kahit sino naman yata ay matatakot talaga na umamin sa kaibigan niya, what more sa nakasama mo for more than a decade? Natigil ako sa pag-iisip dahil napansin ko na mas lumala ang pagtawa niya nang makita ang reaksyon ko na nag-iisip.

"What?!" I pouted.

"It's cute. You're innocent about such things."

"E bakit ba kasi pino-point out mo 'yan?"

Ginulo niya ang buhok ko. "I'm just curious."

"Or jealous?" pang-aasar ko.

"Both?" natatawang sabi niya.

Inirapan ko siya. Sa tingin ko naman hindi iyon ang case sa'min ni Niko. I don't know, I just can't see Niko and I with that kind of situation. Baka mandiri lang 'yun 'pag sinabi ko pa sa kaniya.

Binalik ko ang tingin sa tanghulu na ibinigay niya.

"Anyway, thank you for this, Sir," I joked too.

"Edi may utang ka na uli sa akin?"

Hinampas ko siya nang mahina, "No, I can't na. May sched na ako after."

"Hindi ko naman sinabing ngayon lang p'wede magbayad," bulong niya pero narinig ko naman.

Pasekreto namang akong natawa. Bahagya niya 'yung napansin kqyq nagkunwari akong naubo. "So.. how much nga for this?"

"Breakfast tomorrow maybe?"

Umiling ako. "The real price, Zion."

"Oh, you're rejecting me already?" malungkot kunwari na sabi niya.

"What?" natatawang sagot ko.

"You don't have to pay for it, Diana. Just consider it as my treat."

Sumubo ako ng isang strawberry. Mahirap pala kainin 'yun! Med'yo dumidikit kasi 'yung sugar sa ngipin ko pero masarap naman.

Kumuha uli ako ng isa at kinain 'yun. "I told you, I don't like owing people."

Nakita kong kumain din siya ng isang piraso ng strawberry. Med'yo natawa pa ako nang mapansing nahihirapan din siyang kainin 'yun. Pero nakita ko naman na nasarapan din siya roon.

Ilang minuto ang nakalipas pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

"What's your favorite thing to do, Diana?" pag-iiba niya ng topic.

"Paying people?" pang-aasar ko.

He rolled his eyes. What?! Muli akong natawa sa inasta niya. Parang sampung personality na ang naipapakita niya sa akin ngayong araw.

Huminga ako nang malalim at pinigilan ang pagtawa dahil napansin kong mas sumama ang tingin niya sa akin dahil doon.

"Taking pictures," I said, a smile playing on my lips. "I've always loved capturing moments, whether it's anyone or anything. It's been a hobby of mine since I was a child."

"My dad.. he passed away without any pictures of us together as a family. He was sick back then, so we couldn't really go out and have fun. Maybe that's one of the reasons why I developed a passion for photography. I imagined that whenever they reminisce an event, they would be happy to look at the pictures I took. It's like preserving a memory, a tangible reminder of a special moment. But for me, there's none of that. I have nothing to look back on.. and I know how that feels."

Nakatingin lang siya sa akin, actively listening to me. Parang iniingatan niya na may masabing mali. At the end, wala siyang sinabi pero naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.

Something that is more than enough for me.

I smiled. "Thank you."

"For what?"

"For not saying sorry after you heard my story."

"It seems like it's still a good memory to you."

That's true. I love telling stories about my Dad. Pero I don't like how they respond, as if it's something to be pitied for.

"I should be the one saying thank you."

Napatingin naman ako sa kaniya, "For what?"

He met my gaze. As he reached out to gently wipe a stain from my lips, I felt a flutter in my heart. Lightly, I brushed his hand away, trying to hide my reaction.

He smiled softly. A sweet, reassuring smile. As if he's telling you that he's always ready to listen and empathize to any dramatic stories I will share.

"Thank you.. for telling me your story," he whispered, his voice filled with genuine warmth.

I gave him my smile too. "Thank you also.. for listening."

We continued to gaze at each other, with both of us having a smile on our faces.

Paiba-iba ang nagiging usapan namin. Hindi gano'n kaganda ang transition noon pero wala man lang ako naramdamang ganoon. Komportable akong nakaupo sa tabi niya at walang awkwardness sa pagbabatuhan namin ng mga salita.

Mas lalo akong napangiti. Nahinto iyon nang parehas tumunog ang cellphone namin.

From: Niko

15 mins. Court.

Napatingin ako sa oras at na-realize na malapit na magsisimula ang next game. Parehas kaming napatingin muli sa isa't isa at nahulaan na agad kung tungkol saan ang message na natanggap namin.

Mabilis kaming tumayo parehas at nagsimulang maglakad pabalik.

"Masiyado mong sinulit ang payment ko at lumagpas ka na ng 5 minutes," pagbibiro ko.

"It doesn't really sounds like you're complaining, Diana."

"Baka may mali sa pandinig mo, Zion," pagbibiro ko muli at idiniin ang pagbanggit sa kaniyang pangalan.

He chuckled softly. "God, I like you."

"Come on, Zion. It hasn't been a day since we met each other," pang-aasar ko.

Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. "Ouch, and here I was assuming that you like me too."

"Mataas kasi ang standards ko," pang-aasar ko pa.

He glanced at me, "It's okay. Kaya ko namang abutin 'yan."

I looked back at him. Parehas yata naming gusto ang staring contest dahil ilang beses na kaming nagtititigan sa isang araw at natitigil lang iyon kung ako ang unang bibitaw.

"We'll see."

The only response I got was his smile. But one thing for sure, he really had a good smile, and I had a freaking good day.

A really good day.

Actourine 🌿 | 02

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top