Chapter 8
EIGHT:
Pagkatapos ng huling klase ngayong hapon, balak kong tumakas pauwi ng hindi nahahalata ng barkada. Ngayon kasi nakatakda ang paghaharap namin ni Ried at mukhang hindi ko pa talaga kaya.
Habang hindi nakatingin sa'kin si Megan o si Caleb na pareho kong classmate sa huling period, mabilis kong kinuha ang bag ko at maingat na lumabas ng classroom. Pero nang inakala kong nakaligtas na ako, hindi ko inakala na nasa mismong labas ng classroom si Reid na mukhang naghihintay sa'kin at sa magaganap na konprontasyon.
"Mukhang nagmamadali ka, Sizz." Puna nito na mukhang nababasa ang gagawing pagtakas ko. Kilalang-kilala nga pala nila ako.
"Eksakto, pauwi na rin naman ako." saad ni Reid na ginagawang normal ang lahat. "Walang susundo sa'yo diba? So, dating gawi, sabay ka na sa'kin."
"Actually," mabilis ako nag-isip na pwedeng idahilan. "Sa hospital ang punta ko kay Kuya Gian. Kaya naman, hindi ako makakasabay sa'yo."
"Walang problema, ihahatid nalang kita sa hospital. Para madalaw ko na rin ang kapatid mo." Lumapit sa'kin si Reid at kinuha ang bag ko.
Parang gustong magwala ang kung ano mang nasa dibdib ko. Wala akong kawala.
Napasunod na rin lang ako kay Reid. Simula ng pumasok ako sa loob ng sasakyan niya, wala akong naging kahit anong imik.
"So, kumusta naman si Kuya Gian?" tanong ni Reid na nagsisikap na mawala ang pagka-ilang ko.
"Okay na rin naman siya nang iwan ko kaninang umaga. Baka nga makalabas na rin siya."
"How about your parents? Maayos na ba sila?" muling tanong ni Reid to keep the conversation going.
"Papunta na sa paayos. Sinundan ni Dad si Mommy sa San Agustin. At siguro inaayos na nila ang mga bagay-bagay."
"Then that's good. At least your Dad is making an effort."
Tumango lang ako na hindi pa rin komportable sa pag-uusap namin.
"Sizz, about what happened..."
Sa pagbubukas ng usaping ito ni Reid, mas lalo akong hindi naging komportable.
"Hindi mo ako kailangang iwasan."
Nanatili akong tahimik na tuluyan ng nawalan ng dila.
"Remember what you told me last time?" ilang sandali itong tumigil para tignan ako saka muling nagpatuloy. "Sinabi mo na mahalaga ang barkada natin para sa'yo. Hindi mo gustong nagkakaroon ng misunderstanding kahit gaano pa kaliit o kalaki. Kaya nakikipag-usap ako sa'yo ngayon para maayos at hindi humantong sa mas malaking hindi pagkakaintindihan ang ilang bagay sa pagitan natin."
Bigla't bigla nawala ang ilang na nararamdaman ko. Naguilty rin ako sa alalahaning binibigay ko kay Reid. "I'm sorry. Hindi ko dapat 'yon sinabi. Nagsisisi na ako. Kasalanan 'to ng alak..."
Isang halakhak ang sinagot ni Reid na ikinatigil ko sa pagsasalita.
"Para talaga sa'yo makasalanan ang alak. Anong gusto mong ipataw nating kaparusahan sa alak?"
Sa halip na tumawa, seryoso pa rin ang mukha ko. "Reid, I'm serious, nagsisisi na talaga ako!"
Nahawa na rin si Reid sa pagkaseryoso ko nang muling magsalita ito. "Nagsisisi ka man o hindi, hindi 'yon importante sa'kin. Dahil kahit gaano ka pa kapatay na patay sa sa'kin.. you'll always be the baby Sizzy na kilala ko. Walang nagbago.. Infact, I'm glad to know na natalo ko ang dalawang mokong sa ranking. Pakiramdam ko, I'm five steps ahead of them."
Napangiti ako.
Napuna nito ang malapad kong ngiti. "Does it mean we're good?"
Tumango lang ako na may kasamang ngiti.
"Salamat naman. Pero may isa pa akong gustong maliwanagan na bagay..."
Bigla akong kinabahan sa pagkaseryoso ng mukha ni Reid. "Ano?"
"Did you really mean it when you said that I'm naturally hot without taking off my shirt. Ang sarap lang kasi pakinggan. Pwede bang pakiulit mo 'yon?"
At 'yon ang nagpatawa sa'kin ng napakalakas na tuluyan nagpawala ng kaninang pagka-ilang.
Ilang sandali lang naihatid rin ako ni Reid sa ospital, hindi rin siya agad umalis at sinamahan pa ako ng ilang oras sa pagbabantay. Napahaba rin ang pag-uusap namin bago siya tuluyang nagpaalam.
"Where's Reid?"
Napabaling ako sa nakahiga kong kapatid na kagigising lang. "Kaaalis lang kuya."
Kumilos ito para umupo na hindi na nangangailangan pa ng mag-aalalay. "You like him?"
Mukhang ngayon rin lang ulit nagkaroon ng pakialam sa buhay ko si Kuya matapos siyang iwan ng girlfriend. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Hindi mahirap malaman 'yon. Kilala kita Sizzy..."
"Kung ganun paano mo nalaman na may gusto ako sa kaniya?" Ganoon na ba talaga 'yon ka-obvious?
"Dahil kapatid kita."
"Kung ganoon, ba't hindi mo nalaman na may gusto sa'yo si ate Aries? Kapatid mo rin siya..." Alam kong hindi magandang iungkat ngayon kay kuya ang nakaraan na may kinalaman kay ate Aries, pero di ko mapigilan. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang maging komplikado ang sitwasyon nila kahit pwede naman sanang maayos na walang nagkakasakitan.
"Sizzy..." suway ni kuya na inaasahan ko na rin naman. Hanggang ngayon hindi nito gustong pag-usapan ang ilang bagay na gusto ko rin namang malaman.
"Bakit hindi na lang si ate Aries, kuya? Mahal na mahal ka niya. Kapatid nga natin siya, pero hindi kadugo. Ba't hindi na lang siya?"
Sa unang pagkakataon nakita ko ang hindi pag-iwas ni kuya sa tanong ko. "Kailangan mong maintindihan Sizzy na hindi lahat naipipilit. 'Wag mong ipwersa ang bagay na hindi para sa'yo. Masasaktan ka lang kapag pinilit mong suotin ang sapatos na hindi kasya sa'yo."
"Pero para sa'kin, kapag nakita ko ang perfect shoes na para sa'kin, kahit hindi pa 'yon kasya... kukunin ko pa rin yon. Kahit hindi ko nasusuot, masaya na akong nakikita 'yon. Hanggang sa dadating ang araw na kaya ko ng ipamigay 'yon sa tamang taong sa tingin ko karapatdapat." Hindi ko inaalis ang tingin ko kay kuya. Gusto kong lang iparating sa kanya ang saloobin ni ate Aries na hindi man lang nito pinakinggan noon. "You should have let her stay, kuya. Hinayaan mo na lang sana siyang mahalin ka. 'Yon lang naman ang gusto niya diba."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top