Chapter 7
SEVEN:
Huling klase na sa umaga ang tangi kong napasukan dahil bukod sa puyat kagabi ng pag-aasikaso sa kapatid kong may sakit, naging pahirapan ang naging pamimilit ko kay kuya Gian na idala siya sa hospital.
Sunud-sunod na kalabit ang pumukaw sa'kin mula sa napapapikit kong mga mata sa mismong loob ng klase.
"Gising Sizzy!" mahinang bulong ni Megan na katabi ko lang sa upuan. "Kaunti na lang mahuhuli ka na ni ma'am."
Kahit mahirap, pilit kong minulat ang sarili kong mata at pigilan ang muling pagsara nito. "Thanks, Meg!" di ko palaging nakakalimutang magpasalamat kay Megan sa tuwing sinasalba ako nito kahit sa pinakamaliit na bagay.
"Ba't parang puyat na puyat ka kasi? At bakit wala ka sa mga naunang klase kanina?" tanong nito sa pabulong paring paraan.
"Ang magaling kong kapatid, Iniwan lang naman ng girlfriend niyang si Hailey. Ayun nagkasakit. Ako lang ang nasa bahay para mag-asikaso sa kanya. Ngayong umaga rin lang nagpadala sa ospital."
Biglang kumislap ang mga mata ni Megan sa narinig. "Single na ulit si Kuya mo? Wow! that's a good news. Saang hospital siya? Dadalawin ko."
Hindi na nakapagtataka kung ganito man ang reaksyon ni Megan dahil matagal na niyang pinagpapantasyahan ang kapatid ko. "Tumigil ka nga! Alam mo namang hindi ako payag na makatuluyan ni kuya Gian ang tulad mong babae na immature. Hindi kita gugustuhing maging sister-in-law. Masaya na akong bestfriend ka lang."
Sasagot pa sana si Megan nang biglang ang mala-awtoridad na boses ang sumingit sa'min. "Ms. Castañeda and Ms. Imperial, I want you out of my class now!"
Wala kaming nagawa kundi ang lumabas dahil sadyang estrikto si Mrs. Lagdamayo pagdating sa patakaran sa loob ng klase. Pero pinagpapasalamat ko din iyon dahil nagawa kong umidlip kahit kaunti man lang na oras.
"Sizz, Tara na. Tinawagan na ako ni Caleb. Naghihintay na raw sila sa Cafeteria."
"Ikaw na lang, busog pa naman ako."
"What?!" naalarma si Megan sa sinabi ko. "Hanggang ba naman ngayon? Hanggang kailan mo ba pangangatawanan ang pag-iwas mo? OA at nakakatawa kana, alam mo ba 'yon?!"
"Basta, Ayoko, Meg. 'Wag mo kong pilitin dahil hindi ako magpapapilit. Pumunta kana sa kanila, ikaw na ang bahalang magdahilan."
Nang pumayag at umalis na rin si Megan, mas pinili kong tumambay sa library. Ang lugar na matagal ko ng di nadadalaw. Ibubuhos ko na lang ang ilang oras na mag-isa ako sa napakaraming aklat na interesting sa paningin ko.
Pero sa pagsisimula ko pa lang ng pagbuklat ng napili kong libro, isang tao ang biglang sumulpot para abalahin ako.
"Caleb, Anong ginagawa mo dito?" sita ko sa kanya at bigla kong tinignan kong may kasama siya, pero buti wala.
"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan kung bakit ka nandito. Galit ka pa rin ba sa'kin?" Pag-aalala nito sa huling pagbibiro nito na ikina-walk-out ko kahapon.
"Hindi ako galit sa'yo." Hindi naman talaga ako galit kay Caleb o sa kahit na kanino sa kanila. Galit ako sa sarili ko dahil sa mga kahihiyang hindi ko ma-handle na ako mismo ang may gawa.
Umupo si Caleb sa mismong tapat ko sa napakaseryosong mukha na minsan lang mangyari. "So, it's about you and your confession that night, right? Nahihiya ka ngayong humarap kay Reid? Dahil kung ano man ang mga sinabi mo ng gabing 'yon, lahat totoo. At hindi mo na alam ngayon kung paano i-handle ang sitwasyon. Kaya ka umiiwas ka na lang at nagtatago."
Ahggg! Ba't ba ang galing nila magbasa ng nararamdaman ko. Dahil experts sila pagdating sa inaakto ng babae. So, ganoon din ang iniiisip ni Reid tungkol sa'kin?
"Look Sizz, hindi mo kailangang magpakaganito. Okay lang 'yon kung nagawa mong ilantad ang nararamdaman mo ng gabing 'yon. Wala rin naman 'yon kay Reid. Not a big deal. And to close this issue, kailangan niyong mag-usap ni Reid mamaya."
"No way." Matigas na bulong ko dahil kahit gusto kong isigaw, hindi ko pa naman nakakalimutan na nasa loob kami ng library. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya..."
I'm starting to panic.
Mas lumapit pa si Caleb para pakalmahin pa ako. "Wala kang dapat sabihin. Kakausapin ka lang ni Reid. All you have to do is listen. Hindi mo kailangang mahiya dahil si Reid lang 'yon at naiintindihan ka niya. Naiintindihan ka naming lahat, baby Sizzy 'the first-timer'."
Gustuhin kong mainis sa huling sinabi niya, pero gaya ng dati nanaig ang tuwa ko sa ganitong klaseng mga biro nito.
"Mas maganda kung nakatali lang parati ang buhok mo para naman kitang-kita ang tattoo. Sayang naman, ako kaya ang pinagbayad mo niyan."
"Really?" natatawang saad ko dahil hindi ko na matandaan ang ibang maliit na detalye nang gabing 'yon.
"Oo. Kaya bilang kapalit, Gusto kong ilipat mo ako mula sa no. 3 ranking mo, to no. 2. Mas hamak naman na mas hot ako kaysa kay Kurt. Hindi katanggap-tanggap 'yon. Handa akong ipakita sa'yo ang katawan ko kung gusto mo ng proweba—"
"Tama na ang traumang naabot ko, kaya pwede ba..." nangingiting sambit ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top