Chapter 6
SIX:
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na direktang tumatama sa mata ko. Nakabukas lang kasi ang kurtina kaya malayang nakakapasok ang nakakasilaw na liwanag ng araw.
Sakit ng ulo ang unang-unang naramdaman ko at di mapaliwanag na kung anong meron sa tiyan ko. At mas lalo pang dumagdag ang masamang pakiramdam ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi.
Patakbo akong pumunta sa salamin at maliwanag na nakita ko ang proweba. I froze. May apat na letrang tattoo sa mismong batok ko. R-E-I-D.
Napanganga na lang ako sa loob ng halos isang minuto.
Lumapit agad ako kay Megan na humihilik pa habang natutulog. Walang pakialam na ginising ko siya.
"Meg!" plano ko na sanang buhusan ng tubig si Megan nang sa wakas ay nagising na rin ito.
"Hmmm?" tinatamad na tanong nito.
"Gumising ka! Emergency!!!"
Biglang napabangon naman si Megan na mukhang naalarma sa sinabi ko. "Ano?! May sunog ba?"
"Meg! Nanaginip lang ba ako, o ginawa ko talagang ilaglag ang sarili ko sa harapan ni—" nanghihinang hindi ko na natapos ang sinasabi ko.
Agad rin namang naintindihan ni Megan ang tinutukoy ko. "Sizz, it's okay. It's not a big deal!" at muli itong humiga para ipagpatuloy ang pagtulog.
"NO!"ñ sigaw ko sa kanya na hindi ko bibigyang pagkakataong makaidlip ulit kahit sandali. "Malaking problema 'yon. Paano na ako haharap sa kanya? Anong sasabihin ko? Ni hindi ko kayang ipakita ang mukha ko sa kanya! I swear, mahirap ang pinagdadaanan ko ngayon. Meg, paano burahin ang mga nangyaring kagagahan ko kagabi?!" And to think na maya-maya lang magkakasalubong kami dahil nasa iisang bahay lang naman kami ngayon.
"Meg!" halos sakalin ko na si Megan dahil sa panic na nararamdaman ko. "Itago mo ako." Tumayo ako at tumakbo sa malaking closet ni Megan. "Dito lang ako sa loob ng closet mo hanggang magsi-uwian sila. Sabihin mo... sabihin mo nauna na ako."
Mapapraning na yata ako. "Or... wait! Baka natutulog pa si Reid sa kabila, kaya habang hindi pa siya nagigising, aalis na ako pauwi. Meg, ipahatid mo na ako sa driver mo pauwi, please!!! Right Now!"
Muling bumangon si Megan at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Sizz.. Relax! Ngayon lang kitang nakitang ganito. You know what, simple lang naman ang gagawin mo. Act normal na parang walang nangyari. Iisipin rin nila na wala lang 'yon."
"Hindi ko kaya! Wala akong mukhang ihaharap. Mahirap magpanggap na walang alam o walang naaalala..."
"Anong gusto mo? Magtago kay Reid? Hanggang kailan?"
"Oo. Iiwas muna ako. Ilang araw or weeks or months... kapag ready na ako, saka lang ako magpapakita." Walang sino man ang makakaintindi kung gaano ako kaparanoid ngayon. Ngayon lang ako napunta sa ganitong nakakahiyang sitwasyon.
Mabilis akong nagpabalik-balik sa banyo at agad kong inayos ang sarili ko. "Meg, ipahatid mo na 'ko sa driver mo please!" Mas mabilis sana kung isa man lang sa'min ni Megan ang marunong magmaneho.
"Okay fine. Tatawagin ko lang si Manong." Paglabas ni Megan ng kwarto, sumabay na rin ako. Wala akong dapat palagpasin na oras bago pa magising ang iba.
Pero sa pagbaba palang namin ng hagdan, parang bigla na lang akong nanigas. Kasalukuyang nasa baba na rin sina Caleb at Reid na parehong may hawak na tasa. Gusto ko sanang umatras pabalik ng kwarto pero huli na dahil nakita na nila kami.
"Good Morning, girls." bati ni Caleb sa'min. "Maganda naman ba ang gising niyo?"
Kung alam lang nila kung gaano ko isumpa ang araw na 'to.
"Hindi," sagot ni Megan kay Caleb. "Dahil kulang pa rin ako sa tulog kagagawan ng isang babae diyan na ginising ako na hindi pa naman dapat." Tumingin sa'kin si Megan na may too-late-to-escape look.
Nang lumipat ang tingin sa'kin ni Caleb na mukhang mangungumusta rin ng umaga, bigla akong tumalikod para umakyat pabalik sana sa kwarto ni Megan. Hindi ko pa talaga sila kayang harapin, lalo na si Reid.
"Saan ka pupunta, Sizz?"
Napahinto ako sa tanong ni Caleb, pero hindi ako tumingin. "Magbabanyo lang muna."
"May banyo dito sa baba." Muling saad ni Caleb na mukhang nakakahalata sa pag-iwas ko.
"Mas gusto ko sa banyo ng kwarto ni Meg.." at mabilis na akong umakyat bago pa muling magsalita ng kahit ano si Caleb.
Nang makabalik ako sa kwarto ni Megan, halos hindi ako mapakali na pabalik-balik ng lakad. Hanggang sa sampung minuto na ang lumipas, narinig ko na lang na kinakatok na ako ni ni Megan.
"Wala ka pa bang balak lumabas diyan? Kanina kapa namin hinihintay sa baba."
"At sa tingin mo kaya kong bumaba?"
"Tumigil kana sa kaartehan mo dahil sa ayaw mo't sa hindi bababa tayo para kumain ng agahan. Kapag pinagpatuloy mo 'yan, mas magiging awkward." Mahigpit na hinawakan ako ni Megan para hilahin palabas. "Just like I told you, umakto ka lang ng normal."
At bumaba na nga kami para kumain. At sa pinaka-awkward na sitwasyon, nakaupo pa talaga ako sa pinaka-awkard na posisyon, sa mismong tapat ni Reid.
Sa mahaba-habang oras na kumakain kami, wala akong kibo na parang umurong ang dila at halos nakayuko lang sa pagkain. I hate this feeling.
Habang kumakain, wala akong ginawa kundi ang humiling na sana wala na lang makapansin sa presensiya ko lalong lalo na sa pagiging tahimik ko. Pero hindi nangyari ang gusto ko nang may tumawag sa pangalan ko. "Sizzy?"
At si Reid pa talaga ang nakapansin.
"Ba't ang tahimik mo? Are you okay?"
Pinilit kong magpaka-normal. "O-oo naman. Medyo, masakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko dahil kanina pa nawala ang masama kong pakiramdam simula nang sumingit ang problemang inaalala ko ngayon.
"Uminom ka ng gamot after kumain." Concern naman na sabi ni Kurt. "Nakipagsabayan ka kasi sa'min sa una mong sabak. But you're great para sa isang first-timer."
Tumango lang ako. Pinagdarasal ko na wala sanang mag-ungkat ng mga nangyari kagabi. Kaya mabilis akong nag-isip para mailiko ang topic sa ibang subject, pero bago ko pa man ibuka ang bibig ko, sumingit na ang insensitive na si Caleb.
"Look guys, check this out." Tumayo ito at inalis ang pantaas na damit para ipakita ang tattoo na pinagawa nito kagabi. Nakasulat sa likod nito ang maliliit na pangalan naming lima. "I'm so sweet, right?" pagbibiro nito na daig pa ang babae. "But guess who is sweeter than me?"
Parang gusto ko siyang batukan.
Nakangising lumapit sa'kin si Caleb at mabilis na naitaas ang buhok ko na tumatakip sa pinagawa kong tattoo. "Reid's name. How sweet!"
Para akong nanigas na parang bato. Hindi ako natatawa sa pagbibiro ni Caleb. Hindi ba nito makuha kung bakit ako iwas kanina pa?
Mabilis kong binaba ang buhok ko at agad akong tumayo. "Excuse me." alam kong sa ginawa kong pag-walk-out parang mas lalo ko lang ginagawang issue ang nangyari pero hindi ko lang talaga kaya kumilos ng normal.
"Sizz, Bakit kinailangan mong mag-walk out? Mas naging obvious ka tuloy."
Napabaling ako kay Megan na sinundan ako. "Uuwi na ako, Meg."
"Aalis kana lang na hindi nagpapaalam? Mas lalo sila mag-iisip na—"
"I don't care Meg! Gusto ko ng umuwi. Ikaw na ang bahalang magdahilan sa kanila..."
Wala na ring nagawa si Megan. "Okay. Tatawagin ko lang si manong para ihatid ka sa inyo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top