Chapter 55
Fifty-Five:
Reid's POV
"Nandito na tayo." Sambit ko kay Sizzy nang marating na rin namin ang hotel restaurant. Nakaidlip siya sa biyahe kaya di niya ako narinig.
"Sizzy," tawag ko ulit sa kanya habang napapatitig ako sa maputla pa rin niyang mukha. Ganito na lang ba talaga siya kaapektado sa hiwalayan nila ni Jarred para pabayaan niya na lang ang sarili niya ng ganito? Wala ba siyang sapat na tulog dahil sa kakaisip sa gagong yon?
Mula kay Sizzy, napunta ang tingin ko kay Pepper na napakapormal lang na nakaupo at hindi naglilikot. Kinuha ko siya saka muling ginising si Sizzy kasabay ng isang tapik na nagpamulat na rin dito.
Nagpungas pa siya ng nga mata nang magising siya. "Nakatulog pala ako?"
May dark circles sa mga mata niya, malaki ang eyebags, at halatang walang buhay ang katawan niya. Habang napapansin ang detalye ng mukha at mababang enerhiya niya ngayong araw, wala akong mapaglagyan ng sisi kundi si Jarred. Mas lalo lang lumalalim ang galit ko sa kanya at sa ginawa niya. Makita ko lang talaga ang gagong yon, baka kung anong magawa ko sa kanya.
"Let's go…" Yaya ko kay Sizzy matapos kong burahin muna sa isip ko ang lalaking nagpapakulo ng dugo ko. Inalalayan ko siyang bumaba ng sasakyan hanggang sa makapasok kami sa elevator dahil halatang matamlay talaga ang buong katawan niya.
"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya para alamin ang estado ng nararamdaman niya. Handa akong makinig sa kanya kahit na ikaririndi ng tenga ko ang marinig at maalala ulit ang panloloko sa kanya ni Jarred.
"Oo naman." Sagot niya na napansin kong biglang nag-iwas ng tingin. "Gutom na ako…"
Isinawalang bahala ko na lang ang pagiging mailap niya. "Let's eat." Sambit ko kasabay nang pag-upo namin sa isang mesa kung saan nakahanda na ang pagkaing pinaghanda ko sa isa naming tauhan.
Habang inaasikaso ko si Pepper na may sariling upuan na angkop sa edad niya, biglang nabalik ang atensyon ko kay Sizzy na hindi ginagalaw ang pagkain sa harapan niya.
"Bakit? Di mo ba gusto ang nakahain?" Tanong ko sa kanya na agad niyang ikinailing.
"Hindi. Mukhang masarap nga e." sagot niya na biglang napatayo. "N-naiihi lang ako. Punta muna ako sa banyo."
Tatango sana ako sa kanya pero di ko na rin nagawa dahil mabilis na siyang tumalikod na nagmamadaling pumunta ng banyo. Kasabay ng pag-alis ni Sizzy ay ang pagtunog ng phone niya na nakapatong rin lang sa mesa. Wala naman sana akong balak pakialaman pa 'yon kung hindi ko nakita kung sino ang caller. Si Jarred.
Nakita ko kanina na binlock na siya ni Sizzy kanina nung hiniling ko sa kanyang gawin niya iyon, kaya di ko maintindihan kung bakit nagagawa pa rin niyang tumawag ngayon, unless… inunblock din siya agad ni Sizzy?
Malaking parte ng utak ko ang nagsasabi na damputin ang phone ni Sizzy kaya iyon ang ginawa ko. Sinagot ko ang tawag at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.
"Sizz, pwedeng-pwede ka ng lumipat sa bahay ko sa San Fernando nextweek." sambit ni Jarred na ikinakunot ng noo ko. Aalis si Sizzy? Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya kaya mas nakinig na lang ako. "Pinalilinis ko na iyon sa care taker kaya wala ka ng poproblemahin pa pagdating natin roon. Walang alam tungkol dito si Jasmin dahil tingin ko di na rin naman niya kailangan pang malaman. So don't worry Sizz, everything will be fine..."
Aalis ba sila ni Jarred? Nakipagbalikan siya? O pumapayag ba siyang ipagsabay sila ng Jasmin ngayon?
Nanatili ang katanungang iyon sa utak ko kasabay ng pagpatay ko sa tawag na hindi kinokompronta si Jarred. Kung may kailangan man akong tanungin ngayon, iyon ay si Sizzy na malinaw na nagsinungaling sa'kin. Mukhang handa siyang magpakatanga kay Jarred at tinago niya sa'kin ang tungkol dito dahil alam niyang tututol ako.
Pinagkuyom ko ang mga daliri ko sa galit. Di ako makapaghintay na makausap si Sizzy na hindi pa rin ngayon lumalabas sa banyo. Sa inip ko, tumayo na ako
"Reid," Rinig kong tawag sa'kin ni Inigo na saktong kasusulpot rin lang sa harapan ko para may mapag-iwanan ako kay Pepper. "Di ko alam na nandito ka pala, at kasama mo pala si Pepper--"
Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. "Pwede bang pakibantayan mo na muna si Pepper sandali. Pupuntahan ko lang si Sizzy." Mabilis akong tumayo at iniwan si Pepper kay Inigo. Malalaki ang hakbang kong tinungo ang banyo kung saan pumasok si Sizzy. Dire-diretso akong pumasok roon na hindi pinapansin ang nakapaskil na sign sa pinto na para sa pambabae lang iyon.
Bakante ang bawat cubicle na naabutan ko roon maliban sa pinakadulo na tanging nakasara at…
Natigilan ako nang marinig kong dumuduwal ng paulit-ulit ang taong nasa loob ng pintong iyon. Bigla't bigla, nakalimutan ko ang galit ko at napalitan ng pag-aalala.
"S-sizzy?" Tawag ko kasabay ng sunod-sunod kong pagkatok sa pinto. "Sizzy? Okay ka lang? Buksan mo 'to…"
Sa gitna ng pag-aalala at pagpanic ko, bumukas ang pinto sa harapan ko at niluwa niyon si Sizzy na may butil-butil ng pawis.
"O, Reid, bakit?" Sambit niya na para bang sinasadya niyang magmukhang malakas kahit na halatang-halata ang panghihina niya. "M-medyo masama yata ang tiyan ko ngayong umaga, bigla na lang nag-alburoto…"
"Pero wala ka pang nakakain." Sagot ko sa mapanghinalang tono. Bakit niya kailangang magpanggap sa harapan ko na ayos lang siya kahit na kitang-kita na may itinatago siya?
Bigla't bigla, napagkone-konekta ko ang mga bagay-bagay na ngayon ay nagiging palaisipan na sa'kin. Bakit matamlay siya't antukin kahit na maaga naman siyang nakatulog kagabi? Bakit biglang naging sensitibo ang pang-amoy niya sa kotse ko? At bakit siya naduduwal ngayon kung wala naman siyang kinain?
It's either, may sakit siya, o…
Tinignan ko siya ng malalim. "Sizzy, buntis ka ba?"
Kitang-kita ko ang biglaang pagiging kabado niya kaya sa reaksyon pa lang niya, mukhang kuha ko na ang sagot sa sarili kong tanong.
"H-hindi. A-ano ka ba? Sira lang nga talaga ang tiyan ko--"
"Don't try to deny it, dahil alam kong nagsisinungaling ka." Malamig na sambit ko dahil naiinis ako sa paglilihim niya. Kelan niya ba planong sabihin sa'kin?
Hindi na siya makatingin ng diretso sa'kin na kumumpirma lang sa katotohanan.
"You should have told me. Ba't kailangan mong ilihim?" Pagpapatuloy ko habang pigil akong maglabas ng galit. I still can't believe na sinasarili niya 'to. At ano, kung di ko pa nadiskubre ngayon, di pa ba niya sasabihin?
Saka niya lang ako tiningala na para bang humugit siya ng lakas loob para salubungin ang mga mata ko. "Dahil ayokong abalahin ka pa."
"Ano?" Napasinghap ako at mas lalo lang nainis sa napakababaw na rason niya. This is even worse than before. "Mira, hindi mo kailangang solohin yan dahil sa ayaw ko man o sa gusto, I'm involve on this. Kailangan kong panagutan ang pinagbubuntis mo--"
"Jarred is the father." Putol niya sa'kin na ikinatigil ko ng matagal dahil di ko alam kung nabingi lang ba ako sa sinabi niya.
"Hindi. I don't think so." Napapailing ako ng makailang ulit. "Nakalimutan mo na bang may nangyari sa'tin?, So how sure are you that he's the father?"
"I-just know." Nauutal na naman niyang sabi, kaya mas lalo lang akong nagiging mapanghinala. "Basta siya ang ama kaya hindi mo kailangang mamroblema. Anyway, alam na ni Jarred ang tungkol dito, at… reresolbahin namin 'tong dalawa."
Biglang bumalik sa utak ko ang tawag na natanggap ko mula kay Jarred at saka ko rin lang nakonekta ang malalabong bagay.
Binigyan ko ng masamang tingin si Sizzy kasabay ng mapagduda kong mga tanong. "Nagsinungaling ka ba kay Jarred na siya ang ama para maitali mo siya sayo? Pinapaniwala mo siya na kanya ang dinadala mo, para masiguro mong hindi siya mawawala sayo?"
"Siya ang ama." Pag-uulit niya sa bagay na akala mo sigurado siya.
"Pero paano mo nga masasabi na sa kanya yan, kung may nangyari satin? Pumunta ka na ba sa doktor? Alam mo na ba kung ilang weeks ka ng buntis? Siguro naman mapag-aalaman natin dahil roon…"
Hindi nakaligtas sa'kin ang makailang ulit niyang paglunok dala ng kaba. "The day after noong may nangyari sa'tin, may nangyari sa'min ni Jarred, kaya walang saysay ang pagtrace ng number of weeks ng pregnancy ko."
"Exactly!" Sambit ko na siyang kanina ko pang pinupunto. "That only means, di ka nga sigurado na siya ang ama, kaya huwag mong sasabihin sa harap ko na paaakuin mo sa kanya dahil wala kang pinanghahawakan na susuporta sa sinasabi mo."
"Sabihin na nati'ng hindi ako sigurado kung sino sa inyong dalawa, pero mabuti ng paakuin ko na lang 'to kay Jarred--"
"That's bullshit, Sizzy!" Sigaw ko sa kanya na halos mapatid ang mga ugat ko sa leeg sa taas ng boses ko. I saw her flinch, pero agad din siyang nakabawi saka tinignan ako. Halatang anumang oras, bubuhos na ang luha niya.
"M-mahal ko siya," mahinang sambit niya nakakataas lang lalo ng dugo. "At ayokong mawala si Jarred sa'kin, kaya please…"
Nagtagis bagang ako habang pinagkukuyom ko ang mga daliri ko. Halos mamuhi ako sa galit ko kay Sizzy at sa mga walang kwentang rason niya. "At paano kung anak ko yan? Papalakihin mo siyang iba ang kinikilala niyang ama dahil lang sa pagiging selfish at tanga mo sa isang lalake? Sh*t, Sizzy, akala ko ba nagbago ka na? Wala ka pa rin palang pinagbago sa Sizzy na kinamuhian ko years ago! You're impossible!"
Nakakapanggigil siya sa galit. Pero umaasa pa rin ako na titino ngayon ang baluktot na pag-iisip niya.
"Ako ang ina ng pinagbubuntis ko, at yon ang bagay na sigurado ako. Kaya tama lang naman siguro na sariling desisyon ko ang masusunod dito." pagmamatigas niya na tuluyang naging hudyat para sumagad ang galit ko sa kanya.
Halos kasuklaman ko siya ng sobra-sobra kaya wala na rin akong ititira pang awa sa kanya.
"Fine." Sambit ko kasabay ng pagtango ko. Kalmado na ang boses ko, pero di mawawala ang lamig at intensidad ng tingin ko sa kanya. "Bahala ka na sa kung ano mang gustong gawin mo! Sumama't magpakasaya kayo ni Jarred sa malayo kasama ang anak niyo, pero…" Sinigurado kong nakikinig siya sa bawat linyang sasabihin ko. "Sa oras na gawin mo yun, sa'kin maiiwan si Pepper at ako ang magpapalaki sa kanya, naiintindihan mo ba? Kaya mag-isip ka Sizzy kung sasama ka sa lalaking iyon."
Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya dahil tinalikuran ko na siya para puntahan si Pepper. Rinig ko ang panic sa boses niya na hindi pumapayag sa gusto ko.
"I said what I said, Sizzy." Huling sabi ko sa kanya bago ko kunin si Pepper sa naguguluhang si Inigo. "Habang hindi ka pa makapagdesisyon, sa'kin na muna siya."
"Reid, huwag naman ganito please… Hayaan mo ng isama ko si Pepper--" Puno na ng pagmamakaawa si Sizzy habang hirap makipagsabayan sa mga malalaking hakbang ko. Halatang nanghihina ang katawan niya na para bang hihimatayin anumang oras, pero hindi pa rin ako nagpapigil at nagpadala ng dahil lang roon.
Pumasok ako ng elevator at pinagmasdan ang pag-iiyak ni Sizzy na dinaluhan na rin ni Inigo para alalayan. Kayang-kaya ko siyang tiisin ngayon dahil na rin siguro sa sobrang galit na nararamdaman ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na dahil lang sa sobrang pagmamahal niya kay Jarred, nagagawa niya ang bagay na 'to.
Hindi ko na nasundan ang panunuod ng pagdadrama ni Sizzy nang sumara na rin sa wakas ang elevator. Tanging iyak ni Pepper ang sunod ko na lang na narinig na para bang naiintindihan niya ang paglayo ko sa kanya sa sarili niyang ina.
"Don't worry, Pepper…you'll be fine with me." Sambit ko habang yakap-yakap at pinapatahan ang sarili kong anak.
------😋------
the end is near.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top