Chapter 52

FIFTY-TWO:

Reid's POV

Nakatutok ang mga mata ko sa papaalis na sasakyan ni Sizzy na maayos na ngayon ang kotse. Kung hindi pa siguro ako dumating o nahuli lang ako ng konti, siguradong mapapahamak siya rito sa lugar na 'to. Ang hindi ko kasi maintindihan ay kung bakit pwede naman niya ako hingan ng tulong kahit anong oras, pero mas pinili pa niyang lapitan ang ibang tao tulad na lang ni Inigo. Pero buti na lang naroon ako nang tumawag siya.

"Kung balak mo siyang sundan, 'wag muna ngayon, baka pwedeng ihatid mo na muna ako. Siguradong mahuhuli na ako nito sa blind date ko." Reklamo ni Pamela na kailangan ko pa nga palang ihatid sa lakad niya. Pati siya kailangan kong isama ngayon rito para lang mas pagpaniwalain pa si Sizzy sa pekeng relasyon namin ni Pamela. Ito na rin lang kasi ang tanging alam kong solusyon para hindi niya ako tuluyang iwasan. Kaya kung ang itago ang totoong nararamdaman ko para sa kanya ang tanging paraan para 'wag siyang lumayo,handa ko 'tong gawin.

Binuhay ko na rin ang makina ng kotse ko at sinimulang paandarin sa kasalungat na direksyon ng dinaanan ni Sizzy para maihatid si Pamela. "Wag kang mag-alala, on-time kitang maihahatid sa date mo. Pagpatuloy mo na lang ang pagtulog mo." Sagot ko sa kanya na parang mas lalo lang nagising dahil umayos na siya ng upo.

"Hindi naman talaga ako ntulog. Nagkunwari lang ako para makaiwas kay Sizzy. Mahirap na kasi, baka magtanong siya ng kung ano-ano tungkol sa pekeng relasyon natin at mabuko ka pa. Lalo na't hindi pa naman ako magaling sa pagsisinungaling at sa paggawa ng istorya."

"Sorry kung kailangan kitang idawit sa ganitong sitwasyon." Hindi ko naman sana gustong mangdamay pa ng ibang tao sa problema kong ito pero wala na talaga ako g mapagpipilian. Kung sakaling inamin ko kay Sizzy ang totoong nararamdaman ko para sa kanya siguradong masisira lang ang pagkakaibigan at magandang relasyon ko sa kanya. Iiwas siya at lalayo dahil mas gugustuhin at pipiliin niyang mas masalba ang relasyon niya kay Jarred.

"Ayos lang naman sakin, walang problema." Sagot ni Pamela. "Pero ang sa'kin lang naman, sa halip na ipaglaban mo ang nararamdaman mo para ky Sizzy, aba'y mas lalo kang mawawalan ng tiyansa sa kanya dahil ang alam niya, tayo na."

"She's already happy with Jarred." Matapos noong gabing nagtapat ako sa kanya, isang masakit na desisyon para sa'kin ang piliing sumuko na lang at huwag ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya lalo na't ramdam kong umiiwas na siya at di na ganoong kakomportable sa harap ko noong mga sumunod na araw na pagkikita namin. Sa puntong iyon, napagtanto ko na huli at talo na talaga ako.

"Pero sayang. Malay mo pala my chance ka pa, lalo na't may kasabihan tayong first love never dies. Di'ba matagal-tagal ka rin niyang minahal. Nabaliw din daw sayo si Sizzy noon. Mumuntikan rin pala kayong ikasal ayon sa nalaman ko."

Wala akong tanging maisagot pabalik kay Pamela kundi bahagyang pagngiti na may panghihinayang. Sa loob-loob ko, malaking pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon, dahil marami-rami nga pala talaga ang pinalagpas kong pagkakataon. Minahal ako ni Sizzy noon, pero nagbulag-bulagan ako at di man lang nakita iyon. Mumuntikan kaming ikasal… mumuntikang bumuo ng isang pamilya… kaso masyado akong kinain ng galit ko... Paano nga talaga kaya kung napangasawa ko siya noon? Paano kung di ako nagpadala sa galit ko at tinanggap ko na lang siya at ang pinagbubuntis niya?… Panigurado natutunan ko rin siyang mahalin… Siguro masaya ako ngayon, Siguro masaya kami… Baka marami na kaming anak ngayon…

"Masyado akong naging masama sa kanya." Tukoy ko sa kung paano ko tratuhin si Sizzy noong mga panahong puno pa ako ng galit sa kanya. "Kaya nga, hindi na ako nagtataka pa kung bakit mas napadali ang ginawang paglimot niya sa nararamdaman niya para sa'kin. Siguradong di niya pipiliin pang magustuhan ako. Masyado ko siyang nasaktan."

Kung hindi dahil kay Pepper, hindi magbabago ang tingin at trato ko sa kanya. Naging susi ang anak namin para mapatawad ko siya. Yon nga lang, nagsisisi talaga ako kung bakit ngayon lang. Sana noong una palang, pinili ko na ang magpatawad.

"Pero ni minsan, hindi ka niya kinamuhian. Wala siyang ibang ginawa kundi ang humingi ng tawad sayo kahit na napakaimposible ng mangyari yon. Nabalik na rin niya sa ayos ang pagkakaibigan niyo. And for that, humanga ako kay Sizzy. Siya nga naman talaga ang klase ng babaeng nararapat mong panghinayangan." Komento ni Pamela na nakakalimutan kong matagal-tagal na nga rin pala siyang kaibigan ni Sizzy kaya natural lang na marami-rami na rin ang naiaambag niyang opinyon. "Tingin ko talaga, may pag-asa ka pang maagaw si Sizzy kay Jarred kung pipiliin mo lang. Alam ko kasing malalim rin ang naging marka mo kay Sizzy kaya nasasabi ko 'to."

Humigpit ang hawak ang ng mga kamay ko sa manibela habang pinananatili kong tikom ang bibig ko. Alam ng kaloob-looban ko kung gaano ko pinagdasal na sana nabuntis ko na lang si Sizzy sa pangalawang pagkakataon, dahil parang ito na rin lang ang natatanging pag-asa ko. Alam kong unfair para sa kanya lalo na't siguradong ikasisira ito ng relasyon nila ni Jarred, pero di ko mapigilang isipin at ihangad na lang na mangyari iyon.

Nakainom ako ng gabing iyon, pero hindi ko maikakaila sa sarili ko na ginusto ko ang nangyari. Hindi totoong lunod na lunod ako sa alak at wala sa katinuan para walang maalala sa detalye. Ngayon ko rin lang naiintindihan si Sizzy kung bakit niya nagawa ang pagkakamaling iyon noon.

"Pero kung wala ka rin naman palang balak na agawin si Sizzy, mas mabuting makipagdate ka na lang sa iba para mapadali ang pagmove-on mo. Sabihin mo lang kung kelan ka na ready makipagdate dahil ako na ang bahala. Hindi nga lang ako dahil nagugustuhan ko na yong maglilimang araw ko ng ka-date, kaya 'wag mo akong pagpantasyahan."

Seryosong napailing na lang ako sa huling sinabi niya kahit na alam kong biro lang niya iyon.

"Hindi pakikipagdate ang nakikita kong solusyon sa ngayon." Tanging sagot ko. Ang totoo, di na rin naman ako umaasa pa na magkakaroon pa ako ng puwang sa puso ni Sizzy, at kung wala man lang akong plano sa ngayon na kalimutan ang nararamdaman kong ito para sa kanya, yon ay dahil sa mas gusto ko na ganito lang muna. Ayokong pilitin o pwersahin ang sarili ko sa iba, ayoko ring lumayo o umiwas sa kanya. Mas gusto ko na nakikita't nakakasama ko lang siya araw-araw... Para sa'kin sapat na yon.

"Ikaw ang bahala. Pero kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako, dagil marami akong kakilala na tibgin ko match sayo."

Sa kalagitnaan ng usapan namin, napansin ko na lang na biglaang bumigat ang traffic at naipit na kami sa kalsada. Sinamantala ko na rin ang sandaling pagtigil para itext si Sizzy kung nakauwi na ba siya sa kanila. Habang naghihintay ng sagot mula sa kanya at nang pag-usad ng nasa unahan na sasakyan, nabaling ang atensyon ko sa katabing kotse na nakabukas ang bintana. Si Jarred ang unang kilala ko na driver ng sasakyan pero di ko agad inisip na siya iyon dahil sabi nga ni Sizzy wala siya rito. Pero sa ikalawang pagmasid ko, nakumpirma kong tama nga ako at di ako nagkakamali ng tingin. Nagsimula na rin akong maghinala nang mapansin kong may kasama siyang babae. Hindi ko man sila naririnig dahil sa may kalayuan ang distansiya namin, masasabi ko naman base sa gestures nila na parang may kung anong namamagitan sa dalawa. Nambababae ba si Jarred? Niloloko ba niya si Sizzy?

Alam ko'ng mali na pag-isipan si Jarred lalo na't hindi pa naman ako sigurado, kaya di ko sila hiniwalayan ng tingin hangga't di ko napapatunayan na tama ako. Binantayan ko sila hanggang sa masaksihan ng dalawang mata ko ang hinihintay kong kumpirmasyon nang maghalikan ang dalawa. Awtomatikong nag-init ang dugo ko kay Jarred na gustong-gusto ko ngayon basagin ang bungo.

Dahil na rin sa matinding galit ko, walang pag-ingat ang pagkalas ko ng seatbelt at pagbukas ng pintuan na ikinagulat ni Pamela.

"Reid? Saan ka pupunta?" Tanong niya na nakapaantala sa pagbaba ko ng sasakyan.

"Si Jarred, 'yong boyfriend ni Sizzy, may kasama at kahalikang babae. Gusto ko siyang sugurin ngayon at bugbugin…" sagot ko sa kanya para di na rin siya magtaka kung babalik man akong duguan ang kamao.

Maagap ang pagpigil na ginawa sa'kin ni Pamela na mahigpit akong hinawakan sa braso bago pa man ako makababa. "Reid, huwag na. Di mo na kailangan pang gawin yan. Sabihin na lang natin kay Sizzy ang nakita mo--"

"Tuturuan ko ng leksyon ang gagong 'yon kaya huwag mo akong pigilan." Wala akong balak na magpapigil kay Pamela dahil determinado akong paulanan ng suntok si Jarred. Nang magawa ko ng makakalas kay Pamela saka naman nagsimulang umusad ang mga sasakyan mula sa pagkakahinto. Sunod ko na lang nalaman, nasa unahan na ang kotse ni Jarred na napapalayo na ang distansya. Kumilos ako sa pagmaneho ng kotse para abutan iyon dahil di pa rin nagbabago ang isip ko sa gusto kong gawin.

"Hayaan mo na lang siya, Reid. Wala kang makukuha sa gagawin mo sa kanya. Mapapahamak ka lang." Kahit anong pakiusap ni Pamela wala akong balak na pakinggan siya. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa sasakyan ni Jarred pero may sumingit na isang kotse kaya nawawala ang paningin ko roon. Nang magsibilisan na ang usad ng mga sasakyan, tuluyan ng nakawala ang sinusundan ko.

Nagpalabas ako ng malalim na buntong hininga dahil sa frustration.

"Ayos lang yan na hindi mo siya naabutan. Mabuti nga iyon dahil pupwedeng mapahamak ka lang sa eskandalong gagawin mo. Ang importante, malaman ni Sizzy ang tungkol kay Jarred." Komento ni Pamela na hindi nakatulong para kumalma ako. Ramdam ko pa rin ang galit sa loob-loob ko, pero nanahimik na lang ako hanggang sa maihatid ko siya sa date niya.

Sa minutong makababa siya ng sasakyan, ura-uradang pinaharurot ko ang minamaneho kong kotse marating lang ang bahay nina Sizzy.

***

Malalim-lalim na ang gabi nang makarating ako kina Sizzy. Mukhang tulog na ang mga tao sa bahay dahil sarado na ang pinto at mga bintana at wala na rin akong matanaw na bukas na ilaw mula sa labas. Di pa rin ako nagpapigil dahil tinawagan ko ang phone ni Sizzy hanggang sa sagutin niya iyon. Ilang sandali lang binaba rin niya ako at pinagbuksan ng pinto.

"Ba't ka napapunta rito? May nangyari ba?" Nasa mukha niya ang pagtataka sa biglaan kong pagsulpot ngayon sa kanila.

Wala akong balak na itago ang nakita ko kanina. Hinding-hindi ko pagtatakpan ang ginagawang panloloko sa kanya ni Jarred. "Oo, may nangyari nga. Di ako mapapasugod ng basta rito kung wala naman akong importanteng sasabihin."

"B-bakit? Tungkol saan ba 'yan?" Nasa mata niya ang kuryosidad sa kung ano mang sasabihin ko. "Nagkaproblema ba kayo ni Pamela? Nag-away ba kayo?"

"Hindi 'to tungkol sa'min, tungkol 'to sainyo ni Jarred." Ayoko ng pagligoy-liguyin ang dapat niyang malaman. "Niloloko ka ni Jarred. Hindi totoong wala siya rito dahil kani-kanina lng nakita ko siya. At may kasama siyang babae."

Sandaling natigilan si Sizzy. Hindi ko nakita ang pagkabigla sa mga mata at maging reaksyon niya. Alam kong normal lang na di niya ako paniwalaan sa umpisa, kaya di ako titigil hangga't di ko siya nakukumbinsi.

"Maniwala ka sa'kin Sizzy, nakita ng dalawang mata ko na naghahalikan sila kaya hindi mo kailangang magtanga-tanga-tangahan pa sa kanya--"

"Nakaharap mo ba siya?" Tanong niya.

"Hindi. Hindi niya ako nakita. Balak ko sana siyang komprontahin at pagsusuntukin sa ginagawa niyang panloloko sayo kaso di ko na siya inabutan pa. Kung alam ko nga lang kung nasaan siya ngayon, siguradong sinugod ko na ang gagong yon."

"Reid, huwag na huwag mong gagawin 'yan." Pagsusuway niya sa'kin na para bang mas gusto pa niyang protektahan si Jarred mula sa'kin kaysa ang parusahan ang lalaking malinaw na nanloloko sa kanya.

"At bakit hindi? Dapat lang sa kanya ang paulanan ng suntok." Di basta-basta huhupa ang galit ko para kay Jarred. At di rin ako titigil na kumbinsihin siyang hiwalayan na ang lalakeng iyon.

"Hindi ako malinis para gawin iyon." Sagot niya na di makatingin sa mga mata ko.

Sa sinabi niyang iyon saka lang pumasok sa isip ko ang nangyari sa'ming dalawa. At marahil yon ang dahilan kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya ngayon sa nalaman niya tungkol kay Jarred. "Magkaiba kayo Sizzy.  Yong nangyari sa'ting dalawa, di yon sinasadya. Isang aksidente lang yon at di mo ginusto. Hindi mo siya niloko o pinaikot. Samantalang yong sa kanya, sadya ka niyang pinagtataksilan na hindi mo nalalaman."

Lumapit ako sa kanya para tignan siya mata sa mata. "Alam kong mahal mo siya kaya mahirap para sayo 'to, pero sana makita mong hindi siya karapat-dapat sayo. Marami diyang lalake sa paligid na mas higit pa sa kanya. Kalimutan mo na siya..."

Para bang tumagos sa kanya ang maikling sinabi kong iyon dahil namalayan ko na lang na namumuo na ang luha mula sa mga mata niya. Parang nahirapan rin tuloy ako na makita siyang nasasaktan kaya bago pa man yon magsibagsakan, niyakap ko siya ng mahigpit para patahanin. "It's okay, Sizz…you'll be alright."

-------😶-------

Ngayon pa lang ang UD kasi dinaanan kami ng bagyo. Matagal-tagal na walang kuryente at walang signal.
How's this chap nga pla?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top