Chapter 51
FIFTY-ONE:
Sizzy's POV
"Tita are you okay?" Tanong sa'kin ni Xion nang maabutan niya akong kumakain ng breakfast sa dining area. Napaiwas ako agad ng tingin sa kanya dahil mukhang ang namumugto kong mata ang dahilan ng pagtanong niya. "Did you cry?"
"Nanood ako ng nakakaiyak na movie last night kaya ganito na lang ang mata ko ngayon." Sagot ko kay Xion na umubra naman ang pagppalusot ko. Buti na rin lang maagang unalis sina ate Aries at kuya Gian dahil kung nagkataon na sila ang nakapuna nito, tiyak na di lulusot ang pagdadahilan ko. Ayoko na rin kasing ipaalam pa sa kanila ang tungkol dito dahil hindi pa ako handang sagutin ang kung ano mang magiging katanungan nila. Hangga't maaari gusto ko munang maging payapa ang pag-iisip ko sa ngayon.
Magian na rin naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Paulit-ulit ko na lang sinasabihan ang sarili ko na kailangan ko na ulit bumangon. Mas matatag na ako kumpara noon kaya alam kong makakayanan ko 'to.
"Tita," Sigaw ni Xion na kababalik rin lang sa sala. "Tito Reid is here."
Saglit akong nabigla nang marinig ko ang sinabing iyon ni Xion. Buong akala ko di pupunta si Reid dahil nagtext siya kani-kanina lang na hindi niya makukuha si Pepper dahil may date sila ni Pamela. Para tuloy akong nataranta kung papaano ko ba itatago ang pamumugto ng mata ko.
Nang naging sunod-sunod ang makulit na pagtawag ni Xion, wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa sala. Panandalian kong nakalimutan ang pag-aalala ko sa mga mata ko nang makita kong hindi pala nag-iisa si Reid dahil kasama niya si Pamela.
Hindi ako manhid para hindi masaktan nang makita ko silang dalawa na magkahawak pa ng kamay, pero hindi rin naman ako mahina para maging transparent at mag-iiyak sa harapan nila. Sa kabila ng biglaang breakdown ko kahapon, masisiguro ko naman sa sarili ko ngayon na matatag na ako. Kaya ko silang harapin sa masiglang mukha.
Si Pamela ang una kong binati at kinamusta saka bumaling ako kay Reid. "Anong ginagawa niyo dito? Di'ba may date kayo?"
"Umiyak ka ba?" Tanong ni Reid nang mapansin niya ang pinakaiiwasan kong mapuna niya.
"Hindi. Wala 'to, nanood lang ako ng drama kagabi." Sagot ko sabay liko ng usapan. "Bakit nga kayo nandito? Di'ba sabi mo di ka makakadalaw dahil may date kayong dalawa?"
"Isasama namin si Pepper kaya kami sumaglit rito." Singit din ni Pamela saka luminga-linga na may hinahanap. "Nasaan nga pala si Pepper? Nang tinanong ako ni Reid kanina kung gusto pwede naming isama si Pepper sa lakad, agad akong pumayag at sobrang naexcite…"
Parang napupunit ulit ng dibdib ko ngayon sa naririnig ko pero kailangan kong maging masaya para sa kanila. Kung kay Pamela lang naman mapupunta si Reid, dapat naman akong mapanatag dahil makaksiguro akong maayos sa kanya si Pepper. "Natutulog pa. Teka lang, gigisingin ko."
Nakahinga-hinga ako ng maluwag sa pag-alis ko sa harapan nila para puntahan si Pepper sa kwarto na kakagising lang habang karga ni manang. Pinauna ko na silang bumaba dahil kinailangan ko pang mag-ayos ng ilang gamit na dadalhin.
Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko, bumukas ang pinto at pumasok roon si Reid.
"Patapos na rin naman 'to. Nagmamadali siguro kayo--"
"Hindi naman. Sadyang sumunod lang talaga ako rito para siguraduhin kung okay ka lang…" Concern na tanong niya na mukhang di naniwala sa palusot ko na panonood ng drama ang dahilan ng pamumugto ng mata ko. "May problema ba? May inaalala ka bang mabigat na bagay?"
"Wala naman. Ayos lang talaga ako, wala kang dapat ikabahala." Sagot ko pero kita ko pa rin sa mukha niya na di pa rin siya mapakali sa kung ano pang di pa niya masabi, kaya binigyan ko siya ng pagkakataong magsalita muli.
"Basta't kapag magkaproblema, sabihan mo lang ako, o lalo na kung-- kung may nararamdaman kang kakaiba o pagbabago sa katawan mo-- o kung kailangan mong magpasama sa doktor."
Sandali akong natigilan dahil alam naming pareho kung ano ang tinutukoy niya. Siguradong sobra-sobra na naman ang pag-aalala niya sa posibilidad na buntis ako. Panigurado kasing maaapektuhan at magugulo na naman nito ang buhay niya. At iyon ang di ko kayang makita mula sa kanya. Kahit sabihing walng gumusto sa nangyari, parang wala na nmn akong ibang masisisi nito kundi ang sarili ko. Ayokong sirain ang buhay niya sa pangalawang pagkakataon…
"Siguradong wala ito, Reid, kaya wala tayong dapat ipag-alala. I'm on my pills nung mangyari yon kaya imposibleng magbunga yon." Pagsisinungaling ko para makahinga na rin siya ng maluwag. Mas mabuting ako lang ang sumalo ng lahat ng bigat ng alalahanin at antisipasyon habang wala pa akong hawak na resulta. Pagdarasal na lang sa negatibong resulta ang tanging magagawa ko sa ngayon.
"Buti naman kung gano'n." Sambit niya na muling payapa na ang mukha. "Basta't kung may problema, nandito lang ako."
Napatango na lang ako habang sa likod ng isip ko, sinasabi kong hindi ko na siya aabalahin pa sa anumang problemang darating sa buhay ko.
***
Sa paglipas ng mga araw, mas naging focus ako sa negosyo na siyang isang malaking tulong sa'kin para 'wag masyadong isipin ang mga bagay na bumabagabag sa nararamdaman ko. Ni hindi ko na masyadong nakikita si Reid, mas focus na rin siya sa sarili niyang buhay at kay Pamela. Kung nagkakausap man kami, iilang minuto lang at 'yon ay sa tuwing dumadalaw siya para hiramin si Pepper. Masaya rin naman ako sa nangyari lalo na't payapa naman ang utak ko ngayon at maging ang nararamdaman ko. Wala na 'yong bigat na mahirap dalhin dahil sa natutunan ko ng tanggapin ang lahat. Masaya ako dahil sa ito ang pinakatamang desisyon na ginawa ko… ang makontento at di maghabol sa bagay na hindi para sa'kin.
"Ano ba naman… Ba't ngayon pa?!" Naiinis na sambit ko nang biglang tumigil sa gitna ng daan ang kotse ko. Buti na lang nagawa ko pa iyong maiparada sa bandang gilid nang tuluyan nang masiraan.
Kinuha ko agad ang phone ko para tawagan sana si kuya Gian kaso bigla kong naalala na nagbakasyon nga pala sila ni ate Aries sa Castañeda Resort. Ayoko namang abalahin pa si ate Chloe dahil kanina lang masakit ang ulo niya, siguradong nagpapahinga na rin yon sa ngayon. Si Reid kaya?
Malaki ang papipigil ko sa sarili ko na huwag tawagan si Reid, kaya sa halip na siya, si Inigo ang mas pinili kong tawagan.
"Sorry, Sizzy, hindi kita mapupuntahan ngayon kahit gustuhin ko. Huli na rin kasi ako sa date namin ni Taylor, kanina ko pa yon pinaghihintay." Paliwanag ni Inigo matapos ko sa kanyang masabi ang sitwasyon ko at kung nasaan ako. "Nandito rin naman si Reid, sabihan ko na lang kung pwede siya--"
"Huwag na." Maagap na pagtutol ko. "Okay lang ako. Ayokong abalahin pa kayo." Madali ko na ring binaba ang tawag bago pa man niya maipagpilitan si Reid.
Wala akong mapagpipilian kundi ang resolbahin ang sarili kong problema. Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko kung gaano kaflat ang unahang gulong. Hindi ko alam kung kakayanin ko 'tong mapalitan mag-isa lalo na't may kabigatan na hindi ko yata magagawang makarga. Luminga-linga na lang ako sa mga dumaraang sasakyan para subukang humingi ng tulong kung kanino. Handa akong magbayad ng malaki para lang may pumayag.
Nagsimula agad akong sumubok na pumara sa mga dumaraan, pero wala man lang tumitigil. Nagtagal din ako ng mahigit sa kinse minuto na pag-abang at pagkaway ng mapapara pero wala talaga. Nang mapagod ako at pakiramdam ko wala na talagang tutulong sa'kin, naisipan kong sumuko na. May dalawang natitirang mapagpipilian na lang ako,ang subukang palitan ang gulong ng mag-isa o ang iwanan ang kotse at magcommute pauwi.
Hangga't maaari, ayokong iwan ang kotse sa gitna ng daan lalo na't baka manakaw lang kaya kahit mahirap at di ko pa nasusubukan ang magpalit ng gulong, kakayanin ko. Kumilos ako at kinuha ang gamit sa kotse at pumwesto sa sirang gulong. Tingi ko wala naman akong ibang gagawin kundi ang kalikutin iyon hanggang sa lumuwang at maalis ang dapat baklasin.
Sa gitna ng pagdiskobre ko sa kung saan dapat ipasok ang materyales na hawak ko, biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Kahit di ko tignan ang plaka no'n, alam kong kay Reid iyon, kaya bago pa man siya bumaba ng sasakyan, kumakalabog na naman ang dibdib ko.
"Reid, bakit ka nandito?" Sambit ko nang makababa at makalapit siya sa'kin. Mukhang gindi na dapat ako magtaka pa kung paano niya nalaman ang sitwasyon at lokasyon ko dahil malinaw ko yong nasabi kay Inigo, pero nagugulat pa rin ako na nndito siya ngayon sa harapan ko.
"Nasabi sa'kin ni Inigo na nasiraan ka." Sagot naman niya agad na tinignan ako ng masama pagkatapos. "Kay Inigo ko pa talaga nalaman na nangangailangan ka ng tulong. Ba't di mo ako tinawagan?"
"Ayoko lang na makaistorbo…"
"At sa'kin ka pa talaga ngayon nahiyang mangabala, samantalang kay Inigo, hindi…" balik niya agad pero di na rin naman niya pinalalim dahil nabaling na ang atensyon niya sa flat kong gulong. Pumwesto na rin siya roon para agawain ng ginagawa ko. "Ako na ang bahala rito. Doon ka muna sa kotse ko."
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. "Samahan na kita rito."
Napapatitig ako sa kanya habang abala siya sa ginagawa niya. Di ako makapaniwalang siya pa pala talaga ang tutulong sa'kin sa kbila ng pag-iiwas ko. Naabala ko kaya siya? May iniwan ba siyang importanteng bagay para lang puntahan ako? Kasama kaya niya si Pamela? Iniwan niya ba para unahin ako?
"Huwag na, Sizzy. Kaya ko na'to. Isa pa, naroon si Pamela sa kotse ko. Samahan mo na muna siya roon at sabihing sandali lang ako."
Biglang napinaw ang espesyal na nararamdaman ko at biglang bumalik ako sa reyalidad ng buhay. Naalala kong kaibigan nga lang pala ang lugar ko kay Reid na hindi na hihigit pa roon kaya wala akong dapat ikaasa sa simpleng pagtulong niya sa'kin ngayon. Nasa proseso ako ng pagmove-on sa kanya, kaya hindi maganda na ganitong nawawala ako sa focus ng paglimot sa kanya.
"Kung gano'n naabala ko pa pala talaga kayo. Sana di ka na lang pumun--"
"Sizz, wala 'to. Pareho ka naming kaibigan ni Pamela kaya wala sa'min 'to."
Parang mas lalo lang akong nahiya. Di na rin ako nagsalita pa, at sinunod ko na lang siya na pumunta sa kotse niya. Pagkapasok ko, naroon nga si Pamela sa front seat na mukhang nakatulog na hindi man lang nagising sa pagbukas at pagsara ko ng pinto.
Hindi na rin ako nag-ingay pa at nanahimik na lang sa likod hanggang sa matapos Reid. Iilang minuto lng naman ang hinintay ko dahil maya-maya nakita kong papunta na siya sa kinaroroonan namin. Bumaba na rin ako ng sasakyan para salubungin siya.
"Okay na 'yong kotse mo, Sizz." Sambit ni Reid nang magkasalubong kami sa gitna.
"Salamat Reid. Di ko na nga pala ginising si Pamela, tulog na siya ng datnan ko sa loob ng kotse."
"Medyo pagod rin kasi yan lalo na't maghapon siyang sumubaybay at nagpaturo kay Inigo sa pagluluto."
Mahirap malaman ang ganitong detalye na madalas silang nagkakasama at mas nagiging malapit sa isa't isa. Pero kahit na gano'n ngumiti ako dahil yon naman talaga ang dapat na reaksyon. "Masaya ako sa nangyayari sa relasyon niyo. Di ako nagkamali sa pagmatch sainyo." Hangga't maaari ayokong humaba pa ang kwentuhan namin tungkol sa kanilang dalawa dahil parang hirap na hirap na naman ako ngayon sa pagpanggap bilang masayahing tao. "Paano ba yan, babalik na ako sa kotse ko nang makauwi na rin. Siguradong naghihintay na rin sa'kin si Pepper sa bahay. Salamat na lang ulit Reid."
"Si Jarred nga pala?" Pahabol ni Reid bago ako tuluyang makahakbang palayo sa kanya. "Out of the town naman ba siya ngayon kaya di ka niya napuntahan?"
"Oo e." Pagsisinungaling ko na naman. Ang alam pa rin niya ngayon, kami pa ni Jarred. "Kung nandito naman siya, di naman ako mang-aabala sa inyo." Di ko alam kung bakit kailangan ko pang paulit-ulit na gamitin si Jarred ng ganito. Pero mukhang dahil sa ito lang naman kasi ang alam kong gawin para di magmukhang tanga sa harapan niya. "Salamat na lang talaga, Reid. Makakabawi din ako sayo sa susunod."
Tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya na walang lingon lalo na't ramdam ko na anumang oras babagsak na naman ang mga luha ko. At hindi nga ako nagkamali dahil pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse, awtomatikong umagos na lang bigla ang mga luha ko na ayaw magpapigil. Wala na naman akong kontrol sa kanila kahit anong gawin ko. Kung hindi pa bumusina si Reid, di pa siguro ako kikilos para magmaneho. Buti na rin lang tinted ang salamin ng sasakyan ko dahil kung hindi tiyak na di ko na sa kanya pa matatago ang parang pagluluksa kong ito.
-----✍-----
Muntik ko ng makalimutan tong UD dahil sa MMA. Hahah. Congrats sa BTS for winning daesangs. Damn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top