Chapter 50
FIFTY:
Sizzy's POV
Maglilimang minuto na akong nakatanga sa phone ko. Ilang beses kong tinangkang tawagan si Reid pero di ko magawang tubuan ng lakas ng loob. Masyado akong naduduwag na para bang natatakot ako sa sa kauuwian ng pagkikita namin. Anong sasabihin ko? Na hiwalay na kami ni Jarred, at pwede na kami? Matapos ko siyang iwasan, layuan, at sabihing si Jarred ang mahal ko, bigla na lang ulit ako lalapit sa kanya at sasabihing siya talaga ang gusto ko?
Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Sa gitna ng dillema ko, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si ate Aries. "Sizzy, nandiyan sa baba si Reid, hinahanap ka."
Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabing iyon ni ate Aries. Mas naging makatotohanan ngayon ang bagay na pinoproblema ko pa lang kanina. Anong sasabihin ko?
"Sizzy?! Okay ka lang?" tanong sa'kin ni ate na pumukaw sa pagkatulala ko. Pinilit kong magpakanormal sa harapan niya.
"Oo naman." sambit ko sabay tayo para lumabas ng kwarto. Pababa pa lang ako ng hagdan, muli kong naramdaman ang pagkabog ng dibdib ko na di na yata ako tatantanan. Ano ba naman 'tong puso ko?
Naabutan ko si Reid na kinakarga si Pepper. Nang makita niya ako, pinasa na muna niya si Pepper kay manang. "Pwede bang mag-usap tayo?" unang sambit niya sa'kin nang makalapit ako. Parang bumara ang lalamunan ko na di makapagsalita kahit simpleng Oo kaya tumango na lang ako.
Isang linggo na rin ang dumaan nang huli ko siyang nakita. Sa ilang araw na pag-iiwas ko sa kanya, ngayon ko masasabing namiss ko nga talaga siya. Parang di ko magawang maialis ang mga mata ko sa kanya na gusto kong titigan ng matagal.
Kung alam lang niya kung anong epekto niya sa'kin ngayon. Ni parang di ako makahinga ng normal. At nabubulol din. "S-sa garden na lang tayo…"
Nauna na ako sa paghakbang sa kanya habang nakasunod rin lang siya sa likod ko. Nang marating namin ang garden, naupo kami pareho. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang kaharap ko siya. Di ko pa rin alam kung anong dapat sabihin. Ikukwento ko na ba sa kanya agad ang tungkol sa katatapos lang na relasyon namin ni Jarred?
Nang wala pa rin akong mabuong tamang salita na dapat gamitin, hinayaan ko na lang si Reid na maunang magsalita.
"Naiintindihan ko kung bakit kinailangan mo akong iwasan…" sambit ni Reid. "Pero ayoko naman sanang lumala iyon at umabot sa puntong masira na naman ang pagkakaibigang meron tayo…"
Gusto kong sumingit, pero hindi ako binigyan ng pagkakataon ni Reid na tuloy-tuloy lang sa gusto niyang sabihin.
"Sigurado na ako ngayon na dala lang talaga ng kalituhan kaya nasabi ko 'yon ng gabing yon na hindi naman dapat."
Parang may tumurok direkta sa dibdib ko nang malinaw kong narinig ang sinabing iyon ni Reid. Nangangahulugan ba no'n na wala talaga pala siyang nararamdaman para sa'kin? Isang malaking akala lang ba talaga iyon?
"Kung gano'n, wala ka talagang nararamdaman para sa'kin?" Nagawa kong isatinig ang katanungan na iyon sa paraang parang di nasasaktan. Kaswal lang ang pagkakasabi ko na parang binibiro lang siya.
"Kung hindi kaibigan, kapatid lang talaga parati ang tingin ko sayo, kaya nga di ko talaga alam kung anong sumanib sa katawan ko para makapagsalita ako ng gano'n. I tried to talk to you the following day, para ipaliwanag 'to sayo kaso ikaw na mismo ang umiiwas at di ko makausap. Did I freak you out?"
"H-hindi naman." sagot ko habang sinusubukan kong itago ang kung ano mang disappointment ko. Pakiramdam ko ang tanga ko para umasang may nararamdaman rin talaga siya sa'kin.
"Kumusta nga pala ang monthsary celebration niyo ni Jarred?"
"G-great. It was great." pagsisinungaling ko. Pinilit kong ngumiti at ipakitang masaya ako. Paano ko ba kasi sasabihin sa kanya na wala na kami ni Jarred? At kung uusisain naman niya ang dahilan, paano ko sasabihin na dahil lang naman yon sa kanya… Kaya mabuti pang magsinungaling at magkunwari.
"Siguro naman, di mo na ako pagtataguan ngayon?" pabirong sambit ni Reid na agad kong sinagot ng pag-iling, bukod roon wala na akong iba pang masabi. Nanatili akong tahimik hanggang sa muling nagsalita si Reid.
"Nakikipagdate na nga pala ako kay Pamela. She's nice by the way."
Nabigla ako sa sinabi niyang iyon pero di ako nagpahalata. Muling nakaramdam ako ng pamilyar na sakit sa bandang dibdib ko. "K-kailan pa?" tanong ko may masabi lang.
"Three days ago. Kaya, three days na rin kaming nagkikita. I like her." May kung anong sigla sa boses ni Reid na parang ayokong pakinggan. Ayoko rin ang nakikitang ngiti sa mukha niya.
"T-then that's good. Siguradong magkakasundo kayo no'n." Di ko alam kung paano yon lumabas sa bibig ko sa masiglang tinig. At mas lalong di ko rin alam kung paano ko nagagawang ngumiti ng malapad.
Maganda si Pamela. Siya ang unang naisip ko noon na ipares kay Reid dahil alam kong compatible silang dalawa. Pero sinong mag-aakalang ako rin pala ang masasaktan ng ganito ngayong nagiging maganda ang resulta ng pagkikita nila.
Umikot ang kwentuhan namin ni Reid na may kinalaman kay Pamela. Pakiramdam ko bumalik ako sa dating sitwasyon ko noon na laging tagapakinig sa pagbibida noon ni Reid sa taong nagugustuhan niya, ang kaibahan lang ngayon, hindi na pangalan ni Bianca kundi si Pamela na ang bukambibig niya.
Sa pag-alis ni Reid parang daig ko pa ang hiniwalayan dahil wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Masakit malaman sa makailang ulit na pgkakataon na wala siyang nararamdaman para sa'kin at sadyang wala talaga pala kaming tyansa para sa isa't isa. Sana di na lang ulit ako nahulog sa kanya kung alam ko lang na mararanasan ko lang pala ito ulit.
Napahagulgol ako habang nakayakap at nakasalpak ang mukha ko sa unan para di umabot sa labas ng kwarto ang iyak ko. Ilang beses ba akong masasaktan ng ganito pagdating kay Reid. Ba't ba ganito na lang ang epekto niya sa'kin? Ba't ko pa ba siya minamahal ng pulit-ulit kahit malinaw namang di kmi para sa isa't isa?
Hindi na ako nakalabas ng kwarto maghapon dahil kahit ano gawin kong pagtahan, naaalala't naaalala ko pa rin ang nangyari at nagsisimula na namn ang pag-iyak ko ng walang kontrol. Para akong nadurog sa isang iglap ngayong araw na parang di ko kakayanin. Hinayaan ko na lang na mailabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil pinangako ko sa sarili ko na ngayon lang ako magkakaganito. Bukas na bukas, pagkagising ko, sisiguraduhin kong balik na ulit ako sa normal. Hindi na ako iiyak at pakakawalan ko na ulit si Reid sa sistema ko.
------👀------
Sorry, ngayon lang. Maiksi rin lang to and a bit bitin.
Tomorrow na lang po ang next update ha.
Pasensya sa pinaghintay ko nito.
💜
Nahihirapan pero lumalaban,
-pople
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top