Chapter 5
FIVE:
"So how was it, Sizz?" Pang-ilang beses na paulit-ulit na tanong sa'kin ng lahat simula ng matapos kanina ang exhibit.
I have one check on the list.
"Stop asking her. She's still in trauma. Kaming dalawa actually." Si Reid na ang sumagot na ikinahalakhak na naman ng lahat.
"How bad was it?" muling tanong ni Megan na hindi makontento.
"Stop asking Meg!" sigaw ni Kurt sa kapatid. "Kung gusto mo talagang malaman, sabihin mo lang, I'll show you."
"Kadiri! No thanks." At saka lang tumigil si Megan sa katatanong. Hindi na nito inungkat pa ang nangyari. Pero alam kong kukulitin rin niya kapag kami na lang ang magkasama.
"Ano pa ba ang laman sa list?" tanong ni Caleb na ikinabuhay muli ng dugo ni Megan. At mukhang magsisimula na naman ang kalbaryo ko.
Binunot ni Megan ang list sa mismong bulsa niya na siya pa talaga ang nagtago. Mukhang kailangan na rin niyang gumawa ng sarili niyang list.
"Okay. Let's do another one!" anunsyo ulit ni Megan na mukhang siya na ang may kontrol kung anong mauuna. "Number 1..."
Hindi ko na kailangan pang hulaan kung ano 'yon dahil ako mismo ang nagsulat niyon. "Uminom ng alak." ako na mismo ang nag-anunsyo. Nagcheer ang lahat dahil siyempre 'yon ang gusto nila.
"Wow, Sizzy. Wala kang pagsisisihan! Welcome to the world of fun!" Sigaw ni Caleb na parang isang celebrasyon ang mangyayari. "Let's do this!"
Halos magwala ang lahat sa ideya. Ito ang pinakahihintay nila, ang mabinyagan ako. At nangyari nga.
Ilang sandali lang ang lumipas pero hindi na maawat ang lahat sa ingay na tinamaan na ng espirito ng alak. Lahat ay bida na hindi nauubusan ng pakulo.
Ang totoo nakakailan palang ako kumpara sa iba pero parang ako lang ang tinamaan ng grabe. Siguro dahil sa unang beses ko 'to. Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko, mabigat na talukap ng mata, at bahagyang pag-ikot ng paningin. Pero alam kong kaya ko pa.
"Attention!"
Napunta ang lahat ng tingin kay Megan na may hawak-hawak na bote. Nakatayo ito na medyo wala na rin masyadong balanse dala ng alak.
"Let's have a game!" tinaas nito ang bote kasabay ng paghiyaw namin. "Ang walang kamatayang... Truth or Dare!"
Ang muling sabay-sabay na paghiyaw ay nangangahulugan lang ng pagsang-ayon. Pero pinakamalakas na hiyaw ang sa'kin. Yon ay dahil sa hindi ko maipaliwanag na saya. I'm having a great fun! Thanks to Reid and his brilliant idea about the list.
"Ready na ba kayo?"
"Yes, Yes, Captain!" I yelled.
Mas lalong nabuhayan ang lahat sa kinikilos ko. Gusto nila ang pagiging aktibo ko ngayon na madalas kong tanggihan noon ang ganitong klaseng laro.
"Let start the game in 3, 2, 1..." at tuluyan ng pinaikot ni Caleb ang bote habang nakapalibot kaming lima.
Sa pag-ikot ng bote, parang umikot din ang paningin ko. Hindi ko iyon hiniwalayan ng tingin hanggang hindi ko nakikita kung kanino yon huminto. Ilang segundo lang tumigil di iyon at tumutok kay Kurt.
"Truth or Dare?" tanong ni Caleb na siyang nag-spin ng bote. "At sino ang gusto mong magtanong or mag-dare sa'yo?"
"Truth. And I choose, Reid." Mabilis na sagot ni Kurt na bukas sa kung anong posibilidad. "Ask me anything you want to know, dude. I'll answer you."
Tumahimik ang lahat at napunta ang tingin kay Reid. Naghihintay sa sasabihin nito.
"How did it happen?...You and Vicky?"
Very Personal, tulad ng inaasahan namin. Walang kumibo kahit isa.
Mabilis na sumagot si Kurt na mukhang tanging gustong tuldukan ang issue. "Remember the night nung tinawagan kita at si Caleb para lumabas pero hindi kayo pwede? Tumuloy pa rin ako kahit mag-isa. Hindi ko inaasahan na sa pinuntahan kong lugar naroon din si Vicky with her friends. We say hi-hello to each other. Hanggang doon lang. That whole night, I was with one of Vicky's friend, Jen. Hanggang sa nalasing na ako. And the next time I know, umaga na —on bed with Vicky. End of the story."
"So that's the story," hindi ko napigilang magkomento. "I knew it, malandi lang talaga si Vicky—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang sinita na ako ni Megan para tumahimik. Everybody is waiting for Reid's reaction.
"Okay." Saad ni Reid na hindi na mababasahan ng kahit anong galit. "At least, now I know. And I believe you. Let's just all forget about that."
At nakahinga na ng maluwag ang lahat. Bilib rin naman ako sa pagiging totoo ni Kurt at pagiging bukas ni Reid sa ganitong klaseng bagay. Sila ang tunay na mga lalake sa paningin ko.
"Okay! Let's proceed to the next one..." At muling pinaikot ni Caleb ang bote hanggang sa tumigil at tumutok sa iisang tao.
Ako.
Kalmadong pumili ako sa dalawa. "Okay, Truth. And I pick..." dala na rin ng alak kaya nagkakaroon ako ng kakaibang tapang ngayon. "Reid."
Kung pinili ko man si Reid para magtanong sa'kin 'yon ay dahil gusto kong malaman kung anong klaseng tanong ang gusto niyang malaman tungkol sa'kin. Like, anong gusto o tipo ko sa lalake, why I am still single right now... ganitong klaseng mga tanong na magbibigay ideya sa kaniya na ang tulad lang naman niya ang tanging gusto ko.
"Sizz," Nag-isip ng mga tatlong segundo si Reid bago muling nagsalita. "I told you to rate Kurt's body, right? Kaya tatanungin ko na ngayon kung ilan ang score mo sa kaniya in scale of one to ten. What's your rate?"
What? Seriously, 'yon ang tanong sa'kin ni Reid. Ang babaw naman. Gustobkong tumutol at papalitan sa kanya pero ano nga ba ang magagawa ko.
"Perfect ten." walang pagdadalawang isip na sagot ko na ikinahiyaw ng lahat. Kung ganito man ako kaprangka ngayon, dala 'yon ng alak.
"That's only because that's her first time. Wala siyang mapagkukumparahan." Tawang-tawa na saad ni Reid.
Bigla akong nainis kay Reid. Parang nainsulto ako sa sinabi niya kahit sabihin pang biro lang 'yon. Mukhang ito ang disadvantage ng alak, nagiging madamdamin.
"Kahit naman siguro hindi 'yon ang unang beses, perfect ten pa rin ang ibibigay kong rating sa katawan ni Kurt." Depensa ko na may pagkaseryoso. Pero mukhang tingin nila nagbibiro pa rin ako. "Kaya nga mukhang hindi na rin ako magtataka kung bakit bumaling si Vicky kay Kurt."
Natahimik ang lahat na parang naaalangan magbigay ng reaksyon.
Napasobra ba ang sinabi ko? Tinignan ko si Reid pero hindi ko mabasa kung pinersonal nito ang nasabi ko.
"I'm sorry!" biglang kabig ko. "I'm really sorry Reid, I didn't mean.."
Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang akbayan ako ni Reid. "Hindi ako magagalit kung sa mismong bibig mo 'yon nanggaling, baby Sizz."
Nakahinga ako ng maluwag at mukhang ganoon din ang iba na akala ay sisimulan ng tension sa grupo.
"Don't be sorry, Sizz." Singit ni Kurt. "Ako naman ang magagalit kung babawiin mo ang sinabi mo. Paniwalang-paniwala na ako e."
At muling bumalik ang normal na biruan.
Sa muling pagpapaikot ni Caleb sa bote, nagpatuloy ang truth or dare na laro na halos dinaanan din ang bawat isa. Habang nangyayari 'yon, naging sunud-sunod ang pag-inom ko na parang uhaw lang. Napahingahan lang ako sa pag-inom nang muling tumutok sa'kin ang bote.
"Truth. And I'm allowing you to ask me anything you want... Megan!" Mas lumala ang pagkahilong nararamdaman ko at mas tumapang naman ang loob ko. Alam kong mapanganib ang pagpili ko kay Megan lalo na't lasing na rin ito at alam kong hindi makakapagpigil ang bunganga niya, but I'll take the risk. Parang gusto kong malantad ang sikretong tinatago ko na tanging si Megan lang ang nakakaalam.
Una, parang tinanong pa ako ni Megan sa pamamagitan ng mga tingin kung sigurado ba ako at tumango naman ako bilang pagpayag.
"Okay..." namumungay na ang mata ni Megan pero hindi makakaila na makikitaan pa rin ito ng pagkapilya. "Gusto kong i-rank mo si Caleb, Kurt at Reid ng 1, 2, 3.. Ang one ay ang pinaka-attracted para sa'yo... And give me the reason why."
Muling naghiwayan ang lahat.
Wala akong nararamdaman na kahit anong hiya o pag-aalinlangan. "On 3rd spot, Caleb. Hindi ako attracted sa basagulero. Second is Kurt, kanina ko lang nadiscover ang hotness niya."
Nagreact ang lahat sa pagiging diretso at prangka ko ngayon.
"Then, that means your number One is Reid." Muling singit ni Megan na abot tenga ang ngiti na nagugustuhan ang pag-amin ko. "Pinakaattracted ka sa kanya? Why?"
"Kahit hindi siya maghubad sa harapan ko, attractive pa rin siya sa paningin ko."
Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Reid pero natatawa lang ito sa lahat ng sinabi ko na mukhang iniisip na biro lang ang lahat.
"To prove you that, Reid.. Gagawin ko ang No.3 sa list. Magpapatatto ako ng pangalan mo."
Nabigla ang lahat sa sinabi ko kahit si Megan. "I didn't see that coming."
Tumayo ako kahit na hirap magbalanse. "At handa na akong gawin ngayon. Sino ang gustong samahan ako?"
Tumayo si Caleb at Megan. "Okay, samahan ka namin."
Habang nagkakatayuan na para umalis, humarang si Reid para pumigil. "Seriously?" hindi makapaniwalang tanong nito sa'kin na mukhang naniniwala na seryoso ako. "You don't have to pick my name, Sizz. You don't have to prove anything..."
Humakbang ako palapit kay Reid. "I like you Reid. I want your name, here..." tinuro ko ang batok ko. "Maybe I can't have you. But, at least I can have your name with me."
Walang nang nasabi si Reid nang hindi ako nagpapigil pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top