Chapter 49
FORTY-NINE:
Ilang beses kong sinipat ang gawa kong cake. Chocolate flavor na may nakalagay na happy monthsary sa ibabaw nito. Balak kong puntahan si Jarred sa condo niya para surpresahin sa ganitong paraan.
"Ang bruha, nagpapakasweet girlfriend." Sambit ni ate Chloe na hindi ko namalayang dumating na pala siya. Maghapon ko rin kasi siyang di nasilayan dito sa Bakeshop.
"Pero dapat lang naman talaga," dagdag niya sa nanlalaking mata, "Dahil gusto kong ipaalam sa'yo na 'yong ex ng boyfriend mo, umaaligid-aligid sa kanya."
Pareho naming alam na si Jasmin lang naman ang tinutukoy niya. Ang the-one-that-got-away ni Jarred. Ang babaeng tanging minahal niya bago ako.
"Wala naman siguro akong dapat ikabahala."
Kung may dapat man akong pagdudahan, hindi yon si Jarred kundi ang sarili kong nararamdaman. Isang linggo na ang lumipas simula nang may mangyari sa'min ni Reid, at sa mga nagdaang araw na iyon, patuloy ko pa ring pinaglalabanan ang dinidikta ng nararamdaman ko. Umaasa ako na mabubura rin lang agad sa sistema ko si Reid at mapapalitan din ni Jarred. Kaya heto, kumakapit pa rin ako sa paniniwalang si Jarred ang tamang lalake para sa'kin. Na dapat ipagpatuloy ko lang ang kasisimula palang na relasyon namin. Alam kong lalalim din ang pagmamahal ko sa kanya na higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko kay Reid, at yon ay dahil sa mabuting lalake si Jarred. Nasa kanya na ang halos lahat na hahangarin ng sino mang babae.
"Pupunta ka na kay Jarred?" tanong ni ate Chloe nang mapuna niyang nililigpit ko na ang cake sa loob ng box.
"Oo. Dapat kasi maunahan ko siya sa condo niya nang maset-up ko ang lugar." Marami akong plano tulad ng magluluto pa ako ng dinner namin at gagawing romantic ang surpresang aabutan niya. Bibili pa ako ng mga candle lights at balloons.
"Wow, iba din magpakagirlfriend ang isang Sizzy Castañeda." pang-aasar ni ate Chloe na biglang lumapit sa'kin at humina ang boses para magpayo. "You should wear a sexy dress. Make sure na mapapaligaya mo siya ngayong gabi."
Bigla akong natigilan sandali. Hindi sumagi sa isip ko ang bagay na gano'n pero dahil sa sinabi ni ate Chloe parang nagukuhan lang lalo ang pag-iisip ko. Bakit parang tumututol ang utak ko sa ideyang iyon? Bakit parang ayokong humantong kami ni Jarred sa ganoong intimasyon?
Bago pa man mapansin ni ate Chloe ang pag-aalinlangan ko, tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Kumilos na rin ako agad para umalis at pumunta sa condo ni Jarred. Dumaan rin lang muna ako sa pinakamalapit na apparel store.
Tinungo ko agad ang section kubg saan naroon ang hinahanap ko. Hindi naman ako nahirapan sa pagpili dahil marami namang mañgapipiliian. Kung nahirapan man ako, yon ay sa pagdedesisyon kung bibilhin ko ba talaga ang napili kong sexy outfit na alam kong magbibigay ng kahulugan kay Jarred sa oras na makita niya akong suot ito.
Bakit ba kasi nag-aalinlangan ako? Napakadaling binigay ko ang sarili ko kay Reid, kaya bakit di ko yon magawa ngayon kay Jarred? Kung ito ang makakapagpalimot sa gumugulo sa isip ko tungkol kay Reid, I should do this. I need to do this.
Matapos ang mahabang pakikipaglabanan ko sa kabilang bahagi ng utak ko, nagdesisyon fin akong kunin iyon at bayaran sa counter. Habang nakalinya ako sa iilang pila, biglang tumunog ang phone ko. Bigla akobg natigilan nang makita ko kung sino ang caller. Walang iba kundi ang taong laman ng utak ko. Si Reid.
Hindi ko sinagot ang unang beses na nagring iyon. Patuloy ako sa pakikipagmatigasan sa sarili ko. Ilang araw ko na rin siyang iniiwasan pero habang tumatagal sa halip na makalimutn ko siya, lalo ko lang siyang iniisip. Mariin ng pagbabawal ko sa sarili kong sagutin ang tawag niya, pero sa pangatlong beses na nagring ulit iyon, di ko alam kung anong nangyari sa'kin dahil di ko na nakayanang sagutin iyon.
Baka emergency. O baka may kinalaman kay Pepper. Ito ang tanging bagay na mabibigay kong valid excuse sa sarili ko.
"Hello? Sizzy?" rinig kong sambit ni Reid sa kabilang linya. Iilang salita lang iyon pero nagdulot yon ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko kahit dabihing wala ang presensiya niya. "Nandiyan ka ba?"
"Oo." sagot ko rin matapos ang mahabang pananahimik ko. Isang linggo ko na siyang iniiwasan, kaya ngayon ko rin lang ulut narinig ang boses niya, ngayon ko rin lang ulit siya nakausap. "B-bakit ka napatawag?"
"Let's talk." diretsahang sagot nito nito na parang pinagsisisiahan kong tinanong ko pa siya. O mas dapat sabihing pagsisihan kong sinagot ko pa ang tawag niya. "Are you free right now? Pwede ba tayong magkita?"
Napalunok ako bago sumagot. "Hindi. Papunta ako kay Jarred. It's our monthsary today." Dire-diretso na lang ang dila ko sa pagbitaw niyon para sadyaing iparating sa kanya na hindi ako pwede. Hindi kami pwede.
Sandaling katahimikan ang narinig ko mula sa kabilang linya. Buong akala ko naputol na ang tawag kung di pa nagsalita ulit si Reid. "How about tomorrow? Or anyday na pwede ka?"
Muli akong napalunok sa naririnig kong desperasyon mula sa boses niya. "Meron din akong lakad bukas." pagsisinungaling ko. Hindi dapat ako pumayag, hindi ngayon o sa susunod na bukas dahil hindi makakabuti sa'kin ang makita siya. Natatakot akong traydorin ako ng sarili ko.
"Tatawagan na lang kita kung kailan ako free." dagdag ko na alam ko at alam niyang di ko gagawin. Ipinagdarasal ko na sana itigil na lang niya ang pangungulit sa'kin ngayon.
"Okay." sagot nito na parang gusto ko na naman tutulan ang pagpayag niyang yon. Kaya bago pa man ako bumigay at makapagbitaw ng pinipigilan kong salita, binaba ko na ang tawag na hindi man lang nagpapaalam.
Tama lang naman ang ginagawa ko. Wala akong dapat pagsisihan o panghinayangan.
Hindi ko alam kung ilang beses ko ginawa ang pangungumbinsi ko sa sarili na tama ang ginawa ko. Madyadong okyupado ang utak ko tungkol kay Reid kaya halos di ko namalayang nasa tapat na ako ng condo ni Jarred. Bago ako tuluyang umakyat, sinigurado kong binura ko muna si Reid sa utak ko.
Bitbit ang nakakahong cake, at paperbag na siyang pinamili ko, pumasok ako ng elevator para umakyat sa 9th floor. Nang marating ko ang unit ni Jarred, nakapasok rin ako agad dahil alam ko ang pass code ng room niya.
Sa pagkakaalam ko, wala pa si Jarred dahil huling check ko sa kanya, nasa isang meeting daw siya na matatapos pa ng 9 o'clock. Kaya nangangahulugan lang na may dalawang oras pa ako para magprepare.
Ang bukas na ilaw ang unang napansin ko sa pagpasok ko. Iisipin ko sanang naiwan yon ni Jarred na bukas ng umalis siya pero nabaling ang atensyon ko sa sapatos na unang makikita pagbukas pa lang ng pinto. Mula sa sapatos, sunod kong napuna ang dalawang boses na nanggagaling sa loob. Sigurado ako na si Jarred ang naririnig ko, pero palaisipan sa'kin kung sino ang isa na nasagot rin nang nabanggit ang pangalan niya.
"Umalis ka na Jasmin! Please..." rinig kong pananaboy ni Jarred sa babaeng di ko inaasahang siyang kasama niya ngayon. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko man sila nakikita, pero rinig ko ang mga boses nila.
"Jarred, huwag mo sa'king gawin 'to. Huwag mo akong tratuhin ng ganito." sagot ni Jasmin sa naiiyak na boses. Mukhang tungkol ito sa nakaraan nila, "Huwag mo akong pagtulakan na para bang wala kang anumang nararamdaman para sa'kin."
"Dahil wala naman talaga." balik agad ni Jarred.
"Hindi ako naniniwala dahil paano mo mapaliliwanag yong kung anong nangyari sa'tin ngayon ngayon lang? Jarred, may namagitan sa'tin, kaya di mo makakaila sa'kin ngayon na wala kang nararamdamang anuman sa'kin. I know, you still love me..."
May nangyari sa kanila? Di ko alam kung paano ko ipapasok sa isip ko ang impormasyong iyon. Ni hindi ko alam kung saan ako mabibigla, kung sa rebelasyong iyon o sa sarili ko na hindi ko mahanapan ng anumang nararapat na reaksyon. Bakit di ko maramdaman ang anumang guhit ng sakit na dapat nararanasan ko ngayon? May nangyari kay Jarred at sa ex niya kani-kanina lang bago ako dumating, bakit di ako nasasaktan? O naaapektuhan man lang?
"Di dapat 'yon nangyari. Di ka dapat pumunta rito. Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa'tin." muling sambit ni Jarred. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, ramdam ko naman sa boses niya ang mariing pagtanggi at pagpipigil na para bang kasalungat no'n ang gusto niyang sabihin. Alam ko 'yon dahil gano'n din ang eksaktong nararamdaman ko sa pananaboy ko kay Reid.
"Jarred, tignan mo ako ngayon at sabihin sa harapan ko na wala ka ng nararamdaman sa'kin... Wala na ba talaga?" Naiiyak na tanong ni Jasmin na pilit pinaglalaban ang lalakeng naging minsang pag-aari niya. Bakit parang sa halip na magalit sa kanya, parang gusto ko pang makipagsimpatya sa kanya?
"Mahal ko si Sizzy." sagot ni Reid na parehong-pareho sa sinambit ko noon kay Reid. Yon ang mga salitang pinili kong sabihin dahil alam kong yon ang makakapagpatigil kay Reid. At mukhang yon din ang eksaktong dahilan ng pagkatahimik ngayon ni Jasmin. "Please... Jasmin, kalimutan nating nangyari 'to. Nakikiusap rin akong tigilan mo na ako."
Sandaling katahimikan ang naririnig ko hanggang sa magsalita na rin ulit si Jasmin. "Titigil na ako. Di na kita guguluhin pa." Ramdam ko ang magkahalong sakit at pagsuko sa boses niya. Sunod ko na lang na narinig ay ang papalapit na yabag. Bago pa man ako makakilos para sana umalis, nasa harapan ko na si Jasmin na nabigla nang makita ako.
Basa ng luha ang pisngi niya, namumula ang ilong at di makakailang malungkot ang mga mata na anumang oras babaha ulit ng iyak. Pareho kaming natigalgal na walang anumang masambit na salita. Sa aming dalawa, siya ang unang nakabawi. "I'm sorry." sambit niya sa'kin saka tuluyan na siyang umalis palabas ng pinto na nakayuko ang ulo.
"Sizzy..." sambit ni Jarred nang makita niya ako. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat sa di niya inaasahang pagsulpot ko. Siguradong iniisip niya kung gaano karami ang narinig ko sa pag-uusap nila. "Let me explain, Sizzy..."
Wala akong sinabi na kahit na ano. Hinintay ko siyang magsalita.
Ilang beses siyang nagtangkang magsalita pero parang walang mamuong kataga sa kung ano mang sasabihin niya. Kita ko ang paghihirap sa mukha niya. Di rin nakaligtas sa'kin ang magkahalong pagsisisi at guilty na minsan ko ng nakita sa mukha ko nitong mga nakaraang araw habang kaharap ko ang salamin.
"Ba't di mo siya sundan..." sambit ko sa kanya sa seryosong tinig. Tinignan niya ako na hindi inaasahang yon ang lalabas sa bibig ko. "Kahit hindi mo sabihin, o kahit ikaila mo pa, alam kong mahal mo pa siya."
"Matagal ko na siyang nakalimutan. Ikaw ang mahal ko." pagtanggi niya na inaasahan ko na rin mula sa kanya. Ganyang-ganyan din ako tulad niya kaya alam ko kung ano ang dapat paniwalaan at hindi. Kinakaila niya sa mismong sarili niya ang katotohanan...
"Ako ang gusto mong mahalin, pero si Jasmin pa rin, tama ba?" Alam kong kailangan ko 'tong sabihin kay Jarred, dahil kung may narealize man ako ngayon-ngayon lang, yon ay ang pareho kaming nagpapakakulong sa dinidikta ng mga utak namin. "Gano'n din ako Jarred." pag-amin ko, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa mismong sarili ko. "Pareho lang tayo. Maniwala ka't sa hindi, ikaw ang gusto kong mahalin --pero di ko maintindihan kung bakit bumabalik-balik 'tong nararamdaman ko para kay Reid. Di ko siya maalis sa sistema ko kahit anong pagpilit ko."
Walang salita akong narinig mula kay Jarred habang nakatitig lang siya sa'kin na para bang pinoproseso niya ang mga sinabi ko. Nagpatuloy ako, "Nilabanan ko, Jarred. Ikaw ang pinili ko. Pinagtatabuyan ko si Reid palayo sa'kin ngayon. Pero... ang hirap. Ang hirap sa loob na parang di ko makayanan ang sakit..." Di ko namamalayang bumabaha na ng luha ang mga mata ko. Rumaragasa na rin ang boses ko. "Jarred, kahit di mo sabihin, alam kong ganito rin ang nararamdaman mo. Kaya ba't kailangan pa natin lokohin ng ganito ang mga sarili natin?..."
Humakbang palapit sa'kin si Jarred at niyakap ako ng mahigpit. Mas bumuhos ang emosyon ko dahil sa ginawa niya. Bumitaw din ako agad mula sa pagkakayakap niya. "Pakawalan na natin ang isa't isa, Jarred..."
Matagal niya akong tinitigan, bago siya tumango. "You are so special, Sizzy. Bihira lang ang babaeng tulad mo, kaya nga nagagalit ako sarili ko kung bakit kailangang may mas humigit sa'yo. Hangga't maaari, ayoko sanang bitiwan ka, dahil umaasa akong mabubura lang si Jasmin sa buhay ko..."
Napangiti ako sa gitna ng pag-iyak ko. Parehong-pareho nga kami dahil gano'n din naman ang tingin ko sa kanya. He's a great guy. Kung nadidiktahan lang talaga ang puso, siguradong mas pinili kong mahalin siya.
"Sundan mo na si Jasmin." pagtutulak ko sa kanya. Nag-alinlangan pa siyang iwan ako kaya inunahan ko na siya. "Okay lang ako rito. Sige na..."
Umalis din siya tulad ng sabi ko. Para akong nabuntuan ng tinik matapos ang nangyari, pero gano'n pa man, alam kong may natitira pang alalahanin sa utak ko ngayon. At 'yon ay si Reid.
Binunot ko ang phone ko, at namalayan ko na lang na tinititigan ko na ang numero ni Reid. Kung tatawagan ko lang siya ngayon para makipagkita sa kanya, baka maresolba din agad ang kung ano mang bagay na dapat maayos sa pacitan namin. Kaso naduduwag ako sa di ko malamang dahilan... Kung gaano ako katapang sa pagtutulak ko kay Jarred kay Jasmin, siya namang ikinaduwag ko sa sarili ko ngayon.
Muli kong ipinasok ang phone ko sa bag. Huwag na muna siguro ngayon. Bukas na lang...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top