Chapter 47
FORTY-SEVEN
Sizzy's POV
Masakit ang ulo ko na parang minamartilyo nang magmulat ako ng mata. Napapapikit lang ulit ako habang hinihilot ang sintido ko na daig ko pa ang nakainom –Teka, nakainom ba ako kagabi?
Dinilat ko ulit ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko ang kilala kong kwarto, pero hindi sa'kin. Nang igala ko pa ang tingin ko sa paligid, tumigil iyon sa kabuuan ni Reid, half-naked.
Napalunok ako ng ilang beses. Ang magulo niyang buhok at kalahating kahubadan ay parang awtomatikong naghatid sa'kin ng alarma. Mula sa kanya, nalipat ang mga mata ko sa sarili kong katawan na ngayon ko rin lang napagtuonan ng pansin na tanging kumot lang pala ang bumabalot sa buong pagkababae ko. Ramdam ko rin ang bahagyang pananakit nito na halos kapareho lang noong unang beses na—
"M-may nangyari b-ba sa'tin?" nauutal kong tanong kahit na alam ko na rin naman ang sagot roon. Para akong nabalot ng matinding hiya. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang iisang katanungan na hindi ko magawang masagot. "P-pinikot ba ulit kita?"
Paulit-ulit kong binabalikan ang nangyari kagabi pero wala akong masyadong maalala. Natatakot ako na baka kasalanan ko na naman... Na baka dahil sa alak, nakagawa na naman ako maling desisyon... Na baka maging simula na naman 'to ng galit ni Reid sa'kin... Na baka—
"No, you didn't." sagot niya na nagpatigil sa naghehysterical kong utak. "W-we were so drunk last night... at nangyari na lang..."
Parang echo na nagpaulit-ulit ang sinabi niya sa utak ko. Paano nangyari 'yon? Paanong nalasing na lang kami at... Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. I still can't believe na nangyari 'to. Di dapat ako nagpakalasing.
Walang lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ko at ganoon din si Reid. Pareho kaming nanahimik na hindi alam kung ano ba ang dapat sabihin.
Habang tumatagal, mas nagiging hindi na rin ako komportable sa itsura ko na hubo't hubad pa rin sa ilalim ng kumot, kaya tumayo na rin ako at hiyang-hiya na pinagdadampot ang nagkalat kong damit at pumasok ng banyo para magbihis. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin, parang wala akong ibang gustong gawin kundi ang untugin ang ulo ko sa pader. Di ako makapaniwala na nangyayari 'to ngayon. Gusto kong umiyak pero walang lumabas na luha sa mga mata ko. Napapatitig na lang ako sa sarili kong repleksyon na magulo ang buhok at...
Napalunok na naman ako nang mapansin ng dalawang mata ko ang halatang marka sa sa balikat ko at ganoon rin sa leeg ko. Sh!t.
Natampal ko na ang noo ko ng ilang beses. Ano ba naman 'to... Paano ko maitatago ang isang nasa leeg? Kahit sinong makakakita, alam na alam kung ano ito. Sh!t.
Mabilis akong nagbihis na umaasang matatakpan ng damit ko ang markang nasa leeg ko, pero hindi. Tanging ang buhok ko lang ang nakakatulong na maitago 'yon kahit papaano.
Nang tuluyan ko ng maayos at maikalma ang sarili ko, lumabas na akong muli sa banyo para harapin si Reid na parang hindi man lang gumalaw sa pwesto niya kanina. Mukhang kapareho ko lang siya na hindi makapaniwalang nangyayari 'to. Nagpapasalamat na rin ako kahit papaano na hindi ko makita sa mukha niya ang kahit anong bahid ng galit na siyang kinatatakot ko.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin na hindi pa rin namin alam kung paano sisimulan ang pag-uusap. Gusto ko mang magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Kalimutan na lang natin na nangyari 'to." Biglang narinig ko na lang na sabi ni Reid sa pinal na tono. Nagtama ang mga mata namin at wala akong mabasang emosyon mula sa mukha niya.
Naghintay pa ako ng ilang sandali na baka may sasabihin pa siya pero wala na, kaya napilitan na rin lang ako na magsalita na rin.
"You're right. Let's... let's just forget what happened." Sambit ko sa nauutal na boses. Wala sa estado ko ngayon ang makapagsalita ng diretso. Wala akong ibang kinaiinisan kundi ang sarili ko na hinayaang mangyari 'to.
"Uuwi na ako." Dagdag ko pa dahil ang makauwi ng bahay at makahinga ng maluwag ang tangi kong gustong mangyari ngayon. Nang makita ko ang bahagyang pagtango ni Reid, tinungo ko na ang pinto at dire-diretsong lumabas habang nakasunod rin lang siya.
Hindi ko nakalimutang bitbitin ang bag at cellphone ko na pahabol kong kinuha sa sala kung saan ko 'yon naiwan kagabi. Chineck ko agad ang phone ko na may ilang mensahe. Isa na roon ay mula kay Jarred na siyang una kong binuksan.
*I'm so sorry about last night, I didn't make it. Ngayong umaga lang ako nakaalis dito sa Batangas. Bawi na lang ako when I get there.* Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa text message ni Jarred. Kung kagabi masama ang loob ko sa kanya dahil sa pakiramdam ko kinalimutan niya ako, ngayon ay parang napupuno ako ng pagkaguilty dahil sa nakakagulantang na mga pangyayari ngayon. Hindi ko man ginusto at hindi ko man sinasadya ang nagyari sa'min ni Reid pero bakit parang walang pinagkaiba 'yon sa pagtataksil at panloloko ko sa sarili kong boyfriend. Should I tell him?
"Ihahatid na kita." Alok ni Reid na bigla kong ikinalingon sa kanya. Nasa akto siyang papunta sa direksyon ng nakagaraheng kotse nang pigilan ko siya.
"Huwag na Reid. Magtataxi na lang ako." Tanggi ko agad. Hangga't maaari, gusto ko munang mahiwalay kay Reid sa ngayon para sa ikatatahimik ng konsensiyang sumusulpot sa pagkatao ko. "Papunta si Jarred sa bahay, kaya mas mabuti siguro kung di na ako magpapahatid."
"Sige, ikaw ang bahala."
Nang marinig ko ang pagpayag ni Reid, hindi na ako nagtagal pa at umalis na rin. Sakto rin lang na may dumaan na taxi sa loob ng area kaya hindi ako naglakad pa palabas.
Pagdating ko sa bahay, si manang Lydia ang una kong nadatnan na kasalukuyang naglilinis ng bahay.
"Si Pepper po manang?" tanong ko agad sa kanya matapos magmano. Hindi man lang ako nakatawag dito sa bahay kagabi, hindi ko naman kasi inakalang malalasing ako at hindi makakauwi.
"Nagsimba silang lahat kasama si Pepper." Sagot nito habang tinigil muna ang pagvavacuum ng sahig. "Ba't hindi ka umuwi kagabi? Hindi ka naman ba napaano?"
"Hindi naman po." sagot ko sa pangalawa niyang tanong dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot sa una. "Si Pepper po? Hindi naman ba naghanap sa'kin o nag-aburido?"
"Hindi naman iha. Doon siya natulog kay Aries at Gian na kwarto. Tuwang-tuwa nga si Xion na akala mo'y nanganak ng baby ang mommy niya." Natatawang kwento ni manang. Sandali siyang natigilan nang may mapansin siya sa leeg ko. "Teka, nakagat ka ba ng insekto at parang namumula 'yang leeg mo?"
Ilang beses napakurap ang malabo niyang mata habang sinisipat ng mas malinaw ang tinutukoy niya. "Ano bang nakakagat riyan para magamot natin?" tanong niya uli saka dinukot ang salamin niya sa mata mula sa bulsa para suotin. Bago pa man niya malaman na hindi insekto kundi tao ang may gawa sa may leeg ko, kinilos ko na ang binti ko para maglakad palayo sa kanya.
"Ako na ang bahala dito manang, ayos lang ho ako." Sambit ko sa kanya bago tuluyang makahakbang ng hagdan pataas sa kwarto ko.
Ramdam ko ang mabilis na tibok na puso ko na parang nakikipaghabulan. Swerte mo na lang kay manang na malabo ang mga mata niya, paano na lang kay Jarred? Paano ko 'to matatago sa oras na dumating siya dito mamaya? Paano kung sabihin ko na lang sa kanya ang totoo? Aksidente lang naman ang lahat... maiintindihan rin naman niya siguro ako? Pero paano kung hindi? Paano kung iwanan niya ako?
Binagsak ko ang sarili kong katawan sa kama saka sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Paulit-ulit akong nag-isip hanggang sa napabangon ako sa kama para kunin ang cellphone ko. Gusto kong makausap si Megan at humingi ng payo, pero bago ko pa man siya marinig mula sa kabilang linya, nagbago na ulit ang desisyon ko at kinansela ko na ang tawag sa kanya.
"Walang nangyari sa'min ni Reid." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Hindi ko dapat 'to pinoproblema ngayon dahil tulad ng sinabi ni Reid, kalimutan na lang namin 'yon na parang walang nangyari.
***
Pinahinga ko ang sarili ko maghapon sa kwarto. Tinulog ko ang pananakit ng ulo ko na gawa ng kakaisip sa nangyari at dahil na rin sa hang-over. Halos pitong oras din ang haba ng tulog ko kaya't alas singko na rin ng hapon nang muli akong magising. Sa pagbangon ko sa kama, ramdam ko na guamaan-gaan na rin ang pakiramdam ko kahit papaano matapos ang sapat na tulog. Alam kong di pa rin nababago ang katotohanan tungkol sa lahat na nangyari, pero handa na akong kalimutan iyon at hindi na magpaapekto pa. Ang makalimot ang pinakatamang gawin at wala ng iba.
Akmang lalabas na sana ako ng kwarto para puntahan si Pepper na namiss ko sa sandaling di ko siya nakasama, pero di ako natuloy. Napansin ko rin lang kasi na hindi pa nga pala ako nakapagligo. Suot ko pa ang kahapon ko pang damit na nangangamoy alak at ang pamilyar sa'king amoy ni Reid.
Napailing ako ng ilang beses. "Forget what happened, Sizzy. Walang nangyari, keep that in mind." Pagpapaalala ko sa sarili bago ako tuluyang pumasok ng banyo at nagshower.
Habang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa mukha ko't pababa sa katawan ko, napapikit ako na siyang di ko pala dapat ginawa dahil walang ibang ginawa iyon kundi ang magbigay pasilip sa'kin sa nangyari kagabi. Para bang may kung anong epekto sa'kin ang mainit na tubig na humahaplos sa hubad kong balat para bigla ko na lang maalala ang ibang detalye na hindi ko maalala kanina...
Naalala ko ang parte kung saan sinunggaban ako ng halik ni Reid. He was on fire na para bang nahawaan ako ng nakakapasong init na 'yon ng gano'n kadali. I responded to his kisses na para bang ang hirap-hirap tanggihan. I was so drunk na wala sa katinuan para pigilan man lang ang malakas na pagnanasang nangingibabaw sa pagkatao ko ng mga oras na yon.
"Shit! I can't believe that it really happened." sambit ko sa pagdilat ko ng mata. Si Reid ang unang humalik and not the other way around...
Pero davil lang yon sa lasing na siya. But he was drunk. Siguradong kung nasa kaunting katinuan pa siya, hinding-hindi niya ako hahalikan.
"Arggg. Again, for the nth time Sizzy, get over it. Forget. Forget. Forget." mas mariin ko na ngayong sambit sa sarili ko. Ang makalimot ang dapat kong gawin at hindi ang umalala.
Tuluyan ko ng inalis sa isip ko ang kung ano mang nagpapagulo sa'kin at tinapos ko na rin ang pagligo. Nakaramdam na rin kasi ako ng matinding gutom kaya mas binilisan ko na ang kilos.
Sa pagitan ni Pepper at ng pagkain, si Pepper ang unang di ko natiis hanapin. Naabutan ko siyang nanonood ng pambatang palabas kasama si Xion habang si kuya Gian ang nagbabantay sa kanila.
Pinaghahalikan ko si Xion at Pepper na hindi man lang nagpatinag sa konsentrasyong binibigay nila sa pinapanood na movie.
"Pumunta na ba dito si Jarred?" tanong ko kay kuya. Huling text na nabasa ko mula kay Jarred ay pupuntahan daw niya ako para bumawi.
"Hindi e." sagot sa'kin ni kuya na bahagyang tumigil sa ginagawa nito sa laptop niya. "Pero si Reid galing dito kanina."
"B-bakit daw?" tanong ko na hindi ko alam kung saan nanggaling yong pagkabog ng dibdib ko sa pagbanggit ng pangalan niya.
"Dinalaw lang si Pepper at nakipaglaro sa mga bata."
"Ah. Okay." tanging sambit ko na sana hindi napapansin ni kuya kung gaano ako kaawkward ngayon.
"Si Reid pala ang kasama mo kagabi..." sambit ulit ni kuya Gian na nagpabalik sa kung ano mang hindi komportableng nararamdaman ko. "I just thought you were with Jarred..."
"Hindi kami natuloy ni Jarred. Di kasi siya nakaalis ng maaga sa Batangas." pagpapaliwanag ko. "Pumunta ako kay Reid kagabi to remind him about his date sa kakilala kong kaibigan, kaso di rin 'yon natuloy. So we stayed na lang at his house, nakipag-usap kay Megan online tulad ng dati naming ginagawa noon. Sayang nga lang wala si Caleb and Kurt."
"May nangyari ba sa inyo?" biglang sabi ni kuya na ikinatigil ko sandali. Nabigla ako sa tanong niya. May alam ba siya? May sinabi ba sa kanya si Reid?
Hindi ko alam kung namumutla ba ako sa harapan ni kuya dahil pakiramdam ko gano'n na nga. Hindi ako makapagsalita dahil di ko alam kung anong reaksyon ang ibibigay ko.
"Sizzy, tinatanong kita kung may nangyari bang hindi maganda? You look off kasi." tanong ulit ni kuya na nagpawala ng kaba sa dibdib ko. Akala ko may alam na siya.
"Wala naman kuya. Medyo gutom lang talaga ako. I skipped breakfast and lunch kaya ganito ako kalutang." paliwanag ko na nakahinga-hinga ng maluwag.
"Kumain kana kung gano'n. May tira pa naman diyang pagkain. Initin mo na lang." sabi ni kuya na siyang dahilan para tumayo na rin ako para kumain. Bago man ako tuluyang makaalis, may pahabol siya na ikinatigil ko sandali.
"Sizz.... Malaki kana kaya't hindi na kita pakikialaman pa. Pero anytime you need a kuya, I'm always here to listen. Maiintindihan kita kahit ano pa yan." Tinignan ako ni kuya nang matagal na para bang nagsasabi sa'kin na may alam talaga siya. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin matapos iyon. Napatango na lang ako at walang sabing dumiretso ng kusina na hindi na lumilingon pa.
This isn't happening! Nagwawala ang sistema ko nang marating ko ang kusina na pilit kong kinalma. Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan ang mga sinabi ni kuya. Natural lang na manggaling sa kanya 'yon lalo na't kapatid ko siya at concern lang siya sa'kin. Pero bakit bigla na lang yata? Bakit out of nowhere, makakapagsalita siya ng gano'n? Hindi talaga kaya, may alam siya?
Halos wala na'ko sa sarili ko habang kumakain ng mag-isa. Ni hindi ko na pinagkaabalahang initin pa ang ulam na siyang kinakain ko ngayon. Isang malaking palaisipan pa rin sa'kin ang...
Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang tumigil ang paningin ko sa kasusulpot lang na tao sa harapan ko.
"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Reid na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ngayon pa siya sumulpot at magpakita sa'kin. Hindi ba pwedeng palipasin muna niya ang ilang araw o linggo matapos ang pagkakamaling nangyari sa pagitan namin.
"Dinadalaw ko lang ang anak ko." sagot niya sa'kin na ikinasalubong ng kilay ko.
"Bakit pa? Galing ka na raw dito kanina sabi ni kuya." di ko mapigilang magpakita ng iritasyon. Sa gulo ng utak ko, ang makita si Reid ang pinakahuli kong gustong mangyari.
"Ano naman ngayon kung balik-balikan ko si Pepper. Ba't parang ang sungit mo dahil lang dito?" balik niya sa'kin na mas lalo ko lang ikinainis. Mala-inosente ang mukha niya na parang walang ideya sa pinanggagalingan ko. Gusto ba niyang sabihin ko pa sa kanya na hindi ako komportableng makita siya ngayon matapos may mangyari sa'min kagabi.
"Dahil hindi ka muna dapat nandito." Tuluyan ko ng pinakawalan ang init ng ulo ko. Pabulong pero mariin ang bawat salitang binabato ko kay Reid. "Sabihin mo nga, may nasabi ka ba kay kuya Gian tungkol sa nangyari sa'tin kagabi? Nadulas ka ba o may nasabi kang nagbigay sa kanya ng ideya?"
"Wala." sagot ni Reid na nagsikunot ang noo. Halatang hindi niya nagugustuhan ang paraan ko ng pakikipag-usap sa kanya. "Ba't ko naman sasabihin kanya?"
"Pero bakit gano'n na lang ako tignan ni kuya na para bang may alam siya? Tinanong niya ako kung may nangyari sa'tin..."
"Maybe..." sagot sa'kin ni Reid na mukhang nagkaroon ng ideya. Hindi lang niya matapos.
"Maybe what?" tanong ko sa nambibitin niyang salita. Nakatitig siya sa'kin at nawala lang 'yon nang bumaba ang tingin niya sa leeg ko.
"Maybe he noticed that..." sabi niya na nakatutok na ngayon ang mata sa leeg ko. Hindi ko na kailangang tanungin kung alin 'yon dahil nakuha ko rin agad kung alin ang tinutukoy ni Reid.
"Sh!t" Natampal ko ang sarili kong noo. Paanong nawala sa isip ko na takpan ang marka sa leeg ko? Arggg.
Gusto kong sisihin si Reid. Gusto kong magalit sa kanya dahil kung di sana niya ako hinalikan kagabi tulad ng naaalala ko, wala naman sigurong mangyayari sa'min at kung hindi niya rin sana ako minarkahan sa leeg, matatago man lang sana namin 'to.
"Ano ng gagawin ko?" natatarantang sabi ko. Mas lalo lang gumulo ngayon ang pag-iisip ko. "Siguradong iniisip ni kuya ngayon kung gaano kalandi ang kapatid niya. He will be so disappointed with me again. Iisipin niya na wala na naman akong idadala sa pangalan ng pamilya namin kundi kahihiyan—"
"Don't say that Sizzy. I don't think pag-iisipan ka ng gano'n ng kuya mo..."
Minsan ko na noong nilagay sa kahihiyan ang pangalan ng pamilya namin noong kumalat 'yong balitang umatras siya sa kasal at nabunyag 'yong katotohanan na inakit lang kita at sinadya kong magpabuntis para mahawakan kita sa leeg. Kaya ayokong madisappoint ulit sa'kin si kuya Gian. Ayokong isipin niya na gagawa na naman ako ng panibagong kalokohan na hihila pababa sa reputasyon ng pamilya namin...
"Maybe we could still fix this..." sabi pa ni Reid na gusto kong pagtawanan. Mapaklang ngiti at salubong na kilay ang binigay ko sa kanya.
"At paano naman natin maaayos 'to?! Hindi mabubura ang isang pagkakamaling nangyari sa'tin kagabi." Hindi ako sumisigaw pero ang emosyon ko sobra. Naghihisterya ako at di ko 'yon mapigilan. "Kasalanan mo 'to..."
Wala akong ibang mapagbuntunan ng inis at sisi kundi si Reid. At alam kong ramdam niya ang umaapaw kong emosyon ngayon.
Naramdaman ko na lang na pinupunasan na ni Reid ang di ko namalayang nagsibagsakan na palang mga luha ko. Sa ginawa niyang iyon at sa nakikita kong pag-aalala sa mga mata niya, bigla akong natauhan. Nakalimutan ko na wala pala akong karapatang kagalitan, kainisan at sisihin ang taong nasa harapan ko. Magkaibang magkaiba ang sitwasyon niya noon sa'kin ngayon. Noong unang beses na may mangyari sa'min, kagagawan ko 'yon kaya natural lang sa kanya ang magalit. Pero ang nangyari sa'min nkagabi, walang may gusto no'n... Hindi niya minapyula o plinano.
"I'm sorry, Reid. I am really sorry. I didn't mean it." Bigla kong nasabi matapos kong matauhan. Kung nangyayari man sa'kin 'to ngayon, siguro ito na 'yong karma. Maybe I deserve this.
Muli akong naiyak kagat-kagat ang sarili kong labi para pigilang hindi kumuwala ang anumang ingay ng pag-iyak mula sa bibig ko. At sa pangalawa ring pagkakataon, walang ibang ginawa si Reid kundi ang punasan ang mga iyo gamit ang palad niya na sumasakop sa magkabilang pisngi ko.
Wala man siyang anumang sinasabi, nakatulong naman ang ginagawa niya para kumalma ako at matigil sa pag-iyak. Sinalubong ko ang tingin niya, "I'm sorry again, Reid."
"Ssh..." pagpapatahimik niya sa'kin kasabay ng yakap niya sa'kin. Hinaplos niya ng paulit-ulit ang likod ko na parang bata. "Ikaw pa rin pala talaga 'yong dating Sizzy... the weak one na kailangan lagi ng maiiyakan at masasandalan." Sabi niya sa mahinang boses hanggang sa naging bulong na umabot pa naman sa pandinig ko. "Let me take care of you..."
-------BABY PEPPER-------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top