Chapter 45
FORTY-FIVE
Reid's POV
Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa ingay na nanggagaling sa cellphone ko. Dahil sa matinding antok hindi ko man lang iyon sinagot. Binalewala ko ang tawag at natulog muli nang hindi man lang tinitignan kung sino iyon. Masyado akong puyat para hindi ko magawa ang kahit dumilat. Mabilis na hinila muli ako ng antok ko mula sa pagkakatulog.
Makalipas ang ilang sandali o oras na hindi ko matukoy, muli na naman akong naalimpungatan dahil sa ingay na nanggagaling naman muli sa doorbell ng bahay. Paulit-ulit iyon na tipong naeeskandalo na ang sarili kong tenga. Mag-isa rin lang ako sa bahay kaya wala akong aasahan na ibang tao para pagbuksan ang kung sino mang makulit na bisita.
Dahil sa wala na rin namang mapagpipilian, napilitan na akong tumayo mula sa kama. Chineck ko muna ang oras bago tuluyang lumabas ng kwarto. Alas siyete na ng gabi. Walang dudang gutom na rin ako base sa munting tunog na nirereklamo ng tiyan ko.
"Sandali lang, nandiyan na..." walang kagana-ganang sigaw ko sa kung sino mang makulit na paulit-ulit na pinipindot ang doorbell. Mukhang si Inigo lang naman ulit ito na siyang madalas gumawa sa'kin nito.
Ilang hakbang lang, narating ko na rin ang pintuan at gate. Sa pagbukas ko, ang mukha ni Sizzy ang sumalubong sa'kin. Pinanaasan niya agad ako ng kilay. "Ilang beses na kitang tinawagan di ka man lang sumagot. Kailangan pa talagang puntahan kita dito sa bahay mo para lang makausap ka?!"
Nagmartsa papasok ng bahay ko si Sizzy na tuloy lang sa pagrereklamo. Medyo madilim sa labas kaya nang makapasok na siya saka ko rin lang napansin na nakaayos at nakabihis siya. She looks good on her white top and long flowy blue skirt. Ni hindi na niya kailangan ng aksesorya sa katawan dahil 'yon lang sapat na.
"May lakad ba tayo?" tanong ko habang hindi ko hinihiwalay ang tingin sa kanya. Light lang make-up niya sa mukha but still, she looks beautiful. Maging ang buhok niya na nakabrush up into a bun ay bumagay din sa kanya.
"Tayo wala. Pero ikaw, meron." Sagot niya na nakapamewang sa harapan ko. "Ngayon ang date mo with Pamela. Ilang beses kitang tinawagan kanina just to remind you pero mukhang tinulugan mo lang ako..."
Hindi ko binigyan ng atensyon ang sunod-sunod na pagtatalak niya dahil hindi ako roon masyadong interesado. "Saan ba ang lakad mo? At parang ayos na ayos ka..."
"Lalabas sana kami ni Jarred pero di na natuloy. Kaya nga nagkaroon ako ng oras na puntahan ka dito dahil kung hindi siguradong lalangawin roon si Pamela sa kahihintay."
"Sinong Pamela?" tanong ko na walang ideya sa binabanggit niyang pangalan. Naging dahilan ang katanungan kong 'yon para samaan ako ng tingin ni Sizzy.
"Hindi ka ba nakikinig?! She's your date." Tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa. "Mag-aalasiyete y media na, kailangan mo ng kumilos. Hindi ka pwedeng malate at lalong hindi ka pwedeng hindi sumipot. Ako ang mapapahiya nito kay Pam."
"Pwede bang sa susunod na lang. Maybe some other day... Huwag ngayon, wala ako sa mood para diyan—"
"No!" mariing putol niya sa'kin na para bang nagsasabing wala akong kawala ngayong gabi.
"Pero puyat ako... at gutom pa ngayon mismo." reklamo ko na hindi rin bumibigay. Sadyang wala rin talaga sa kondisyon ang katawan ko ngayon. Uminom kami ni Inigo kaninang umaga na siyang dahilan ng kawalan ko ng interes sa ano mang bagay.
"Kakain ka rin naman sa labas sa date niyo. So please, pumanhik ka na sa kwarto mo't maligo at magbihis para sa date mo." Agarang sagot niya na pinagtulakan pa ako paakyat. Nang hindi pa ako nagpatangay, hindi na niya binitawan ang kamay ko saka hinila papunta sa sarili kong kwarto. Sunod ko na lang na nakita, nasa harapan na siya ng closet ko at namimili ng damit na susuotin ko. Hindi ko na siya pinigilan. Nalaman ko na lang na nakatingin na lang ako sa kanya na iniisa-isa ang mga damit ko.
She looks like a real housewife while doing that. Parang siya 'yong klase ng asawa na hands-on at sinisiguradong maayos ang lahat. Parang alam niya ang kung anong dapat gawin o dapat piliin na hindi nangangailangan pang mangapa o magtanong.
"This one na lang." sambit ni Sizzy na mabilis nakapagdesisyon ng susuotin ko. Pinakita niya sa'kin ang dalawang pares ng damit ko saka nilapag sa kama. Hindi komulit 'yon tinutulan. Tulad ng inaasahan ko, alam niya kung anong dapat piliin. She knows my taste. Mukhang hanggang ngayon, kilalang-kilala niya pa rin ang tipo at panlasa ko.
"Reid..." sambit muli ni Sizzy sa harapan ko na ikinabalik ko ng atensyon sa sinasabi niya. "Maligo kana ngayon mismo. Baka gusto mong paliguan pa kita..."
"Why not?" wala sa sariling naisatinig ko iyon. Parang gusto kong tampalin ang bibig ko dahil roon. Once again, hindi ko na naman alam kung anong nangyayari sa'kin ngayon.
"Ano ka bata?!" balik sa'kin ni Sizzy na hindi naman sineryoso ang kumuwala sa bibig ko. "Maligo ka na..."
Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Pumasok na ako sa banyo dala ang tuwalya na hindi siya nililingon. Nakangiti akong dumiretso sa loob na hindi ko alam ang rason kung para saan ang magaan kong nararamdaman. Maybe because I have a date? Baka 'yon nga.
Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ko sa banyo, basta't nang matapos na ako, nagbihis na ako ng damit na siyang inihanda ni Sizzy para suotin ko. Wala pang limang minuto, maayos at handa na ako. Kung may kulang man, 'yon ay ang bakanteng tiyan ko na dapat mapunan ng kahit kaunting pagkain. Gutom na talaga ako.
Paglabas na paglabas ko ng kwarto, biglang parang humaba ang ilong ko sa pagsinghap ng masarap na amoy. Walang ibang pinanggagalingan iyon kundi ang kusina. Kaya doon na rin ako pumunta.
"Nandito ba si Inigo?" tanong ko kay Sizzy na nasa aktong naglalapag ng nilutong pagkain sa mesa. "Siya ba ang nagluto niyan?"
Agad akong pinagtaasan ng kilay ni Sizzy na hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Alam mo bang pang-iinsulto 'yan. Hindi mo ba nakikita na walang Inigo rito at ako ang tanging nagpakaabalang nagluto nito..."
Tinignan ko siya na parang hindi makapaniwala. Kahit na nakasuot siya ng apron at nasa aktong naghahain ng nilutong pagkaon, parang hirap pa rin akong paniwalaan. Dati rati, tanging instant noodles, pagprito ng itlog at pagbake ng cupcakes ang tanging alam niya pagdating sa kusina.
Kumuha ako ng kutsara para tikman ang gawa niya. At sa minutong natikman ko iyon, mas lalong hindi ako makapaniwala... may alam na nga talaga siya ngayon sa pagluluto.
"O, ba't parang natulala ka diyan? Hindi ba gusto ng panlasa mo?" biro niya nang mapuna niya na hindi man lang ako umimik.
"Masarap, sobra. Sa sobrang sarap, gusto kong pagdudahan na hindi ikaw ang nagluto nito." Sagot ko na ikinangiti niya ng maluwang. Napupunta ang tingin ko sa apron na suot pa rin niya... she really looks like a housewife. A beautiful housewife.
"Bakit ka nga pala biglang napaluto? Akala ko ba pinagmamadali mo ako sa date ko?" tanong ko nang pumwesto na ako sa mesa kung saan may namahanda na ring pinggan at kutsara't tinidor. Umupo na rin siya sa tabi ko para kumain.
"Tumawag sa'kin si Pamela kanina lang, hindi raw siya makakapunta sa date niyo dahil may biglaang emergency sa bahay nila. At dahil hindi ka na makakakain sa labas, pinagluto na lang kita ng madalian para sa nagugutom mong tiyan." Sagot niya habang tuloy lang ako sa pagsubo. Wala akong pagrereklamong sinabi sa hindi natuloy na date dahil di hamak na mas gusto kong dito na lang at kumain ng masarap na niluto ni Sizzy.
"Sayang di natuloy ang date niyo, ang gwapo mo pa naman ngayon." Biglang sabi ni Sizzy na tanging ang komplimentasyon niya ang rumehistro sa tenga ko.
"Sayang din, di natuloy ang date niyo ni Jarred, ang g-ganda mo pa naman ngayon." Balik ko sa kanya na hindi nawawala ang komplimentasyon na dapat rin lang niyang matanggap.
"Pareho tayong inindian ng date natin. Why don't we drink after this?" Nagingiting saad ni Sizzy na inakala kong nagbibiro lang. Matapos kaming kumain, hindi niya ako tinigilan sa pangungulit na maglabas ng alak hanggang sa pumayag na rin ako. Naglabas ako ng bote ng alak para sa aming dalawa. Tinawagan rin namin si Megan, Kurt at Caleb na siyang dati-rati lang naming ginagawa, pero si Megan lang ang available.
"Namiss ko to!" masayang sabi ni Megan sa kabilang linya na kasalukuyang kumakain ng chips habang nakasalampak sa kama. "Namiss ko ang pareho niyong mukha sa iisang screen. Teka, ano 'yan iumiinom kayo?" Puna niya sa bote ng alak na nahagip ng paningin niya. "At mukhang kayo lang talagang dalawa ang magkasama diyan sa bahay... that's good..."
Nasa tono ni Megan ang panunukso at pinuna iyon ni Sizzy. "Ano ka ba naman Megan, ginagawa naman namin 'to noon ni Reid... dating gawi na natin ang maghampangan kahit pa long distance kayo, kami ditong dalawa at kayo naman diyan. Sayang lang, busy si Kurt at Caleb gayon."
"Ang daming depensa huh. Wala nga akong sinabing masama, sabi ko pa nga, that's good." Balik agad ni Megan na sadyang hindi ko na pinagtatakahan ang kakulitan. "You look good together, bakit di na lang kasi kayo? May anak na rin naman kayo, relasyon na lang naman ang kulang sa inyo..."
"Megan..." pareho naming suway ni Sizzy sa kanya na mas lalo lang niyang ikinalala sa panunukso.
"Bagay talaga kayo." Muling sabi ni Megan na sa'kin na ngayon bumaling ng tingin. "Alam mo bang ikaw lang ang tanging lalakeng gusto kong makatuluyan ni Sizzy. Team Sizzied na ako noon pa. At ako talaga ang nagtulak at nag-impluwensiya sa kanya noon na gapangin ka na—"
"Megan!" awat ulit ni Sizzy sa kanya. "Hindi na 'yan mangyayari ang gusto mo. Mukhang ikaw lang yata itong hindi makamove-on sa team Sizzied na 'yan. Walang magiging kami ni Reid, tanggapin mo na 'yon, Megan." Lumapit pa sa tabi ko si Sizzy saka inakbayan ako. "Right, Reid?"
Hindi agad ako nakasagot. Kinailangan pa akong tapikin ulit ni Sizzy bago ako nakapagsalita.
"R-right." Sabi ko na hindi ko maintindihan kung bakit kinautal ko pa ang salitang 'yon. Uminom agad ako ng baso ng alak saka muling nagsalita. "Isa pa, may Jarred na si Sizzy, kaya—"
"Sinong Jarred?" putol naman sa'kin ni Megan na mukhang walang ideya sa pangalang binabanggit ko. Wala ba sa kanyang nababanggit si Sizzy? Nang tignan ko si Sizzy, mabilis niya akong sinenyasan na manahimik muna.
"Sinong Jarred 'yon Sizz?" ulit ni Megan na nasa kay Sizzy na ngayon ang matanong na mata. "Huwag mong sabihing may hindi ka nakukwento sa'kin? May ibang lalake ka na bang nagugustuhan? Mahal mo? Sizzy, hindi ako papaya! Si Reid lang ang para sa'yo..."
Napapailing na lang si Sizzy sa sunod-sunod na reklamo ni Megan na walang awat ang bibig. "Megan, may problema yata sa connection, hindi ka na namin marinig ng maayos."
"Pero Sizzy, pag-usapan natin 'to—"
"Bye!" huling sabi ko sa kanya bago tuluyang sinara ang video call.
"Hindi mo sa kanya nabanggit si Jarred kahit isang beses? Bakit?" tanong ko agad kay Sizzy na siya naman itong lumalagok ng alak.
"Dahil sa ganoong klaseng reaksyon niya. Alam kong hindi niya matatanggap. Narinig mo naman siya kanina di'ba. She was serious about that. Kilala mo naman ang babaeng 'yon, may topak rin." Umiiling-iling na sabi ni Sizzy na nauwk rin sa tawa. "Mukhang daig ko pa ang lilitisin sa susunod na pag-uusap naming dalawa ni Megan..."
Lumagok ulit ako ng inom ng alak saka umupo na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nasa mini-sala kami ng ikalawang palapag. "Ano bang nagustuhan mo sa'kin noon at patay na patay ka sa'kin dati?"
Seryoso ang tono ng boses ko kaya seryoso rin niya akong sinagot. "Simpleng atraksiyon lang noong una lalo na't gwapo ka... Hanggang sa habang tumatagal ang pagkakaibigan natin, ganoon din 'yong nararamdaman ko sa'yo. At mas lumalim pa noong tayong dalawa na lang ang naiwan dito nang umalis sina Megan. Ikaw lang naman kasi ang meron ako noon lalo na 'yong panahong magulo ang pamilya ko. Masyado na akong naging nadikit at naging komportable sa'yo na dumating na sa puntong ikaw na 'yong pinangarap kong makasama sa buhay."
"Kaya nagawa mong sirain kami ni Bianca para lang mangyari ang gusto mo?" dagdag ko sa kaswal na tono. Wala na 'yong dati rating magkahalong galit at naghihinakit na tono na madalas kong gamitin sa kanya kapag tungkol dito ang usapan.
"Noong nagpropose ka kay Bianca at nakita ko kung gaano ka kaseryoso sa kanya, natakot ako noon para sa sarili ko Reid... Natakot akong tuluyan ka ng mawawala sa'kin. Kaya ayun, naging desperada akong makuha ka. Pero sa halip na mapasa'kin ka, naiwala kita... pati sarili ko naiwala ko rin..." Tumigil siya sandali sa pagsasalita para uminom saka nagpatuloy, "Hanggang sa natauhan ako at nagpilit na kalimutan ka na lang at tanggaping hindi ka magiging akin. Nakilala ko si Jarred na siyang nasandayan ko ng mga panahong 'yon. Pareho kaming nasa proseso ng pagmove-on. Ang kaibahan lang namin, ako nagsisimula pa lang na kalimutan ka noong mga panahong iyon, samantalang siya, tatlong taon na siyang paulit-ulit na nasa proseso ng paglimot kay Jasmin –his ex. His TOTGA..."
Nakita ko kung paano napabuntong hininga si Sizzy at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sa pagbanggit niya ng pangalang 'yon.
"And?" panghihikayat ko na magpatuloy pa siya. Alam kong may kwento sa likod ng pangalang 'yon.
"I saw her for the first time sa party ng mga De Lara nitong New Year's Eve. She was there. Inbitado siya ng mga magulang ni Jarred. And it was so obvious na gustong-gusto nila si Jasmin para sa anak nila. Inaasikaso siya nila na parang napakaimportanteng guest ng gabing 'yon... Habang ako, parang naging invisible na lang sa paningin nila... like I wasn't there..." Nang tinignan ko ng diretso ni Sizzy, nakita ko kung paano mamuo't umapaw ang luha sa mata niya. Tangkang itatago niya iyon pero hindi ko hinayaan. I cupped her face at pinunasan ang mga luha niya ng magkabila kong hinlalaki.
Dalawang linggo na ang nakararaan ang naganap na party na sinasabi ni Sizzy. At sa linggong dumaan na iyon, mukhang kinimkim lang ni Sizzy ang lahat. Kung sinasabi man niya sa'kin 'to ngayon, that's because, wala siyang mapagsabihang iba at hindi na niya kayang kimkimin pa 'to sa sarili niya.
Kahit na kinagalitan ko ng matagal si Sizzy, parang hindi ko kayang walang sabihin para gumaan ang loob niya. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin at sa kung paanong sumama ang tingin at pagkakakilala ko sa kanya, pakiramdam ko siya pa rin 'yong kilala kong kaibigan na mabilis panghinaan ng loob... yong babaeng kailangan parating paalalahanan na kaya niyang maging matapang at matatag.
"Tulad ng sabi mo, she was just an Ex. Ikaw itong present girlfriend, di'ba dapat siya ang matreathened sayo at hindi ikaw..." sabi ko na ikinailing niya ng paulit-ulit.
"Ano naman ang laban ko sa kanya, she's Jasmin Sandoval. Kung makikita at makikilala mo lang siya, malalaman mo kung bakit nanliliit ako ng ganito..." sabi na may namumuo na namang luha. Bukod sa namumula niyang ilong dahil sa kaiiyak, ganoon na rin ang pisngi at tenga niya dahil sa epekto ng alak. Nalalasing na siya, at ganoon na rin ako. Masyado ng marami ang naiinom namin.
"Anong laban mo sa kanya? You are the present girlfriend. Nasa sa'yo si Jarred, at wala sa kanya."
"Pero pwede ring mapasa kanya. Paano kung mahal pa rin pala siya ni Jarred? Paano kung in one just snap, mawala sa'kin si Jarred tulad ng kung paanong nawala sa'yo si Bianca?" balik niya na ikinatigil ko. Direkta sa puso ang tama ng mga salitang iyon.
Bakit nga ba gano'n kadali magbago ang nararamdaman ng isang tao? Bakit kahit gaano mo pa inalagaan at pinrotektahan 'yong relasyon niyo, masusungkit at makukuha pa rin siya ng iba?
"Nakita ko kung paano nagulat si Jarred nang makita niya ulit si Jasmin. Nakita ko kung paano niya titigan na para bang... nasasaktan pa rin siya sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Jasmin. Na parang... he wants her back." Namamaos na saad ni Sizzy. Tumayo siya para abutin 'yong isa pang bote ng alak pero hirap na siyang kunin ang balanse niya. Kailangan ko pa siyang alalayan para hindi tuluyang mabuwal. Lasing na nga talaga siya.
"Iiwan na niya ako..." Muli niyang sabi sa nakapikit na mata habang may dumadaloy na luha sa pisngi niya. Hindi na rin lang ako umimik at napatitig na lang sa kanya. Patuloy lang siyang nagsalita. "Si Jarred lang ang tumanggap at nagmahal sa'kin. Habang hinuhusgahan ako ng tao kung gaano ako haliparot, makati, mamimikot at kasamang babae, si Jarred lang ang hindi. Tinanggap niya ang nakaraan ko at minahal... Siya ang unang lalakeng nagmahal sa'kin..."
Hindi ko alam kung bakit parang bumabangga sa dibdib ko ang bawat salitang iyon ni Sizzy na para bang ayokong pakinggan. Aalisin ko na sana ang pagkakatitig ko sa kanya ng biglang dumilat si Sizzy at sinalubong ang tingin ko. "Bakit di mo ako minahal noon, Reid?"
Hindi ko inaasahang darating ang katanungang iyon mula kay Sizzy. Ni hindi ko alam kung dapat ko ba 'yong sagutin. Bakit nga ba? Bakit hindi ko siya nakita o napansin man lang noon?
"Bakit parating may higit sa'kin...?" muling tanong ni Sizzy na mas lalong nagpalutang ng insecuridad niya sa sarili. "Am I not enough? Di ko ba kayang mapantayan man lang si Bianca o si Jasmin?"
Muli, walang lumabas sa bibig ko. Walang anumang salita na namuo mula sa'kin na makapagpapagaan ng loob niya. Gusto kong patigilin ang nagbabadyang pagbagsak na naman ng luha mula sa mga mata niya. Kaya bago pa man 'yon magsibagsakan, wala sa sariling lumapit ako sa mukha niya... at hinalikan siya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Ang alam ko lang, lasing ako kaya ko siguro nagagawa 'to. O dahil sa...
Pilit kong binura ang kung anumang tumatakbo sa isip ko't bumitaw ng halik kay Sizzy. Nakapikit pa rin ang mga mata niya na parang naghihintay sa munting pagdantay ng labi ko sa kanya. Naglalaban man ang utak ko, nanaig ang kagustuhan kong muling halikan siya.
Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam habang hinahalikan ko si Sizzy... o dahil lang talaga siguro sa lasing ako. Para siyang mababasagin na bagay na gusto kong ingatan at protektahan. Ni parang ayoko siyang bitawan at pakawalan.
Nang ginantihan niya ang mga halik ko, tuluyan na akong nawala sa sarili at mas pinalalim pa 'yon. Bumitaw lang ulit ako sa labi niya para bigyan siya ng pagkakataong makahinga't sumagap ng hangin, pero hindi ko hiniwalay ang sarili ko sa kanya kahit isang segundo. Binaba ko ang mga halik ko sa leeg niya habang gumagapang na rin sa paggalugad ang mga daliri't kamay ko sa meseselang parte ng katawan niya.
Naririnig ko na lang ang pag-ungol ni Sizzy dahil sa ginagawa ko sa kanya. Nakapikit lang siya habang namumula ang pisngi at dinadama ang balat ko na humahaplos sa kanya. She's so beautiful. Hindi ko alam kung bakit napupuno siya ng insekyuridad dahil wala naman dapat. At iyon ang gusto kong iparamdam sa kanya ngayon. That she's enough. More than enough...
Nang maramdaman kong hindi na ako makapagtitimpi pa at parang ganoon din naman siya, binuhat ko na si Sizzy na hindi pinapatid ang mga halik sa pagitan namin. Mabilis ko siyang naipasok sa kwarto at dahan-dahang hiniga sa sarili kong kama. Medyo nanlalabo ang paningin ko dahil sa kalasingan pero malinaw ko pa ring nakikita na halos wala na siyang saplot dahil kanina ko pa naalis 'yong iba. Tanging ang pinakahuling pambaba at pantaas na lang niya ang tanging tumatakip sa pagkababae niya. Hindi pa man ako kumukubabaw sa kanya ang bigla na lang ako hinatak ni Sizzy habang nakakapit sa batok ko para pagtagpuin muli ang mga labi namin. Mas lalong nag-alab ang nararamdamang init sa katawan ko na handang-handa ng sakupin siya. Bahala na
--------HI--------
Hi po. Kung naghahanap po pala kayo ng ibang magandang story, nirerekomenda ko ung 'promises in the wind'. Maganda siya pramis! Written by warranj. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top