Chapter 44
FORTY-FOUR:
Reid's POV
"Ang pretty naman ng baby namin..." rinig kong sabi ni Jarred habang pinupuna si Pepper. Nasa roof deck swimming pool kaming lahat. Suot ni Pepper ang regalo ko sa kanya na isang pink swimsuit na mas lalong nagpalantad sa kakyutan niya. "Pero hindi kaya lamigin naman siya sa nipis ng suot niya?"
Si Sizzy ang kausap ni Jarred, pero ako ang sumagot nang di ako makapagpigil na sumabat. "I'm sure she won't." Pinanatili kong mahinahon ang boses ko para hindi mahalata ng lahat kung gaano ako naoffend sa kinomento ni Reid.
"Pero masyadong malamig dito." Sabi ulit nito na lagi na lang hindi ko magustuhan ang lumalabas sa bibig niya. Ba't ba masyado siyang nangingialam. Kung makapagreact siya akala mo siya itong ama.
"I'll cover her na lang with this towel." Sambit naman ni Sizzy na pinulupot nga sa katawan ni Pepper ang hawak niyang isang makapal na tela. Pakiramdam ko tuloy ako ang natalo. Bakit ba kailangan siyang sundin ni Sizzy? Gano'n ba kahalaga ang opinyon niya?
"Reid, may tumatawag sa phone mo..." sabi sa'kin ni tito Richard na katabi ko. Agad ko ring sinagot ang tawag at lumayo ng ilang distansya mula sa kanila.
"Bakit ka napatawag?" bungad ko kay Inigo sa kabilang linya.
"Ba't parang masama naman 'yang mood mo?" sagot niya na nababasa ako kahit hindi niya nakikita ang magkasalubong kong kilay. Mukhang dahil iyon sa boses ko. "May nangyari ba? Si Sizzy na naman ba 'to?"
"Hindi. Her annoying boyfriend. Nandito rin si Jarred, kararating lang kahapon."
"Hmm. Interesting..." sambit ni Inigo na hindi ko alam kung para saan ang sinabi niyang iyon pero di ko na lang pinansin. "Ngayon na ang balik mo dito, right?"
Nasa cellphone ang tenga't pandinig ko, habang ang mga mata't paningin ko ay nasa kay Jarred na siya na ngayon ang may karga kay Pepper. "I think I'm going to extend my stay here."
"What? Di'ba sabi mo two to three days ka lang naman diyan?"
"At ano? Hayaan ko na lang na agawin sa'kin ni Jarred ang pagiging ama ko kay Pepper? Kung nakikita mo lang siya ngayon dito, parang kulang na lang gawin niyang kamukha si Pepper para masabi lang na siya ang ama."
Isang halakhak na tawa ang tanging narinig ko sa kabilang linya na lalong ikinainit ng ulo ko. "Pinagtatawanan mo ba ako?"
Sandali itong natigilan sa pagtawa saka nagsalita. "Wala akong nakikitang masama sa pagpapaka-ama ni Jarred. Boyfriend siya ni Sizzy, at pwedeng siya na rin ang mapangasawa nito. Kaya kung magkataon man, he'll be the stepfather of Pepper, kaya tama lang mapalapit na siya sa anak mo..."
Hindi ko namamalayang humigpit na ang hawak ko sa phone. "Tama na ang isang ama para kilalanin ni Pepper, and that's me. Hindi niya kailangan ng panibagong ama..."
"Para namang may magagawa ka sa bagay na 'yan. Unless, maghiwalay ang dalawa at ikaw na itong makatuluyan ni Sizzy. And with that, wala ka ng problema sa anak mo na may kikilalaning ibang ama."
"No way. That won't happen. That's the last thing na gugustuhin kong mangyari." mariing sagot ko. Mas lalo lang akong nainis kay Inigo. "Bakit ka ba napatawag?"
"Tumawag ako para pabalikin kana dito. I need you here to—"
"Kaya mo na 'yan. Hindi pa ako pwedeng umuwi. Not now. Bye." Sabi ko sabay end ng call. Matapos ang tawag, bumalik ako sa kanila at dumiretso kay Pepper para kunin siya kay Jarred.
"Anong pinag-uusapan niyo?" singit ko sa kasalukuyang pinagkukwentuhan nila. Si ate Aries ang nangunguna sa pagkuwento tungkol sa bundok na inakyat na nila ng ilang beses noon.
"May bundok sa tabi nitong resort. Mahirap siyang akyatin pero worth it naman kapag narating mo na ang tuktok. Napakaganda ng view lalo na kung masasaksihan mo ang paglubog ng araw." Si kuya Gian ang sumagot sa tanong ko. Hindi ko pa man nararating ang sinasabi niyang bundok pero pamilyar na ako roon.
"Yan ba 'yung bundok bucana?" tanong ko na ikinasurpresa ng lahat na alam ko.
"Oo. Teka, naakyat mo na ba ang bucana Reid nang minsang pumunta kayo rito noon?" tanong naman ni ate Aries.
"Hindi." Sagot ko na may pag-iling. "Nakuwento lang sa'kin noon ni Sizzy. Naalala ko lang dahil tandang-tanda ko kung paano niya ilang beses na sinabing sinusumpa na niya ang bundok na 'yon at hinding-hindi na niya muling aakyatin pa."
"Kung gano'n kakainin mo ang mga sinabi mong 'yon, Sizz." Sabat naman ni Jarred na nasa kay Sizzy ang mapanuksong mga mata. "Ngayong araw mismo, let's climb that bucana mountain."
"Imposible!" Ako naman ang natatawang sumingit. "Hindi mo mapapaakyat ng bundok si Sizzy. Alam mo ba kung gaano 'yan kaarte sa putik at gaano katakot sa ahas at spiders? Walang ibang gagawin 'yan doon kundi ang tumili."
Sa halip na samaan ako ng tingin ni Sizzy na siyang inaasahan kong reaksyon mula sa kanya, ako itong pinagtawanan naman niya. "Not anymore Reid! Naovercome ko na ang mga bagay na 'yan. Ilang bundok na rin ang naakyat ko." Proud niya pang sabi saka tumingin kay Jarred. "Ilan nga ulit 'yon na mga bundok na pinaakyat mo sa'kin?"
"Apat. At magiging panglima na itong mount bucana." Sagot ni Jarred na isa ring proud boyfriend. "But I must admit na ako ang napapagod sa kanya kapag umaakyat kami ng bundok. Kailangan kasi siyang imotivate segu-segundo para magkalakas loob, pero kapag di na talaga kinakaya ng cheering words, ayun... pinapasan ko na lang. Kaya ako talaga itong kawawa."
Naghalakhakan ang lahat ng tawa maliban sa'kin. Hindi naman talaga kasi nakakatawa.
"At paano ka naman naging kawawa," di nagpapahuling saad ni Sizzy. "Diyan mo ako nakuha sa pagpapakyut mo kapag umaakyat tayo ng bundok."
At muling lumitaw ang tuksuhan dahil roon. Agad rin lang natapos nang muli akong nagsalita. "Kung ganoon lahat ba kayo aakyat mamaya?" tanong ko.
"Yeah. Lahat tayo..." panghihikayat ni ate Aries na sumiksik kay kuya Gian. "Let's bring Xion with us. Gusto kong makita niya ang memorable place na 'yon para sa'tin dalawa."
"Basta ako, huwag niyo na akong isama pa diyan at di na kaya ng tuhod ko." Sambit ni tito Richard.
"Ikaw Reid, sama ka..." alok sa'kin ni Jarred na agad kong tinanggihan.
"I'm sure hindi pa pupwedeng isama si Pepper, kaya magpapaiwan na lang ako. Don't worry I'll take care of her. Kahit pa abutin kayo ng umaga roon, ayos lang." Saad ko na tinatago ang sarkasmo sa mga huling salitang binitawan ko.
Isang malaking ngiti ang natanggap ko kay Sizzy. "Thanks Reid. Ililista ko na lang 'yong mga oras na dapat ipagtimpla siya ng gatas at gano'n na rin 'yong gamot na dapat painumin. Hindi ka naman mahihirapan kay Pepper lalo na't sanay na siya sa'yo."
Tumango ako kahit na ang totoo, gustong-gusto kong pagalitan si Sizzy. Hindi ako makapaniwala na iiwan niya talaga sa'kin si Pepper dahil mas inuuna niya ang kalandian niya kay Jarred. Paano na lang kung wala ako? Kanino na lang niya iiwan ang anak namin ganitong wala rin si manang Lydia...
Pilit ko na lang tinago ang halong pagkadismaya ko at pagkainis. Ginawa ko na rin lang na excuse si Pepper na lumabas para ilibang ito. Ilang sandali lang, bitbit ko na ang anak ko sa tabing-dagat na kaming dalawa lang. Pinalakad ko siya sa buhangin habang hindi binibitawan ang dalawang kamay niya.
"Ang ganda naman ng anak mo..." sabi ng isang tinig mula sa harapan namin. Nang tiningala ko iyon para kilalanin, naalala ko na siya 'yong makulit na babae kanina. Balot na ngayon ang katawan niya. Nang hindi ko siya pinansin at balak lagpasan na lang, muli siyang nagsalita. "I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi talaga ako gano'ng klase ng babae. It was a dare. Nagkayayaan lang kami ng mga kaibigan ko sa isang laro, at nagkataong ikaw ang napagtripan namin. I'm Jenny nga pala at hindi talaga Jules tulad ng pakilala ko kanina."
Sandali akong natigilan sa narinig ko at pinagmasdan siya. Medyo nag-iba na nga talaga siya ngayon. Wala na 'yong pilit na maarte niyang boses at nagpapakalanding ekspresyon ng mukha. Pero di ko pa rin tinanggap ang pakikipagkamay niya.
"Yun ba ang klase ng laro ang gusto niyo, ang manira ng pamilya?" sabi ko sa malamig pa ring tono. But I admit na nabawasan na kahit papaano ang inis ko sa taong kaharap ko.
Umiling-iling siya. "Hindi. That was not really my intention. Maniwala ka't sa hindi, alam ko ang pakiramdam ng sinisira ang pamilya. I came from a broken family. Nambabae ang dad ko kaya ayon, lumaki ako na nabibingi sa araw-araw na pag-aaway ng magulang ko. Kaya wala akong balak na gawin 'yon sa ibang pamilya" Sandali siyang natigalan sa pagkukwento dahil siya mismo napuna niyang mahaba na pala ang naibabahagi niya tungkol sa pagkatao niya. "I'm so sorry talaga. Mukhang hindi ko naman nasira ang pamilyang meron ka, di'ba? Honestly, humanga nga ako eh. You're a faithful husband to your wife, ang swerte niya sa'yo..."
Gusto kong pagtawanan ang huling sinabi niyang 'yon pero hindi ko ginawa. Kung alam lang niya na palabas rin lang 'yong pagiging mag-asawa namin ni Sizzy...
"Bukod sa kanya, swerte rin ang anak niyo. Buo at puno ng pagmamahal ang pamilyang kinalalakihan niya—" dagdag pa nito na biglang natigil ang pagsasalita. Napatingin na rin tuloy ako sa direksyon na siyang dahilan ng distraksyon niya.
"Di'ba 'yong asawa mo 'yon?" tanong nito na tinutukoy si Sizzy mula sa di kalayuan kasama si Jarred. Nasa akto sila na nagyayakapan. Ginawaran pa ng mabilis na halik ni Jarred si Sizzy sa labi. "M-may ibang lalake siya..."
Nakita ko ang pagkabigla ng babaeng katabi ko na hindi ko mapantayan ang reaksyon. Nagsalubong din ang mga kilay nito nang makita niyang nakatayo lang ako, walang reaksyon at walang ginagawa. "Wala ka bang gagawin? Niloloko ka na ng asawa mo, huwag kang magbulagbulagan..."
Alam ko na ito na 'yong parte kung saan dapat sabihin ko na lang sa kanya na hindi ko naman talaga asawa si Sizzy kaya walang kataksilang nangyayari ngayon, pero hindi ko magawa. Walang kumuwalang salita sa bibig ko, pero inis meron... marami. At hindi ko na alam kung para kanino.
"Huwag ka ngang makialam. Hindi mo kailangang mangialam. Hindi kita kilala, at hindi mo kami kilala, so please, just leave us alone..." sabi ko sa kanya sa naiinis na tono. Malapit ko na rin aiyang masigawan kung hindi lang ako nagpipigil.
"Pero hindi mo man lang ba siya kokomprontahin? You don't deserve this. Niloloko ka niya—"
"I said leave us alone." Sabi ko sa pinal na boses. Napakakulit niya na parang walang mainitindihan sa sinabi ko. Pagtatabuyan ko pa sana ito nang biglang napansin ko si Sizzy na naglalakad palapit sa'min.
Mukhang natandaan niya ang mukha ng babae na siyang nakaharap nito kanina, kaya awtomatikong umakto si Sizzy tulad ng palabas namin kanina.
"Ikaw na naman?" sabi ni Sizzy sa babae. "Nilalandi mo na naman ba ang asawa ko?"
"Sino ba sa'tin ang malandi?" balik naman ni Jenny na parang handang makipag-away kay Sizzy. "Hindi mo man lang inisip ang anak mo. Walang karapatang maging ina o asawa ang isang tulad mo!"
Hindi agad nakapagsalita si Sizzy dahil naguluhan siya sa pinagsasasabi nito. Samantalang si Jenny ay halatang apektado at namumula na sa inis. Hindi pa ito nakatiis at humakbang para duruin si Sizzy. Alerto naman akong pumagitna at maagap na sinalo ang nag-aabang na kamay nito na baka maisipang saktan si Sizzy.
"Stay away from my wife. Hindi ako mangingiming saktan ka kapag sinaktan mo siya." Pagbabanta ko. Humigpit rin ang hawak ko sa kamay niya dahil sa inis. "Umalis ka na."
Awtomatiko naman itong napaatras kasabay ng pagbawi ng sarili niyang kamay. Halatang disappointed ito sa nakikita nitong pagkampi at pagkonsinte ko sa inaakala niyang asawa ko.
"Anong problema ng babaeng 'yon?" tanong ni Sizzy habang tinatanaw ang papalayong babae.
"Ikaw." Sagot ko. "Nakita lang naman ng dalawang mata niya kung paano ka makipagharutan kay Jarred. Kaya inakala no'ng tao na pinagtataksilan mo ako..." maikling paliwanag ko na parang naninita na rin. "Sa susunod kasi huwag basta na lang magparada ng kalandian..."
Natawa lang si Sizzy sagot ko at hindi man lang minasama amg huli kong sinabi. Ikinaaliw pa niya talaga ang nangyari samantalang ako ngayon ay naiinis sa mga reaksyon niya. Bigla't bigla rin, kasabay no'n ay ang pag-iyak ni Pepper na gustong magpakarga sa sarili niyang ina. Pero sa halip na pagbigyan ko ang bata, tinalikuran ko siya na dala si Pepper at naglakad papalayo sa kanya.
"Teka, saan ka pupunta? Kargahin ko muna si Pepper dahil umiiyak na." habol nito sa'kin na pilit pinapantayan ang mga hakbang ko.
Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang ako. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Hanggang sa naramdaman ko na lang ng paghablot sa braso ko ni Sizzy. Sumalubong sa'kin ang naiinis na niyang mukha dahil sa ginagawa kong pagpapahabol sa kanya.
"Ano bang problema mo?! Ba't ka ba lumalayo?!" tanong niya sa'kin. Muli niyang kukunin sa'kin si Pepper perp iniwas ko rin lang ulit ito.
"Bumalik ka na roon tutal aalis ka rin naman. Ako na ang bahala kay Pepper." Sabi ko.
"Hindi na ako aakyat ng bundok. Sina ate Aries, Xion at Kuya Gian na lang. Tumawag kasi ang magulang ni Jarred sa kanya ngayon-ngayon lang. Pinauuwi siya ngayon dahil sa isang importanteng bagay." Paliwanag ni Sizzy na parang awtomatikong nagpahupa ng pagmamatigas ko.
"Umalis na ba siya?" tanging tanong ko. Nang tumango si Sizzy, paran tuluyan ng nawala ang kaninang matinding inis ko. Nang tangkang ibibigay ko na rin si Pepper sa kanya siya naman itong tumanggi.
"Teka lang naman, hinihingal pa ako. Ano ba naman kasi ang nakain mo't nagsusungit ka na naman kanina?"
"Ayoko lang na paiiyakin mo na naman si Pepper dahil lang sa aalis ka para umakyat ng bundok." Tanging nasagot ko na ikinasama ng tingin sa'kin ni Sizzy.
"Pero ikaw itong nagpaiyak sa kanya kanina. Pinahabol mo pa ako, kaya mas lalong nanabik sa'kin si Pepper—"
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga susunod na sasabihin ni Sizzy dahil nagsimula na naman akong maglakad palayo sa kanya bitbit si Pepper, pero 'yon ay para asarin lang siya.
"Reid!" sigaw niya habang humahabol. Natatawa na rin lang ako sa kung paanong hindi niya kami maabutan habang hingal na hingal si Sizzy. Mahirap din kasing tumakbo sa buhangin aya hindi na rin ako magtataka kung bakit bumabagal ang kilos niya na parang wala na talagang pag-asang maabutan kami.
Ilang segundo pa, ako na ang sumuko para magpaubaya. Binalikan ko siya na humahabol pa rin ng hininga habang nakaupo sa buhangin. Awtomatikong sinamaan niya ako ng tingin. "Ang sama mo..."
"Sizzy, nasa patag pa lang tayo ganyan na ang hingal mo, paano pa kaya ang itsura mo habang umaakyat ng bundok. Sigurado ka bang gusto mo talaga ang bagay na 'yon? Or you're just pretending dahil 'yon ang gusto ni Jarred?"
She rolled her eyes bago sumagot. "Oo na tama ka, hindi ko pa rin hilig ang pag-akyat ng bundok. Takot pa rin ako sa ahas, spiders, matatarik at ayoko pa rin sa putik. Hindi pa rin nawawala 'yong pagkadisgusto ko sa mga bagay na 'yon. At ngayon, para akong nakahinga ng maluwag na hindi natuloy ang pag-akyat sa bucana dahil alam kong isusumpa ko na naman ulit 'yon kapag nagkataon."
Napangiti na lang ako at natuwa sa pag-amin niya. Naramdaman ko na lang na inaangat ko na ang kamay ko para abutin ang isa niyang kamay. "Let's go?" yaya ko.
"Saan?" tanong niya na tinanggap na ang palad ko saka tumayo. Hindi ko na binitawan ang kamay niyang 'yon at hinila siya.
"Alam kong mas gusto mong manood ng festival. Meron daw roon ngayon sa kabilang barrio, rinig ko kanina. Magsisimula na 'yon maya-maya lang."
"Talaga?" natutuwang sabi ni Sizzy na parang bata. Noon pa man, malaki na ang pagkahilig niya sa mga festival lalo na 'yong mga parada na may mga makukulay na kasuotan habang nagstreet dancing. Alam ko na mas ikatutuwa ng kaloob-looban niya ang panonood ng ganito kaysa ang umakyat ng bundok.
------XION-----
Say hi to Xion.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top