Chapter 43

FORTY-THREE

Reid's POV

"Xion, pumasok ka muna sa loob para magbihis. Kanina ka pa tinatawag ng mommy mo." Sabi ni Sizzy sa pamangkin niya na naglalaro nang buhangin habang nakapolo, maong pants at sapatos. Kagagaling lang naming lahat sa simbahan ngayong pang-umagang misa ng pasko. Pagkauwi namin dito sa resort, naglaro na si Xion agad sa buhangin. Kanina pa siya tinatawag ng mommy niya pero hindi man lang ito mapilit.

"Later tita, please." Sambit ni Xion sa nakikiusap na kamay at puppy eyes. Alam na alam na niya kung paano gumamit ng taktika para makuha ang gusto niya.

"Hayaan mo na si Xion." Gatong ko pero mukhang walang epekto 'yon kay Sizzy.

"Hindi pwede." Sagot ni Sizzy sa'kin at kay Xion sa final na tono. Lumapit siya kay Xion saka kinausap ng masinsinan. Sunod ko na lang na nalaman, humiwalay na si Xion sa binubuo niyang sand castle at pumunta sa loob na nakasimangot.

"Hinayaan mo na lang muna sana 'yong bata na maglaro, kawawa naman." Sabi ko kay Sizzy habang inaalala ang malungkot na mukha ni Xion dahil hindi siya napagbigyan sa gusto nito.

"Ayoko lang siyang masanay na laging pinagbibigyan. Kung kay ate Aries at kuya Gian pwede ang gano'n, sa'kin hindi. Ayokong maging konsintidor sa lahat ng oras." Paliwanag niya na bumaling din kay Pepper na karga-karga ko ngayon. "Kaya pagdating kay Pepper, huwag ka rin sanang maging konsintidor. Kung kinakailangang pagalitan, dapat pagalitan. Para hindi lumalaking pilyo at sakit ng ulo."

Napunta na rin kay Pepper ang atensyon ko na may kalakihan na rin. Ilang buwan na lang mag-iisang taon na rin siya at di magtatagal, darating at darating rin siya sa edad ng tulad kay Xion. Mukhang ngayon pa lang alam ko ng si Sizzy ang magiging mahigpit at ako ang magiging maluwag kay Pepper.

"Hindi lalaking pilya at sakit ng ulo ang dalaga ko. Right Pepper?" baling ko kay Pepper na walang ibang ginawa kundi ang ngumiti lang. Mula sa pagkakakarga ko, binaba ko siya sa pantay na sahig saka binitawan na nakaalalay pa rin. Nagagawa na ni Pepper ang tumayo sa loob ng ilang segundo na hindi hinahawakan. Sinamantala ko 'yon para lumayo ng konti sa kanya.

"Come baby... come to Daddy." Panghihikayat ko sa kanya habang pumapalakpak din

"Dada..." usal niya na parang musika sa pandinig ko. Ito ang unang pagkakataong tinawag niya ako dahil mas madalas kasing mama ang alam niyang sabihin. Dinaldal pa ni Pepper ng paulit-ulit ang salitang dada saka humakbang ng isa dalawa papunta sa'kin.

"Narinig mo 'yon? Nakita mo 'yon?" sambit ko kay Sizzy na tuwang-tuwa rin sa nasaksihan. "Nakahakbang na siya at ginawa niya 'yon habang sinasambit ang Dada."

Mabilis kong dinukot ang phone ko mula sa bulsa at binigay 'yon kay Sizzy. "Kunan mo ng video si Pepper. We'll try it again."

Pinuwesto ko ulit si Pepper ng tayo hanggang sa makuha niya ang tamang balanse bago ko siya binitawan. Nang nagawa niyang tumayo sa sarili niyang paa, lumayo ulit ako ng konti saka hinintay ang paghakbang niya na nangyari ulit mula una hanggang sa dumadami na ngayong mga hakbang.

"Wow! Good job Pepper!" Napapasigaw na sabi ni Sizzy. Lumapit siya't hinalikhalikan si Pepper.

"Ang saya niyo naman tignan." Sambit ng isang boses ng babaeng bumungad sa tabi namin. Maputi, singkit at hindi gano'n katangkaran. Minsan ko na siyang nakita noon pero hindi ko lang matandaan ang pangalan niya. Ang alam ko lang, kababata siya ni ate Aries at kuya Gian dito sa San Agustin.

"Ang ganda naman ng anak niyo. So cute!" dagdag pa nito habang di nakapigil na lapitan at kargahin si Pepper.

"Kumusta ka na ate Maggie? Ngayon rin lang kita ulit matapos ang ilang taon." Pakikipag-usap dito ni Sizzy.

"Heto, wala pa ring asawa't anak di tulad mo..." sandali itong natigil sa pagsasalita nang mabaling ang atensyon niya kay Pepper na karga pa rin niya. "Basang-basa na ng pawis ang anak niyo... Mukhang kailangan ng magpalit ng damit."

Kinuha naman agad ni Sizzy si Pepper saka nagpaalam muna samin para bihisan si Pepper sa loob. Naiwan akong kasama si ate Maggie na tuloy lang sa pakikipag-usap.

"Di'ba nagawi ka na noon dito sa San Agustin? May mga kaibigan si Sizzy na dinala niya dito matagal na panahon ng nakalipas. Isa ka ba roon? Pamilyar kasi ang mukha mo."

"Tama ka po, ilang beses na rin akong nakarating dito. Pinaka-una ko rito noong kasama namin ang buong barkada. And just like you, pamilyar ka rin sa'kin nang bumungad ka kanina." Sagot ko na ikinabilog ng mata ni ate Maggie na para bang may biglang naalala.

"Teka parang naaalala ko na ang pangalan mo... I think it's Red? Or is it Reid?" tanong nito na hinihintay ang kompirmasyon ko.

"It's Reid." Nangingiting sagot ko dahil naalala niya pa talaga ang pangalan ko, samantalang ako hindi ko pa malalaman kung hindi nabanggit kanina ni Sizzy.

"Nakakatuwa naman talaga..." nangingiti ring sabi nito. "Akalain mo nga namang ikaw lang pala ang mapapangasawa ni Sizzy. Siguro noon pa man, gusto niyo na ang isa't isa... Teka, kailan ba kayo nagpakasal at parang hindi man lang ako naimbitahan?"

Kusang nabura ang ngiti sa labi ko. "Hindi kami mag-asawa ni Sizzy. Hindi niya ako asawa." Paglilinaw ko sa maling-akala niya.

Napataas ang dalawang kilay niya saka nagtagpo dahilan para kumunot ang noo niya. "Ay, sorry... akala ko kasi— mali pala ako. Assumera din kasi ako minsan... di man lang muna ako nagtanong, kaya pasensiya na Reid." Napapahalakhak na sabi niya na pinagtatawanan ang sarili niyang kamalian. Mukhang siya ang klase ng taong mababaw lang ang kaligayahan.

"Nasaan na pala ang ibang kaibigan niyo na kasama niyo noon dito?" tanong muli nito na tuloy pa rin sa pakikag-usap.

"Pare-pareho ng nasa ibang bansa 'yong tatlong 'yon. Yong isa, si Caleb, nag-aaral pa rin, pagdodoktor ang balak no'n sa buhay. At 'yong dalawang magkapatid naman, si Megan at Kurt, may kanya-kanya ng trabaho't negosyo sa Singapore."

"Ah." Tumatango-tangong sagot nito. Magsasalita pa sana ito nang parehong magawi ang tingin namin sa taong dumating –si Jarred. Malayo kami sa kanya kaya hindi niya kami nakita, tuloy lang itong naglakad papasok ng hotel, pero bago pa man ito tuluyang makapasok, lumabas na rin si Sizzy at Pepper na eksaktong nakasalubong nito. Awtomatikong ginawaran ng halik ni Jarred si Sizzy at Pepper.

"Ah. Kung gano'n siya ang napangasawa ni Sizzy. Gwapo rin kaya naman pala hindi nakapagtatakang maganda at ang cute ng anak nila." Komento ni ate Maggie na hindi ko napigilang koreksyonan.

"Hindi siya asawa ni Sizzy. At lalong hindi siya ang ama ni Pepper." Mabilis kong pagtama. "I am the father."

Naguguluhang napabaling sa'kin si ate Maggie na para bang ginulo ko ang tahimik na pag-iisip niya. "Paanong—"

Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin dahil biglang nawalan ako ng ganang magpaliwanag kay ate Maggie. Iniwan ko na lang siya bigla at nagsimula akong maglakad sa tabing dagat. Sunod ko na lang nalaman, nilulusong ko na ang tubig saka lumangoy sa malalim na parte. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na sumisid at lumangoy, tumigil lang ako nang sarili ko ng katawan ang sumuko sa pagod.

Sa pag-ahon ko sa tubig, ang hinubad ko kaninang shirt ang una kong hinanap. Agad ko rin naman iyon nakita na malapit sa bench kung saan meron na ngayong nakaupo roon.

"Excuse me," sambit ko sa babaeng medyo naupuan pa ang damit ko. Tiningala naman niya ako saka kumindat na mapaghahalataang nagpapakita ng interes.

"Bakasyonista ka rin ba rito?" tanong niya na nasundan pa matapos kong tumango. "Hanggang kailan ka dito?"

Di mapagkakailang maganda siya at may hubog din ang katawan base pa lang sa two piece nito na halos luwain na ang gamabundok na dibdib. Pero gano'n pa man, wala akong kainte-interes sa kanya. Sadyang hindi ako 'yong klase ng lalake na madaling maattract sa ganda o katawan ng babae.

"I'm Jules by the way..." pakilala nito nang hindi ko siya sinagot. Nilahad niya pa ang kamay niya na tinanggap ko na rin para tigilan na niya ako.

"Reid." Pagbibigay ko ng pangalan ko na ikinangiti niya. Madali kong binawi ang saya sa mukha niya nang muli akong nagsalita. "May anak na ako."

Kita ko ang pag-uwang ng bibig niya na para bang nanghihinayang sa narinig. Pero mabilis din itong nakabawi at hindi pa rin tumigil. "Anak lang? How about a wife? Hiwalay na ba?" tanong nito na hindi pa rin pinapakawalan ang kamay ko na pinisil-pisil pa rin nito sa mapang-akit na paraan.

Hindi ako makapaniwala sa kapal ng mukha ng babaeng kaharap ko na napaghahalataan kung gaano kalandi. Kung alam lang niya na ang tulad niyang klase ng babae ang kinaaayawan ko. 'Yong unang nagpapakita ng motibo at wala man lang kahiya-hiya sa sarili.

"May asawa't anak na ako. Pamilyadong tao. Happily married. Is that enough para layuan mo na ako?" tahasang sabi ko. Lantarang pinapakita ko na sa kanya na hindi ako ang uri ng lalaki na papatol sa kanya. Pero mukhang kulang yata ito sa pag-intindi dahil hindi pa rin niya binitawan ang palad ko.

"Kung gano'n sinuswerte ka ngayong araw dahil walang problema sa'kin kahit may asawa ka pa. Wala akong gagawin mamayang gabi, ikaw?"

Napapaisip ako kung ilang lalake na kaya ang nabiktima nito? Ilang pamilya na ang nasira? Kung ano mang sagot sa tanong ko, ayokong alamin. May pamilya man ako o wala, hindi ako papatol sa tulad niya.

"Come on, huwag mo ng pag-isipan. Let's meet tonight at 10 o'clock. Room 101." Dagdag pa nito humakbang pa palapit sa'kin para bumulong. "I'm telling you, you will enjoy..."

"Find another man..." untag ko na walang balak magbago ang isip. Ni hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap pa ako sa kanya kung pwede ko namang iwan na lang. Pero nang akmang aalis na nga ako, saka naman ang pagpulupot nito sa braso ko na parang ahas kung makalingkis. Ramdam ng balat ko ang umbok ng dibdib niya na sinasadya niyang isiksik sa'kin.

"Ikaw lang ang type ko. Sa'yo lang ako interesado ng ganito. At kung iniisip mong nagpapabayad ako, you're wrong. May disente akong trabaho at kumikita ng maayos." Saad nito na halatang desperado na makuha ako. I don't know if I should be flattered.

Mas ikiniskis pa niya ang sarili niya sa'kin na mukhang eksperto na sa pag-akit ng lalake. Umaayaw ng husto ang utak ko, pero parang iba naman ang nararamdaman ng katawan ko. F uck! I can't blame my body, ilang buwan na ring walang pumupuno sa kailangan nito.

Bago pa man makumbinsi ng babae ang pagbago ng utak ko, biglang nahagip ng mata ko si Sizzy na papunta sa direksyon namin na parang may hinahanap. Nang makalapit siya, kinuha ko ang atensyon niya para makita ako.

"Nandito ka lang pala—" sambit ni Sizzy na natigilan ng mapansin niya ang babae na mahigpit pa rin ang hawak sa'kin. Ako na mismo ang tumulak dito para makawala sa kanya.

"My wife is here." Mariin kong sabi sa babae saka humakbang ako palapit kay Sizzy. Braso ko naman ang nilingkis ngayon sa bewang niya. "Hi hon..."

Ginawaran ko ng isang halik sa pisngi si Sizzy saka bumulong sa tenga niya. "Act like you're my wife para tigilan na ako ng malanding babaeng yan."

Sandaling natigilan si Sizzy saka kumunot ang noo na parang naiinis. Buong akala ko dahil 'yon sa'kin, pero mukhang mali ako dahil bumaling siya sa babae saka umakto nga na parang asawa.

"Sino ka at bakit ka lumalapit sa asawa ko?" tanong ni Sizzy sa mataas na tono at naninindak na mata. She's good at this.

Bigla namang parang umurong ang dila ng babae na matagal bago nakasagot. Kinuha niya ang shirt ko na nasa upuan pa rin saka inabot. "Ibinibigay ko lang 'tong damit niya. Naiwan kasi niya dito nang naligo siya sa dagat."

Kinuha iyon ni Sizzy saka muling nagsalita ng mahina pero may diin. "Stay away from my husband. He's mine."

Hindi ko alam na nakatitig pala ako kay Sizzy sa mga sandaling 'yon like I was so amused. Kapanipaniwala ang mukha niya at mga binitiwan niyang mga salita na parang gusto kong pakinggan ng paulit-ulit.

Lumapit akong muli kay Sizzy at binalik ang hawak ko sa bewang niya. I can smell her sweet scent na madalas ko na noon maamoy, pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin.

"That's enough hon. I'm still yours. All yours" Bulong ko muli sa tenga ni Sizzy na sinigurado kong aabot din sa pandinig ng babae na hindi ko maalala ang pangalan. Mula sa tenga ni Sizzy, bumaba ang tingin ko sa leeg niya na para bang ng iimbita. Napalunok ako at nagpigil sa sarili. Damn! Di ko alam kung anong meron ngayon sa sarili kong pag-iisip at nagkakaganito ako.

Nang wala ng nasabi pa ang babae sa nanghihinayang na mukha, hinila ko na si Sizzy paalis na hindi man lang siya binibitawan kahit isang segundo.

"Maganda at sexy 'yong babaeng 'yon. Ba't tinakbuhan mo? Akala ko ba madali kang makakuha ng babae kung gugustuhin mo? E, ba't parang walang nagyari?" sunod-sunod na pagdaldal ni Sizzy.

Pinagkunutan ko muna siya ng noo bago nagsalita. "Una, she's not my type, pihikan ako. Pangalawa, akala ko ba ikaw ang magdedesisyon ng babaeng idedate ko?"

Umuwang ang bibig niya saka naglabas ng ngiti na nagustuhan ang huli kong sinabi. "So, you're looking forward for that huh?!" May kasamang mahinang tili ang ngiti niya. "Don't worry Reid, I'll make sure na pasok sa panlasa mo ang babaeng ipapareha ko sa'yo."

Wala akong masyadong reaksyon sa mga pinagsasasabi ni Sizzy. Nakatitig lang ako sa kanya sa kung gaano siya kasaya sa simpleng bagay na 'yon. Akala mo naatasan ng isang magandang misyon.

Sa kadaldalan ni Sizzy, hindi namin namalayang narating na namin ang lobby kung saan naroon nakatayo si Jarred na mukhang kanina pa kami natanaw. Nakita ko na bumaba ang tingin niya sa bewang ni Sizzy kung saan nakapulupot ang braso ko.

"Saan kayo galing? Kanina pa kita hinahanap..." bungad ni Jarred sa normal na tono. Hīndi ko mabakasan ng selos ang boses niya.

Naramdaman ko na lang na kumawala sa hawak ko ang katawan ni Sizzy nang lumapit ito kay Jarred. "You won't believe kung anong nangyari kanina lang. Kinailangan kong sagipin si Reid kanina roon sa babae na lumilingkis sa kanya..." agad na balita ni Sizzy rito na kinuwento agad ang buong nangyari.

Gusto ko mang patahimikin si Sizzy pero hinayaan ko na lang siya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang ikuwento iyon kay Jarred kahit pwede namang hindi. Ganiyan ba talaga siya sa boyfriend niya, nirereport ang lahat?

Namalayan ko na lang na nasa likuran na ako ng dalawa habang naglalakad kami. Silang dalawa na lang ang nag-uusap na parang nakalimutan na nilang kasabay rin nila ako. At wala na rin akong ibang nagawa kundi pagmasdan ang likod nila habang ang isang braso ni Jarred ay siya na ngayon ang nakapulupot sa bewang ni Sizzy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top