Chapter 41
FORTY-ONE
Reid's POV
Nasa harapan ko ang iba't ibang klase ng ipad na siyang pinagpipilian ko para bilhin pero wala pa rin akong mapili matapos isa-isahin ng sales lady ang mga features niyon. Sa huli, napagdesisyon kong kunin na lang 'yong pinakamahal.
"Sigurado ka ba talaga na 'yan ang balak mong bilhin?" tanong ni Inigo na siyang kasama ko. Siya ngayon ang bumibitbit ng mga laruang pinamili ko.
"Bakit? Yong isa na lang ba?" sagot ko habang napapabaling ulit sa mga gadgets. "Bilhin ko na lang kaya pareho?" bumaling ulit ako kay Inigo para kunin ang suhestiyon niya pero pag-iling ang una kong nakuhang sagot sa kanya.
"Ang tinatanong ko, kung sigurado ka bang bibili ka pa ng ipad para kay Pepper? Akala ko ba sabi mo, meron na siya dahil niregaluhan na siya ni Jarred. Bakit bibili ka pa kung meron na 'yong bata no'n?" Inangat din niya ang mga paperbag na hawak niya na naglalaman ng mga laruang pinamili ko. "At ito rin, puro lahat de remote na robot, at helicopter... parang pareho rin lang 'to sa regalo ni Jarred kay Xion...?"
"Pareho nga, pero ibang brand naman. Mas malaki, mas maganda, mas magara, at mas mahal. Gusto ko lang makasigurado na 'yong mga ibibigay ko sa mga bata ang tanging lalaruin at gagamitin nila."
Napatanga sa'kin si Inigo na parang hindi makapaniwala. "So this is all about Jarred huh? Nakikipagkompetisyon ka ba sa kanya?"
"It's all about the kids. Ayoko lang na nasasapawan ako ng Jarred na 'yon pagdating sa mga bata. Kung nakita mo lang kung paano siya i-idolized ni Xion—"
"At paanong pati si Xion nasali dito? Si Pepper lang ang anak mo, at maiintindihan ko pa kung pagseselosan mo si Jarred dahil sa kanya... Pero si Xion? Hindi mo siya anak, at hindi ka rin niya tito para magkaganyan ka na parang naaagawan ng kendi. Baka pati pagdating kay Sizzy, pagselosan mo na rin si Jarred?"
Awtomatikong nag-iba ang mood ko sa huling sinabi ni Inigo. "That won't happen. Wala akong pakialam sa kung ano mang relasyon nila. Si Pepper lang ang concern ko, at ayoko lang na matulad siya kay Xion na puros tito Jarred na lang ang bukang-bibig. But I like that kid, kaya nag-eeffort din akong makuha ang loob niya at higitan si Jarred sa kanya."
"Pero mali ang paraan mong 'to na dinadaan mo sila sa laruan na halos walang pinagkaiba sa mga niregalo sa kanila ni Jarred. Ang lagay eh, parang ikaw yata 'tong umiidolo sa Jarred na 'yon dahil ginagaya mo ang mga regalo niya." Aniya na ikinatigil ko ng ilang sandali.
"So what should I buy for them?" tanong ko. Dumaan din ako sa pagkabata at nagkahilig sa laruan, pero bakit parang ang hirap para sa'kin ngayon ang mag-isip o pumili ng dapat bilhin para sa mga bata. Kinakailangan ko pa laging humingi ng ideya mula kay Inigo tulad na lang ngayon.
"Anything na hindi kapareho ng kay Jarred, marami pa naman diyan –teka, balak mo bang bumili ulit ng iba? Paano 'tong naunang pinamili mo?"
"Sa'yo na lang 'yan. Sa future anak mo at inaanak ko." Sabi ko bago ako nagsimulang maglakad pabalik sa pinasukan naming kid store kanina.
Mas naglibot pa kami sa mga pamimili. Buti na rin lang nakinig ako kay Inigo dahil tama nga siya na may mas mga magaganda pang laruan na sa tingin ko magugustuhan ni Pepper at Xion. Hindi rin lang ako nakontento sa isa pangregalo dahil marami ang napamili ko.
"Hanggang kailan ang bakasyon mo sa San Agustin?" tanong ni Inigo habang nasa isang jewelry store naman kami. Kasalukuyan siyang pumipili ng ireregalo naman niya kay Taylor.
"I don't know yet. Maybe two days." Sagot ko habang gumagala rin ng tingin sa mga alahas. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa Christmas vacation ko sa San Agustin kasama ang mga Castañeda na siyang nag-imbita sa'kin na sumama sa kanila. Kung hindi lang dahil sa gusto kong makasama si Pepper ngayong pasko, hindi ako sasama... Isa pa, naisip ko rin naman na magandang opurtunidad ko na rin 'to para umayon sa'kin ang plano.
"Kasama rin ba roon si Jarred?"
Napakunot ako ng noo sa tanong na 'yon ni Inigo. "Hindi ko alam. But hopefully not. Meron naman siguro siyang sariling pamilya na dapat niyang kasama ngayong pasko."
"Mukhang mas lumalalim ang galit mo sa lalakeng 'yon. Boyfriend na ba siya ni Sizzy?"
"I don't know and I don't really care." Muling walang kagana-ganang sagot ko na ikinasama ng tingin sa'kin ni Inigo. Mapagduda ang mga mata niyang iyon.
"Tapatin mo nga ako Reid, pagkukunwari lang ba ang pakikipag-ayos mo kay Sizzy? May pinaplano ka ba?"
Alam kong si Inigo ang unang-unang sasalungat sa plano ko kapag malaman niya ang totoong intensyon ko ng pakikipag-ayos kay Sizzy.
"Wala." Mabilis na sagot ko. "Ano ba 'yang iniisip mo?"
"Naninigurado lang." aniya na halatang binabantayan ang bawat reaksyon ko. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na may anak kayo ni Sizzy, at walang ibang maaapektuhan dito kundi si Pepper. Think again, Reid." Mula sa'kin, binalik niya ang tingin niya sa pinapipiliang alahas saka binigay sa sales lady ang napili niya.
Hindi man direktang sinabi ni Inigo, alam kong sa tono ng boses niya't reaksyon ng mukha niya na pinagdududahan pa rin niya ako.
***
Mag-lilimang oras na rin akong nagbabiyahe papuntang San Agustin para sundan ang mga Castañeda na nauna na roon kanina pang umaga. Ito ang unang pasko na makakasama ko si Pepper kaya hindi ko na rin tinanggihan pa ang pagyaya sa'kin ni Sizzy at tito Richard lalo na't mag-isa rin lang naman ako sa bahay dahil wala roon si Emma at Lola Carmen na mas piniling magpasko sa probinsiya.
Habang nagmamaneho, di ko mapigilang luminga sa daan na parang wala pa ring pagbabago. Hindi ako nahirapan sa ruta dahil tanda ko pa rin ang daan at pasikot-sikot papuntang Castañeda Resort na ilang beses ko ring narating noon kasama si Sizzy at barkada.
Para akong nabuhayan sa minutong nasilip ko ang nagkikislapang asul na dagat na tumeterno din sa kulay ng langit. Matapos kong maipark ang kotse, iniwan ko muna ang gamit ko't mga regalo at bumaba. Naglakad ako hanggang sa makalapit sa dagat na masarap pakinggan ang bawat hampas ng alon. Parang gusto ko tuloy maligo roon na wala sa oras, napigilan lang ako nang mahagip ng mata ko sina Sizzy mula sa di kalayuan. Karga niya si Pepper habang binabantayan si Xion na naliligo sa dagat. Rinig ko kung paanong halos mamaos ang boses ni Sizzy sa katatawag sa pangalan ng pamangkin niya na hindi nagpapaawat paalis ng tubig.
"Xion, that's enough. Come here!" Nakakailang sambit na iyon ni Sizzy. "Halika na sa loob please...Nilalamig na rin si Pepper, we need to go inside."
"But I'm still having fun." Sigaw pabalik ni Xion na hindi nagpapahuli. Tumatakbo siya sa tuwing lumalapit sa kanya ang tita niya. "You can leave me here, tita. I'm a big boy na."
"Xion!" mapagbanta na ang tono ni Sizzy dahil sa hindi na niya madaan si Xion sa pakiusapan. Muli kong hinakbang ang paa ko palapit sa kanila.
"Tito, tito, tito! Tito Reid!" sigaw ni Xion nang makita niya ako. Sinalubong niya agad ang binti ko na nabasa na rin ng konti. "Swim with me..."
"No, Reid. 'Wag mong pagbigyan 'yan." Singit agad ni Sizzy bago ko pa man mapagbigyan si Xion. "Kanina pa 'yang umaga pabalik-balik dito sa dagat. Malapit na nga 'yang maging sing-itim ng uling dahil sa sobrang pagkabilad sa araw."
Mula kay Sizzy, bumaling ako kay Xion para bigyan siya ng disaprobadong tingin. "I'm sorry Xion, but your tita's right, youneed to stay away from that water for now. Para ka ng dugyuting bata na hindi ko na makilala."
Magmamatigas pa sana si Xion na nagtatangkang kumaripas ng takbo, pero bago pa man siya makalayo, nahuli ko na siya saka walang kahirap-hirap na sinampa sa batok ko. Mukhang nagustuhan naman ni Xion ang pwesto niya dahil wala akong narinig na anumang pag-angal o pagtutol mula sa kanya.
"Awesome! I like it here. I feel like a giant!" tanging buka ng bibig niya na nakakatuwang madaling nakalimutan ang pinagmamatigasan niya ng ulo kanina lang.
"Buti na lang dumating ka, di ko na alam kung paano maaawat ang batang sirenong 'yan." Sambit ni Sizzy na sinabayan na ako ng lakad. Malayo-layo din ang lalakarin namin at nangangahulugan rin 'yon ng mahaba-haba naming pag-uusap. Gustuhin ko mang maging malamig sa kanya, hindi na 'yon pwede ngayon. Kailangan kong magpanggap...
"Nasaan ba kasi ang magulang ng batang 'to?" sabi ko na nakangisi kahit na parang ang weird sa pakiramdaam na bumibitaw ako ng ngiti sa taong kinagagalitan ko ng husto.
"Nando'n sa suite room. Susubukan daw gumawa ng kapatid ni Xion." Naiiling na sagot ni Sizzy hanggang sa nadako ang tingin niya sa damit ko. "Basang-basa ka na Reid. Ba't mo kasi naisipang buhatin 'yang batang yan. Ayan tuloy, para ka na ring lumublob sa tubig."
Lumapit sa'kin si Sizzy at walang pasabing pinunasan ang basa ko na ring buhok at mukha gamit ang tuwalya ni Pepper. Gusto ko sana siyang itulak sa minutong ginawa niya 'yon kung hindi lang ako nakapagtimpi.
"Teka, nagdala ka ba ng damit? Nasaan ang mga gamit mo?" tanong ni Sizzy na tuloy pa rin sa pagpunas sa'kin.
"Nasa kotse. Balikan ko na lang mamaya." Sagot ko habang pilit kong binabago ang tono ng pananalita ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang marinig at maramdaman ko na lang ang ilang ulit na flash mula sa camerang hawak ng nasa unahan namin.
"What are you doing?!" mabilis kong sita sa taong nasa harapan namin na siyang kumuha ng picture namin na walang pasabi. Hindi ko kilala ang babae na maputi, payat at hindi katangkaran. Sa hula ko, teenager pa lang ito. "Don't you know na mali ang kumuha ng picture ng ibang tao na walang paalam?"
"Sorry po." sagot nito na ngumiti pa rin. "Bigla ko lang po kasi akong natuwa sa pamilya niyo Sir. Ang sarap niyo pong tignang mag-asawa kasama ang mga cute niyong anak."
"We're not a couple, at di rin isang pamilya." Maagap na sagot ko. Ayoko lang na napagkakamalan kami ni Sizzy na mag-asawa. "Pakibura na lang 'yong picture na kinuha mo."
Nakita ko kung paanong nabura ang ngiti ng babae na hindi inaasahan ang sinabi ko. Bagaman narinig niya ang sinabi ko, hindi siya gumalaw para sundin ang inutos ko.
"You will erase the pictures or I'll break your camera? You choose." Pagbabanta ko na naging dahilan para mataranta siya.
Nang makita kong binura nga niya ang kinuhang litrato namin, nilagpasan ko na siya't nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig ko na lang na tinatawag ni Sizzy ang pangalan ko habang nakasunod sa'kin.
"Ang sungit mo naman roon sa babae." Kunot-noong sabi sa'kin ni Sizzy habang pilit pinapantayan ang yabag ko. "Kawawa naman 'yong tao, natakot mo yata."
"Mali ang ginawa niya. Malas lang niya na ako ang nagawan niya ng gano'n." sagot ko na ikinapalatak niya.
"Yan ang hirap sa'yo. Nagbago kana talaga." Sambit niya na nagagawa na ngayong umirap sa'kin. Bago pa man ako sumagot, muli na naman siyang nagsalita. "Ang bilis uminit niyang ulo mo. At alam mo bang, nakakatakot ka na ring tumingin, galit ka man o hindi, may kung anong intensidad 'yang mga mata mo. Nakakaintimidate ka."
Kahit hindi niya sabihin iyon, alam kong may gano'n akong klase ng epekto. Ilang beses ko na ring nasaksihan kung paano siyang natigalgal, nautal, at nataranta sa harapan ko. "Well that's who I am now. Hindi ko babaguhin ang kung ano ako dahil lang sa pinuna mo ako." Kasama na roon ang hindi pagbago ng lalim ng galit ko sayo.
"Bahala ka. Magpakabugnutin ka kung gusto mo. Ang concern ko lang naman, baka hindi ka makahanap ng babaeng para sa'yo dahil diyan sa pagiging bugnutin mo." Aniya.
Wala akong sinagot sa kanya. Sa isip ko, tanging si Bianca pa rin talaga ang hinahangad ko.
"Why don't you start dating?" biglang sambit ni Sizzy na may kung anong excitement ang tono't mukha. "Ako na ang bahalang maghanap ng babaeng iseset-up sa'yo. All you need to do is magpagwapo at sumipot sa tinakda kong araw at oras. What do you think, Reid?"
"No." agarang sagot ko. "Kaya kong makakuha ng babae in just one snap. I don't even need your help."
"Hindi. Ako dapat ang pipili at magdedesisyon ng babaeng idedate mo." Agad ring protesta niya na hindi ko mahulaan kung nagbibiro o nagseseryoso. "Kasi siyempre, kung maiinlove ka lang naman sa isang babae, gusto kong makasiguradong mabait 'yon na matatanggap si Pepper. Inaalala ko rin lang ang anak ko noh na baka apihin ng mapapangasawa mo kung sakali."
"Kung ganyan lang naman, nangangahulugan bang ako rin ang pipili sa lalakeng sasagutin mo?" balik ko baka sakaling tumigil na siya. Hindi ko alam kung paanong napunta sa ganitong bagay ang pinag-uusapan namin.
Namuo ang ngiti sa labi ni Sizzy. "Hindi na kailangan pa. Kami na ni Jarred. Sinagot ko na siya..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top