Chapter 38

THIRTY-EIGHT

Reid's POV

Kanina pa kami nakaalis ng bahay ng Castañeda pero ang isip ko'y wala pa ring ibang laman kundi ang nangyari kanina. Di ko maalis sa isip ko si Jarred na parang nag-iwan ng tinik sa lalamunan ko.

"Paano ba magtimpla ng gatas ni Pepper?" Biglang tanong ko kay Sizzy na nagulat sa biglaan kong pagbasag ng katahimikan na walang pasabi. Mukhang hindi niya inaasahang kakausapin ko pa siya sa gitna ng biyahe namin.

"A-no ulit?"

"Ang sabi ko, paano tinitimpla ang gatas ni Pepper. Gusto kong malaman..." pag-uulit ko sa kanya habang nasa daan ang tingin ko.

Hindi ko man nakikita ang ekspresyon ng mukha niya alam kong hindi niya inaasahan ang lumabas na katanungan sa bibig ko. Ilang segundo rin kasi ang tumagal bago siya nakabawi para sumagot. "Three scoops lang ng gatas sa anim na sukat ng tubig sa bote. Hindi rin kailangang mainit ang tubig."

"Ang diaper niya? Paano ba isuot? At anong size ni Pepper para alam ko kapag bibili." Muli kong pagtatanong na mas naging kasurpre-surpresa sa mga mata ni Sizzy.

"Ipapakita ko na lang sa'yo mamaya pagpalit ko ng diaper ni Pepper." Tugon niya. "Medium nga pala ang size."

Nag-isip pa 'ko ng gusto kong malaman. "Anong hilig ni Pepper?"

"Itong panonood ng mga pambatang shows..." tukoy ni Sizzy sa kasalukuyang ginagawa ni Pepper na nanonood sa mukhang sarili nitong ipad dahil sa pambata rin ang disenyo ng cover nito. Bigla tuloy naging palaisipan sa'kin kung galing rin ba 'yon kay Jarred.

"Yang ipad ni Pepper, kanino galing?" tanong ko na walang preno.

"Pasalubong ni Jarred." Ang kompirmasyon na iyon galing kay Sizzy ay parang nagdulot ng tulad sa kung anong eksaktong naramdaman ko rin kanina habang pinagmamasdan ko si Xion at Jarred. Kompetisyon.

Matapos ang sagot na iyon ni Sizzy, hindi na 'ko muling nagtanong o nagsalita pa. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagmamaneho hanggang sa marating namin ang restaurant.

"Dito na tayo magdidinner." Pagpapaalam ko sa kanya. Wala kasi si lola Carmen at Emma sa bahay kaya kung kami rin lang naman ang maghahapunan, mabuting dito na lang sa restaurant para hindi na mag-abalang magluto pa sa bahay.

Matapos kong bumaba ng sasakyan, umikot ako para pagbuksan ng pinto si Sizzy at kinuha ko mula sa kanya si Pepper. Hinintay ko muna siyang makababa ng sasakyan bago ko siya hinapit sa bewang gamit ang isang braso ko.

Nakita ko ang awtomatikong pagtataka sa mukha ni Sizzy tulad noong unang beses na ginawa ko rin ito sa kanya.

"A-anong ginagawa mo? Di naman siguro kailangan pa 'to..." nauutal na naman niyang sambit.

"Hindi ko 'to gagawin kung hindi kinakailangan. Trust me, ang hawakan at ang halikan ka, ay ang pinakaaayawan kong gawin. But I have no choice dahil nasa loob si Bianca. At wala ka ring choice dahil sa kinauutangan mong kasalanan sa'kin. So, deal with this." Pagkasabi ko sa kanya sa nagdidiinang salita, muli kong nilingkis ang kaliwang braso ko sa kanya na mas mahigpit kaysa kanina saka hinatak siya pasabay sa'kin papasok sa loob.

Happy Family. Ito ang sinigurado kong imaheng makikita sa'min ni Bianca sa pagpasok namin sa loob ng restaurant. Kung hindi ko mahagilap sa mukha niya ang selos, sana naman kahit inggit o panghihinayang. Gusto kong ipakita sa kanya na nagkamali siya ng desisyon sa pagpili niya kay Liam... na maisip niya sanang siya sana ngayon ang nasa pwesto ni Sizzy... at kami sanang tatlo ang masayang pamilya ngayon. Desperado na kung desperado, pero I want to give this a shot. Baka sakaling mauntog pa si Bianca at bumalik siyang muli sa'kin.

Mula sa malayo, natunton agad ng mga mata ko si Bianca na kasama si Inigo, na sakto rin lang na nagdidinner. Tanging silang magkapatid lang ang nasa isang mesa at wala ang kani-kanilang partner.

Papalapit pa lang kami nang mapansin na ng dalawa ang presensiya namin.

"May we join you?" bungad ko nang nasa harapan na kami nila. Hindi ko agad magawang alisin ang paningin ko kay Bianca na parang lalo ngayong gumaganda. Hindi ko pa sana iiiwas ang tingin ko sa kanya kung hindi lang tumikhim si Inigo na parang nanunuway sa paninitig ko sa kapatid niya. Alam niya ang kahibangan ko kay Bianca kasama na ang palabas na ginagawa ko ngayon gamit si Sizzy. Hindi man siya sang-ayon pero wala siyang magagawa.

Tumayo na si Inigo para siya na mismo ang mag-adjust. Lumipat siya sa tabi ni Bianca para ako na ang umukupa sa inuupuan niya't sa tabi ko naman si Sizzy. Tahimik rin lang naman si Pepper na kalong ko.

"Siya na ba ang anak niyo? Woah! so pretty. What's her name?" Komento ni Bianca na nasa kay Pepper ang buong atensyon. Natural ang reaksyon niya't hindi pilit... di ko alam if that's a good thing. Gusto kong isipin na kasalungat ng tuwang pinapakita niya ang totoong nararamdaman niya.

Sasagot sana si Sizzy pero inunahan ko siya. "Pepper. She's ten months old, malapit ng mag-isang taon sa February." Sabi ko like a proud father. Bumaling ako kay Sizzy at inakbayan siya na para bang totoo kaming mag-asawa. "Malayo pa naman pero nagpaplano na kami ni Sizzy para sa 1st birthday party ng anak namin."

Napansin ko ang pagkatigalgal ni Sizzy sa tabi ko kahit na winarningan ko na siya tungkol sa palabas naming ito. Halatang hindi siya komportable sa mga pinagsasasabi ko.

Nang dumating ang pagkain na para sa'min, pinasa ko na si Pepper kay Sizzy. Lumuwag ako ng pagkain sa pinggan ko saka naisipan kong subuan si Sizzy. Ayoko ng naiisip ko, pero ginawa ko pa rin.

"Hon, subuan kita..." Nilunok ko na ang pandidiri ko sa sarili kong kabaduyan. Tinitigasan ko na lang ang mukha ko para mapakita ang palabas na 'to sa harapan mismo ni Bianca.

May pag-alinlangan sa mga mata ni Sizzy na para bang nakikiusap na tigilan ko ang ginagawa ko, pero hindi ako nagpaawat. "Come on, hon... 'wag ka ng mahiya sa kanila, kailangan kitang subuan dahil hindi ka rin makakakain ng maayos dahil karga mo si Pepper. Ayoko lang mangayayat ka."

Hindi ko inalis ang nakaambang na kutsara sa bibig ni Sizzy. Bumigay din ito dahil sa pangungulit ko. Binuka rin niya ang bibig niya saka sinubo ang pagkain. Yun nga lang, pulang-pula ang mukha niya sa hiya at pagkailang.

Narinig ko na lang na nasamid si Inigo na para bang nagpipigil ng tawa habang pinapanood kami. Gusto ko siyang batukan sa ginagawa niya, buti na lang nadaan din naman siya masamang tingin.

Nagbukas na lang ako ng usapan na may kinalaman sa negosyo na siyang naging tuon ng atensyon ng lahat. Mula roon kung saan-saan na rin ang narating ng napapasarap na usapan namin, pero hindi ko pa rin nakakalimutang bumaling kay Sizzy o kay Pepper para magpakita ng pag-aalaga't paglalambing na kailangang makita sa isang pamilya. Sa gitna ng pag-uusap, nagpaalam si Bianca para magbanyo. Bago siya umalis, sigurado akong nabasa ko ang inis at disappointment na gumuhit sa mukha niya.

Iyon na ba 'yon? Yun na ba ang hinihintay kong reaksyon mula kay Bianca? I need to find out na tama akong naapektuhan na rin siya.

"Excuse me, magbabanyo lang ako." Paalam ko agad kay Inigo at Sizzy para sundan si Bianca. Narinig kong pinigilan ako ni Inigo pero di ko siya inintindi. Umalis pa rin ako at diretsong tinungo ang banyong pinasukan ni Bianca. Bago pa man niya iyon masara, naagapan ko na. Ginamit ko ang lakas ko para makapasok saka nilock ang pinto.

Gulat ang ekspresyon ng mukha ni Bianca nang makita niyang ako ang taong nagpumilit pumasok. "Anong ginagawa—"

"Let's talk!" desperadong saad ko.

"At anong pag-uusapan natin?" awtomatikong nagsikunutan na ang noo ni Bianca habang galit ang mga mata niya.

"Yan! Yang reaksyon mo ngayon at kanina. I know you're mad ... and jealous. At yan ang eksaktong pag-uusapan natin ngayon."

"Nahihibang ka na Reid. I'm not jealous!" Kaila niya na hindi naging dahilan para tumigil ako. Parang biglang sumabog na lang ang dibdib ko ngayon na walang ibang gusto kundi patunayan sa kanya na tama ako.

"Come on, Bianca. I know you are. Binabantayan ko ang bawat reaksyon mo kanina pa. At hindi ako tanga para hindi makita't maramdaman ang inis sa mga mata mo kanina. Kahit sino makapagsasabi na hindi ka nasisiyahan sa kung ano mang namamagitan sa'min ni Sizzy."

"Walang namamagitan sa inyong dalawa ni Sizzy, at 'yon ang ikinaiinis ko kanina pa!" sagot ni Bianca na pinapantayan na rin ang intensidad ng pagbitaw ko ng mga salita. "Kung may ikinagagalit man ako, hindi 'yon sa selos, Reid... kundi dahil sa ginagawa mong kabaliwan mapaselos lang ako. At ginagamit mo pa talaga si Sizzy at ang sariling anak mo..."

Tinignan niya ako na para bang napakawalang-puso ko para magawa ko 'yon. At 'yon ang hindi ko maintindihan sa kanya kung bakit hindi niya makita ang puno't dulo kung bakit ko 'to nagagawa. "Mahal kita, Bianca. Maybe you're right na nahihibang na ako, pero ang paselosin ka ang tanging nakikita kong paraan para mabawi ka."

Tangkang lalapit ako sa kanya pero umatras siya.

"Tigilan mo na 'to Reid dahil sinasabi ko sa'yo na wala ka rin namang mapapala sa ginagawa mong ito. Maawa ka naman sa taong ginagamit mo, kay Sizzy."

"Sinasabi mong maawa ako sa taong sumira ng relasyon natin?" Hindi ko mapigilang ibaling ulit ang sisi kay Sizzy. Siya ang huling taong kaaawaan ko.

"Ako ang bumitaw sa relasyong meron tayo, Reid. Ako ang nagdesisyong tapusin 'yon. Kaya kung paulit-ulit kong dapat sabihin sa'yo 'to, Reid I'm sorry. I'm sorry kung wala ng pag-asang mabalik pa ang kung anong meron tayo dati."

Sandaling natahimik ako. Ang mga sinabi niya ang bagay na hirap kong tanggapin. Kahit ilang beses na niyang sinabi ang mga iyon, ayoko pa ring paniwalaan na wala na talaga. Mas matagal na ang pinagsamahan namin ni Bianca kumpara sa iisang taon pa lang na pagkakakilala nilang dalawa ni Liam.

"Bianca—"

"Please, stop this." Pigil niya sa'kin sa muling tangka kong paglapit sa kanya. Mula sa mariin niyang boses, bigla iyong naging malumanay. "Pare-pareho tayong magiging masaya kung tatanggapin mo na lang ang lahat. May dahilan kung bakit kailangan 'yon mangyari..."

Sunud-sunod ang pag-iling na ginawa ko bago nagsalita. "Huwag mong sabihin 'yan dahil para mo na ring sinabi na pinagpapasalamat mong sumingit si Sizzy sa relasyon natin... Na tama lang ang ginawa niya noon para makilala mo si Liam..."

"Hindi tama ang ginawa ni Sizzy. Nasaktan din ako Reid. Hindi naging madali ang lahat para sa'kin at alam kong ikaw din. Pero napatawad ko na siya. Sa pagpapatawad at pagtanggap nagsisimula ang tao para makabangon muli't maging totoong masaya."

Wala akong maintindihan alin man sa sinabi niya. Sarado ang utak ko alin man sa pagpapaliwanag niya. Parang nahawa na rin siya sa boyfriend niyang si Liam na isang inspirational speaker sa Canada.

"Again, I'm sorry Reid." Huling sabi ni Bianca bago niya ako nilagpasan at lumabas ng pinto. Bago pa man siya tuluyang makaalis, sinundan ko siya't naabutan sa labas.

Mabilis kong hinatak ang braso niya't desperadong sinunggaban siya ng halik. Wala akong ibang gusto kundi ang iparamdam at ipaalala sa kanya ang nakaraan namin... kung gaano ko siya kamahal. Pero sa halip na tumugon si Bianca sa mga halik ko, pagpupumiglas ang ginagawa niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may humila sa'kin at binanatan ako ng isang suntok sa panga.

Bumagsak ako sa sahig na siyang kumuha ng atensyon ng ilang taong malapit sa kinaroroonan namin. Nang iangat ko ang ulo ko para tignan ang taong sumapak sa'kin, di ko inakalang si Liam iyon.

-------LIAM&BIANCA-------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top