Chapter 35
THIRTY-FIVE
"Sizzy, Nasaan ka na?"
Hindi ko na nakita ang caller nang sinagot ko ang makailang ulit na ring sa phone ko. Masyado kasi akong nagmamadali kaya agad ko ng nilapat sa tainga ko. Gano'n pa man, agad ko namang nakilala ang boses sa kabilang linya. Si Inigo.
Ngayong araw ang dating ng fiancée ni Inigo at maging ni Bianca. Dapat kanina pa ako nakarating sa dapat pupuntahan ko kung hindi lang ako nasiraan ng kotse. Ngayon ay nasa gitna ako ng daan habang iniisip kung ano bang dapat unahin kong gawin.
"Papunta na sana. Nasiraan lang ako ng kotse." Sagot ko sa kalmadong boses kahit na ang totoo ay naiimbyerna na ako sa sitwasyon ko.
"Saan ba ang eksaktong address mo para matulungan kita." Balik ni Inigo sa concern na boses. Nag-alinlangan akong tanggapin ang tulong niya dahil iniisip kong makakaabala lang ako sa kanya. Pero wala na rin akong nagawa nang magpilit pa si Inigo. Sa huli, binigay ko rin ang hinihingi niyang address ko.
Halos mag-iisang oras na rin akong naghihintay sa pagdating ni Inigo. Gumagabi na rin kaya sa loob ng kotse na lang ako nagpatuloy sa pahintay. Unti-unti na rin akong naiinip kaya napag-iisipan ko na ring tumawag na lang ng tulong sa bahay kay kuya Gian. Pero bubuksan ko pa lang ang phone ko para tumawag nang mapansin kong may pumarada ng sasakyan sa likod ng kotse ko. Bababa n asana akong kotse para salubungin si Inigo nang bigla akong matigilan. Hindi ko inaasahang si Reid ang pumunta para sunduin ako.
"Ano pa bang hinihintay mo? Bumaba ka na diyan at sumakay ka na sa kotse ko." Utos ni Reid sa nakakasanayan ko na yatang iritableng tono ng boses niya.
Bumaba ako tulad ng utos niya at sumunod sa kanya. Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse niya, bumalot ng katahimikan ang buong paligid namin hanggang sa matapos ang buong biyahe namin. Kung alam ko lang na siya ang susundo, sana pala tumawag na lang ako ng tulong kay kuya Gian.
Parang lumuwag ang dibdib ko sa pagtigil ng sasakyan na siyang hudyat na nasa tapat na kami ng bahay ni Inigo. Wala akong ibang gusto kanina kundi ang makababa ng sasakyan niya at makahinga ng normal malayo sa kanya. Pero sa pagbaba ko, hindi 'yon ang nangyari. Nagulat na lang ako nang biglang hatakin ako ni Reid palapit sa kanya.
Nakakawit sa bewang ko ang kanang braso niya na naging dahilan para bumalik ang hirap kong paghinga. Maghalong gulat at pagtataka ang umusbong sa mukha ko na agad namang sinagot ni Reid.
"Wala kang ibang gagawin kundi ang dumikit sa'kin sa buong oras na nasa loob tayo ng bahay na 'yan." Malinaw ang bawat pagkakabigas ng salita ni Reid pero wala sa kahit na anong sinabi niya ang naintindihan ko.
Isang palaisipan pa rin sa'kin ang biglaang pagbabago sa inaakto ni Reid. Pero kung ano mang mga katanungan at pagtataka ko ay agad ko ring naintindihan sa pagpasok namin sa loob ng bahay.
Si Bianca ang unang-unang taong nahagip ng mata ko na siyang hindi ko na rin natanggalan ng paningin. Halos walang pagbabago sa itsura niya na maganda pa rin tulad noon. Kung may nagbago man sa kanya 'yon ay ang kulay ng buhok niya na blonde na ngayon na mas bumagay sa kanya. Natigil ang pag-aaral ko sa pisikal na anyo niya nang mapansin ko ang katabi niyang lalake na hawak-hawak ang kamay niya habang malalagkit ang titig nilang dalawa sa isa't isa.
Naramdaman ko na lang na mas humigpit ang hawak ni Reid sa bewang ko. Nang nilingon ko siya, malinaw na nasa kay Bianca at sa lalakeng katabi nito ang mga tingin niya. Hindi ako bulag para hindi makitang selos ang nangingibabaw ngayon kay Reid, at ang selos ring iyon ang dahilan kung bakit himalang nakalingkis siya sa'kin simula pa kanina. Ginagamit niya ako ngayon para subukang pagselosin si Bianca. At malinaw na rin sa'kin ngayon kung bakit siya rin mismo ang sumundo sa'kin sa gitna ng daan.
"Sizz," tawag sa'kin ni Inigo na hindi ko napansin na nasa harapan na pala namin. Sa tabi niya ay ang magandang fiancée niya na pinakilala niya agad sa'kin. Halos matagal na minuto rin kaming nagkausap ni Taylor na masasabi kong mabait at madaling pakisamahan. Ilang sandali lang, kinailangan na rin niyang bumalik sa ibang bisita ni Inigo para ipakilala.
Naiwan ako kay Reid na muli't muli sinakop ng isang braso niya ang bewang ko saka naglakad papunta sa direksyon kung saan naroon si Bianca.
Gustuhin ko mang kumuwala kay Reid, hindi ko magawa. Masyadong mahigpit ang hawak niya sa'kin na wala akong balak pakawalan.
"Hi, Bianca." Bati ni Reid nang makalapit na kami. Kalmado ang boses niya na ibang-iba sa kung paano ko maramdaman ang galit na kamao niyang kumukuyom sa tagiliran ko. Mula kay Bianca, bumaling din siya sa lalakeng katabi nito. "And Liam... how's your flight? "
Halata ko ang tension sa paligid namin. Mukhang hindi inaasahan ni Bianca ang biglaang paglitaw ni Reid sa harapan nila habang kasama ako bilang accessory. Pero gano'n pa man, hindi ko nasilipan ng kahit anong selos o kahit kaunting bahid ng galit ang mukha ni Bianca. Sadyang nasurpresa lang talaga siya sa walang pasabing presensiya naming dalawa ni Reid.
"Sizzy... Kumusta ka na?" Niyakap ako ni Bianca na para bang walang nagbago sa pagkakaibigan namin. Naaalala ko pa kung gaano ko siya sobrang nasaktan nang huling pagkikita namin. Pero parang wala na lang 'yon sa kanya ngayon.
"Ayos lang—"
"Nagkabalikan na kami ni Sizzy." Singit bigla ni Reid na hindi ko inaasahang lalabas 'yon sa bibig niya ngayon. "Malapit na ring mag-isang taon ang anak namin. Isasama sana namin si Pepper dito, kaso nakatulog na."
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Para akong pinagpapawisan mula sa kinatatayuan ko dahil sa napakaalanganing sitwasyon ko. Nanatili na lang akong tikom ang bibig habang sinusubukan kong ayusin ang reaksyon ng mukha ko.
"Wow. That's great." Sagot ni Bianca na para bang mas naging natural na ngayon ang mga ngiti na walang kahalo-halong kaplastikan. Wala akong mabasang inis sa reaksyon niya kundi tanging totoong kasiyahan. "I'm so happy for the both of you. Ngayon masasabi kong may dahilan talaga ang lahat ng nangyayari sa buhay natin... Pare-pareho na tayong masasaya ngayon."
Ramdam ko ulit ang pagdiin ng hawak ni Reid sa balat ko na mukhang hindi nagustuhan ang kung ano mang sinabi ni Bianca. Habang tinitignan ko siya, alam kong wala siyang ibang gusto kundi ang umalis mula sa kinatatayuan namin, buti na lang may kung sino ang sumingit para makipag-usap kay Bianca. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para lumayo kami sa kanila.
"Ayos ka lang?" hindi ko mapigilang tanong kay Reid pero mukhang dapat di na lang ako nagtanong dahil ako lang naman ang napagbalingan niya.
"Do I look okay to you?" madiing balik sa'kin ni Reid habang ginugulo ang buhok niya. Sa halip na masira ang ayos niya, mas lalo lang siyang naging atraktibo.
"I'm sorry..." sambit ko na mas ikinagalit lang ulit niya. Humarap sa'kin si Reid at hinawakan ng mahigpit ang balikat ko na parang babaon ang mga kuko niya sa balat ko.
Lumapit ang mukha niya sa mukha ko na iilang distansya lang ang layo. Nasasamyo ko ang pabango niya habang napapatitig ako sa nanggagalit na panga niya. Nagsalita siya sa mahina pero mariiing boses. "Walang magagawa ang sorry mo sa kung gaano kamiserable ang nararamdaman ko ngayon."
Parang may kung anong pumunit sa parte ng dibdib ko matapos ang sinabing iyon ni Reid. Siya na yata ang pinakaeksperto sa pagpiga at pagpilipit ng bawat emosyong meron ako.
Namalayan ko na lang na mag-isa na lang ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko na lang mula sa malayo si Reid na umiinom ng alak. Kahit mula sa malayong distanya, kitang-kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. At wala akong ibang gustong gawin kundi ang pawiin 'yon.
Umusbong ang determinasyon sa sarili ko na gumawa ng paraan para makausap si Bianca. Siya lang ang tanging nakikita kong solusyon sa lahat ng ito. Nang mahagilap ko siya ng sarili kong mga mata, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na lumapit sa kanya. Niyaya ko siyang makausap ng masinsinan sa lugar kung saan walang masyadong tao.
"I'm sorry, Bianca." Unang sambit ko nang kami na lang ang magkaharap. "Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sinira ko ang relasyon niyong dalawa ni Reid. Ako ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kayo. Nangyari 'yon dahil sa pinikot ko siya, pinaniwala kong aksidente ang nangyari sa'min, na alak ang may kasalanan kahit na ang totoo—"
"Alam ko na ang tungkol sa bagay na 'yan." Putol sa'kin ni Bianca na tulad kanina, wala pa ring mababakas na galit o inis mula sa kanya. Tinitigan niya ako sa napakalmadong mukha saka nagsalita. "Napatawad na kita, Sizz. Kinalimutan ko na ang tungkol roon. Oo nasaktan ako noon, pero humilom na rin 'yong sakit na 'yon. Maging masaya na lang tayo sa kung anong nangyayari ngayon. Ako't si Liam, ikaw at si Reid."
"Pero..." Ni hindi ko alam kung paano itutuloy ang sasabihin ko pero nagpatuloy pa rin ako. "Wala naman talaga kami. Mahal ka pa ni Reid. Ikaw lang ang tanging babaeng minahal niya. Mahal mo rin naman siya di'ba?"
"Sizz... Maraming nagbago sa napakaikling panahon. Kahit ako, hindi ako makapaniwalang nawala na lang bigla ang nararamdaman ko para kay Reid. Selfish man pakinggan na nagmahal ako ng iba, pero wala akong magawa. At hindi ko pinagsisisihan na sinunod ko ang puso ko. Masayang-masaya na ako ngayon kay Liam."
Hindi ko na mapigilang maluha't maging emosyonal. Nasasaktan ako para kay Reid. "Papaano si Reid? Paano siya? Mahal –na mahal ka niya!"
"Maniwala ka't sa hindi, sinubukan kong isalba ang relasyong meron ako sa kanya. Pero wala. Wala na talaga. Dahil sigurado na ako ngayon kay Liam. Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa buong buhay ko."
"Ako ba? –Ako ba ang dahilan? Kung hindi ba ako pumagitna sa relasyon niyo ng mga panahong 'yon –kung hindi kayo nagkahiwalay, sa tingin mo hindi masisira ang relasyon niyo ng ganito?" Gusto kong marinig ang sagot niya kahit malinaw naman sa'kin na ako naman talaga ang puno't dulo ng paghihiwalay nila.
"Hindi ko alam, Sizzy." Sagot ni Bianca na nagpatigil sa'kin sa pag-iyak ng ilang sandali. "Pero iniisip ko na lang na kung hindi kami nagkahiwalay noon ni Reid, baka hindi kami nagkaroon ng tyansa ni Liam... baka hindi ako kasing saya ngayon. Kaya paulit-ulit kong sasabihin na naniniwala akong may dahilan ang lahat na nangyayari sa'tin Sizz. Sadyang hindi si Reid ang lalake para sa'kin. Baka hindi natin alam, para pala siya sa'yo..."
Umiling ako habang pinupunasan ko ang bawat luhang kumakawala sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko. Mabigat. Naiiyak pa rin ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Reid. Parang ayokong tanggapin na wala na talaga silang pag-asa ni Bianca.
"Sampung taon palang si Reid, ikaw na ang babaeng pinapangarap niya. Ikaw lang tanging babaeng gusto niyang pakasalan. Ikaw lang ang makapagpapasaya sa kanya..." Gusto kong sabihin lahat, ikuwento, ipaalala sa kanya kung ano 'yong mga pagtatiyaga at diskarte noon ni Reid sa panliligaw hanggang sa noong maging sila. Umaasa akong makukumbinsi ko pa siya.
"Hindi ko siya kayang pasayahin kung ganitong hindi ko magagawang suklian ang nararamdaman niya para sa'kin. Believe me Sizz, ang hiwalayan siya ang pinakatamang desisyong ginawa ko –dahil hindi lang 'to para sa'kin, para din sa kanya 'to. Makakalimutan din niya ako, at darating yong araw na alam kong papasalamatan niyang nangyari ang lahat ng 'to."
Muli't muli, bumagsak ang luha mula sa mga mata ko. Sa lahat ng mga sinabi ni Bianca, iisa lang ang ibig sabihin niyon, at 'yon ay wala na talagang pag-asang balikan niya si Reid. Kaya pakiramdam ko wala akong nagawa para kay Reid... wala akong nagawa para sa kaibigan ko.
Bukod sa inis na nararamdaman ko sa sarili ko, di ko ring mapigilang mainis kay Bianca. Sa kabila ng mga sinabi niya, naniniwala pa rin akong pinakawalan niya ang isang karapat-dapat na lalakeng para sa kanya. Alam kong hindi ko pa lubusang kilala si Liam para ikumpara ko siya kay Reid... pero kahit siguro kilalanin ko pa siyang mabuti, hindi magbabago ang pinaniniwalaan ko.
"Sana lang wala kang pagsisihan sa naging desisyon mo, Bianca." Huling sambit ko kay Bianca sa naiinis kong tono bago ako umalis sa harapan niya. Nagtatagis ang bagang ko sa frustration na nararamdaman ko. Kulang na lang untugin ko ang ulo ni Bianca para matauhan siya. Gusto ko ring ipagdasal na sana nga pagsisihan niya ang lahat ng 'to.
Muling parang maiiyak na naman ako pero pinipigilan ko lang. Daig ko pa si Reid kung paano ako maging apektado't emosyonal sa sitwasyong ito. Pero sadyang hindi ko lang talaga mapigilan.
Tuluyan ko ng pinunas ang basa ko pa ring pisngi dahil sa kaninang luha. Huminga ako ng malalim para ibalik ang normal kong sarili bago ako tuluyang bumalik kung saan naroon ang mga tao.
Halos kasunod ko lang si Bianca pabalik, nauna lang ako ng limang metrong layo mula sa kanya. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makasalubong ko si Reid na halos makabangga ko na. Nakita niya ako pero lumagpas sandali ang tingin niya sa likod ko na alam kong dahil iyon kay Bianca. Sa isang pitik ng segundo, muling bumalik ang mga mata ni Reid sa'kin. Bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang papalapit niyang mukha sa mukha ko. Huli na ng mapagtanto kong ang labi ko pala ang pakay niya.
Sa minutong lumapat ang labi ni Reid sa labi ko, tikom ang bibig ko sa gulat. Ni hindi ko siya binigyang pagkakataong pasukin niya at salakayin ang bibig ko.
"Respond to my kisses so it would look like believable." Pabulong na utos ni Reid saka muling sinakop ang labi ko. Sa pagkakataong ito, sinunod ko na lang ang tulad ng sabi niya na para bang wala ako sa sarili kong pag-iisip.
Ngayon na lang ulit ako nahalikan ng ganito. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na parang sumasabay rin ang pulso sa bawat mapusok na halik na binibigay sa'kin ni Reid. Hindi ako makapag-isip ng tama sa bawat sensasyong natanggap ko. At nagugustuhan ko rin iyon. Unti-unti ko na ring nakakalimutan kung nasaan ako at kung bakit nangyayari 'to...
Teka, bakit nga ba nangyayari 'to? Paanong nangyaring sinisiil ako ngayon ng halik ng isang taong kinaaayawan ako?
Ang sagot sa mga katanungan kong 'yon ay naging malinaw sa'kin nang matapos rin ang malalim na pananalakal ni Reid sa bibig ko.
Matapos niya kong pakawalan, pinagmasdan ko ang kawalang emosyon sa mukha niya na nahuli kong sumilip muli sa bandang likuran ko. Saka ko rin lang nakuha na para kay Bianca ang munting palabas na iyon.
"Aalis na tayo. I'll drive you home." Sambit sa'kin ni Reid na hindi ko masagot dahil gulat pa rin ako matapos ang nangyari. Matapos niyang makapagpaalam kay Inigo at Taylor, sinakop niya ang palad ko't sabay kaming umalis palabas ng bahay.
Habang hawak ni Reid ang kamay ko, hindi ko mapigilang mapalunok ng ilang beses. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. At mas lalong hindi ako makapaniwalang nagpatangay ako...
"Magtaxi ka na lang dahil wala naman talaga akong balak na ihatid ka." biglang sabi sa'kin ni Reid matapos niyang bitawan ang kamay ko nang tuluyan na kaming nasa labas. Sa isang iglap, bumalik na naman ang malamig na trato niy ang a sa'kin.
Sa kabila ng kagaspangan ng ugali na pinapakita niya sa'kin, hindi ko lang talagang magalit kay Reid. Ang totoo, mas naawa lang ako sa kanya ngayon. Kaya niyang gumawa ng eksena ng tulad kanina at magpakababa para lang kay Bianca.
Tumango na lang ako ng pagpayag kay Reid kahit na alam kong madalang ang taxi sa lugar nila. May dadaan naman siguro sa labasan.
Hahakbang na sana ako paalis para magsimulang maglakad hanggang labasan nang maantala iyon sa pag-ring ng cellphone ko. Agad ko 'yong sinagot nang makita kong si ate Aries ang caller.
"Bakit? –Anong nangyari? –Teka, okay lang ba kayo? –Oo, pauwi na ako." Bakas sa boses ko ang pag-aalala nang makausap ko si ate Aries. Puno ng panic ang boses niya na hindi ko makausap ng matino. Ang alam ko lang, may kung anong nangyari sa bahay kaya mas kailangan ko ng makauwi agad.
"Anong nangyari?" biglang sambit ni Reid matapos kong maibaba tawag. Mukhang naramdaman din niyang may nangyari.
"Hindi ko alam. Pero mukhang may nangyaring gulo sa bahay."
"Si Pepper, okay lang daw ba?" bakas na rin ang pag-aalala ni Reid pero wala rin naman akong maisagot sa kanya. Namalayan ko na lang na patakbo na niyang tinungo ang kotse niya't binuhay ang makina. "Sumakay ka na..." utos niya sa'kin.
Matapos kong sumakay sa kotse ni Reid, halos paharurutin niya iyon ng takbo. Hindi ako nagreklamo, dahil kahit naman siguro ako angnagmamaneho, gano'n din ang ginawa ko. Nagpasalamat na lang ako nang makarating kami ng tapat ng bahay sa loob ng napakabilis na oras.
Pareho kami ni Reid na napapatakbo papasok ng bahay. Maraming tumatakbo sa utak ko dahilan para maging sobrang kabado ang nararamdaman ko.
"Tita, tita, tita!" tawag ni Xion na siyang unang sumalubong sa'min. Siya lang at walang ibang tao sa loob.
Bakas ang saya sa mukhan ni Xion at mukhang maayos din siya, pero di ko parin maalis ang mag-alala. "Nasaan sila? Ang mommy mo, si Pepper, si Dad at kuya Gian? Ayos lang ba kayong lahat? At anong nangyari? Nasaan sila?"
"Chillax, tita." Sambit ni Xion gamit ang bagong salitang madalas niyang gamitin. "Nothing happened. It was just a prank call."
"Ano?!" halos magtagpo ang mga kilay ko dahil hindi ko alam kung matutuwa o mag-aalala pa rin. "Teka, nasaan ba sila?"
"At the pool." Sagot ni Xion na agad ko namang pinaniwalaan. Kinarga ni Reid si Xion at sabay-sabay kaming pumunta sa likod ng bahay kung saan naroon nga silang lahat sa pool, nagchichillax. Malinaw na nagbabarbeque party sila.
"So, prank lang talaga ang ginawa niyong pagpapaalala sa'kin?!" Hindi makapaniwalang saad ko habang nasa kay ate Aries ang atensyon ko. Galit-galitan ang boses at mukha ko pero ang totoo mas nangingibabaw ang relief na nararamdaman ko.
"Don't be angry at my mommy. We just want to surprise you." Sabi ni Xion mula sa likuran ko. Magsasalita sana ako kung para saan ang mga surpresa o paparty na nangyayari ngayon nang mapansin ko ang taong naglalakad palapit sa'kin. Medyo dim lang kasi ang pailaw sa pool area kapag gabi kaya hindi ko siya agad na napansin kanina.
"Surprise..." Sambit ni Jarred na nakangisi na ngayon sa harapan ko. May hawak siyang isang stick ng pulang rosas at inabot niya iyon sa'kin. "And sorry for the prank."
"Ako ang nakaisip n'yon at hindi si Jarred. Kaya kung galit ka pa rin, sa akin na lang." Pasigaw na paliwanag ni ate Aries mula sa kinauupuan na di ganoon kalayuan kung saan katabi niya si Dad at kuya Gian.
Muling bumalik ang tingin ko ngayon kay Jarred na talaga nga namang nakakasurpresa ang biglaang pagbabalik niya na walang pasabi. Napangiti na rin lang ako at tinanggap ang rosas mula sa kanya. Ramdam ko ang kilig na hindi ko maikakaila sa sarili ko. Magsasalita sana ako nang biglang sumingit ang boses ni Xion.
"Tito Jarred, this is Pepper's Daddy, tito Reid." Rinig kong sabi ni Xion na nasa likuran ko at nagpaalala sa'kin na kasama nga pala namin si Reid. Nagpatuloy lang si Xion sa pagpapakilala sa dalawa. "And tito Reid, that's my tito Jarred. He's my tita's favorite person. And mine too."
------💜------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top