Chapter 33
THIRTY-THREE
"Yes! shoot!" hiyaw ni Xion nang magawang maishoot ni Reid ang bola sa ring. Kitang–kita ang proud na mukha niya na akala mo isa talagang professional coach habang si Reid ay nagpapanggap namang trainee na tsumamba sa pagshoot.
Napapangiti na lang ako sa isang tabi habang kalong ko si Pepper na parang nagchicheer din dahil sa makailang ulit nitong pagtalon habang pinatatayo ko sa sarili kong hita.
Masarap silang panoorin habang naglalaro ng basketball sa likod ng bahay. Natutuwa akong nag-eenjoy si Xion at ganoon din si Reid na ngayon ko lang ulit nakitang tumatawa ng sobra. Wala na 'yong kunot niyang noo, madilim na mukha at nagsasalubong na kilay na madalas lumalabas kapag ako ang kaharap niya.
Sa isang iglap, nabalik ang pag-iisip ko sa impormasyong nalaman ko kanina mula kay Inigo. Hindi ko pa alam ang buong istorya ng paghihiwalay nila, pero kahit ganoon, parang wala akong ibang gustong gawin kundi ang kausapin at pakiusapan si Bianca na balikan niya si Reid. He didn't deserve all this. Kung may tao man na nakakaalam kung gaano siya kamahal ni Reid, ako 'yon... Kaya kung pwede lang sanang makaharap ko si Bianca ngayon, sasabihin ko sa kanya kung anong klaseng lalake ang pinapakawalan niya.
Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang makita si Reid na totoong masaya... Gusto kong ibalik sa kanya ang bagay na 'yon na minsan ko'ng inalis mula sa kanya.
"Ang sarap nilang panoorin ano," sambit ng tao mula sa likuran ko. Si Lola Carmen.
Ngumiti ako sa kanya. "Opo. Ngayon ko rin nga lang pong nalaman na magaling rin pala si Reid pagdating sa pakikitungo sa bata tulad ng ginagawa niya ngayon kay Xion. Kaya nga ngayon palang kumbinsido na ako na magiging mabuti siyang ama kay Pepper."
"Sigurado din ako sa bagay na iyan." Sagot ni lola na mula sa nakangiting mukha nabahiran iyon ng bahagyang pagseryoso. "Pagpasensyahan mo na lang muna sana ngayon si Reid, iha. Naniniwala naman akong magkakaayos rin kayo at mababalik 'yong magandang samahan niyo na tulad noong dati."
Ngumiti na lang ulit ako dahil sa wala rin naman akong maisasagot. Kung mababalik man sa dati ang magandang samahan namin ni Reid, mukhang hindi iyon mangyayari ngayon o sa susunod na bukas. Kung kailan? Hindi ko na rin masabi.
"Pepper..." tawag ni Reid nang makalapit siya sa'min at gano'n din si Xion na parehong pawisan matapos ang laro nila. Kung ano-anong pinaggagawa nila para mapatawa si Pepper na epektibo naman.
Para akong hangin sa paningin ni Reid na para bang hindi niya ako nakikita. Kung hindi kay Pepper, nasa kay Xion lang ang tingin niya.
"Reid..." sambit ko sa pangalan niya para subukang kausapin siya sa kaswal na paraan. "Nakakausap mo pa ba si Kurt, Caleb at Megan?"
Napalunok ako bandang dulo. Sadyang hindi na talaga ako gano'n kakomportable na kausap si Reid. Hindi na siya 'yong dating kaibigan ko na napakadaling kausap at kwentuhan. Pero kung gusto ko talagang mabalik 'yon, kailangan kong subukan.
Nang hindi sumagot si Reid sa tanong ko, nagpatuloy lang ako. "Si Megan na lang ang parati kong nakakausap sa tatlo. At sabi niya, mukhang malabong dito sila magpasko sa Pilipinas—"
Hindi ko na napagpatuloy ang pagkukwento ko dahil sa nakikita kong kawalang interes ni Reid. Nagmumukha lang akong tanga sa harapan niya. Mukhang kahit anong pagpilit ang gawin ko, wala rin namang mangyayari.
"Xion, you want to go with me? Let's take a shower. Amoy pawis na tayo." Baling ni Reid kay Xion na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Ilang sandali lang, wala na sila sa harapan ko't umakyat na sa kwarto ni Reid para maligo.
Bigla akong natigilan nang marealize ko ang isang bagay... hindi ko pa nga pala nahahanap 'yong isang sing-sing. Madadagdagan na naman ang galit sa'kin ni Reid kapag nagkataong malaman niya ang katangahang nagawa ko.
Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at di na nag-aksaya pa ng oras na sumunod sa kwarto. Hindi ko maiwan si Pepper kaya karga ko pa rin siya hanggang sa pagpasok sa kwarto. Nasa loob ng banyo si Reid at Xion kaya sinamantala ko ang pagkakataon para hanapin muli ang sing-sing.
Habang nakalapag si Pepper sa tabi ko, patuloy ang pagsungkit ko sa ilalim ng closet gamit ang walis. Hirap na hirap ako dahil hindi ko man lang matanaw 'yong bagay na sinusungkit ko. Hindi ako tumigil. Inisa-isa ko ang bawat sulok ng ilalim hanggang makita ko rin ang bagay na hinahanap ko. Awtomatikong lumuwag ang dibdib ko habang hawak ko na ang sing-sing.
"Bakit hawak mo yan?!"
Muling bumalik ang mabilis na tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Reid mula sa likuran ko. Nang hinarap ko siya, masamang tingin ang sinalubong niya sa'kin.
"Balak mo na naman bang kunin 'yan at itago?" muling sambit niya sa'kin sa malamig na boses. Hindi ko siya masisisi kung pag-isipan man niya ako ng masamadahil minsan ko na noong kinuha at itinago ang parehong sing-sing ngayon.
"H-hindi." Nabubulol na sagot ko. At hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa nakakatakot na tingin niya o dahil sa hubad na katawan niya na tanging tuwalya lang ang nakatakip.
Lumapit siya sa'kin at marahas na hinablot sa'kin ang sing-sing.
"Pwede ba, Sizzy... kung ano naman yang nasa isip mo para guluhin ulit ang buhay ko, tigilan mo na. Ako na mismo ang nagsasabi sa'yo na hindi ko na hahayaang magpaloko pa sa'yo."
"H-hindi." Naiiling na sagot ko. "Hindi 'yon gano'n. Reid, wala akong balak guluhin ka o ulitin 'yong pagkakamali ko noon—"
"Stop." Mariing putol sa'kin ni Reid. "Wala akong balak makinig o paniwalaan ang bawat lumalabas na salita sa bibig mo. Nandito ka ngayon sa bahay ko dahil wala akong ibang mapagpipilian. Kaya 'wag kang gagawa ng anumang bagay para maging dahilan ng pagpapaalis ko sa'yo dito."
Kasing lamig ng yelo ang kaharap kong Reid ngayon na parang ang hirap tibagin. Gustuhin ko mang maging matatag sa harapan niya pero hindi kaya ng sarili kong mga mata na maluha-luha na ngayon.
"Are you fighting?" singit ni Xion na awtomatikong pumagitna sa harapan namin ni Reid. Nakalimutan naming may dalawang bata sa paligid namin.
"No, Xion..." agad na sagot ko habang pilit kong tinatago ang kahinaan ko. Yumuko ako para harapin si Xion na kagagaling din lang sa ligo habang nakatapis rin ng tuwalya. "Halika na Xion sa kabilang kwarto, bihisan na kita."
***
"Tita, you look sad. Are you okay?" tanong sa'kin ni Xion na hindi ko alam na kanina pa pala nakamasid sa'kin. Masyadong napalalim na naman ang iniisip ko matapos ang nangyari ngayong buong araw. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga salitang nanggaling kay Reid na laging may kakayahang tibagin ang loob ko.
"I'm not sad. And I'm okay." Ngumiti ako agad para ipakita sa kanyang mali siya ng akala. "Did you brush your teeth already?" Pag-iiba ko ng usapan bago pa man niya ako usisain.
Tumango siya bilang sagot saka muling nagsalita na humihikab. "I'm sleepy na tita."
Pumupuwing-puwing na siya ng mata niya na kitang-kita kung gaano na nga talaga siya kaantok. Alas nuwebe na rin kasi ng gabi at idagdag pa na masyado siyang napagod nitong hapon sa kakalaro.
"Saan mo gustong matulog? Dito sa'kin or doon kay tito Reid kasama si Pepper?" tanong ko na binibigyan siya ng pagkakataong pumili. Kasalukuyang natutulog na ngayon si Pepper sa kwarto ni Reid tulad ng gusto nito.
"I want to sleep beside Pepper but I also want to sleep here with you tita." Sagot ni Xion na halatang hindi makapagdesisyon mag-isa. "Can't we sleep in one room na lang? You, me, Pepper and tito Reid together in one room?"
Ako naman ang nalagay sa alanganing tanong. "No, Xion. Hindi pwede. Wala tayo sa bahay natin. Kwarto 'yon ni Tito Reid at bawal ako roon matulog. Ikaw lang at si Pepper ang pwede."
"But why? Is he mad at you?"
Para na naman akong natrap sa mga katanungan ni Xion na mahirap lusutan. "No. Hindi siya galit. Hindi lang talaga ako pwede sa room niya matulog. Just like lola Carmen na hindi rin pwede matulog sa room ng tito Reid mo."
"But it really looks like he's mad at you. He doesn't even like talking to you."
Nagulat ako sa kung paano 'yon nasabi ni Xion. Hindi ko alam na napapansin niya pala ang panlalamig sa'kin ni Reid at maging hindi niya pakikipag-usap sa'kin. "Akala mo lang 'yon Xion."
"Don't lie, tita. I know your lying." Balik ulit ni Xion na kunot na ngayon ang noo. Siya talaga ang klase ng bata na hindi basta mabobola o mapagsisinungalingan.
Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang wala na rin naman akong kawala sa kanya. Wala akong ibang nagawa kundi ang umamin. "Okay, ganito kasi 'yon. May misunderstanding sa pagitan namin ng tito Reid mo. Kung galit man siya sa'kin, yon ay dahil sa may kasalanan akong nagawa sa kanya. Sa ngayon hindi pa kami bati, pero magkakaayos din kami."
Tahimik lang si Xion sa buong minutong nagpapaliwanag ako. Saka lang siya muling nagsalita nang matapos ako. "You should tell him how sorry you are. He will forgive you right away when you do that."
Napangiti ako sa kung paano ako payuhan ni Xion na para bang mas matanda siya sa'kin. Pero hindi 'yon gano'n kasimple. "I already did, Xion. But it wasn't enough. Masyadong malaki ang kasalanan ko sa kanya." Bigla akong natigilan sa lalim na ng naibabahagi ko sa batang kaharap ko. Di ko rin namalayang nagiging emosyonal na pala ang boses ko.
Nagulat na lang ako nang bigla akong niyakap ni Xion na awtomatikong nagpagaan ng loob ko. "Don't be sad my tita, Xion is here. I'll sleep here with you, tonight."
Bigla naman akong nadala sa pagiging sweet ng pamangkin ko. Alam na alam niya kung paano maglambing at magpasaya sa pamamagitan lang ng mga salita. Niyakap ko na rin siya na halos ayokong pakawalan dahil na rin sa panggigigil ko sa kanya. Kumalas lang ako sa kanya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Awtomatikong napabalikwas ako nang makita kong si Reid ang pumasok karga si Pepper na hindi matigil ang iyak.
"Umiyak na lang siya ng umiyak nang magising siya." Paliwanag ni Reid na pinasa sa'kin si Pepper.
Agad ko namang napatahan si Pepper matapos kong isayaw at kantahan. Ilang sandali rin lang nakatulog na ulit siya. Binalik ko si Pepper sa kwarto ni Reid at doon hiniga. Ilang minuto din ang nilagi ko para siguraduhing mahimbing na ang tulog ni Pepper.
"Pwede ka ng bumalik sa guest room." Utos ni Reid na mukhang kanina pang hinihintay ang pag-alis ko ng kwarto niya. "Hayaan mo na rin si Xion na matulog dito."
Napabaling ako kay Xion na parang wala pang isang minuto simula ng humiga siya kanina sa kama, pero mahimbing na ngayon ang tulog. Tulad ng sabi ni Reid, hindi ko na ginalaw pa si Xion at hinayaan na lang siyang makatulog sa kung saan siya nakapwesto.
"Umalis ka na ng kwarto ko nang makatulog na rin ako. Tatawagin lang kita kung sakali mang umiyak ulit si Pepper."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top