Chapter 30
THIRTY
Habang nagmamaneho, walang ibang laman ang isip ko kundi ang nangyaring biglang pagdalaw kanina ni Reid sa bahay at pagkuha niya kay Pepper para makasama ito ng isang gabi. Paulit-ulit kong inisip kung kumpleto ba ang naipadala kong gamit kay manang. Ilang pares ng damit, diaper, dede, gatas, off lotion, gamit panligo—
Nang maalala ko ang bagay na kulang, bigla akong napahinto sa pagmamaneho dahilan para sigawan ako ng mura ng driver ng nasa likod kong sasakyan.
“Kung balak mong maaksidente, huwag kang mangdamay ng ibang tao! Ingat ingat din!” sigaw pa niya sa’kin nang magkatapat kami bago siya tuluyang nag-overtake.
“Sorry po.” balik ko sa kanya na hindi ko alam kung narinig niya dahil humarurot na ito palayo sa’kin. Aminado naman ako na may kasalanan ako, pero buti na rin talaga na walang collision na nangyari dahil sa kapabayaan ko. Sadyang habit ko na rin talaga ang magzone out sa tuwing may inaalala ako at nagkataong habang nagmamaneho lang naman ako ng inatake ako ngayon ng katangahan kong ito.
Mas naging maingat at focus na ako sa pagmamaneho hanggang sa marating ko rin ang pastry shop. Sa labas pa lang, pansin ko na ang malaking pagbabago na napapalibutan na ngayon ng Christmas decoration.
“Merry Christmas,” pambungad na bati ko kay ate Chloe at sa empleyado naming naroon. Marami-rami na ring customer na nakapila sa counter. “Nagustuhan ko ang bagong ayos ng shop natin. Sorry nga pala kung ngayon lang ako nakapasok, ate Chloe.”
Hindi ako nakatulong sa pagdecorate ng shop, pero masaya pa rin ako sa kung ano mang kinalabasan. Sinunod nila ang kahilingan kong gawing white Christmas ang tema ng dekorasyon.
Si ate Chloe ang kasosyo ko sa shop. Noong unang beses na natikman niya ang cupcake na ginawa ko, nagustuhan na niya iyon at bigla’t bigla, inalok na lang niya akong magtayo kami ng negosyo. Bagaman nag-alinlangan ako noong una, wala naman akong pinagsisihan ng mapapayag niya ako dahil sa naging patok ang negosyo namin. Napakabilis na lumago at lumaki ang negosyo namin na suki na rin ng kahit anong event. Balak na rin nga namin ang tumayo pa ng panibagong branch sa ibang lugar.
“It’s okay. Of course, I understand. Kumusta na ba ang inaanak ko?” tanong ni ate Chloe na agad ko namang kinuwento sa kanya ang maayos na ngayong kalagayan ni Pepper at maging ang tungkol sa pagsulpot ni Reid sa buhay ng anak ko.
“Ano naman ang pakiramdam mo ngayong nakita mo na ulit si Reid?”
“Masaya ako dahil nandito na siya ngayon para kay Pepper. Pero nandito pa rin yong konsensya dahil ‘yon yung pinaparamdam niya sa’kin sa tuwing tinitignan niya ako na para bang hindi niya ako mapapatawad.”
“M-may nararamdaman ka pa ba sa kanya… mahal mo pa ba siya?” biglang tanong ni ate Chloe. Nang pinagkunutan ko siya ng noo dahil sa klase ng tanong niya, muli siyang nagsalita. “Chinecheck ko lang naman, dahil kung meron nga kahit maliit na porsyento, aba dapat ko ng tawagan si Jarred para pabalikin dito. Mahirap na, baka mawalan pa siya ng tiyansa sa’yo kung firstlove ba naman ang malaking karibal niya…”
Umiling-iling ako ng paulit-ulit habang natatawa. Pinagkrus ko ang mga braso ko’t saka sumagot. “Wala na ‘yon. Matagal na akong nagising sa katotohanang, walang magiging kami. Kung may gusto na lang akong mabalik, ‘yun ay ang pagkakaibigan namin na mukhang malabo na ring mangyari. Kontento na rin lang ako ngayon, na tanggap na niya si Pepper.”
Mula kay ate Chloe, nabaling ang tingin ko sa cellphone ko para tignan kung may mensahe na mula kay Reid. Tinext ko kasi sa kanya ang tungkol sa gamot ni Pepper na siyang nakalimutan kong isama sa gamit na dala nila kanina.
“Panglima na ‘yang ginagawa mong pagsilip sa cellphone mo.” Pansin niya. May pagkaprangka si ate Chloe kaya wala na rin akong nililihim sa kanya. “Nag-aalala ka ba kay Pepper?”
“Hindi ko mapigilang mag-alala. Alam kong hindi naman siya pababayaan ni Reid, at isa pa, nandoon naman si manang Lydia. Pero sigurado akong iiyak ng iiyak ‘yon.
Maghahanap pa rin siya siya sa’kin at ng mga taong araw-araw niyang nakakasama sa bahay.”
“Isipin mo na lang na kailangan ding masanay ni Pepper kay Reid. Sa ngayon, normal lang na iiyak at maninibago pa siya sa sarili niyang ama, pero kung bibigyan mo lang sila ng ganitong panahon na sila lang, masasanay at masasanay din ‘yon. Wala ka ring dapat alalahanin, dahil kung sakali man na mahirapan na talaga sila kay Pepper, siguradong si Reid na mismo ang magpapatawag sa’yo para sumaklolo. Kaya ‘wag ka ng praning. Hindi naman pwedeng minu-minuto kang ganyan…”
May punto si ate Chloe sa bawat sinabi niya pero hindi niya talaga maaalis sa’kin ang mag-alala lalo na’t wala man lang text o tawag mula kay Reid sa kung anong balita sa kanila.
Lumipas pa ang ilang oras pero wala man lang ni isang textback sa’kin si Reid. Inaalala ko kung binalikan ba nila iyong gamot sa bahay at kung napainom na si Pepper. Kaya hindi na talaga ako nakatiis na tumawag sa kanya. Ring lang ng ring ang bawat tawag ko kay Reid na hindi ko alam kung dahil sa iniiwasan niya ang tawag ko o dahil sa may masama ng nangyari. Pero paano kung ‘yung pangalawa?
Pabaling-baling ang tingin ko sa wallclock habang iniisip ko kung pupuntahan ko na lang ba sila, o mananatili pa ako ng ilang sandali bago gawin iyon. Nag-uusap pa kasi kami ni ate Chloe para sa pagpaplano namin ng pagtatayo ng second branch ng shop.
“Sizzy, okay ka lang?” tanong sa’kin ni ate Chloe na mukhang napansin na rin ang pagiging balisa ko. “Tungkol pa rin ba ‘to sa pag-aalala mo kay Pepper?”
Tumango ako at hindi ko na napigilan pa ang magdesisyong umalis. “Ate, I’m sorry talaga. Pwede bang bukas na lang natin ang tungkol sa plano? Nag-aalala lang talaga ako na baka nagwala na ng iyak si Pepper at baka hindi na siya nakaya ni manang—”
“It’s okay, Sizzy. Pwede ka ng umalis at Ipagpatuloy na lang natin ‘to bukas. Tutal mukhang wala rin tayong mabubuong desisyon kung ikaw mismo ay magulo ang isip. You can go.”
Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko saka tuluyang nagpaalam sa kanya. Walang pag-aaksaya ng panahon na sumakay ako ng kotse at pinaandar iyon papunta sa address na hiningi ko kay Lola. Wala akong masyadong alam sa buhay ngayon ni Reid, ang nasabi lang sa’kin ni lola, may restaurant na ito na kabubukas lang. At doon ko balak pumunta ngayon.
Inabot ng isang oras ang biyahe ko dahil sa traffic. Hindi ko alam kung aabutan ko pa sila dahil baka nakauwi na ‘yon sa bahay, pero sinubukan ko pa ring sadyain ang loob.
Labas pa lang ng restaurant, napamangha na ako sa laki nito na hindi tulad ng inaasahan ko. Mas namangha ako sa ganda ng lugar nang pumasok ako na ibang iba ang ambiance sa napuntahan ko ng mga resto. Para bang pinag-isipan ang bawat detalye at bawat ayos na elegante at classic ang style at disenyo. Halos punuan din ang mga tao na para bang isang pruweba na binabalik-balikan ito araw-araw ng customer. Idagdag pa na mga sikat at malalaking tao ang ilan sa natatanaw kong mga customer.
“Yes ma’am?” tanong sa’kin ng waiter nang tumigil ako sa harapan niya.
“Nandito ba ang owner nitong restaurant?” tanong ko.
“Sino po sila ma’am?” magalang ulit na tanong nito na agad ko ring binigay. Iniwan niya ako sandali para puntahan ang taong pakay ko. Susunod sana ako sa waiter pero pinakiusapan niya akong maghintay na lang sa bakanteng table.
Hindi ko ikakaila na bahagya akong kinabahan. Baka kasi mas lalo lang magalit si Reid sa’kin kapag makita niya ako ngayon dito. Baka ipagtabuyan niya ako palabas ng restaurant niya dahil sa hindi pa rin siya komportableng nakikita ang pagmumukha ko. Pero anong magagawa ko? Nandito ako ngayon dahil nag-aalala ako sa anak ko na hindi ko alam kung maayos siya ngayon… kung sinagot sana siya sa mga tawag ko, hindi sana aabot sa puntong susundan ko sila dito.
“Sizzy?” tawag ng isang boses mula sa likuran ko. Nakahanda na ako sa galit na mukhang makikita ko, nang bigla akong nasurpresa dahil ibang tao ang nakita ko sa paglingon ko.
“I-inigo?” Hindi makapaniwala habang titig na titig ako sa mukhang kaharap ko. Napakurap din ako ng ilang beses dahil sinisigurado ko kung siya nga ang taong kilala ko. Ang laki na kasi ng pinagbago niya.
Ang tagal na rin ng panahon ng huli ko siyang makita. Wala na akong naging balita pa sa kanya simula ng maputol ang koneksyon namin sa isa’t isa. Hindi ko inakalang dito ko pa siya makikita.
Wala na ang dating makapal na salamin ni Inigo. Hindi na rin siya ang dating payatot na parang sakitin ang katawan. Maganda na ang pangangatawan niya na para bang araw-araw sa gym. Ni bakas ng pagiging awkward niya noon ay wala na ngayon. Presensiya pa lang niya, masasabi kong puno na siya ng kompyansa sa sarili.
“It’s been a long time, Sizzy. Kumusta ka na?” bati niya na nakangiti. Wala na ang nabubulol niyang dila at mapag-iwas na mga mga mata niya. Mukhang sanay na sanay na siyang makipag-usap sa mga tao.
“M-mabuti naman.” Parang gusto kong sitahin ang sarili ko sa pagkakabulol ko na para bang nagkapalit kami ng katauhan. Kung hindi man ako komportable ngayon sa harap niya ‘yon ay dahil sa hindi ko mapigilang isipin kung galit din ba siya sa’kin. Kapatid niya si Bianca kaya dapat asahan ko na rin kung maging ito ay hindi rin ako mapapatawad sa nagawa kong kasalanan. “Ikaw? Kumusta ka?”
Gustong-gusto kong idagdag kung kumusta na rin si Bianca, kung nasaan siya, at kung ano bang dapat kong malaman matapos kong sirain ang buhay nito…
Ngumiti ulit si Inigo na parang walang sama ng loob nararamdaman sa’kin. “Heto, nagpapatakbo na rin ng restaurant na ito. Naalala ko na ikaw ang unang taong nagsabi’t naniwala na magkakaroon ako ng sarili kong restaurant. At ito na ‘yon ngayon.”
Sandali akong natigilan sa sinabi niya. “Kung ganoon, kayo ni Reid ang nagpapatakbo nito?”
Ngayon naging malinaw na sa’kin na hindi nandito si Inigo bilang isang customer, kundi dahil siya ang tinawag ng waiter kanina at hindi si Reid.
“Oo. Actually, siya ang mas nagpapatakbo at nagpaplano. Mas sa kusina ang concentration ko, making sure na maayos at masarap ang naihahandang mga pagkain dito.”
Muli akong nagpalinga-linga sa paligid na napansin din niya agad ang paghahanap ko kay Reid bago pa man ako makapagtanong.
“Kanina pa umalis si Reid kasama ang anak niyo at si manang. Dadaan pa muna yata sila sa mall para bumili ng gamit ni Pepper. Pero babalik pa sila dito bago tuluyang umuwi.” Saad ni Inigo habang kinakampay niya ng tawag ang isa sa mga waiter at nag-order saka muling bumaling sa’kin. “Nakakatuwa si Pepper. Hindi mo alam kung paano niya kami pinasaya kanina. Ang dami na niyang pagpapasikat na ginawa kanina. Yon nga lang, hindi namin siya makarga-karga dahil tanging kay manang lang niya gusto.”
Umupo si Inigo sa harap ko na tuloy lang sa pagkukwento. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya tahimik lang akong nakinig sa kanya. “And she really looks like Reid. Walang dudang—”
Biglang natigil si natigilan si Inigo nang mapansin din niya ang kakaibang pananahimik ko.
“What’s wrong…?” muling tanong niya nang nangingilid na ng luha ang mata ko dahil sa pagiging emosyonal.
Naalala ko sa kanya si Bianca dahilan kung bakit kanina pa bumibigat ang dibdib ko. At biglang parang gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko.
“I’m sorry…” bitaw ko ng mga salitang gusto kong sambitin kay Bianca. “Inigo, alam kong dapat kay Bianca ko sinasabi ‘to, pero ni hindi ko alam kung mapapatawad niya ako sa nagawa ko… I’m so sorry. Para ko na ring sinira ang buhay ng kapatid mo.”
“Sssh… It’s okay. Matagal na ‘yon.” Sambit ni Inigo na parang hindi alam ang gagawin kung paano ako patitigilin ang nagsisiagusan na ngayong mga luha ko.
“Hindi ‘yon okay. Masama ang ginawa ko. Kahit gaano pa ‘yon katagal nangyari, hindi pa rin mawawala ‘yong epektong dinulot ng pagiging selfish ko.”
“Tama na ‘yong nagsisi ka. At kung tatanungin mo ako ngayon tungkol sa kapatid ko, okay na siya. In fact, masaya siya ngayon. Trust me, she’s happy now.”
Hindi ko alam kung sinasabi lang sa’kin iyon ni Inigo para pagaanin ang dibdib ko, pero sa kung paano niya sa’kin sabihin ang mga salitang iyon, parang nakukumbinsi na rin ako. At nakatulong iyon para tumigil na ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.
Gusto ko pa sanang tanungin si Inigo ng tungkol kay Bianca nang biglang bumalik ‘yong waiter kanina na meron na ngayong dalang pagkain.
“Hey, huwag mong tatanggihan ‘to. It’s my treat. Gusto kong matikman mo ang pinagmamalaki naming dish dito.” Saad ni Inigo na hindi ako hinayaang makatanggi. “Isa pa, tamang-tama din ito para mas maka-usap pa kita ng matagal dahil may ibabalita ako sa’yo… I’m getting married.”
Mula sa naiiyak kong mata kanina, bigla na lang iyon namilog sa gulat at sinundan ng pagsingkit dahil sa pagngiti ko sa tuwa. Matagal kong hindi nakita si Inigo, at ngayon, ikakasal na siya.
“Wow!” unang nasambit ko sa pagkasurpresa. “Masaya ako para sa’yo. Kailan ang kasal? Pwede ko bang malaman kung sino ang masuwerteng babae? Canadian ba ‘yan?”
“Oo e. Her name is Taylor. Nasa Canada pa siya ngayon, pero balak na rin niyang sumunod dito sa’kin para sa pagplano’t pag-asikaso ng kasal.” Sagot niya na nakitaan ko ng kakaibang saya sa mga mata. “Next year na nga pala ang kasal. I want you to come.”
Tumango ako sa kanya kahit na wala naman talaga akong balak pumunta. Parang ang kapal naman ng mukha ko kung magpapakita ako roon kay Bianca. Baka masira ko lang mood ng masayang kasalan.
Binaling ko ang atensyon ko sa dish na nasa harapan ko at tumikim. Alam kong hindi na ako dapat pang magulat dahil alam kong may angking talento siya pagdating sa ganitong bagay, pero hindi ko pa rin mapigilang humanga.
“Wala akong masabi kundi, wow! sobrang sarap, Chef!” nabubulunang sambit ko. Kaya hindi na ako ngayon magtataka kung bakit punuan ang tao ngayon dito sa restaurant kahit sabihing bago at kabubukas pa lang nito. “Ang swerte ni Taylor sayo. Siguradong mabubusog siya sa pagmamahal mo araw-araw.”
At muli kaming nagtawanan, natigil nga lang namamaanan ko sa entrance ang pagdating ni Reid na hindi agad kami nakita. Nasundan naman agad ni Inigo ang tingin ko at siya na mismo ang kumaway at tumawag sa pansin ni Reid.
Awtomatikong kumunot ang noo ni Reid nang makita ako. Lumapit siya na nasa kay Inigo ang buong atensyon na para bang hindi niya ako nakikita. Kinausap niya ito ng ilang sandali na para bang may ibinibilin.
“Si Sizzy nga pala nandito,” biglang sambit ni Inigo na ito pa mismo ang nagbigay-pansin sa presensiya ko. “Kanina niya pa kayo dito hinihintay…”
Saka rin lang bumaling sa’kin si Reid na wala a ngayong kaemo-emosyon ang mukha.
“S-si Pepper nga pala?” tanong ko habang hindi ko mapigilan ang di kabahan sa tuwing wala akong makuhang reaksyon mula kay Reid. Ang totoo, natatakot ako na baka bigla na lang niya ako bulyawan.
“Nasa kotse, tulog kasama si manang.” Sagot niya sa’kin na agad nasundan ng pagtatanong. “Bakit ka nga pala nandito? Di’ba malinaw naman ang usapan natin na sa’kin ngayon si Pepper. Makikita at makakasama mo naman siya ulit bukas. Hindi mo kailangang sumulpot at magpakita dito. Alam mo namang nagbabago ang timpla ng mood ko sa tuwing nakikita kita.”
Biglang hindi ko magawang salubungin ang mata ni Reid. Napapayuko ako dahil sa pagkapahiya, pero sinubukan ko pa ring sumagot. “N-nag-alala lang ako dahil hindi ka man lang sumagot sa text at tawag ko. Gusto ko lang naman—”
“Sinadya kong hindi sagutin ang bawat text at tawag mo dahil hindi naman kailangan. Maayos sa puder ko ngayon si Pepper at sana naman magtiwala kang hindi ko pababayaan ang sarili kong anak.”
Magsasalita pa sana si Reid pero nakita kong pinigilan na siya ni Inigo na saksi sa kung paano ako kinamumuhian ng dati rati’y matalik kong kaibigan.
“Aalis na ako.” Pagpapaalam ni Reid sa pareho pa ring tono bago tuluyang umalis sa harapan namin.
Naiwan ako na tigalgal at walang maiharap na mukha kay Inigo. Pinilit kong salubungin ang mga tingin niya para makapagpaalam na din ako. “Aalis na din ako, Inigo. Salamat na lang sa lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top