Chapter 3

THREE:

Gaya ng sinabi ni Caleb, si Reid ang sinundan ko. At sakto lang na hindi pa niya nabubuhay ang makina ng sasakyan niya nang abutan ko.

"Kung nandito ka para kumbinsihin akong makipag-ayos ngayon kay Kurt, I'm telling you, mahirap mangyari 'yon!"

Kahit mabigat man ang nagawa ni Kurt, hindi ko alam kung bakit hindi masama ang tingin ko sa kanya. Maybe that's because, nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya. At sapat na 'yon para magkaayos muli sila ni Reid.

"Reid, alam kong mahirap palagpasin. Pero si Kurt 'yon. Kilala natin siya, at kung nagawa niya 'yon, siguradong dahil sa impluwensiya ng alak lang 'yon. Kahinaan niya ang alak na tulad mo rin. Can we just blame the alcohol?" o ang pagiging malandi ni Vicky.

Nananatiling walang kibo si Reid matapos marinig ang pagpapaliwananag ko. It's a good sign, kaya pinagpatuloy ko pa...

"Remember noong nag-out of town tayong barkada, you two were both drunk. And the next time we knew, you two were kissing na. Kaya pinaghiwalay namin kayong dalawa. At kinaumagahan nang tanungin namin kayo, wala kayong maalala."

Habang binabantayan ko ang reaksyon ng mukha niya, nakikita kong nakikinig rin siya't pinoproseso ang sinasabi ko. Sumagot din siya agad.

"Nang nangyari 'to noon kay Lily at Megan, we were all at Meg's side, dahil alam natin na si Lily ang mali. Pero bakit ngayon...?" sambit ni Reid na inuungkat ang parehong kaso ni Lily at Meg sa nangyayari ngayon.

"Hindi ko pinaglalaban ang side ni Kurt kung 'yon ang iniisip mo. Nasa side ako nitong barkada natin. Kaya kung may pinaglalaban man ako ngayon, 'yon ay ang huwag masira ang pagkakaibigan natin. At mangyayari lang 'yon kapag magkaayos kayong dalawa ni Kurt. Maybe it would sound a bit dramatic, pero mahal ko ang barkadang 'to. Sa inyo ko nahanap ang sarili ko. Pamilya ko na kayo. Kaya kung magkakagulo man tayo, ako ang unang-unang iiyak." At naiyak na nga ako. Emosyonal akong tao na may napakababaw na luha.

"Napaka-mature mo habang pinapangaralan mo ako kanina. But now, you're crying like a baby."

Kitang-kita ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Reid na ikipinatag ng loob ko.

"Naiintindihan mo na ba ang pinapaliwanag ko? Galit ka pa ba kay Kurt? Handa mo na ba siyang patawarin?"

He didn't answer. But he hug me na nangangahulugan rin lang na Oo.

"I'm sorry kung ma-ooffend ka man sa sasabihin ko, pero.. ang pinaka-hindi ko matatanggap sa nangyari ay kung ang maharot lang na si Vicky ang sisira sa samahan natin. Ano ba kasi ang gustong-gusto niyo sa kanya. I know, obviously she has gorgeous face and a wonderful body. But aside from that, wala na. Hindi nga attracted ang zombies sa kanya, dahil wala siyang utak," Magsasalita pa sana ako nang natigilan na lang ako dahil sa kakaibang reaksyon ni Reid na nakatitig lang sa'kin. "Bakit?!" sita ko dito.

"Insecure ka ba kay Vicky? dahil mukhang mas may malalim kang galit sa kanya." Half-serious ang pagkakasabing iyon ni Reid.

"Insecure? Me?" Depensa ko. "No way. At bakit ako ma-iinsecure sa babaeng may natatanging ganda pero wala namang utak."

"Yan ba ang hindi insecure? Parang mas nahihigitan na ng insecurity level mo ang taas ng IQ level mo, Sizz."

What? Insecure nga ba ako? Napapaisip tuloy ako.

"Don't let that happen. Maganda ka Sizz. You're Beautiful in your own way. Nakakaganda ang katalinuhan na meron ka.. Nagkakaproblema lang sa pagiging-boring mo. Pero magagawan pa naman natin ng paraan..."

Ako naman ang natahimik. At tanging ang salitang 'Beautiful' lang ang tumatak sa utak ko. Nagagandahan siya sa'kin. Nagugustuhan na rin ba niya ako –but wait, boring?

"Did you just say that I'm boring?" Hindi ako makapaniwala na ako na ngayon ang sentro ng usapan.

Tumawa ng malakas si Reid. "Yeah. Why? You think you're not?"

"Define the word boring..." utos ko sa kaniya suot ang mukhang offended.

Muling tumawa lang siya na mukhang nakalimutan ang nangyari lang kaninang kaguluhan. "Baby Sizz, Kaya mo bang subukang gawin ang mga kakaibang bagay that is out of your zone... like do wild things?"

Hindi ako makasagot. Wild things? Parang gusto ko ng kabahan.

"Come on, Sizz. Bakit hindi? Paminsan-minsan kailangan mo ring kumuwala sa pagiging miss goody good girl mo."

"Teka lang, sinasabi mo bang magbago ako? Are you having an idea of 'Good-Girl-turns-Bad' kind of thing?"

"Well, gusto ko lang na eenjoy mo ang kung anong meron ka ngayon. Ika nga nila, enjoy your life to the fullest..."

"Bakit ba iniisip ng lahat ng tao na hindi ako masaya sa buhay ko?"

"Cause you're the definition of KJ. You're missing the fun, little Sizz. At sigurado akong pagsisisihan mo 'yan pagdating ng panahon. Come'on, sasamahan kita. Ako ang bahala sa'yo."

Sasamahan niya ako? Siya ang bahala sa'kin?

Sa isang iglap, parang nagustuhan ko ang ideyang inilalatag sa'kin ngayon ni Reid. "Okay. Enlighten me Mr. Alvarez..."

Napanganga si Reid na hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa'kin. "Was that a yes?"

"Yes." Nangingiting sagot ko na hindi na nag-inarte pa. "So, kailan ang simula natin?"

Parang nahawa rin si Reid na mas maluwang ang ngiti. "Right now!" biglang binuhay nito ang makina at walang sabing pinaharurot ng napakabilis ang sasakyan.

Halos hindi ako huminga habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa upuan. At huli na rin ng makita kong hindi ko pa pala suot ang seatbelt. "Oh Shit! What the F****!"

Nagawang humalakhak ni Reid habang mabilis na nagmamaneho. "That's a good start. Ngayon lang kita narinig na nagmura, Sizz."

Bigla't bigla nawala ang takot ko na maaksidente at napalitan ng kakaibang saya at uaapaw na excitement. At sumigaw ako ng napakaraming beses na napakalakas na hindi ko nagawa noon.

Matapos ang nakamamatay na ginawa namin, natagpuan ko na lang ang sarili namin sa isang tahimik na lugar habang walang natatanaw kundi ang napakaraming tala sa langit habang nakahiga sa bubong kotse ni Reid.

How romantic... Napapatingin ako kay Reid na para lang kaming nagde-date.

"Thanks, Reid. That was really fun!" saad ko habang pinagmamasdan ko lang si Reid na nakatitig sa tala. Magandang pagmasdan si Reid kahit saang anggulong tignan.

Bigla kong nilipat ang tingin ko nang humarap siya sa'kin para magsalita. "But it's not yet over..."

"Meron pa?" excited na tanong ko. I can't hide the excitement. Parang binuhay ni Reid ang pagiging tao ko.

"You like more?"

"More." I said seriously na hindi hinihiwalay ang tingin sa mismong mga mata ni Reid. Kung ano man ang nararamdaman ko sa kaniya, parang mas lumalalim pa 'yon ngayon. Mas nagugustuhan ko pa siya.

"Then, start making a list." Muling saad ni Reid na mukhang hindi naman binibigyang malisya ang mga titig ko.

"List? What List?"

"Things that you haven't done before. Like," nag-isip muna ito sandali, "Drinking alcohol, tattoo, boyfriends... drugs.."

"Drugs?" halos manlaki ang mata ko. "You want me to—"

Mahinang binatukan ako ni Reid. "Hindi ko sinasabing gagawin mo ang sinasabi ko. Ikaw ang magsusulat sa list. Ikaw ang masusunod kung anong gusto mo. Nagbibigay lang ako ng idea sa'yo. At hindi rin kita hahayaan magdrugs. Ginawa mo pa akong masamang impluwensiya."

Napatawa ako. "Sorry!" labas sa ilong na saad ko. "Ilan ba dapat?"

"It's up to you. Kapag natapos mo na ang list, hindi mo kailangang madaliing gawin ang lahat. Take your time kung kailan mo gustong gawin, walang pressure, walang time limit."

Bigla akong naexcite. "I'll start soon as I got home."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top