Chapter 2
TWO:
Pagpasok palang namin ni Reid sa loob, agad na siyang sinalubong ni Vicky. Dahil ayoko naman magpaka-aso na bubuntot buntot kay Reid at sa girlfriend niya, ginala ko ang mata ko para hanapin si Meg o kahit sino pa sa barkada na malalapitan ko, para hindi naman ako parang tangang nakatayo lang.
Nang makita ko si Kurt, iniwan ko na agad si Reid na nakalimutang kasama ako.
"Kurt!" tawag ko.
"Sizz." Nakangiti ito ng makitang sumipot ako sa kabila ng pagtatanggi ko kanina lang. "Where's Meg?"
I checked my phone. "On the way na raw siya. Nandito na ba si Caleb?"
Ito ang pinakaayaw ko sa tuwing umaatend ng ganitong party, watak-watak ang barkada na mahirap mahanap. Kaya nga minsan lang kami pumunta ni Megan sa ganitong okasyon dahil nauuwi lang sa pagmumukmok naming dalawa habang nag-eenjoy ang guys na kasama ang babae nila.
"He's here. But I don't know where," naputol ang pagsasalita ni Kurt nang may isang babaeng lumapit dito. Sa isang iglap, naging invisible naman ako.
Ilang minuto ring wala akong ibang kausap dahil sa pagiging abala pa rin ni Kurt sa pakikipag-usap sa babae na hindi na siya nilubayan. May nagtangka rin namang kumausap sa'kin na estranghero, pero hindi ko pinansin. Number One rule: Don't talk to stranger.
Nang ilang minuto pa ang lumipas, hindi ko na nakayanan ang pagiging poste dahil wala pa si Megan na parang hindi na rin nakaalalang silipin ang napakaraming messages at calls ko sa kanya, naisipan kong lumabas muna. Pero bago pa man ako makalagpas sa pintuan, tinawag ako ni Reid na napansin din ang existence ko sa wakas.
"Saan ka pupunta Sizzy?"
Bago pa man ako makasagot na nababagot na ako, hinila na ako ni Reid, "Come with me."
Noong una, akala ko pupunta kami ni Reid sa isang tahimik na lugar para libangin ang pagkabagot ko, pero hindi dahil mukhang mas lalo pa akong mababagot nang dinala niya ako kung saan naroon ang girlfriend nitong si Vicky at ang close friends nito.
"Why don't you chitchat with them, habang wala pa si Megan." Nilapit pa ni Reid ang ulo sa'kin para bumulong. "They're nice. Gusto ko lang kilalanin mo rin sila. Di naman siguro malayong magkasundo kayo. Do it for me."
Alam ni Reid ang pagkaka-disgusto ko kay Vicky. Kaya hindi nakapagtatakang gumagawa ito ng paraan para mabago ang pakikitungo ko sa girlfriend niya. Habang hindi kasi okay sa'min ni Megan si Vicky o sino mang girlfriend ni Kurt at Caleb, hindi nila nagagawang isama sa kahit anong pagkikita o samahan ng barkada ang babae nila. Ganoon din ang sino mang magiging boyfriend namin sa kanila.
"Hi, Sizzy." Si Vicky na ang unang lumapit sa'kin nang tuluyan ng umalis si Reid.
"Hello." Ngumiti na rin ako. Pagbibigyan ko lang ngayon si Reid, pero hindi ko alam kung mangyayari nga ang gusto nito. Una, hindi ko gusto ang pananamit ni Vicky na napakaikling skirt at ganoon din ang top na halos lumuwa na ang dibdib. Pangalawa, I don't like her image. Kilala siya sa isa sa malalanding babae na palipat lipat ng lalake. Pangatlo, walang kahiya-hiya. Proud pa sa sarili. Pang-apat, nakaka-insecure na kagandahan.
Kumuha ng isa pang red caps mula sa di kalayuang table si Vicky. Alam kong balak niya akong alukin ng alak. Hindi ba siya sinabihan ni Reid na hindi ako umiinom?
"Here." Alok nito ng makalapit. "For you."
Ilang segundo na nakaabot sa'kin ang kamay ni Vicky na hindi ko pa rin kinukuha ang red cup. Una inisip kong tumanggi, pero napag-isip isip ko na walang masama kung kukunin ko pero hindi nangangahulugang iinumin ko. Para kay Reid.
So I grabbed it. At ng hindi ko ininom, hindi ko alam na naghihintay pala si Vicky sa susunod kong gagawin.
"Why don't you drink it? It's not poisonous, you know. Hindi ka mamamatay."
Nagtawanan ang naroong mga kaibigan ni Vicky sa sinabi nito.
Inaamin ko, nainsulto ako sa tawanan. And I can tell na hindi nila ako gusto. "I'm not yet allowed to drink." Actually, we're all not allowed.
Tumawa muna si Vicky bago muling nagsalita. "Sizzy, you're missing the fun. Enjoy your life. Don't be stuck from being boring. Kawawa naman ang mga kaibigan mo, nahahawa na."
Wala akong ibang nagawa kundi ang mainis sa galit habang patuloy na pinagtatawanan ng lahat. Wala akong lakas na sagutin si Vicky. Natatakot ako na kapag ginawa ko 'yon, pagtutulungan ako ng mga kaibigan niya.
So I just step back. Walang pagsasalitang tumalikod ako para lumabas ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas ko, saka ko lang nalaman na may iba namang nangyayaring kaguluhan.
At malinaw na nakita kong si Lily at Megan ang nagkakaroon ng engkwentro habang si Kurt, Caleb at Reid ay naroon din na umaawat. Mukhang ako lang pala ang wala sa barkada sa nangyayaring reunion.
"Pwede ba, Megan! Hindi ko kasalanan kung mas gusto ako ni Dino kaysa sa'yo. Kitang-kita naman kung bakit." Mahinahong saad ni Lily na parang napakadali lang magsalita ng ganoong bagay sa taong minsan na niyang naging kaibigan.
Si Lily ay kabilang noon sa barkada. Pero simula nang natuklasan ni Megan na may nangyari kay Lily at sa boyfriend niya, nagkalimutan na ng pagkakaibigan. At hindi na kataka-taka ngayon kung nagkakaroon man sila ng alitan lalo na't mukhang nakainom si Megan.
"You're a Bitch! Mahiya ka naman." Sigaw ni Megan na may pinanggagalingan ang galit. "Anyway, He's all yours."
Bababa na sana ako para umawat din nang naunahan ako ni Vicky na mabilis na pumagitna. "Can you please stop this, Bitches!" Galit na sigaw nito. "Hindi na kayo nahiya! This is my party at wala kayong karapatang umeksena. Kung gusto niyong ipagpatuloy ang away niyo, huwag dito. Nakakaisturbo."
Bigla namang natauhan at siniliyaban ng hiya si Megan sa sinabi ni Vicky, pero hindi si Lily. Sa halip na mahiya, mas lumapit pa ito kay Vicky at dinuro. "You're one of us, Bitch! Oh baka gusto mong ianunsyo ko sa lahat kung anong nalalaman ko tungkol sa'yo na hindi alam ng boyfriend mo na si Reid. We're just the same, Vicky."
Hindi makakailang naintriga ang lahat sa binitawang pahayag na iyon ni Lily na halatang ikinabahala ni Vicky. "Stop this Lily! Umalis kana kung ayaw mong pasipain kita paalis sa teritoryo ko."
"Ba't bigla kang kinabahan Vicky?" muling saad ni Lily na humarap naman kay Kurt. "Reid, alam mo ba na bukod sa'kin may isa pang ahas sa barkada. Hindi mo alam na ang isa sa kaibigan mong matalik ay natikman din ang alindog ng mahal mong si Vicky."
Ayokong maniwala sa mga nilalahad ni Lily, pero hindi ko maitatanggi na kapani-paniwala ang sinasabi nito dahil sa guilty na reaksyon ni Vicky.
Lumapit si Reid kay Lily na naguguluhan. "What are you talking about Lily? Sinasabi mo lang ba 'to para manira?"
"I'm just telling the truth. Alam niyo naman siguro na kahit mang-aagaw ako, hindi ako sinungaling."
That made me believe on Lily. Kilala namin siya sa pagiging prangka at sinasabi kung anong nasa loob. Sa kanyang bibig nga mismo lumabas na may namamagitan sa kanila ng boyfriend ni Megan.
"You still don't believe me?" muling saad ni Lily. "Why don't you ask your friend? Pero ang tanong... Sino sa kanila?"
Sino nga ba? Kinabahan ako. Isa lang sa dalawa, Caleb or Kurt? Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Caleb at Kurt. Pero kahit sino pa sa dalawa, isa lang ang siguradong mangyayari, gulo sa barkada.
Tuluyan na akong bumaba palapit sa kanila at kay Lily. "Please, Lily... I'm begging you to stop." Niyakap ko ang balikat niya para dalhin palabas na mahinahon. "Let's go. You don't need to do this."
Pumalag sa'kin si Lily. "Hindi mo ba gustong malaman kung sino sa dalawa, Sizzy?"
"Wala akong pakialam kung sino.. 'cause I don't care. And none of us will. So, please, just stop!"
"Then let see if none of you will care..."
From that moment, I know... hindi na magpapapigil pa si Lily.
"That guy is no other than.."
"Me."
Lahat ng mata tumutok kay Kurt na siyang nagsalita.
"That was Me." Muling pag-amin ni Kurt. "And I'm sorry, Reid. I was drunk. Nagising na lang ako na—"
Hindi natapos ni Kurt ang paliwanag nang salubungin na siya ng galit na suntok ni Reid. "I trusted you like a real brother, Kurt."
Kitang kita ko ang malaking galit mula kay Reid. At bago pa man masundan ang pananakit nito kay Reid, nilapitan ko na siya para pakalmahin. "Reid, pag-usapan natin 'to ng mahinahon. Huwag dito. Let's go somewhere and we will fix this. Pakinggan muna natin si Kurt. Let's listen to his side... please.."
"Can you hear yourself, Sizzy? Walang matinong rason kung bakit niya nagawa 'yon. He F***** my girlfriend! Big time! Do you know how it sounds, Sizz?"
Alam ko kung mabigat para kay Reid ang nangyayaring ito. Pero mas mabigat para sa'kin kung masisira ang lahat ng pinagsamahan namin.
"I know, Reid.. Pero hahayaan mo na lang na mabura ang pagkakaibigan just because of your bitch hirlfriend?!" Ramdam ko na rin ang pag-init ng ulo ko, pero hindi 'yon dahil kay Kurt or kay Reid, but because of Vicky. "Malandi si Vicky! At hindi na kataka-taka if Kurt F***** her. Every guy F***** HER. What's New?!"
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko galing kay Vicky, kaya agad ring pumigil sina Megan at ang iba sa pagwawala nito.
"This is not just about Vicky," sagot sa'kin ni Reid, "It's about trust and friendship na kakasira lang niya. There's no way na maaayos pa 'to. The damage has been done."
Tahimik ko na lang tinignan palabas si Reid na mukhang hindi ko na rin makukumbinsi pa. At sumunod na ring tumayo si Kurt para umalis.
Lumapit sa'kin si Caleb at Megan. Nakita ko rin ang disappointment sa mga mukha nila. Nakakalungkot na nangyayari ulit ito.
"Susundan ko lang si Kurt. And you, Sizz sundan mo si Reid." Pagmamando ni Caleb.
"How about me?" tanong ni Megan.
"Pasalamatan mo si Lily at Vicky sa kadakilaan nila. Kayang-kaya mo na 'yan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top