Chapter 18

EIGHTEEN:

Ilang oras na akong nakatingin kay Reid na mahimbing ang tulog sa tabi ko habang tanging kumot lang ang bumabalot sa'ming mga katawan. Kanina pa ako gising na hindi masyadong nakatulog sa magdamag sa kakaisip kung anong mangyayari ngayong umaga sa oras na magising siya. Alam kong mas masasalba ko ang sarili ko sa kahihiyan kung ngayon pa lang aalis na ako habang hindi pa siya gising, pero sa hindi ko ginawa. Nanatili lang akong nakahiga sa tabi niya, hanggang sa nagising rin siya...

Awtomatikong pumikit ako bago pa man tumambad sa harapan niya ang dilat kong mga mata. Kailangan kong magpanggap na tulog at magmukhang inosente sa sunod na pagdilat ko.

Natatakot man ako sa pwedeng mangyari, pero alam kong kailangan kong lakasan pa lalo ang loob ko para malusutan ito.

"Shit! F***!" rinig kong malakas na sabi ni Reid na hindi ko agad nakita ang reaksyon ng mukha niya dahil sa pagpapanggap kong tulog. Ramdam kong umalis siya ng kama na naging hudyat para sa kunwaring pagkagising ko.

Dahan-dahan ang pagmulat na ginawa ko sa pinaka-inosenteng mukha na kaya kong iarte.

"Reid?" Pinagsikapan kong maging gulat ang ekspresyon ko na may pagtataka. Nakabihis na si Reid ng pang-ibaba habang hindi makapaniwala ang itsura ng reaksyon niya.

"Ba-bakit ako nandito sa kwarto mo?" Takot at nangangambang boses naman ang inilabas ko. Ininspeksyon ko rin ang sarili ko habang nasa akin ang tingin niya. "Ba't wala akong saplot?"

"Shit! Sizzy! I... I don't know! I was drunk. Wala akong maalala." Pag-amin ni Reid na inaasahan ko na rin namang blangko ang memorya niya sa nangyari kagabi.

Sa ilang taon na naging kaibigan ko si Reid, alam kong sa tuwing nalalasing siya ng sobra, wala siyang naaalala kinabukasan sa pagdilat niya ng mata. Kaya sasamantalahin ko ang pagkakataong ito para pagpaniwalain siyang alak ang parehong may kasalanan sa nangyari sa'ming dalawa.

"Wala din akong maalala Reid." Pagsisinungaling ko. "Pero... pero mukhang may nangyari sa'tin."

Lugmok ang buong mukha ni Reid sa komprontasyon ko sa bagay na ikinababahala niya. Hinintay ko ang pagkalma niya bago niya ako muling hinarap.

Lumapit siya sa'kin na sising-sisi. "I am so sorry Sizzy. Hindi ko alam kung paano ko nagawa sa'yo 'yon. Believe me... hindi ko sinasadya... I was drunk."

Kulang na lang lumuhod si Reid sa harapan ko sa kakahingi ng tawad sa bagay na hindi naman dapat. Naaawa man ako sa kanya, pero wala akong balak bumigay. Pangangatawanan ko 'to.

"Sizz, kung gusto mo akong ipakulong, gawin mo. Kung 'yon lang ang paraan para matahimik ka sa ginawa ko sa'yo—"

"Hindi kita ipapakulong." Balik ko agad. "Pareho nating hindi ginusto 'to. Pareho tayong lasing at walang maalala. Alak ang may kasalanan."

Nakita ko kung paano muling nanlumo ang mukha ni Reid sa harapan ko. Napaupo siya sa kama na litong-lito sa kung anong dapat niyang gawin. Halos ilang minuto rin siya sa ganoong ayos na hindi gumagalaw at hindi nagsasalita.

"Magbihis ka na," utos sa'kin ni Reid matapos siyang bumalik sa dati niyang sarili. "Ihahatid na muna kita sa inyo."

Hindi ko alam kung anong eksaktong nasa isip ni Reid o kung anong plano niya, kaya hindi ko na napigilang magtanong. "Anong balak nating gawin?"

Sa isip ko, umaasa akong sasabihin niyang hihiwalayan na niya si Bianca, at papangatawanan niya ako, pero mukhang hindi 'yon ganoon kadali nang makita ko kung gaano kasakit para kay Reid ang gawin ang bagay na 'yon.

"Sa ngayon wala muna." Sagot ni Reid na hindi nagpatahimik sa loob ko. Muli kong binuka ang sarili kong bibig para ipaglaban ang nasimulan ko.

"Pero Reid, paano kung... paano kung magbunga 'to—"

"Hindi naman siguro mangyayari yun." Muling sagot niya na parang mas kinukumbinsi niya ang sarili niya kaysa sa'kin. Lumapit siya sa'kin nang mahalata niya ang pangamba ko sa naging sagot niya. "Sizz, kung mangyari man ang kinakatakot natin pareho, I'll assure you na hindi kita papabayaan. But for now, huwag muna nating isipin ang bagay na hindi pa nangyayari. Kalimutan na muna natin."

Pero gusto kong isipin 'yon. Alam kong kasakiman pero gusto kong hilingin ng paulit-ulit na sana magbunga ang nangyari sa'min... na sana ito ang maging paraan para mapasa'kin na rin si Reid... na pangatawanan niya ako... at magkapamilya kami.

"Magbihis ka na." utos ulit ni Reid na sinunod ko matapos siyang lumabas ng kwarto.

***

"May nangyari sa inyo ni Reid?" Gulat na sambit ni Megan matapos ko sa kanyang ikuwento ang nangyari noong isang gabi. "Sinong mag-aakala na magagawa mo pala ang ganoong klaseng bagay... You little witch!"

"Maniwala ka't sa hindi, hindi rin ako makapaniwala sa sarili kong magagawa ko 'yon. Huwag na huwag ka sanang madudulas kay Reid, dahil magagalit sita sa'kin sa oras na malaman niyang sinadya kong may mangyari sa'min."

"Anong magagalit? Isusumpa ka niya sa segundong malaman niyang pinaikot mo siya."

Pareho naming alam kung paano magalit si Reid kapag nasirang tiwala ang pag-uusapan. Pinaka-ayaw niya sa lahat ang niloloko't pinagsisinungalingan, bagay na naranasan niya ng makailang ulit sa sarili niyang pamilya.

"Hindi niya malalaman. Wala siyang malalaman sa ginawa ko. Hindi mo naman ako sasabihin 'diba?"

"Oo naman! Isa akong konsitidor na kaibigan diba? Ako pa nga yata ang nagsulsol sayo ng ideyang 'yan diba? Kaya asahan mong pagtatakpan kita." Sagot ni Megan na inaasahan ko na rin naman ang suporta. "Pero anong balak mo ngayong may nangyari na nga sa inyo... gagamitin mo ba yan para sirain ang relasyon nila ni Bianca? Nag-iwan ka man lang ba ng ebidensiya gaya ng picture? Video scandal? Patingin naman..."

"Wala!" pinandilatan ko si Megan. Wala sa isip ko ang gumawa ng hakbang na mas ikalalayo sa'kin ni Reid.

"Kung ganoon ano nga?"

"Sa ngayon wala pa akong kakaibang nararamdamang pagbabago sa sarili ko. Pero siguradong nextweek, malalaman ko na. Malalaman ko na kung buntis ako." Sagot ko sa mahinang tinig.

Ako naman ang pinanaasan ng kilay ni Megan. "At ang mabuntis talaga ang baraha mo noh?! Handa ka na bang magka-anak at maging ina? At paano kung hindi ka pangatawanan ni—"

"Pangangatawanan niya ako. Siniguro niya sa'kin iyon. At kapag nangyari 'yon—"

"Mangyayari ang gusto mo. Magiging kayo. Ikaw ang pakakasalan niya. Kayo ang magkakatuluyan." Pagtatapos ni Megan sa sasabihin ko.

Masarap pakinggan ang mga bagay na iyon. Isipin ko pa lang na si Reid ang mapapangasawa ko't magkakaanak kami parang wala na akong hihilingin pa... Ako na yata ang pinakamasayang tao kapag nagkataon.

"Pero Sizzy... sabihin na nating mangyaring magbuntis ka nga, sana hindi ka mawawalan ng pag-asa kay Reid. Dahil hindi magiging ganoon kadali para sa kanya ang kalimutan si Bianca." Seryoso ang mukha't boses ni Megan na bihirang-bihira lang mangyari. "Tiwala akong makakayanan ka din namang mahalin ni Reid, pero siyempre, pinapangunahan na kitang hindi magiging mabilis ang paglimot niya kay Bianca."

Hindi pumasok sa isip ko noon ang sinasabi sa'kin ngayon ni Megan. Hindi ko inisip na pwedeng mahirapan o masaktan si Reid ng sobra... na baka kahit pa magkaanak kami, pwedeng hindi pa rin niya ako magawang mahalin... na baka si Bianca lang ang tanging may kakayahang pasayahin siya.

"O ba't natigilan ka?" tanong sa'kin ni Megan na napansin ang mahaba-haba kong pagkatahimik. "Huwag mong sabihing nagsisisi ka na? Aatras ka na ngayon?"

Matagal akong napatitig sa kawalan bago nakapag-isip ng sagot. "Hindi. Itutuloy ko 'to..."

May konsensiya mang sumisilay sa dibdib ko pero nangingibabaw pa rin ang pagiging makasarili ko.

"Kung ganoon, sasamahan kita nextweek magpacheck-up. Kailangan nating malaman kung may laman na nga 'yang tiyan mo at kung magiging ninang na ako."

-------⚠️-------

pҨple: Gusto ko lang pong sabihin na huwag po sana natin tularan si Sizzy. Masama po ang mamikot. Hahah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top