Chapter 10
TEN:
Kinabukasan, kung saan-saan pa kami nakarating sa paglalakwatsa na magkakasama. Hindi lang basta bakasyon ang ginawa namin dahil ang pinakaimportanteng ginawa namin sa mga dumaang araw na ito ay pagbuo ng masayang memories na siguradong magiging baon namin bago man lang kami maghiwa-hiwalay.
Hapon na ng maisipan naming umuwi ng kaniya-kanyang bahay. At dahil iisang ruta lang ang dadaanan namin ni Reid, kaming dalawa ang magkasabay na umuwi.
Madilim na nang marating na namin ang bahay ko. "Thanks for the ride Reid." Pagpapasalamat ko habang inaalis ang seatbelt.
"Anyway Sizz. Alam kong hindi na tayo madalas magkikita sasusunod na pasukan. Pero pwede mo pa rin akong tawagan kahit anong oras na gustuhin mo. Tayo na lang dalawa ang maiiwan dito, kaya let's keep in touch lalo na't ako na lang 'tong matatakbuhan mo."
That made me smile. Wala talaga akong masasabi pagdating sa pagiging mabuti at maaasahang kaibigan nito. Kahit malungkot na isiping mawawala na ang tatlo, nakakaginhawa naman sa pakiramdam na maiiwan kong kasama si Reid kahit pa hindi magiging madalas ang pagkikita namin.
"Thanks, Reid." Di ko na napigilang hindi yakapin si Reid. Gusto ko pa nga sanang habaan kaso ayoko namang mag-isip ito ng kung ano. "Bye. See you again."
"See you tomorrow.."
Natigilan ako sa aktong paglabas ng kotse nang narinig ko ang eksaktong sinabi ni Reid.
"Tomorrow?" pag-uulit ko para itama ang pagkakamali nito. Wala akong natatandaang may napag-usapan kaming magkikita bukas.
"Yeah. Kita tayong dalawa bukas. Sunduin na lang kita dito before lunch?"
Kinabahan ako agad. Did I hear it right? Me and him? Kami lang dalawa? Date ba 'to?
"Why? Anong meron?" pasimpleng tanong ko. Deep inside I'm screaming Yes!
"Malalaman mo din. So, tomorrow?" muling tanong nito na hinhintay ang sagot ko bago buhayin muli ang makina.
"Okay." Simpleng saad ko kahit ang totoo kinkilig ako. Hindi na ako makapaghintay na pumasok ng bahay diretso sa kwarto ko para tumalon-talon at tumili ng walang humpay.
"Good. So I'll just pick you up tomorrow." Tuluyan na nitong binuhay ang makina kasabay ng pagbaba ko paalis ng kotse. "Bye, Sizz."
Pagkaalis na pagkaalis ni Reid, hindi na nakapaghintay pa ang tili ko na nailabas ko agad na walang pumipigil.
Ito ang pinaka-exciting na naramdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko 'to inaasahan. Hindi ako makapaniwala. At mukhang hindi ako makakatulog.
Hindi pa man ako nakakapasok ng bahay, hinablot ko ang phone ko sa bag at mabilis kong tinawagan si Megan.
"Meg!" hindi ko makontrol ang boses ko na napapalakas na pala. Pinilit ko munang magpakanormal. "Lalabas kami ni Reid tomorrow!"
"So? Tumawag ka ba para itanong kung sasama ako? Kasi may gagawin ako. Kaya sorry talaga kasi—"
"No!" muling napasigaw ako. "Hindi ka talaga kasama. Hindi mo ba maintindihan kung bakit ako tumawag... LALABAS kami ni REID tomorrow. Kaming DALAWA lang. Niyaya niya ako kanina lang." tumigil ako ng ilang sandali para huminga ng malalim. "Ano sa tingin mo? Why did he ask me out?"
"What?! Really?!" sigaw ni Megan sa kabilang linya ng makuha ang buong ideya. "Ano bang eksaktong sinabi niya sa'yo? Bakit ka ba niya niyaya? And to think na kayong dalawa lang at walang kinalaman ang barkada."
"Basta bukas na lang niya daw sasabihin sa'kin... Meg, what does it mean?"
"OH SHIT!" halos mabingi ako sa muling sigaw ni Megan. "Wow, Sizz. Ibig sabihin lang niyan masusungkit mo na ang bituin mo.
Natuwa ako sa sinabi ni Megan. Kung pareho ang pakahulugan ko at iniisip ni Megan, nangangahulugan lang na... "Sa tingin mo, he likes me? Mali ba kung isipin kung gano'n nga kahit wala pang kumpirmasyon?"
"Siyempre may karapatan kang isipin 'yon dahil para saan pa't kayo lang ang dalawa ang lalabas? Wala akong ibang naiisip n dahilan kundi gusto ka na rin niya."
"OK. Thanks Meg. Bye!" mabilis kong pinatay ang phone kahit alam kong marami pang sasabihin si Megan. Wala na kasi akong panahon makipag-usap dahil igugugol ko pa ang buong oras ko sa pagpili ng susuoting damit, sapatos at magiging itsura para bukas.
***
Dahil hirap akong makatulog kagabi at mag-aalas tres na nang magawang maipikit ko nang tuluy-tuloy ang mga mata ko, heto... malapit ng mag-alas-onse ang gising ko.
Daig ko pa ang natatarantang daga nang hindi ko na alam kung saan magsisimula. Mas nadagdagan pa ang pagmamadali ko nang silipin ako ni kuya sa kwarto para sabihing nasa baba na naghihintay si Reid.
"Nandiyan na siya?" kunot noong tanong ko habang hawak-hawak ko palang ang tuwalya para maligo. "Oh No! Sabihin mo na lang kuya, nagbibihis lang ako. Bababa na rin ako after 5 minutes!"
"Nagbibihis ka ba sa lagay na 'yan?" Napapailing-iling si kuya Gian bago umalis ng kwarto ko na may pahabol pa. "Mga babae talaga, ang maikling limang minuto ginagawang sampu at higit pa."
Whatever. Matagal na panahon rin naman akong naghintay kay Reid at sa pagkakataong ito. Mas mahaba naman yon kaysa sa minuto.
Madalian ang ginawa kong pagligo sa banyo. Pagkalabas na pagkalabas ko, naging minadali ko rin ang pagsuot ko ng damit na nakahanda na kagabi pa lang. Buti na lang talaga.
Sunod kong inasikaso ay ang pagpapatuyo ng buhok. Kahit gusto ko ng bitiwan ang blower, hindi 'yon pwede dahil hindi ako lalabas ng hindi maayos ang buhok ko. This is my first date kaya dapat lang na presentable at maayos ako.
Sa biglang pagbaling ko nagulat ako nang mapansin ko na nasa likuran na pala si Kuya Gian.
"Saan na naman ba kayo pupunta ng barkada niyo? Parang napapadalas na."
"Alam mo naman kuya na malapit na rin kasi kami magkahiwa-hiwalay." Sagot ko na hindi sinasabi ang totoo na tanging kami lang ni Reid ang lalabas at di kasama ang kahit sino sa barkada. Mahirap na baka maudlot pa ang pinakaaasam-asam ko, dahil lang sa pagiging over-protective ng kapatid ko.
"Okay. Ingatan mo lang ang sarili mo."
Nang matapos ko na ang pag-aayos, nagmamadaling iniwan ko si Kuya. Mukhang hindi naman nito nahulaan na espesyal sa'kin ang araw na mangyayari ngayon. Hindi naman kasi ako nagpakaayos ng grabe.
Ngiti ang unang sinalubong ni Reid sa'kin nang makita ako. At gano'n din ako sa kanya. Nagsimula lang kaming mag-usap nang sakay na kami ng kotse papunta sa hindi ko alam na lugar.
"Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang mangyayari mamaya. Pero itutuloy ko pa rin dahil malakas ang pakiramdam ko na magugustuhan mo. Consider it as my early graduation present."
Hindi man direkta at malinaw ang pagkakasabi ni Reid, pero nagdulot 'yon ng kakaibang dating sa'kin. Dadalhin ba niya ako sa paborito kong lugar? Wait... ano nga ba ang favorite place ko?... Library?! That would be weird kung doon niya ako dalhin para magtapat.
"Kilala at alam mo naman ang gusto ko sa mga bagay-bagay. Kaya kung ano man yan, I'm sure magugustuhan ko 'yan." I don't know if I sounded sweet, flirty or something. Parang gusto ko na tuloy magsisi sa pagbitaw ko ng salitang 'yon. Ayoko na masyado akong nagiging obvious.
"You're right!" nangingiting saad ni Reid na parang nabuhayan sa sinabi ko. "You'll gonna like him. I'm sure you will."
Him? Did I hear it right? "Si-sinong him?"
Biglang parang nawala ang kompyansa ko sarili. At kahit ang kaninang mataas na kasiyahang nararamdaman ko ay mukhang mawawala din sa kompirmasyon na matatanggap ko kay Reid.
"Oh, you just got me." Umiiling iling na saad nito na natatawa. "Nadulas ang dila ko." Wala na rin itong nagawa kundi ang sabihin ang totoo. "May kakilala ako. He's a nice guy and I think he's perfect for you. And you won't believe this, sa tuwing nakikita ko siya, alam mo bang ikaw ang nakikita ko sa kanya. Kaya kahapon rin lang, biglang pumasok sa isip ko na perfect kayo para sa isa't isa. You know why?"
Natulala ako sandali. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang lahat na kaninang matitinding emosyon ko ay biglang bumagsak ngayon ngayon lang.
Ba't pa kasi ako umasa?
"Sizzy, are you okay?" napansin agad ni Reid ang biglaang pagkatulala ko. "Hindi mo ba nagustuhan..." parang biglang itong nataranta sa reaksyon ko. "I'm sorry.. Hindi ko sinasadyang pakialam ang buhay mo. I knew it, sana di ko na lang 'to nilihim sa'yo. Kaso iniisip ko na baka hindi ka pumayag. I'm sorry Sizzy." Lumungkot ang mukha ni Reid na makikitang may kasamang pagsisisi't panghihinayang. "Just say so if you're not comfortable with the idea. I understand kung ayaw mo ng ituloy 'to."
Parang nabalik ako sa sarili kong katawan. Nakikita ko ang kagustuhan ni Reid na tulungan ako. At 'yon lang naman ang dahilan nito kung bakit nagpapaka-kupido ito. Nagmamalasakit lang siya. Iniisip niya siguro na mapapasaya niya ako sa ganitong paraan na mahanapan ako ng tamang lalake.
'Yon nga lang ang hindi niya alam na siya ang mismong tao na hinahanagad ko. Siya lang ang tamang lalake sa paningin ko.
"Hindi mo kailangang magsorry, Reid. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Gaya ng sinabi ko, kabisado mo na ako, kaya hindi malayong magustuhan ko ang kung sino mang sinasabi mong perfect guy for me."
Biglang umaliwalas ang mukha ni Reid sa narinig mula sa'kin. Kahit ako gusto kong magulat sa sinasabi ko. Mukhang isang martyr pa ang dating ko ngayon.
Muling binuhay ni Reid ang makina ng sasakyan at pinagpatuloy ang pagmamaneho. "You're making a right decision, Sizz." Di makakaila ang masayang ngiti ni Reid. "Wala kang pagsisisihan kapag nakilala mo na siya."
Hindi ko na sana gustong magsalita pa dahil nawalan na ako ng gana. Pero ayokong ipahalata kay Reid na kasalungat ng ipinapakita ko ang sinabi ko.
Pinilit kong magpakita ng interes. "Bakit mo nasabing perfect guy siya para sa'kin at perfect kami para sa isa't isa?"
"Dahil pareho ang mundo niyo... Pareho kayo ng planetang kinabibilangan."
"Siyempre naman." Sagot ko sa napakababaw na dahilan ni Reid. "Lahat naman tayo."
"I mean it, Sizz. Parehong pareho kayo ng mundo. Malalaman mo rin mamaya ang pinupunto ko."
"Ba't parang papunta tayo sa bahay niyo?" biglang puna ko nang natatanaw ko na ang bahay ni Reid.
"Hindi kita dadalhin sa bahay ko."
Then where?
"Sa mismong bahay ni perfect guy. At nandito na tayo."
Saka ko lang napagtantong kapitbahay ni Reid ang taong ipapakilala niya sa'kin. Sa ilang beses na nagagawi kaming barkada sa bahay ni Reid, hindi natuon ang pansin ko sa tapat nilang bahay kahit minsan, ngayon lang.
Ilang sandali lang nasa loob na kami ng bahay ni perfect guy at ang unang lalakeng sumalubong sa'min ay di ko inakalang siya pala 'yon.
"So, you're Sizzy?" maagap na nilahad nito ang kamay para sa pormal na pagpapakilala. "I'm Inigo."
Sa unang tingin din, masasabi kong siya ang klase ng taong hindi mahilig sa mga sports na kinahihiligan ng lalake. Matangkad na payat si Inigo na parang hindi mahilig maglalalabas ng bahay o umaatend ng social nights o party. Meron din siyang salamin sa mata at braces na pasok sa depinisyon ng pagiging nerd. Idagdag pa na may pagka-awkward at mahiyain siya na hindi sanay makipag-usap sa ibang tao.
Nang magsimulang makakwentuhan ko si Inigo, narealize ko rin agad kung bakit pinagpipilitan ni Reid na perfect siya para sa'kin. Matalino si Inigo at tulad ko pareho kami ng interes sa subjects, books, at maging paboritong author.
Inaamin ko na naging maganda ang takbo ng pag-uusap namin dahil pareho kami ng iniisip at gusto sa mga bagay-bagay. Siya lang ang matinong taong nakausap ko ng matino sa pinakamalalim na paksang hindi ko ma-open sa iba.
No wonder na nakikita ni Reid ang sarili ko sa kanya. Pero ang hindi ulit alam ni Reid na kahit gaano pa kami ka-compatible ni Inigo, hindi basta na lang mahuhulog ang loob ko dito. Hindi pa rin nagbabago o nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kahit naaaliw ako kay Inigo, hindi pa rin maaalis ang disappointment ko. Dahil parang kahapon lang ay napakasaya at excited ko para sa inaabangan kong mangyayari ngayon. Pero heto, nagkamali ako ng inakala. Kaibigan lang talaga ang tingin sa'kin ni Reid at parang hindi na 'yun hihigit pa roon.
Nang dumidilim dilim na, ako na ang namilit kay Reid na ihatid na niya ako pauwi. Pero sa halip na ito ang humatid sa'kin, gumawa ito ng dahilan para ipasa kay Inigo ang dapat na bagay na siya ang gagawa.
Wala na akong nagawa para tumanggi pa. Bago kami makaalis, kumindat pa si Reid sa'kin while mouthing the word "Perfect Match" na may kasamang thumb ups.
So iniisip ni Reid na isang kapareho kong weird ang perfect match for me? He's idea of Weird-Girl-meets-Weird-Boy.
Nagpatuloy ang pagngiti-ngiti at pakikipagkwentuhan ko kay Inigo habang hinahatid ako nito pauwi. Pero ang tunay kong emosyon na nakatago lang sa buong araw ay nalabas ko lang nang makauwi at marating ko ang kwarto ko.
Sa sunud-sunod na ginawang pag-iyak ko, saka ko lang narealize kung gaano pala talaga kabigat ang dinadala ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top