Rubik's Cube

"Rubik's Cube

-Ang Rubik's Cube ay parang pag-ibig. Mahirap nga yan sa simula. Nakaka-gago, nakakalito, nagmumukha kang tanga dahil nga ang hirap. Pero alam mo ba ang the best part?

Ang Rubik's Cube ay mahirap pero may solusyon."
---------

KABANATA 1

"Gaga ka ba?" Singhal ni Venice sa harapan ko. Namumula pa ang kaniyang mata, kakagaling niya lang umiyak dahil sa retarded ex niyang ka RelationShit.

Napangisi ako at lumapit sakaniya, kahit masama ang ginawa ko kanina ay hindi ko parin maiwasan na mag-alala sa bestfriend ko.

"Come here." I opened my arms, umangat ang tingin nito sakin at nakita kong namumu-o uli ang kaniyang luha sa mata.

Dahan dahan itong lumapit kaya hinapit ko na siya palapit sakin at yinakap. "Gaga ka rin, nag mumukha ka na ngang tanga sa harapan niya, nag bubulag-bulagan ka pa." Hinimas ko ang kaniyang buhok.

Ang problema sa mga taong nagmamahal, ginagawa nang tanga ang sarili. Kahit nasasaktan, go parin ng go. Gago lang ba?

"Masakit. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko." Aniya, kahit hindi mo na maiintindihan ang kaniyang pinagsasabi dahil sa kaniyang iyak, ay salita parin siya ng salita.

"Alam mo." Inilayo ko siya saakin at hinawakan sa magkabilang balikat. "Ang love ay parang Rubik's Cube." Ngumiti ako ng nakita ko siyang nagugulohan.

"Bakit naman?" Pinunasan na niya ang kaniyang luha sa kaniyang mukha.

Napailing ako. "Dahil mahirap nga yan sa simula. Nakaka-gago, nakakalito, nagmumukha kang tanga dahil nga ang hirap. Pero alam mo ba ang the best part?" 

Kumunot ang noo nito at ngumuso. "Ano?"

"Ang Rubik's Cube ay mahirap diba? pero may solusyon yan oara matapos." Tumango ako at ginulo ang buhok niya.

"Kahit gaano pa kahirap ang problema mo, may solusyon ang lahat ng iyan--" naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan sa Comfort Room at may lumabas na ulo roon.

Napasimangot ako, it's him.

- mingshinxi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top