Paper
"Papel ka ba?
Dahil kahit wala ka nang halaga sa iba, hahanap hanapin parin kita."
------
Kabanata 2
"Sige na, samahan mo ko." Ani Bryle habang hinila-hila ang braso ko.
Nakita kong malaki ang ngisi ni Jen sa tabi, mukhang hindi lang kakagaling sa Break Up ah? Nang-aasar agad.
"Tigil-tigilan mo nga ako, baliw ka ba? Bakit lapit ka ng lapit saakin?" Tinulak ko siya palayo saakin pero lumapit parin ito.
"Kahit kakagaling mo lang sa Break-Up dahil sa ga--" pinutol ko na ang kaniyang sasabihin dahil hinarap ko siya at tinignan ng masama.
"Shut it, don't remind me. Past na yun."
"How can you say it's the Past, when you're acting on the Past?" Umigting ang kaniyang panga, napahinto ako I realized natamaan talaga ako sa kaniyang sinabi.
Tumalikod ako para maka-alis pero hinawakan niya ang kamay ko. "You know why, palagi akong nasa tabi mo?"
Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong tahimik at napakagat ng labi. I can't even barely make a move.
"Para ka kasing papel." He stopped. "Dahil kahit wala ka nang halaga sa iba, hahanap hanapin parin kita." Pagpapatuloy niya.
Doon na ako napatingin sakaniya, akala niya yata na ngingiti ako kaya ngumiti rin siya. Pero I'm not. Tinignan ko siya ng masama.
"Do I look like some kind of Charity to you?" Inis kong komento sakaniya at binitawan ang kaniyang pagkalahawak at lumapit kay Jen para hilain paalis doon.
-Ms_Mingshin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top