Paint
"Paint ka ba?
Dahil ang ganda mo pa nung una eh, pero habang tumatagal kumukupas rin ang kagandahan."
-------
Kabanata 3
"Ang dungis mo." Halakhak ni Jen at sumimsim ng Blue Lemonade.
Nandito kasi kami ngayon sa 7/11 habang naghihintay sa next class namin. Dahil sa nangyari kanina, nawalan ako ng gana na tumambay sa library. All I want is to eat, eat, eat a lot.
Binigyan ako ng tissue ni Jen pero hindi ko iyon tinanggap dahil kumagat uli ako sa Burger. When I'm in a bad mood, ikain ko lang ay mawawala na. Maybe, some of the girls do this.
"Nics, kaparehas lang tayong ginago." Panimula niya. Napailing ako sa kaniyang sinabi.
"Ikaw lang."
"Paint ka ba?" Panimula niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Alam ko na to eh.
"Dahil nagiging dull na ang mundo ko habang tumatagal?" Ngumisi ako at kinuha ang tissue sa kaniyang kamay na ibibigay niya sana saakin.
Umiling ito. "Dahil ang ganda mo pa nung una eh, pero habang tumatagal kumukupas rin ang kagandahan." Lumakas ang halakhak niya.
Napasimangot ako at tumayo.
Tumigil siya sa kaniyang kakatawa at nagtaakang tumingin saakin. "San ka?"
"Bibili ng mamon. Kailangan ko ng malambot na pagkain sa matigas kong puso."
Humalakhak uli siya. "Matigas nga ba?"
-Ms_Mingshin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top