PROLOGUE

RHYLEE was in a coma for the past 3 months kaya't hindi maipaliwanag ng kanyang auntie Gigi ang tuwang naramdaman nang sa wakas ay magising ang kanyang pamangkin.

"Rhylee!" napayakap ang kanyang auntie Gigi sa kanya, "Thank God, you have finally woken up." mangiyak-ngiyak na sabi nito sa pamangkin. Mula kasi nang mamatay ang nanay ni Rhylee ay si Gigi na ang nag-alaga at nagpalaki rito. Itinuring niya itong parang tunay niyang anak.

"N-nasan ako?" nagtatakang tanong ni Rhylee rito habang kinukusot ang mata. Napalinga pa ito sa paligid. She was in a plain white room. May aparato rin sa kanyang tabi na nagdidikta ng kanyang vital signs. Muli niyang nilingunan ang gawi ni Gigi, "At sino po kayo?" tanong niya na may halong pagtataka na para bang noon lang niya nakita ang kanyang auntie.

Napatakip si Gigi ng kanyang bibig sa narinig. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kanyang pamangkin, "R-rhylee, huwag mo naman akong biruin ng ganyan." manginig-nginig ang boses na sabi nito kay Rhylee.

Muling napakunot ang noo ni Rhylee habang nakatingin ito kay Gigi. Pilit niyang inaalala ang babae ngunit hindi niya ito matandaan, "Pasensya na po kayo pero hindi ko talaga kayo maalala at ano po ulit ang sinabi niyong pangalan ko? Rhylee?" tanong niya rito.

Tuluyan nang napaluha si Gigi, "Rhylee.. I'm sorry." sabi nito at muling niyakap ang pamangkin.

"B-bakit po kayo nagso-sorry?" tanong ni Rhylee rito ngunit sa halip na sumagot ay niyakap lang siya nito ng mahigpit habang patuloy na umiiyak. Pilit pa ring inaalala ni Rhylee ang babae hanggang sa sumakit na ang ulo niya, "Arrgh—" sabi ni Rhylee habang iniinda ang sakit na nararamdaman. Napahawak siya sa kanyang ulo at doon niya nakapa ang benda na nakabalot paikot dito.

Napahiwalay ng yakap si Gigi nang marinig niya ang pag-inda nito sa sakit. Nagmadali itong tumakbo palabas ng kwarto, "D-doc! Nurse!! Tulong!" hiyaw nito na alalang-alala.

Narinig naman ng Doctor ang paghingi ng tulong ni Gigi kaya't nagmadali itong pumunta sa kwarto ng kanyang pasyente. Rhylee's vital signs became unstable kaya't tinurukan siya ng Doctor ng gamot. Ilang sandali pa ay nawalan si Rhylee ng malay.

NAGISING si Rhylee na nakahiga sa isang napakalambot na kama. Her mind was foggy. How long has she been asleep? Napalinga siya sa paligid at doon niya nakita ang isang babaeng nakaupo sa may tabi niya.

"Rhylee!" napayakap ang babaeng sa kanya nang makita siyang gising nito, "Thank God, you have finally woken up." mangiyak-ngiyak na sabi nito. Ilang sandali pa ay kumalas din ito sa pagkakayakap sa kanya.

"N-nasan ako at sino po kayo?" nagtatakang tanong ni Rhylee sa babae habang kinukusot ang kanyang mata.

Napatakip sa kanyang bibig ang babae. Hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig, "R-rhylee, huwag mo naman akong biruin ng ganyan." the lady said, her voice was shaking.

Muling napakunot ang noo ni Rhylee. Pilit niyang inaalala ang babae, "Pasensya na po kayo pero hindi ko talaga kayo matandaan at ano po ulit ang sinabi niyong pangalan ko? Rhylee?"

Tuluyan nang napaluha ang babae, "Rhylee.. I'm sorry." sabi nito sa kanya habang patuloy na tumutulo ang luha sa magkabila nitong pisngi.

"B-bakit po kayo nagso-sorry?" tanong ni Rhylee rito ngunit sa halip na sagutin ay niyakap siya ng mahigpit nito.

Rhylee couldn't remember a thing but she has a feeling that she'd gone through this. Deja vu? Pilit pa rin niyang inaalala ang babae hanggang sa sumakit na ang kanyang ulo, "Arrgh—" sabi niya habang iniinda ang sakit. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam na tila ba sasabog ang kanyang utak.

Humiwalay sa pagkakayap ang babae at saka nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto, "D-doc! N-nurse!! Tulong!" rinig niyang sabi ng babae at agad na dumating ang Doctor. Tinurukan siya nito ng sa tingin niya ay gamot that made her sight blurry hanggang sa unti-unti nang bumigay ang kanyang mga mata. Muli ay nakatulog siya.

NAGISING si Rhylee na nakahiga sa isang napakalambot na kama. Napalinga siya sa paligid. The walls and ceiling are painted white. Rinig pa niya ang pagtunog ng aparato sa kanyang tabi. This place and scene looks familiar. Has she been here before?

"Rhylee! Thank God, you have finally woken up." mangiyak-ngiyak na sabi ng babae sa kanyang tabi at saka siya niyakap nito.

Kinusot ni Rhylee ang kanyang mata, "N-nasan ako?" tanong niya at muli ay napatingin siya sa babae, "At sino po kayo?" natigilan siya sa kanyang sinabi. She knew to herself that she said the same exact words before.

Napatakip ang babae sa kanyang bibig at mukhang hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Rhylee. Those reaction, nakita na iyon ni Rhylee dati. Muli siyang napalinga sa paligid. Pamilyar ang lugar at hindi siya maaaring magkamali — nangyari na ito.

Ilang sandali pa ay muling nagsalita ang babae, "R-rhylee, huwag mo naman akong biruin ng ganyan." sabi nito sa kanya at nag-echo sa kanyang tenga ang sinabi ng babae. She heard it before at lahat ng ito ay nangyari na dati ngunit bakit ito umuulit?

Rhylee would like to confirm something kaya't nagpatuloy lang ito sa pagsasalita, "Pasensya na po kayo pero hindi ko talaga kayo matandaan at ano po ulit ang sinabi niyong pangalan ko? Rhylee?" iyon ang mga salitang tanda niyang sinabi niya dati and from what she can remember, the lady shall apologize next and she was surprised when the lady did.

"Rhylee.. I'm sorry." sabi nito habang patuloy na pumapatak ang luha sa pisngi nito. Muli ay niyakap siya nito.

Unti-unti nabalot ng kilabot si Rhylee. What exactly is happening to her? "A—anong nangyayari?" tanong ni Rhylee. But the lady did not answer at sa halip ay mas hinigpitan nito ang yakap sa kanya. It wasn't the same exact words she said but the actions of the lady beside her did not change.

Rhylee was puzzled. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaisip. Everything that is happening to her, she already experienced before. Nanaginip ba siya? Dahil kung oo ay hindi na siya natutuwa pa. Whatever this thing is, it is becoming a nightmare to her.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ng sakit sa ulo ni Rhylee, "Arrgh—"

Napakalas ang babae sa pagkakayakap nito sa kanya nang marinig niya itong nasasaktan. Nagmadali itong lumabas ng kwarto para humingi ng tulong, "D-doc! Nurse!! Tulong!" agad namang dumating ang Doctor at sinuri nito si Rhylee. Her vital signs became unstable kaya't tinurukan siya ng Doctor ng sa tingin niya ay gamot. It made her sight blurry hanggang sa unti-unti nang bumigay ang kanyang mga mata at muli ay nawalan siya ng malay.

NAGISING si Rhylee na nasa loob ng isang puting kwarto. She was lightheaded, "Rhylee! Thank God, you have finally woken up." mangiyak-ngiyak na sabi ng babaeng nasa kanyang tabi at niyakap siya.

Napalinga siya sa paligid. The place looks familiar and it looks normal but she knows that it isn't, 'Again?' sabi niya sa kanyang sarili. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Sa tuwi na lang mawawalan siya ng malay at magigising ay bumabalik siya sa pangyayaring ito.

Rhylee became aware of what is happening to her. 'If this is not a dream then this could be something else and that I need to figure out.' sabi niya sa sarili.

Napatingin siya sa babaeng nakayakap sa kanya. This lady knows her but Rhylee couldn't remember who the lady was. Everytime she wakes up ay tanging memorya lang ng pagkakataong iyon na paulit-ulit na nangyayari ang kanyang natatandaan. Aside from that ay wala na siyang maalala pa. What can she do to get out of this? Should she change how she respond?

By this time ay kinukusot na dapat niya ang kanyang mata at nagtatanong na dapat siya kung nasaan siya ngunit hindi niya ito ginawa. She wants to test something and if it works then it might be the key of getting out of this nightmare.

Hihikbi-hikbi pa rin ang babae habang nakayakap ito sa kanya. Mukhang hinihintay siya nito na magsalita but Rhylee decided to stay quiet. If she will follow the same exact flow as before ay baka maulit lang ang lahat. This lady can't know that she couldn't remember a thing dahil nag-aalala si Rhylee na baka mag-panic na naman ito at mauwi sa pagtawag nito sa Doctor and Rhylee doesn't want to be injected with that same fluid anymore. Maaaring may epekto rin ang gamot na itinuturok nito sa kanya and she don't want to risk it.

Ilang sandali pa ay kumalas na rin ang babae sa pagkakayakap nito, "I thought I'd lost you." sabi ng babae sa kanya na ikinagulat niya. It isn't what happened before. Did she successfully change her fate? Is changing how she responds the answer?

"Rhylee?" muling pagtawag sa kanya ng babae ngunit tiningnan niya lang ito, "What's wrong? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong nito sa kanya but Rhylee just stared at the lady.

Ilang sandali pa ay nag-panic na ang babae, "D—doc?! N-nurse?!" paghingi nito ng tulong na ikinakaba ni Rhylee. She thought she changed her fate but it doesn't seem like it. Is she going to run in circles again? Agad namang dumating ang Doctor at sinuri siya nito. 'Are they going to inject something to me again?' Nag-aalalang tanong niya sa sarili.

"Doc, my niece isn't talking. Could it be because of the accident?" tanong ng babae sa Doctor at doon lang niya nalaman ang relasyon ng babae sa kanya. At ano ang sinabi nito? Naaksidente siya?

"Hi hija, I am the Doctor in charge of you. May itatanong lang ako sa'yo. Okay lang ba yun?" tanong ng Doctor kay Rhylee at tumango naman ito, "Good. I assume you can see us, right?" pagpapatuloy nito at muli ay tumango si Rhylee rito, "Thank you, now can you tell me kung ilan ito?" tanong ng Doctor sa kanya at itinaas nito ang tatlong daliri ngunit sa halip na sagutin ito ni Rhylee ay umiling ito. She didn't want to take risk. If staying silent can get her out of this nightmare ay mas pipiliin na lang niya ang huwag magsalita. "Hmm, how about your name? Do you know who you are and why you are here?" tanong pa nito sa kanya at muli ay umiling si Rhylee. Doon na muling napaluha ang kanyang auntie.

Matapos siyang iexamine ng Doctor ay lumabas na rin ito kasama ang kanyang auntie. Rinig pa niya ang dalawa na nag-uusap sa may labas ng kwartong kanyang kinaroroonan.

"She had a serious head injury and now she is suffering from dysarthria and post-traumatic amnesia. Pero huwag kayong mag-alala because her condition can still improve. We just need to help her remember and keep on monitoring her."

"Thank you Doc."

Bumalik na sa loob ng kwarto ang kanyang auntie matapos nitong makausap ang Doctor ni Rhylee. Sinalubong siya ng ngiti nito, "Hi Rhylee, ako ang iyong auntie Gigi. Don't push yourself too hard in remembering everything. Nandito ako para tulungan ka."

Tumango si Rhylee. Marami siyang gustong itanong dito ngunit hindi niya magawang magsalita. She's afraid that talking might change her fate again.

"You want fruits?" tanong ng kanyang auntie Gigi at muli ay tumango si Rhylee. Ipinagtalop naman siya nito ng mansanas at kinuwentuhan siya.

Her auntie Gigi told her what happened to her at kung bakit siya naospital. She said that Rhylee caught an accident. Sumalpok ang kotseng sinasakyan nito sa puno. The police said that Rhylee's car brakes are working fine. Walang nakitang problema ang mga ito sa sasakyan ni Rhylee so they assumed that Rhylee fell asleep while driving that led her into that crash. She fell into a coma for 3 months kaya lubos na lang ang tuwa ng kanyang auntie Gigi nang magising siya.

Sinabi rin ng kanyang auntie Gigi ang nangyari sa kanyang mga magulang. She said na namatay ang mga ito sa isang plane crash nung bata pa lang siya. Nalaman din niya na ang kanyang auntie Gigi na ang nagpalaki sa kanya. The questions in Rhylee's head are being answered, all thanks to her auntie Gigi.

Kinagabihan ay pinakain siya ng kanyang auntie Gigi ng hapunan. It was Rhylee's first proper meal after months of being in a coma. Matapos niyang kumain ay pinagpahinga na rin siya ng kanyang auntie Gigi.

"The doctor said in 2 or 3 days ay pwede ka ng umuwi." sabi nito sa kanya bago nito patayin ang ilaw sa kwarto. Nakita pa ito ni Rhylee na nahiga sa couch na nando'n sa silid, "Sa ngayon ay magpahinga na muna tayo. Good night, Rhylee. Until tomorrow." sabi pa ng kanyang auntie Gigi sa kanya at ilang sandali pa ay nakatulog na ito.

Rhylee looked outside the window. Tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag sa silid. Tumayo siya at nilibot ang kwarto hanggang sa makarating siya sa haligi ng silid kung saan may nakasabit na isang digital clock. Kita rin sa device ang kasalukuyang petsa. The date shown is January 20, 2018 at alas diyes y media na ng gabi.

Nakakaramdam na si Rhylee ng antok but she needs to be sure that she will no longer be stuck on the same day kaya't hinintay niyang mag hatinggabi bago siya magpahinga.

It was 12:15am ng January 21, 2018 nang mapagpasiyahan ni Rhylee na mahiga. Mukhang okay naman ang lahat at sa tingin niya ay nabago na nga niya ang kanyang tadhana ngunit bakit pakiramdam niya ay parang may mali?

Rhylee just shrugged it off. Kinabukasan na kaya imposibleng bumalik pa siya sa nakaraan. Pumikit na siya at ilang sandali pa ay nakatulog na rin.

RHYLEE'S mind was foggy nang magising siya. Para siyang hinang-hina. Ano ba ang nangyari? Epekto ba ito ng puyat niya?

"Rhylee! Thank God, you have finally woken up." mangiyak-ngiyak na sabi ng kanyang auntie Gigi na nasa kanyang tabi at saka siya niyakap nito.

This place and scene looks familiar. It can't be.

Napatingin siya sa digital clock na nakasabit sa pader but her eyes were blurry. Hindi niya ito maaninag ng ayos, "What date is it?" tanong ni Rhylee sa kanyang auntie Gigi.

"D-date?" napatingin ang kanyang auntie Gigi sa cellphone nito at sa sunod nitong sinabi ay natigilan si Rhylee, "It's January 20, 2018."

Rhylee was stuck frozen. She made sure that it was the 21st of January when she fell asleep. Also, the Doctor did not inject her that fluid and she tried her best not to do anything that may affect her fate ngunit bakit siya muling bumalik sa pangyayaring ito? May nagawa ba siyang mali?

Muling sumakit ang ulo ni Rhylee, "Arrgh—"sabi niya habang iniinda ang sakit.

Napansin naman ito ng kanyang auntie Gigi at agad itong humingi ng tulong, "D-doc! Nurse!! Tulong!" hiyaw nito na alalang-alala.

Narinig ng Doctor ang paghingi ng tulong ng kanyang auntie kaya't nagmadali itong puntahan ang pasyente. Rhylee's vital signs became unstable at dahil dito ay tinurukan siya ng Doctor ng gamot, "H—huwag!" pakiusap ni Rhylee rito na hinang-hina ngunit bago pa niya mapigilan ang pag-inject sa kanya ng gamot ay nawalan na siya ng malay.

Ano nga ba ang nagawa niyang mali? If it's not jumping on dates nor the fluid or how she reacted to the world then something else is keeping her stuck in the same loop. What could it be?

Muli ay nagising si Rhylee at gaya ng dati ay bumalik na naman siya sa ika-20 ng Enero taong 2018. Her mind is still foggy ngunit bigla siyang natauhan nang may ma-realize siya. Tama. That thing only happens when she's unconscious. That's it. The thing that makes her stuck in the loop is not the fluid nor the way she responds to the world. It was something else and that she has finally figured out.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top