Chapter 4
ADIE was humming a song habang nilalaro ang patalim na palagi niyang dala. Ilang sandali na lang at palubog na ang araw kaya't napagpasiyahan na niyang umuwi.
Adie has been traveling in different timelines for quite some time now kaya't mabilis niyang napupuna kung ang mga taong nakakasalamuha niya ay galing sa ibang timeline. Adie's intuition never lies and meeting Rhylee earlier was a surprise to her. She never thought that it was the Rhylee of the present time. All this time, Adie thought that Rhylee died in the car accident. She witnessed it at malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat. Rhylee was barely breathing when she last saw her at isang himala na lang ang mabuhay pa ito.
Napangiti si Adie, she somehow felt relieved by the thought. At least ngayon ay alam na niyang buhay pa ang present Rhylee. She smiled once more habang patuloy niyang nilalaro ang patalim na hawak niya.
"Mukhang masaya ka ata." napawi ang ngiti sa mukha Adie nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Di lingid sa kanyang kaalaman na kanina pa siyang sinusundan at pinagmamatiyagan nito.
Adie stopped playing with her knife, "You again?" iritableng tanong ni Adie rito ngunit sa halip na tantanan si Adie ay sinabayan pa siya nito sa paglakad. Now the knife is clenched in Adie's hand, "Stop following me." Tss. Kailan ba siya tatantanan nito?
"I know what you're doing, Adie." sabi pa nito sa kanya habang tatawa-tawa na lalong ikinainis ni Adie, "You should've just killed that girl but why did you hesitate? Is there something holding you back? Tell me."
Sa halip na pansinin ito ni Adie ay nagpatuloy lang ito sa paglakad. She doesn't owe this person an explanation nor ang makipag-usap dito. Nagkamali siya. She shouldn't have talked in the first place.
"Adie, Adie, Adie. Are you ignoring me?" pabiro nitong tanong kay Adie, "Don't. I am just here to remind you. You were betrayed before. What if you got betrayed again?" sabi nito at saka humalakhak ng napakalakas, "Fool. Kahit kailan talaga ay uto-uto ka."
Hindi na nakapagpigil pa si Adie at mabilis nitong itinutok ang patalim sa leeg ng lalaki. Bahagya naman itong napaurong, "Speak again and I will not hesitate to slit your throat." banta ni Adie rito ngunit sa halip na matakot ay binigyan siya nito ng isang nakakalokong ngiti.
"Really? You'll kill me?" tatawa-tawa nitong tanong kay Adie habang nakatingin ito sa patalim na nakatutok sa kanya, "Enough with your bullshits, Adie. I've heard enough earlier." sabi pa nito at tinapik ang kamay ni Adie dahilan para mahulog ang patalim sa kalsada. Kukuhanin pa sana ito ni Adie nang mabilis na mahawakan ng lalaki ang kanyang braso.
"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ni Adie rito ngunit sobrang higpit ng pagkakahawak ng lalaki sa kanya.
The guy pulled Adie closer to him at saka muling nagsalita, "You know you can't kill me." sabi nito kay Adie. He was right. If only she could kill him ay matagal na niyang ginawa but Adie can't. She just can't.
"What do you want?" tanong ni Adie. Pilit pa ring tinatanggal ni Adie ang pagkakahawak nito sa braso niya.
"Give me a good show." sabi ng lalaki kay Adie at binitawan ito. Sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito ay nag-iwan ang kuko nito ng mga marka at kalmot sa braso ni Adie, "I'll come watch." sabi pa nito as he turned his back and walked the opposite direction.
Nakahawak lang si Adie sa kanyang braso habang pinagmamasdan ang lalaki habang naglalakad ito palayo. She can't help but grit her teeth at nang makalayo ang lalaki ay nagpapadyak si Adie sa gitna ng daan. Hindi nito mapigilan ang hindi mapasigaw sa sobrang galit. Adie badly wanted to kill that guy ngunit hindi niya ito magawa. Hindi pa ngayon.
Napatingin pa si Adie sa kanyang patalim na naiwan sa gitna ng daan, "Tss. May araw ka rin." sabi niya saka dinampot ang patalim at umalis.
∞ ∞ ∞
ALAS kwarto pa lang ng umaga at gising na si Rhylee. She had trouble sleeping last night dahil sa sobrang pag-iisip sa kung nasaan na nga ba ang kanyang past self at auntie Gigi. If ever that Keeno guy harmed them ay hindi niya ito mapapatawad.
Rhylee was brewing a coffee while making her breakfast nang muli niyang maalala ang kanyang future self. Now that present Rhylee is gone and living in the past, does it mean that her future self is no longer stuck in the same time loop? Nabago ba ang kasalukuyan? Are all her assumptions about her future self right? Paano kung ginamit nga lang siya nito? Makakabalik pa ba siya sa kasalukuyan?
Natigil ang pag-iisip ni Rhylee nang marinig niya ang magkakasunod na katok sa bintana sa kanilang salas. Pinuntahan niya ito at nakita si Adie sa labas. Sumenyas pa si Adie na pagbuksan siya ng pinto na agad namang ginawa ni Rhylee.
"You're early." sabi ni Rhylee rito nang mabuksan niya ang pinto. Pumasok si Adie, may dala itong briefcase.
"Yeah, maaga talaga akong nagigising. I was at the playground when I saw that the lights here are on. Ikaw, bakit ang aga mo?" tanong ni Adie kay Rhylee.
"Di ako makatulog ng ayos e." sagot ni Rhylee rito nang mapansin niya ang mga galos sa braso ni Adie, "Oh, anong nangyari sa braso mo?" tanong ni Rhylee rito.
"I tripped." matipid na sagot ni Adie. But, Rhylee knows it's not something you get from falling. Isa pa ay mukhang bago pa ito. Is Adie hiding something to her? Adie mentioned she's being chased by Calvert meteorite thieves. Could it be that she got into a fight with one of them? sunod-sunod na tanong ni Rhylee sa kanyang sarili ngunit inisip na lang niya na baka ayaw lang siyang pag-alalahanin ni Adie kaya mas pinili na lang nitong huwag ipaalam sa kanya.
"Halika." sabi ni Rhylee at nagtungo sila sa kusina. Iniupo niya si Adie sa dining chair at saka kumuha ng medicine kit. Kumuha rin si Rhylee ng tubig sa planggana at towel. Dinala niya iyon sa lamesa at saka naupo sa tabi ni Adie.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Adie rito habang nililinis ni Rhylee ang mga kalmot sa braso niya.
"Yung mga simpleng sugat na kagaya nito ay kailangan ding magamot." sagot ni Rhylee rito, "Mabilis lang 'to. It won't hurt."
Hinayaan na lamang ni Adie ang ginagawa ni Rhylee. Ilang sandali pa ay natapos din ito sa paglilinis at gamot sa kanyang mga sugat.
"Ayan okay na." Rhylee said matapos nitong malagyan ng benda ang braso ni Adie.
"Salamat." sabi ni Adie rito, "Hindi na ako magtataka kung bakit nag-doctor ka." dagdag pa nito.
Napatawa na lang si Rhylee sa sinabi nito, "Wala yun."sabi nito at saka iniligpit ang mga gamit. Bumalik na rin ito sa pagluluto.
"You're cooking breakfast?" tanong ni Adie nang mapansin nito ang ginagawa ni Rhylee.
"Yes, tara. Let's have breakfast together. Maaga pa naman." yaya ni Rhylee rito ngunit umiling si Adie.
"Thanks but I don't eat breakfast." sagot nito sa kanya.
"Ha? Hindi ka nag-aalmusal? Baka magutom ka mamaya." nag-aalalang sabi ni Rhylee rito.
"Don't worry about me. I'm good." sagot ni Adie.
"Sure ka ha?" tanong pa ni Rhylee rito, "I can make breakfast for two."
Adie smiled at her and nodded, "Yep. Ikaw na lang."
"Okay."
Rhylee prepared her breakfast habang tahimik siyang pinapanood ni Adie. Rhylee was making scrambled eggs with tomato and while she was chopping the tomatoes ay naalala niya ang tungkol sa armas na kailangan niyang bitbitin. She has not thought of what weapon to bring with her yet. Muli siyang napatingin kay Adie. Nakahalumbaba lang ito habang pinapanood siya.
"About the weapon, should I also bring a knife with me?" tanong nito kay Adie.
"Using knife as a weapon requires training. One bad move and you could stab yourself." Napaunat si Adie at kinuha ang briefcase na dala nito, "We still need to train you for physical combat so for now, habang hindi ka pa sanay ay ito muna ang gagamitin mo." inilabas ni Adie sa briefcase ang isang baril. But it is not a typical gun — it has been modified for a different purpose.
"Ano 'yan?" tanong ni Rhylee rito.
"You're a medical student in the present so you should know." sabi ni Adie rito. Napakunot naman ang noo ni Rhylee. Napansin ito ni Adie at doon nito narealize na hindi nga pala naaalala ni Rhylee ang kanyang nakaraan, "Oh sorry, I forgot. You lost your memories." pagpapaumanhin ni Adie rito.
"Okay lang pero ano ba 'yan? It looks like a fancy gun." puna ni Rhylee sa hawak na baril ni Adie.
"Yes, but it's way fancier than that." kinuha ni Adie ang armas at itinutok ito kay Rhylee, "One shoot and you'll die in an instant." sabi pa ni Adie at tila ba binabaril nito Rhylee.
Napayuko naman si Rhylee sa ginawa niya, "The body looks like a syringe. Is it really a gun?" tanong nito kay Adie.
"Yep, it's a mix of both. It's actually a syringe gun. It injects people a deadly poison."
"A—ano? Lason?"
"Yes, cyanide to be exact and I prepared a lot of reserved ammunition for you." sabi pa ni Adie rito at ipinakita ang mga reserbang bala kay Rhylee. Nakalagay ang mga ito sa isang mahabang strap, "You can wrap these around your legs para mas mabilis kang makapag-reload."
"You mean I need to inject those thieves a poison? Mamamatay sila. Hindi ba pwedeng sedative ang ilagay rito at patulugin na lang sila at saka kuhanin ang fragment?" tanong ni Rhylee but Adie shook her head.
"Like what I said yesterday, you can't retrieve a fragment unless the current holder dies. That said, killing is a must." paliwanag ni Adie rito.
"Pero hindi ba't kasalanan ang pumatay?"
"And so is greed. If it weren't for the greedy people ay hindi naman aabot sa pagpatay. They chose death as their fate at ginagawa lang natin ang trabaho natin bilang mga keeper, Rhylee." Adie stood up at nilapitan siya, "I know this is new to you but you need to protect the fragment para na rin sa sarili mo. What if someone tries to steal the fragment from you? It's life or death, Rhylee. I can protect you as much as I can but you also need to learn how to protect yourself." paliwanag nito kay Rhylee.
Muli itong napatingin sa batong nakasabit sa kwintas niya. Tama si Adie. Kailangan niyang protektahan ang bato hanggang sa abot ng makakaya niya. She can't die yet. Rhylee still needs to find the answers to her questions and look for her past self and auntie Gigi.
"Naiintindihan ko. I'll try my best to protect the fragment." sabi ni Rhylee rito. Tinapik naman ito sa balikat ni Adie.
"Have your meal. I'll just wait for you at the playground." sabi ni Adie rito at iniwan nito ang baril sa countertop katabi ng mga pagkain.
Habang naglalakad si Adie palabas ay humimig pa ito. Natigilan naman si Rhylee nang marinig niya ang paghimig nito. That song — she heard it before.
Napahawak si Rhylee sa kanyang ulo nang maramdaman ang pagkirot ng mga ugat nito. Her head started to ache. Napapikit pa siya sa sobrang sakit habang patuloy na pinapakinggan ang kantang hinihimig ni Adie.
Muli ay napahawak si Rhylee sa kanyang ulo at kasabay ng pagkirot nito ay ang pagpapakita ng ilan sa kanyang mga alaala. Some of her memories are flashing back, "Arrgh—" pag-inda ni Rhylee sa sakit na nararamdaman. Nabitawan pa nito ang hawak nitong kutsilyo.
There were broken glasses in Rhylee's memory. May usok din siyang nakikita sa labas ng bintana. Is she inside of a car? Wait. Where is she? tanong ni Rhylee sa sarili. Napatunghay pa si Rhylee sa kanyang alaala at doon niya nakita si Adie. Nakaupo ito sa ibabaw ng hood ng kotse niya habang tinitingnan siya nito. Adie jumped off the car at binuksan nito ang pinto ng kotse kung nasaan si Rhylee. May sinabi ito sa kanya ngunit hindi niya ito maintindihan.
Napaluhod si Rhylee sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Tila ba hihimatayin ito sa sobrang sakit, "A—adie." mahinang pagtawag nito kay Adie.
Adie stopped humming at napalingon ito kay Rhylee. Nakita nito ang pagbagsak ni Rhylee sa sahig, "OMG, Rhylee are you okay?" tanong nito ngunit hindi na ito nagawa pang sagutin ni Rhylee. Nawalan na ito ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top