BLUE-HAIRED TWENTY SIX


FIANCÉ


Nakangiti akong bumaba sa kotse. Sa sobrang good mood ko, pinasalamatan ko pa ang driver namin sa paghatid saakin.

"Oh god! We missed you, anak." Sinalubong ako ni Mommy ng yakap. Tumayo na din si Daddy galing sa sofa saka rin ako niyakap ng mahigpit.

"Namiss ko rin ho kayo." Ang lapad ng ngiti ko sa kanila.

"Hmm," may panunukso sa boses ni Mommy. "It seems like something good happened while staying there, huh. Is it because of your friend, Jack?"

"My! Masaya lang ho ako dahil nakauwi na ako." Depensa ko.

Tinawanan lang nila ako pareho. Inabot ni Daddy ang kamay ko saka niya ako nginitian. Napangiti na rin ako dahil ramdam ko ang sinseridad sa ngiti niya.

"Magpahinga ka na muna sa ngayon. Marami ka pang ikukwento saamin." Dad said. Tinanguhan ko siya saka ko siya hinalikan sa pisngi. Gano'n rin kay Mommy.

Agad akong lumundag sa kama ko pagkapasok ko pa lang sa kwarto ko.

"Namiss kita." Yumakap ako sa unan ko saka pinatakan ng halik ang kama ko.

Mukha na akong baliw kakayakap sa lahat ng gamit ko dito sa kwarto. Kulang na lang talaga ay pati bowl ko sa cr, halikan ko na rin. Ew. That's gross, haha.

Umidlip muna ako sandali. Madilim na nang nagising ako. Naligo muna ako bago bumaba para maghapunan.

Nagtaka ako nang may nakita akong babaeng nakaupo sa hapag, kasama nina Mommy. Usually, bihira lang ang bisita namin 'pag gantong oras.

"Nak. Do you know her already, right?" Mommy asked as I sat in front of them. Katabi niya kasi ang bisita habang sa right side naman niya si Daddy.

"She looks familiar," titig ko sa bisita. "Ah! Siya yung nag-ayos saakin no'ng Acquiantance," napapitik ako sa ere nang mamukhaan ko na siya. "You are miss?"

"Scarlet ho, Miss Baby Mikaela."

"Ahh.. Right," naiilang ko siyang nginitian. Tingnan mo nga naman, kapangalan pa si turon.

Siya yung nag-ayos saakin no'ng Acquiantance namin, and guess what? Naalala ko, humanga din siya kay Daniel.

"May pinag-uusapan kasi kami. Saka na lang namin ikukwento sa 'yo. Sa ngayon, ikaw na muna princess ang magkwento." Sambit ni Daddy sa kalagitnaan ng hapunan.

What's with him? Ba't parang nagkainteresado naman ata siya saakin.

"Sige na princess." Ngiti niya saakin nang mapansin ang paninitig ko sa kaniya. Bumuntong hininga ako saka ko siya pinagbigyan sa gusto.

'Di lahat kinuwento ko. Yung mga normal lang na nangyari. Ayaw kong isali yung barilan at yung bonding namin nina Daniel. Isa pa, may ibang tao dito. Gusto ko saakin na lang ang memories na 'yon.

"How about Jack? 'Di kayo nagkita do'n?"

Okay. Ba't parang interesado na rin si Mommy kay Jack?

"Bumibisita din siya sa campus namin. 'Di lang madalas." Ngiti ko saka pinagpatuloy ang pagkain ko.

Tahimik lang si Scarlet buong hapunan namin, sasagot 'pag tinatanong. Nakikinig lang din ako sa kanila. Mukhang may pinagkakaabalahan na naman sila. Nothing's new.

Nginitian ko silang lahat nang nagpaalam ako. Dumiretso ako sa kwarto ko saka nagbabad na lang sa internet. Nanuod ng youtube tapos kung anu-ano pang website ang pinasukan ko.

Kahit 'di masaya dito sa bahay, ito pa rin talaga ang tahanan ko. Nandito sina Mommy at Daddy. Namiss ko tuloy si kuya.

Napangiti ako nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext. Text galing kay Jack.

Jack:

"I'm trying to be nice to Daniel. Thank you."

Nakangiti ako habang nagtitipa ng reply sa kaniya.

"Sana tuloy-tuloy na 'yan. Salamat rin."

Nakangiti akong natulog nang matapos kong isend ang reply ko.

Nagising ako nang pasukin ako ni Alyzza sa kwarto. Nagtalukbong ako ng kumot nang daganan niya ako bigla. Pilit niyang hinahawi ang kumot ko. Kulit!

"Anong plano mo na naman?" Hinawi ko ang kumot ko saka ko siya tiningnan nang masama. Sobrang aga pa, eh.

"Labas tayo." Nagpuppy eyes pa siya habang nakadagan pa rin saakin.

"Aray!" Daing niya nang hinawi ko paalis ang katawan niya saakin. "Mapanakit ka talaga." Daing niya ulit habang nakahawak sa balakang niya.

"Bigat mo, eh." Inirapan ko siya saka mabilis na iniwan at dumiretso na sa cr.

Nag-almusal na muna kami dahil ang bruha, dito na pala dumiretso. As usual, wala na naman sina Mommy. Sabi ko nga, may pinagkakaabalahan na naman sila. Maybe it's about business again.

"Saan ba punta natin?" Baling ko kay Alyzza. Nakaupo kami sa may second seat ng kotse. Nagpahatid kami kay Manong dahil pinauna na niya yung family driver nila. Ewan ko ba sa babaeng 'to, lakas maka-power trip.

"Sa may tambayan ng lima. Magpaparty sila since 'di natuloy dahil sa sunog."

Kinalabit ko siya nang makita kong sa labas lang siya nakatingin. Kay Manong niya tinuon ang tingin niya nang humarap siya saakin. Anong meron sa babaeng 'to?

"Invited ba naman tayo?"

"Ofcourse yes!" Saglit niyang tingin saakin. "Ah, manong. Sa school ho tayo." Manong just nodded.

"Akala ko plano mong manggate crush." Sumandal ako sa upuan at tinuon ko na rin ang tingin ko sa labas. Hindi na rin siya nagsalita pagkatapos.

Walang pinagbago ang tambayan. Yung hitsura gano'n pa rin, magulo.

"Akala ko ba may party?" Turo ko sa mga gamit na nakakalat sa sahig. "Eh, tulog pa ata sila, eh."

"Chillax my dear friend." Tinapik niya ako sa balikat saka naupo sa may sofa.

Bigo akong umiling sa kaniya. Naglakad ako papunta sa harap ng kwarto saka ako kumatok. Napabalik ako sa pwesto ko kanina nang makita kong naka-lock ito.

"Pinagluluko mo ba ako?" Inis 'kong naupo sa tabi niya. Ang bruha, 'di ako pinansin. Busy siya sa phone niya.

"Alyzza," agaw ko sa phone niya. There. Nakuha ko atensyon niya. "Ano bang balak mo? May party ba talaga?"

Bumuntong hininga siya saka binaba ang phone niya. Tiningnan niya ako diretso sa mata.

"Hintay muna tayo. Darating din sila."

Inikutan ko siya ng mata at piniling isandal na lang ang likod ko sa sofa.

Hindi nagtagal, dumating ang lima na bihis na bihis. Kinawayan ako ng apat habang tango lang ang ginawa ni Daniel saakin. Hmm, suplado talaga!

Napaayos ako ng upo nang umupo siya sa tabi ko.

"Your short is too short." Saad niya.

Mabilis kong tinampal ang kamay niya nang higitin niya pababa yung dulo ng short ko.

"Kaya nga short, diba?" I asked sarcastically. Natampal ko ulit ang kamay niya nang higitin niya paitaas ang damit ko.

"Even your dress is too offensive."

"Anong offensive pinagsasabi mo?! 'Di naman kita kaluluwa ko, eh," bulyaw ko.

"Ayos naman," Pinasadahan ko ng tingin ang damit ko. Binalik ko sa pwesto ang kaninang hinigit niya sa damit ko. Anong mali sa pag-ooff shoulder?

Napatingin ako sa kaniya nang padabog siyang tumayo. Mabilis niya akong hinawakan sa kamay saka hinila patayo.

"Ano bang problema mo?"

"Change your fucking dress. Kita pusod mo, Mikaela."

"Anong--"

Hindi na niya ako pinatapos magsalita at mabilis niya akong pinasok sa kwarto pagkabukas niya.

"Hoy! Wala akong dalang pamalit."

Hindi niya ako pinansin. Dumiretso lang siya sa may closet saka naghalungkat ng damit. Lumapit ako sa kaniya saka ko siya kinalabit sa balikat.

"Wala namang masama sa suot ko. Ganito na ako magsuot."

Hindi niya ako pinansin. Tuloy lang siya sa paghalungkat. Basta na lang niya tinatapon sa sahig kada damit na nadadampot niya.

Ano bang hinahanap ng isang 'to? Don't tell me may damit siyang pangbabae d'yan?

"Daniel," Hinawakan ko siya sa may braso niya. Kunot-noo niya akong tiningnan. "Hindi ako nagsusuot ng damit ng iba."

"Psh." Iniwas niya ang tingin saakin saka nagpatuloy sa ginagawa.

"Bahala ka na nga." Padabog kong binitawan ang braso niya saka ko siya Tinalikuran at naglakad palabas.

"Mikaela!"

Bahala kang sumigaw d'yan! Tumabi ako kina Alyzza na ngayon ay nagkakatuwaan kasama na ang apat.

My eyes automatically roled when I saw Daniel came out. May dalang damit habang supladong naglalakad papunta sa gawi namin.

Natahimik ang lahat nang ibato niya saakin ang damit. Bastos talaga!

Tinaas ko ang long sleeve blue polo na halata naman na kaniya. Aanhin ko 'to?

"Would you wear that or would you wear it?" Anak ng!

"Ano bang problema mo sa suot ko?!" Napatayo ng wala sa oras ang mga kasama namin nang hindi ko na napigilang mapalakas ang boses ko.

Kagat-kagat ang labi, inis niyang iniwas ang mata niya saakin. Kita ko sa mukha niya ang pagtitimpi.

Kunot-noo akong napalingon kay David nang tabihan niya ako.

"Ate," Hinawakan niya ako sa kabilang balikat habang ang tingin niya ay kay Daniel. "Sundin mo na lang siya. Baka walang party na maganap, eh." He looks so scared.

Maingat kong binaba ang kamay niya saka ko siya tiningnan.

"Pasensya na," paumanhin ko saka ko nilipat ang tingin ko kina Alyzza na ngayon ay tahimik lang. "Hindi na lang ako sasama."

Naalarma ang lahat nang talikuran ko sila. Bubuksan ko na sana ang pintuan palabas nang may pumigil sa braso ko, si Daniel.

"Fine. I'll let this pass, but next time..Please!" Pumikit siya na para bang isang malaking sakripisyo ang gagawin niya. "Wear proper dresses. You're making me..Horny."

"What the fuck, Daniel!" Mabilis kong hinawi ang kamay niya sa braso ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang malingunan ko ang mga kasama namin. Hay! 'Di ata nila narinig. Mabuti na lang at mukhang ako lang ang nakarinig.

"Ikaw na, Daniel." I gritted my teeth while pointing my finger to him. "Ang manyak mo!" Padabog ko siyang tinalikuran saka naglakad malapit kina Alyzza. Dinampot ko ang kaninang dala niya na polo.

Diretso akong pumasok sa kwarto saka nilock. Kung ganito lang din, titiisin ko na lang 'tong damit niya.

Inipit ko sa short ko ang dulo ng polo. Masyado kasing maluwag kung 'di ko itatuck-in. Hinayaan kong bukas ang dalawang butones nito para magmukha namang damit pambabae talaga.

Dala ang hinubad kong damit, lumabas ako. Nahihiya kong nginitian sina Vince. Hindi ko na tiningnan pa si Daniel. Baka pati short ko, pakialaman pa niya.

Akala mo talaga sinong jowa, eh. At hindi ko rin alam ba't napapasunod ako.

Sumakay kaming lahat sa itim na van, na napag-alaman kong kina Daniel daw. Siya na rin ang nagmaneho. Sabi, sa bahay daw nila ang party.

Puro tawanan at hiyawan sila habang nasa loob kami ng van. Nakikitawa na lang din ako, habang itong katabi ko ay seryosong nagmamaneho.

Ayaw ko sana dito sa pwestong 'to kaso wala akong nagawa nang pinagtulakan nila akong lahat na sumakay sa tabi niya.

Akala ko, maraming tao ang bubungad saamin pagkarating namin sa bahay nila. Mali pala ako ng akala, mukhang kami-kami lang din ang magpaparty.

Sobrang laki ng bahay kumpara saamin. Halatang pinag-isipan talaga ang disenyo.

Well, what do you expect from a family that owns my oh-so-called prestigious school?

Binati kami ng mga katulong nila bilang pag-welcome saamin. Inutusan ni Daniel ang isa sa kanila (yung mayordoma ata nila) na ipaghanda kami ng meryenda.

Didiretso na sana kami sa may pool area nang bigla kaming natigil sa paglalakad. Napalingon kaming lahat nang may tumikhim na matandang lalaki, naglalakad siya pababa sa hagdan.

Kung hindi ako nagkakamali, ito ata ang lolo ni Daniel.

Nagsitayuan nang tuwid ang lahat, gano'n din ako, nang tuluyan na itong nakababa. Agad lumapit si Daniel sa kaniya saka niya siya kinamayan.

May awrang Daniel din ang lolo niya. Mukha siyang suplado at parang laging may dala-dalang itim na awra.

Kinabahan ako nang nalipat ang tingin niya saamin. Isa-isa niyang tiningnan sina Alyzza hanggang sa matigil ang mata niya saakin.

Kinilabutan ako nang ngitian niya ako. Parang tumigil ang paghinga ko nang naglakad siya palapit saakin.

Awtomatik akong napayuko nang nasa harap ko na siya. Laking gulat ko na lang nang ilahad niya ang palad niya saakin.

"Attorney Joseph Ferez." Pakilala niya sa sarili saka nilahad ang palad sa harap ko.

Kinakabahan man ako, naglakas loob pa rin akong tanggapin ang kamay niya.

Pasekreto akong huminga nang napakalalim bago ko iangat ang ulo ko para tingnan siya. Natameme ako nang masilayan ko ang ngiti niya.

"Baby Mikaela Suarez po." Wala sa sarili kong pakilala.

Namilog ang mata ko nang guluhin niya ang buhok ko. Mas lalo pa akong nagulat nang kurutin niya ako sa pisngi.

"Kilala kita syempre. You will be my grandson's future wife, right?"

"Lo!"Umalingawngaw sa mansyon ang boses ni Daniel.

"Nice meeting you, Jack's fiancé."

Ha?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top