BLUE-HAIRED TWENTY NINE

Behind the scene

Alyzza's Point of View


Hindi ko talaga alam kung kailan nagsimula ang pag-ayaw ko sa pagpush ko kay Baby kay Prince. Basta ba, nagising na lang ako na gusto ko si King para sa kaibigan ko.

Siguro dahil nakikita ko mismo kay King na gustong-gusto talaga niya ang kaibigan ko. Ayaw kong magsalita ng patapos pero kung kay Prince, hassle. Baka nga mababaw lang din nararamdaman niya, eh. Eh, di kawawa kaibigan ko sa huli.

Napamahal na kasi saakin si Baby kaya ang gusto ko ay yung may kasiguraduhan. Ayaw ko na sa huli, ay magaya lang siya saakin. Nagpadalos-dalos.

Nasa tambayan kami ngayon. Wala si Baby dahil nakauwi na ito sa bahay nila. Actually, nasa bahay na rin ako kaso napatawag bigla sina Vince, okay si Terry. Tinawagan ako ni intsik dahil may ipapagawa daw si King saakin na connected sa kaibigan ko.

Gusto ko pa sanang makipag-bonding sa pamilya ko kaso dahil nakasalalay dito ang lovelife ng kaibigan ko, gora ako.

Naiintindihan naman ako nina Mama kaya hinayaan na lang nila akong umalis kahit gabing-gabi na.

Nagpahatid ako sa family driver namin. Hindi ko na nagawang makapagpalit ng damit sa pagmamadali. Kung ano yung suot ko pagkauwi ko, 'yon na rin ang suot ko ngayon.

"I'm gonna be straight-forward to you guys, now. Don't get shock." Panimula ni King.

Nakaupo kami ngayon sa may sofa. Lahat ng mata namin ay nakatutok sa kaniya. Naghihintay ng sunod niyang sasabihin. Nasa harap namin siya, sa may pwesto ng Tv habang kami nina Vince ay magkakatabi.

"My lolo is planning to reconcile Jack to Mikaela. And--"

"Ha?!" Hindi ko naiwasang mapasigaw sa narinig ko. "Anong ipagkasundo?!"

Hindi ako agad sinagot ni King. Tiningnan niya lang ako na para bang ang tanga ko sa pagsigaw ko.

"Ate naman. Sabing 'wag mabibigla, eh." Singit ni David.

"Eh, sa nakakabigla naman talaga, eh!" irap ko sa kaniya. "Tuloy mo na." Baling ko kay King. Saglit niya akong tinitigan saka nagpatuloy na sa pagsasalita.

Humawak ako sa dibdib ko, hinahanda ko na ang sarili ko sa sunod pa niyang sasabihin. Malay mo naman, baka may sabihin na naman na hindi ko inaasahan.

"And I'm asking your opinion guys. How can I stop that goddamn engagement?!"

"Engagement? Agad-agad?!"

"Yes, Miss Alyzza. Engagement. Do I need to discuss you the meaning of the word?" Sarkastiko niyang sagot saakin.

Naitikom ko na lang ang bibig ko saka napaatras para isandal ang likod ko sa sofa.

Sa lahat ng nandito, tanging ako lang talaga ang nagre-react. They can't blame me. Eh, sa nabibigla talaga ako.

Like hello?! Paanong may engagement na magaganap?

Napapabuntong hininga na lang ako habang pinapaliwanag ni King kung paano nagkakilala ang lolo niya at ang mga magulang ni Baby.

Nakakaramdam ako ng awa sa parte ng kaibigan ko. Imagine, ano na lang kaya ang mararamdaman niya 'pag nalaman niya ang tungkol dito? Sigurado akong sasama ang loob niya sa parents niya. Siguradong-sigurado ako.

On the other hand, nakakaawa din itong si King. Tigasin lang 'to sa panlabas pero hindi makakatakas saakin ang sakit sa mga mata niya.

Kapatid ba naman niya, planong ipagkasundo sa babaeng gusto niya? Eh, ba't hindi na lang sa kaniya? Tripple kill kamo!

"Ikaw, Alyzza? Anong suggestion mo?" Nabalik ako sa ulirat nang tanungin ako ni Vincent. Napalalim pa ata pagiisip ko.

Tumikhim ako saka ko sila tiningnan isa-isa. Well, except Terry. Nilagpasan ko siya ng tingin at diniretso na kay King.

"Unahan mo kapatid mo. Mag-propose ka' ganern." I suggested casually. Dali-dali naman, eh.

"Alam mo, ate? Magandang plano 'yan. Saan mo napulot 'yan?" Ani David.

"Duh. Matalino kasi ate mo." irap ko sa kaniya.

"So, that's it. I need your cooperation." Tiningnan ako ni King. Yung tingin na parang nagmamakaawa. Hays.

"Ako pa." Kinindatan ko siya.

Mabilis namin pinagplanuhan ang lahat. Wala naman akong kaparte-parte bukod sa kailangan lang ulit ng exposure ng aking acting skills. Tapos, kailangan mapuntahan ko nang maaga bukas si Baby. Gano'n lang. Basic.

Lahat ay sumasang-ayon na ayun sa plano, pwera lang sa biglang pagsulpot ng lolo ni King.

Wala sa plano ang sabihin kay Baby ang tungkol sa kanila ni Prince. Nalaman kasi ni King na medyo matagal pa ang balik ng parents ni Baby, kaya habang wala pa sila ay sasamantalahin na namin ang pagkakataon.

Since, halata naman na nahuhulog na ang kaibigan ko sa supladong 'yon, kahit ayaw man niyang aminin sa sarili, plano ni King na kuhanin talaga ang loob niya. Hindi naman ako Kj kaya malaki ang iaambag ko.

Hindi rin hadlang si Prince kasi sa hitsura pa lang ng isang 'yon, halatang walang planong banggitin ang tungkol sa kanila ni Baby. Hihintayin na niya na ang mga magulang ni Baby ang unang bumanggit dito. Ang gentleman naman kasi. Sobra.

Too bad, walang pamana 'yang mga ganiyang galawan niya sa kapatid niya.

Gulat na gulat ang hitsura ni Baby nang banggitin ng lolo ni King ang tungkol do'n. At ang mas nakakagulat pa ay kinurot-kurot pa niya ito sa pisngi na para bang cute na cute siya sa kaibigan ko.

Wow!

Hindi ko maiwasang mamangha at the same time, magulat. Walang halong echos. Hindi naman kasi halata sa mukha ng lolo nila. Mukha itong strikto at suplado. Kasing-awra lang ng batang asul.

Mas ginalingan ko pa ang arte ko na kunwaring nagugulat na lang din ako sa nangyayari, kahit nakakagulat naman talaga ang lahat. Hindi na ako nahirapan mag-inarte pa dahil may katotohanan naman kasi ang gulat ko.

Gulat talaga ako sa lolo nila. Gulat rin ako hanggang ngayon sa engagement na 'yan. Nyeta! Paano nga ulit 'yon?

"Here." Inabutan ako ni Terry ng pamalit ko.

Tahimik ko naman tinanggap ito na hindi nagpapasalamat. Para saan pa?

Psh. Kung hindi lang talaga 'to kasali sa plano, naku! Asa pa siyang tatanggapin ko 'to.

Plano kasi namin na paiinggitin si Baby, since wala naman siyang pamalit. Sinadya ko talagang 'wag siyang padalhin ng pamalit. Plano, eh.

Nakangiti akong pumasok sa isa sa mga cr dito nina King. Nagmadali na akong magpalit dahil may aasikasuhin pa kami.

Dumiretso na ako sa kwarto ni King pagkatapos ko. Nandito na ang lahat. Nakahanda na rin ang lahat. Ako lang pala ang hinihintay.

Naabutan kong nag-eensayo ng sasabihin si King. Tinutulungan naman siya ni Vincent. Pilit niyang pinapakalma ang gago, kasi naman, halata masyado ang kaba sa mukha.

"Relax ka nga." Mahina lang pagkakasabi ni Vincent. Ingat-ingat kasi kami sa kinikilos namin. Nasa loob lang kasi ng cr si Baby.

"What if she refuse me--"

"'Di 'yan. Kailangan mo lang magmukhang kaawa-awa. Nasa sa 'yo na 'yan. Diskarte mo na." Ani Vincent.

Napasuklay si King sa buhok niya gamit ang mga daliri niya. Siguro, pampawala ng kaba.

"Sayang talaga."

Kunot-noo akong napalingon sa katabi ko.

Pinagsasabi ng intsik na 'to?

Hindi siya nakatingin saakin. Diretso lang din ang tingin niya kina King. Nagkibit-balikat na lang ako saka tinuon na rin ang atensyon ko kina Vincent.

Umayos kami ng tayo nang gumalaw ang door knob kung nasaan si Baby, hudyat na lalabas na siya. Tumabi na saamin si Vincent at iniwan si Daniel na nakaabang sa pintuan ng cr.

As expected, gulat nga magiging reaction ng kaibigan ko. Gulat at naguguluhan.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Sikretong napapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa.

Presko man ang dating ni King, alam ko, magiging swerte ang kaibigan ko sa kaniya. No doubt.

Naghiyawan kaming lahat nang sagutin ni Baby si King. Halatang napilitan pa ito at wala sa sariling napasagot pero ayos lang. Hinding-hindi niya ito pagsisisihan. Hinding-hindi talaga.

Dumaan ang maraming linggo na hindi na nakapasok ang lima pagkatapos ng proposal. Masakit man aminin pero nakakamiss din pala ang mga 'yon.

Hindi na rin kami tumambay ni Baby sa hideout. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, 'pag iniimbeta ko, ayaw daw. If I know, namimiss lang ang boyfriend, haha.

"Wala pa rin ba siya?" Tanong ko sa pakipot kong kaibigan. Nasa parking lot kami ngayon. Papasok sa school.

"Sino?" Kunwareng walang malay niyang sagot saakin. Sus!

"Yung boyfriend mo ba kamo. Wala pa rin?"

"Tigilan mo nga ako."

Tinawanan ko lang siya nang ikutan na naman niya ako ng mata.

Ganito na talaga ang senaryo namin simula nang hindi pumapasok ang lima. Araw-araw kong tinatanong sa kaniya ang boyfriend niya.

Sumunod pa ang mga araw na gano'n na ang routine namin. Tatanungin ko siya kung kailan balik ng jowa niya tapos magwawalk-out siya. Bilin kasi saakin iyon ng jowa niya. Na kailangan raw huwag kong palagpasin ang araw na hindi ko nababanggit ang pangalan niya sa kaibigan ko. Nagpapa-miss ang gago.

Hanep talaga magmahal ang gangster na 'yon. Sana lahat gano'n din. Yung iba kasi sa kanila hindi, eh. Basta.

Nasabi naman saakin ng lima kung bakit sila hindi pumapasok. May inaayos kasi si King tungkol sa engagement na magaganap. Hindi ko alam ang buong detalye pero sige! Suportahan na lang. May tiwala naman ako sa kaniya.

Matiwasay kaming nakikinig ni Baby sa teacher namin nang biglang may naaninag akong nakatayo sa harap ng pintuan.

Akala ko si King na, base sa kulay ng buhok, pero mali pala. Yung panganay na asul pala.

Hindi ko naiwasang irapan si Baby nang makita kong may dala itong malaking bulaklak at paper-bag pagkabalik niya.

Don't tell me, nagpapaligaw pa rin ang isang 'to kay Prince na hindi ko alam.

"'Di ko alam 'to." Tukoy niya sa flower at paper bag na halata naman na bigay mismo ni Prince.

"Ba't ka naman binigyan ni Prince ng ganyan?" Pagtataray ko sa kaniya.

Malalim siyang huminga saka ako tiningnan. Napansin ata niya ang pagsusuplada ko sa kaniya.

Naku, Baby! Dapat may sapat kang dahilan kung hindi, naku!

"Birthday ko ngayon."

"Oh my--!" Napalakas pa ata ang boses ko dahil napalingon saamin si Ma'am. Shit.

"Shh." Mabilis na suway saakin ni Baby.

Naguguilty ako. Oh my god! Ba't 'di ko alam 'to? Ako pa naman ang bestfriend niya. Shit.

I need to do something.

"We have to celebrate." Bulong ko sa kaniya. Nasa kalagitnaan pa kasi kami ng class-discussion.

"Ano ka ba!" mahina niya akong tinampal sa may braso ko. "Wala na tayong oras."

Psh. Akala mo lang 'yon. Walang hindi imposible saakin. Lalo na ngayong makikipag-collab ako sa lima. Bahala na kung hindi pa ngayon ang araw ng uwian nila. Subukan lang nilang tanggihan ako, naku!

Kating-kati na akong mag-uwian na. Kung pwede nga lang, ako na ang magsabi dito na 'Class dismissed." Kaso, may hangganan rin ang super powers ko.

Habang nakikinig ang lahat kay Ma'am. Kinuha ko na rin itong pagkakataon para itext si King. Sinabi ko lang na birthday ng pinakamamahal niyang jowa.

Napangiti na lang ako nang hindi pa nag-isang minuto ay may agad siyang reply. Punta daw ako sa may hideout. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang kaarawan ng jowa niya o talagang madiskarte talaga ang isang 'yon.

Mabilis kong iniwan si Baby pagka-dismissal. Gusto pa niyang sumama pero mabuti na lang at nakapagpigil ako. Naku! Sobrang pagpapacute naman kasi nang ginawa niya saakin kanina. Ang hirap tanggihan. 'Pag nagkataon, patay ako no'n sa jowa niya. Mission failed pa tuloy ang bagsak namin.

Bago ako nagmadaling pumunta sa hideout, sinigurado ko talagang hindi madadala ni Baby ang mga bigay ni Prince. Baka magkagulo pa. Mainitin pa naman ulo ng jowa niya. Ayaw kong mabugahan ng apoy.

"Anong plano?" Bungad ko sa kanila. Kompleto sila nang dumating ako.

Gusto ko pa sanang yakapin ang apat at makipagchikahan kaso wala ng oras.

"Make a scene, Alyzza." Tiningnan ako ni King sa mata.

Tulad ng position namin no'ng nakaraan, nasa harap namin siya habang katabi ko namang nakaupo sa sofa ang apat.

"Anong scene ba ang gusto mo?" Inosente kong tanong. Malay ko ba anong scene ang gusto nito. Uso magtanong.

"Anything. Just get Mikaela here."

Tinanguhan ko siya pagkatapos niyang magsalita. Binalingan naman niya ang mga kasamahan niya saka niya pinaliwanag ang plano.

Hindi nga talaga nila alam ang tungkol dito, lalo na si Daniel. Mukha na siyang natataranta pero mukhang suplado pa rin. Basta iyon na 'yon.

May tinawagan siya sa phone, nagpapabili ng fireworks. Sina Vince naman ay lumabas saglit para bilhin ang ibang kakailanganin.

Lumabas na rin ako nang makapag isip ako ng paraan kung paano ko mapapapunta si kaarawan girl na hindi napapansin ang plano.

Kinuha ko muna ang vicks na bigay saakin dati ni Isze sa bag ko. Mabuti na lang at dala-dala ko ito kahit saan. May lahi kasi akong girl-scout. You know, dapat 'di lang ganda ang meron ako. Kailangan laging preparado rin.

Nag-practice na muna ako kung paano humikbi. Kailangan dahil sa phone ko lang siya kakausapin. 'Buti sana kung sa personal.

Huminga ako saglit saka ko nilanghap ang vicks. Kinagat ko ang labi ko bago ko tinawagan ang numero niya.

Mabilis akong nag-isip nang masakit na senaryo nang sagutin niya ang tawag. Ito kasi ang sekreto ko pagdating sa actingan, iniisip ko lagi ang ginawa saakin ni Terry. Wala, eh, effective.

"Baby," unang bigkas ko pa lang ng salita, nagsipagtuluhan na ang luha ko. Napahikbi na ako habang umiiling na para bang totoong umiiyak talaga ako.

"Ginigiba na daw ang hideout. Papunta na ako d'yan. Mauna ka na do'n, please! Do something, Baby." Tinudo-tudo ko na ang  paghikbi ko. Ewan ko na lang kung 'di pa niya mapapansin.

Magsasalita pa sana ako para mas intense kaso pinatayan na agad ako ng tawag. Pinunasan ko ang mga luha saka naglakad pabalik sa loob.

Balisang Daniel ang bumungad saakin pagkapasok ko pa lang. Nginitian ko siya saka binigyan ng 'thumbs up.'

Napangiti ako nang nagsipagdatingan ang apat na may dalang props. Ngayon, amoy na amoy ko na talaga ang tagumpay ng plano namin.

Napawi ang ngiti ko nang nahuli kong nakatingin saakin si Terry.  Mabilis ko siyang inirapan saka tinalikuran.

Sorry, but I really hate you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top