BLUE-HAIRED TWENTY


NEW GUY


"Grupo tayo, Baby, ha?" Anyaya saakin ni Alyzza.

"Okay. Excited na ako!" Masigla kong palakpak.

Nag-aperan pa kami bago tinuon ang atensyon sa harap. Nakangiti lang akong nakikinig kay Ma'am na pinapaliwanag ang magiging takbo ng darating na Nutrition Day.

Medyo huli na ang pagdiwang nito dito pero ayaw paawat ng mga estudyante. Ayaw pa kaming pagbigyan dahil lagpas dalawang buwan na raw, pero dahil bumabait na si Daniel, tumulong na siya sa pagkumbinse. Ayon! Pinagbigyan kami.

Kung sa iba ay walang masyadong ganap sa ganitong programa, dito daw ay exciting ayon kay Alyzza nang minsan na naming mapag-usapan ito sa dorm. Kaya nga nakiisa na lang din ako sa kanila sa kagustuhan nila, eh.

Ako at si David ang nangumbinsi kay Daniel. Nahirapan pa kami kasi nga, may pagka-kill joy ang isang 'yon. Pu-pwede naman daw na kami-kami lang ang magdiwang no'n. Bakit kailangan pang isama ang iba.

Natatawa na lang ako kapag naiisip ko kung paano namin siya nakumbinsi.

"Sige na, Daniel. Next week na yung labasan ng lahat dito, eh. Pagbigyan mo na kami." Nakasimangot akong nakatingin sa kaniya.

"No, Mikaela. That's final."

"Sige na, kuya," sambit naman ni David. "Wala namang mawawala kung pagbibigyan mo kami, eh." Nagpapapuppy eyes niyang tingin, yakap-yakap ang isa sa stuffed toy niya.

Nandito kami ngayon sa tambayan, nakaupo sa may sofa. Kami lang ni David ang naglakas loob na kumausap kay Daniel. Dapat kasama talaga ang iba kaso may gagawin pa daw sila.

Alam ko naman na palusot lang nila 'yon. Ano namang gagawin ni Alyzza na hindi ko gagawin, kasama ang tatlo?

Psh. Takot lang talaga sila ma-reject ng isang 'to.

"Let go of me, David!" Suway ni Daniel. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni David na nakapulupot sa beywang niya.

Naiiling na lang akong nakatingin sa kanila. Magkatabi kasi silang dalawa, habang naka-upo naman ako sa harapan nila.

"Pagbigyan mo na kasi kami. Masaya naman 'yon, eh." Pakiusap ni David na nakapulupot pa rin ang kamay niya kay Daniel.

Pinulot ko ang nahulog na stuffed toy na kaninang yakap-yakap ni David.

"Ano ba!" Asik ni Daniel, pilit pa rin tinatanggal ang kamay ni David. "Bitawan mo sabi ako." Inilingan lang siya ni David.

"Why are you so into this?" Kunot-noo niyang lingon saakin habang tinatanggal pa rin ang kamay ni David sa beywang niya.

Nilapag ko sa inuupuan ko ang hawak ko, saka din ako naupo sa tabi niya. Nasa kabilang gilid niya si David habang nasa isang gilid naman niya ako naupo.

Napasinghap siya nang ipulupot ko rin ang braso ko sa braso niya.

"Pumayag ka na--"

"Fine!" Napatigil ako sa biglaan niyang pagtayo.

Nagkatinginan kami ni David sa isa't isa at sabay nakangiting tumango. Tumayo si David at lumapit saakin saka niya ako hinila patayo.

"Let's group hug!" Masigla niyang sigaw. Iginiya niya ang kamay ko payakap kay Daniel bago din siya yumakap.

"Yey!" Lumundag-lundag siya na parang bata kaya nakigaya na lang din ako.

Natigil kami nang hawiin ni Daniel ang mga braso namin. Masungit niya kaming tiningnan bago lumabas.

"Group hug tayo, ate!" Anyaya ni David pagkalabas ni Daniel.

Tinanguhan ko siya at sinabayan sa paglundag habang nakayakap kami sa isa't isa.

At 'yon nga ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Daniel sa staff para mapapayag sila agad. Mukhang napilitan lang din kasi siya sa saamin.

Okay na 'yon. Atleast napapayag namin siyang kumbinsihin ang mga staff.

Dumiretso kami sa pamilihan, dito lang sa loob ng school, para mamili ng mga prutas. Kasama sina Daniel at yung apat pa niyang tropa.

Sa kanila na kami sumama bilang grupo, nang sa gano'n ay 'di na kami mahirapan pa. Medyo malapit na din naman kami sa kanila ni Alyzza. Hussle 'pag sa iba pa kami nasama. Wala pa naman akong ibang close sa mga kaklase ko.

"Ano ba ang gagawin nating presentation?" Si Isze, na ngayon ay may hawak na dalawang hilaw na mangga.

"Ikaw, Baby, may naiisip ka ba?" Napalingon ako kay Alyzza nang saakin siya nagtanong.

Magkakaharap-harap kami ngayon habang nasa akin lahat ang mata nila. Hinihintay ang sagot ko.

Nginitian ko sila bago ako magsalita.

"Why not fruit salad?" There. Nasabi ko na din ang kanina pang nakatambay na ideya sa utak ko.

"Parang ang simple naman kung fruit salad. Dapat unique." Suhestiyon ni Vincent.

"Oo, simple nga. Pero, 'di niyo ba naisip na wala rin tayong kakayahan para gumawa ng unique? Well atleast, sa fruit salad, halu-halo. Lahat pwedeng ilagay." Mahinahon kong paliwanag.

Napangiti ako nang dahan-dahan silang nagsipagtanguhan.

"Ate is right. Parang siya lang din. Simple lang pero nasa kaniya na ang lahat. Diba, kuya?" Baling ni David kay Daniel.

"You stupid. That supposed to be my line. Inaagawan mo ako." Supladong saway ni Daniel.

"Parang si Alyzza din. Nasa kaniya na ang lahat." Singit ni Terry.

Natawa na lang kami nang pataray siyang inikutan ni Alyzza.

"Paano ba 'yan, Vince. Anong pick-up line mo kay Ate pres?" Panunukso ni Isze kay Vincent.

"What's with Pres and Vincent?" Takang tanong ni Alyzza.

Katulad ko, mukhang wala rin siyang alam tungkol sa dalawa.

"Wala." Masungit na wika ni Vincent saamin.

Mabilis nakaiwas si Isze nang aambahan siya ng suntok ni Vincent.

"Wala daw." Panunukso ulit ni Isze kay Vincent.

"Psh. Tigilan mo ako," saway ni Vincent sa kaniya. "'Di ko 'yon type."

Napabaling ako kay Daniel nang hawakan niya ang kamay ko.

"Bakit?" I asked him. Iniwas niya ang tingin saakin at sa kasamahan siya tumingin.

"Tama na 'yan." Saway niya sa kanila.

Natigil si Vincent sa pagsakal kay Isze saka nila tinuon ang atensyon kay Daniel.

"Get all the fruits you can carry. We'll take the other ingredients." Daniel's demand.

Hinigit na ako ni Daniel papunta sa ibang direksyon matapos sumang-ayon ang lahat. Puro mga brand ng gatas ang pinuntahan namin.

Hanggang ngayon, nawiwindang pa rin talaga ako dito sa school. Akalain mong lahat na lang ng bibilhin mo ay narito. No'ng unang pasok ko naman dito, wala ang mga 'to. Siguro, dahil sa pagkakakulong namin kaya sila nagpalagay ng ganito. Puro mga rich kid pa naman lahat ng nag-aaral dito.

"How about this?" Pakita saakin ni Daniel ng condense de lata.

Nilapitan ko siya saka ko ito kinuha sa kaniya. Taimtim kong binasa ang expiration date sa likod nito.

"Okay. We'll get this." Tinanguhan ko siya nang masiguro kong matagal pa bago ito maexpired.

"How about this?" Pakita niya ulit saakin ng mayonnaise.

Nag-isip muna ako bago siya tinanguhan.

"Kunin natin 'yan. Baka kasali 'yan. And wait!" Muli akong lumapit sa kaniya saka tiningnan ulit ang likod nito. "Okay na." Ngiti ko sa kaniya.

"Napakabusisi mo naman." Ngisi niya saakin.

"Syempre. Malay mo naman, may nakatakas na produkto dito. Sumakit pa tiyan natin." Nakapameywang akong nakatingin sa kaniya.

"Don't worry. You're safe. We're safe." Paninigurado niya.

"Talaga lang, ha?" Panghahamon ko.

"Yeah. As long as, there is Daniel in this world, you are safe." Seryoso niya akong tinitigan.

Binaba ko ang braso ko saka ko siya tinalikuran.

"Sus." Bulong ko.

Bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina, 'di kalayuan ang distansya namin.

"D'yan ka na muna. Hanap muna ako do'n ng pwedeng ipangsahog." Turo ko sa ibang section.

He nodded. "Don't go too far."

Tumango ako bago naglakad papunta sa may mga marshmallows.

Nakangiti kong pinipisil-pisil ang mga nadadaanan kong marshmallows na nakalagay sa plastik, nang may bigla akong nabangga.

"Hi, miss."

Napaatras ako nang iharap ko ang sarili ko sa kaniya. Matangkad siyang lalaki na kung susukatin ay kunti lang ang tangkad ni Vincent sa kaniya.

"Sorry." Paumanhin ko saka ko mabilis na iniwas ang tingin sa kaniya.

"I'm Raven."

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang ilahad niya ang palad niya saakin.

Hindi ko ito tinanggap at mabilis ko siyang tinalikuran saka patakbong bumalik sa kinaroroonan namin kanina ni Daniel.

Takang-taka ang tingin saakin ni Daniel nang kalabitin ko siya.

"What happened?" Tumiyad siya, para bang pilit niyang tinatanaw ang pinanggalingan ko.

Balisa ko siyang inilingan.

"But--"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang higitin ko na siya pabalik kina Vincent. Mabuti na lang at mabilis ang mga kamay niya. Agad niya kasi nabitbit ang basket na pinaglagyan namin ng ibang sahog.

Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko hanggang ngayon. Hinawakan ko ang dibdib ko saka dinadamdam kung gaano kabilis ang pagtibok nito.

This feels familiar. .

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Alyzza sa lahat. Siya kasi ang ginawang leader ni Ma'am sa grupong ito.

"Okay na ba 'to lahat, Baby? Baling niya saakin. "Baka may kulang pa. Ayaw kong bumalik dito."

Wala sa sarili kong tinanguhan siya.

"Lunch na muna tayo," napalingon ako kay Vincent nang Pumalakpak siya ng isang beses. "Nagutom ako, eh."

"Lagi ka namang gutom, eh." Bulyaw ni Isze sa kaniya.

"Ikaw!" Aambahan na sana ulit siya ni Vincent ng suntok nang harangan sila ni Terry.

"Ang laki mong tao, pumapatol ka sa maliit." Sarkastikong saway ni Terry kay Vincent.

Natatawang nag-apir ang dalawa habang mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura ni Isze.

"Tama na nga 'yan," Biglang saway ni Daniel. "Let's bring this all to the counter. May pasok pa mamaya."

Isa-isang dinampot ng lima ang mga basket. Kukunin ko na sana ang isang basket nang tampalin bigla ni Daniel ang kamay ko.

"Ako na." Salubong ang kilay niyang lingon saakin.

Sinimangutan ko lang siya saka ko iniwas ang tingin sa kaniya.

Sabay-sabay kaming tumungo sa counter. Tahimik lang akong sumasabay sa kanila. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko at mas lalo pa itong bumibilis kada lakad namin. Pakiramdam ko, nasa paligid lang ang lalaking 'yon.

Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya nang ilahad niya ang palad niya saakin. Basta ang natatandaan ko lang kanina, nakabangga ako ng matangkad na lalaki na Raven ang pangalan.

Pero, bakit ganito na lang ang kaba ko? Sobrang bilis lang ng pagtibok ng puso kada naiisip ko ang senaryo namin kanina. Ni hindi ko pa nga nasilayan ang pagmumukha no'n, eh.

Sino ka ba?

Napahawak ako sa braso ni Daniel nang may natanaw akong nakatayong lalaki sa kabilang counter. Medyo may kalayuan ito saamin, pero alam na alam ko. Ramdam na ramdam ko. Siya 'yon!

Puro itim ang suot niya at nakapamulsa itong nakatingin saamin. Kahit may kalayuan ang kinaroroonan niya saamin, alam ko na malalim ang binibigay niyang tingin saamin.

Humigpit ang kapit ko kay Daniel nang ngisian niya ako. Shit.

"What's wrong?"

Napatingin ako kay Daniel sa biglaan niyang pagtanong. Mabilis kong binalik ang tingin ko sa kabilang counter nang makita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatanaw doon.

Namilog ang mata ko nang walang Raven na nakatayo doon. Saan nagpunta ang isang 'yon?

Nginitian ko na lang si Daniel nang ibalik niya ang tingin saakin.

"What's bothering you?" Salubong ang kilay niyang nakatingin saakin.

"Wala naman," iling ko. "May gusto lang akong bilhin pero 'wag na muna." I lied.

"What is it?" Mahinahon niyang tanong saakin. Mukhang napaniwala ko siya sa palusot ko base sa naging reaction niya.

"Wag na muna." Tipid ko siyang nginitian pagkatapos kong umiling.

Tinanguhan niya lang ako saka tinuon na din ang atensyon sa counter. Siya na ang nagpresentang magbayad sa pinamili namin.

I forgot about the mysterious guy for awhile when we were having our lunch. Umorder kami ng pagkain sa labas na si Daniel ulit ang nagbayad.

"Daan muna tayo sa tambayan bago pumunta sa dorm ha?" Sambit ni Alyzza na sa harap pa rin ang tingin niya.

"Okay." Tipid kong sagot.

Kasalukuyan kasing may nagrereport sa harap namin. Nakahalukipkip na nakatayo sa gilid ng pintuan si Ma'am habang ang tingin niya ay sa harap din.

Mabuti na lang at 'di na ulit nagsalita si Alyzza. Ayaw kong masita na naman kami.

Tulad nga nang sinabi niya kanina, dumiretso kaming naglakad papunta sa tambayan, kasabay ang lima, nang dismissal na.

Akala ko, simpleng pagtambay lang ang pinunta namin dito. Lagi naman kasi kaming tumatambay dito ni Alyzza. 'Yon lang, bihira lang 'pag uwian na. Usually, diretso kami sa dorm 'pag ganitong oras.

"Sa isang araw pa ang nutrition day. Hindi ba 'to lahat mabubulok?" Turo ni Terry sa mga basket na laman ang mga pinamili namin.

"Lagay na lang yung iba sa fridge." Suhestiyon ni Vincent.

Nagtulong-tulungan kaming buhatin ang mga basket. Bibitbitin ko na sana ang isang basket nang maunahan ulit ako ni Daniel.

Kunot-noo niya akong tiningnan pagkadampot niya nito.

"Psh." Inismidan ko siya saka ko dinampot ang malaking pakwan galing sa inagaw niyang basket saakin.

"Para may silbi naman ako kahit papaano." Inikutan ko siya ng mata at dumiretso na sa may fridge.

Wala siyang nagawa nang naipasok ko na ang dala ko sa fridge. Kunot-noo pa rin siyang nakatingin saakin nang ilatag niya sa gilid ang basket. 

Lalagpasan ko na sana siya para magbitbit ulit ng basket, nang pigilan niya ako sa palapulsohan ko.

"Stay still, you hard-headed." Gamit ang baritino niyang boses.

Nakasimangot akong humarap sa kaniya.

"Kaya ko naman, eh." Pagmamaktol ko. 

Masungit niya akong inilingan saka tinalikuran. Wala akong nagawa kundi maiwan at maghintay na lang sa gilid.

Naupo na lang ako sa may tabi ng lababo. Nakasimangot pa rin habang pinagmamasdan silang busy sa pagbitbit. Si Alyzza ang na-assign sa may fridge.

Saglit akong nag-browse sa account ko habang hinihintay silang matapos. In-off ko na lang din agad ang data ko dahil wala namang interesting na dumaan na post bukod sa mga stolen ko na naman kasama ang King nila.

Hays.

Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang phone ko, nang bigla itong nag-vibrate. Kumunot ang noo ko nang makitang may text galing sa Unknown number.

All my cusses went up to my chest as soon as I read his message. Bumalik lahat ng kaba ko sa dibdib. Pakiramdam ko, binalutan na naman ng madilim na awra ang hawak kong cellphone.

Paano niya nakuha ang number ko?

Kanino at saan?

Oh.my.god!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top