BLUE-HAIRED TWELVE

Hi perlass_jpeg. Salamat sa walang sawang pag-vote at comments. Borahae~

-----------------------

MINE



Medyo nasilaw pa ako sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Napaupo ako sa kama at nilingon ang pintuan kung saan ko naririnig ang pinanggagalingan ng ingay. Mga taong nag-uusap-usap na kung hindi ako nagkakamali ay sa labas lang ng kwartong ito.

Tumayo ako at agad na lumabas. Bumungad saakin ang mga nagkukumpulang mga estudyante. Tulad ko, suot pa rin nila ang kaniya-kaniyang dresses.

Lumapit ako kay Alyzza kasama ang apat. Namilog ang mata niya nang malingunan niya ako.

"Nasaan si Daniel?" I asked as I sat beside her. Nasa gilid lang niya sina Terry.

"Bakit ka umalis sa clinic? Ayos ka na ba?" She asked, refusing my question.

"Ayos lang ako. Medyo masakit nga lang ang katawan ko."

Tumayo siya saka ako hinawakan sa kamay. Tinignan ko naman siya na may pagtataka sa mata.

"Kailangan natin bumalik sa clinic. Nasaan ba si Daniel at ba't ka na lang iniwan do'n mag isa?" Naiirita niyang tugon.

Hindi na ako nagpumiglas nang hilahin na lang niya ako pabalik sa clinic. Nakita kong sumunod saamin ang apat.

I rolled my eyes as I saw Daniel with the nursing student who assigned here. Galit at irita din siyang nakatingin saakin.

What now killer?!

"Why did you leave?" Asik niya saakin.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko na agad ko din namang binawi. Hinigit ko si Alyzza at pinaupo sa kama.

"Sabihin mo saakin lahat ng hindi ko alam. As in lahat-lahat, lalo na ang tungkol sa mamamatay tao na 'yan!"

Napasinghap ang lahat nang madiin kong tinuro si Daniel.

"Kalma, Baby," mahinahon na sabi ni Alyzza. "Mali ka nang pagkakaintindi. Daniel is not a killer."

"Ha!" Singhal ko. "Eh, ano? Murderer?" I asked sarcastically. "Kitang-kita ng dalawang mata ko Alyzza! Binaril niya yung dalawang lalaki!"

"Sa balikat lang sila napurohan, Baby. Buhay pa sila." She reassured me.

"What do you mean?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Mali ka nang iniisip, Baby. You should be thankful to Daniel kasi, kung hindi niya binaril yung dalawa, baka ikaw na ang nasa kalagayan nila or worst.." she let out a big sigh for a moment. "..You'll be dead."

Natahimik ako at napayuko. Tumayo si Alyzza saka ako tinapik sa balikat.

"Bili lang kita ng pagkain." 

Sinundan ko siya ng tingin nang lumabas siya kasama ang apat. Tahimik na sumunod sa kanila ang nursing student.

Ngayon, kami na lang ni Daniel ang natira dito. Nakatayo pa rin siya habang seryosong nakatingin saakin.

Huminga ako nang malalim bago naglakad palapit sa kaniya. Sinimangutan ko siya nang mapansin ko ang walang pagbabago sa pustura niya.

"I..I'm sorry." I stammered, can't find the right words to say.

"Are you really fine?" He asked coldly, refusing my sorry.

"I'm sorry, Daniel," I apologized again. "A..kala ko kasi tinuluyan mo na talaga ang dalawa." Doubt is in my voice.

I was surprised when he took off his white blazer and placed it to my shoulder. Hindi pa pala siya nakapagpalit.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang mapagtanto ang ginawa niya.

"Don't be sorry to the things you are meant to do. Apologize if you didn't mean it."

"I was just thinking wrong kaya magsosorry pa rin ako." Nakasimangot akong umiling.

"But It's fine. As long as you are fine, Everything's okay."

Lalo ko siyang sinimangutan nang wala pa rin pagbabago sa hitsura niya, seryoso pa rin. Lalo tuloy akong nagi-guilty.

"Hindi ka galit?"

He shook his head without uttering words.

"Hindi talaga?" Nilapit ko nang kaunti ang mukha ko sa kaniya.

"I'm not mad, Mikaela." Medyo nakayuko siya habang nakatingin saakin.

"Hinding hindi?" I asked playfully, trying to make him smile. Kahit kaunti lang.

Tahimik niyang iniwas ang tingin saakin bago umatras nang kaunti. He murmured something kaso medyo malayo siya kaya hindi ko marinig.

Napatayo ako nang tuwid nang binalik niya ang tingin saakin.

"Everyone will be staying here until tomorrow. Give me your phone and I'll talk to your parents." He presented his palm to me.

Binaba niya rin nang hindi ko ito binigyan pansin.

"Bakit daw?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero agad rin bumalik sa pagiging seryoso nang mapagtanto ang ibig kong sabihin.

"It would be dangerous if we let everyone go home."

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Tama naman ang naging disesyon nila. Hindi imposible na naka aligid pa saamin ang mga kasamahan ng dalawang salarin na 'yon.

Tinalikuran ko siya at dumiretso sa bag ko na nakalagay sa gilid ng kama. Dinampot ko sa loob ang phone ko saka ko sa kaniya binigay ito.

"Actually, hindi na kailangan pang kontakin ang parents ko. For sure, wala na naman sila sa bahay, eh."

Saglit lang niya akong tinignan bago binalik ang atensyon sa hawak niyang cellphone ko.

"Even so. They have the rights to know your whereabouts." Sambit niya na hindi nakatingin saakin.

Tahimik niyang binuksan ang phone ko. Sinabi ko sa kaniya ang password ko nang 'di niya mabuksan ito.

Nakailang subok na siya kakatawag pero walang sumasagot. Nakakunot noo niya akong tinignan nang ibaba niya ang phone ko.

"I told you. Itetext ko na lang si Manang. Hindi kasi pinapahintulutan ni Mommy ang secretary niya na sagutin ang tawag galing sa mismong cellphone niya, eh." I smiled.

He didn't take his eyes off me. Naputol lang ang titig niya saakin nang dumating si Alyzza. May dala itong tupperware which I assumed na pagkain.

Tinext ko muna si manang bago kinuha ang dalang pagkain ni Alyzza. Nagulat ako nang makita ang laman nito.

Nakangiti kong nilingon si Daniel na mukhang inaasahan niya ang paglingon ko sa kaniya.

"You made this?"

"How did you know?" He smirked playfully.

"Wala sa canteen menu ang Aglio E Olio mo, Daniel."

Napatingin ako kay Alyzza nang tumawa siya nang malakas. Natawa na rin ako nang maalala ang sinabi ni David noon na ito nga lang daw ang alam niyang lutuin.

"Alis na nga ako. Ayaw kong maging third wheel sa inyo!" Natatawang sambit ni Alyzza habang naglalakad patungong pintuan.

Nilantakan ko na ang pagkain nang makalabas siya. Dahil sa gutom ko, hindi ko na pinansin ang paninitig saakin ni Daniel. Hindi naman siguro siya gutom, eh, kaya hindi ko na siya inalok.

Proven na talaga 'pag gutom ang isang tao, lahat nagiging masarap sa panlasa niya. Tulad ngayon, nasarapan ako sa specialty niya.

"Salamat ha?" Nagthumbs up ako sa kaniya.

He shrugged his shoulder boastfully. Yabang.

"Paki-abot naman no'n." Turo ko sa katabi niyang mineral water.

Nakaupo kasi siya ngayon sa kama kung saan ko nilagay ang dala ni Alyzza. Nakaligtaan ko ito ilipat dito sa tabi ko.

Hindi na siya nagsalita at kinuha ito saka inabot saakin.

"Pabukas" I smiled shyly.

Tahimik niyang binuksan ito saka binalik saakin. Nagtaka ako nang hindi pa siya umalis sa kinatatayuan niya pagkainom.

"Anything else?"

"Wala na." Mabilis kong iling.

Napansin pala niya ang pangungutos ko HAHA!

"Okay," tinalikuran niya ako saka naglakad paupo sa kama. "Take a rest first." Maawtoridad niyang utos.

Kahit ayaw ko sa paraan nang pagsabi niya, sinunod ko pa rin. Parang ang bigat lang kasi ng tiyan ko sa dami ng nakain.

Nagawa ko siyang pagmasdan nang kunin niya ang cellphone niya sa bulsa. Nakanguso siya habang may tinitipa.

Kung titingnan mo siya sa ganiyang posisyon, masasabi mong ang tino niyang tao pero syempre dahil marami na siyang ginagawang kabulastugan saakin, I didn't find him that way.

Kung iisipin, parang ang bilis lang ng panahon. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na talagang medyo umaayos na ang pakikitungo ko sa kaniya sa kabila ng lahat na masamang nagawa niya saakin.

Siguro, naging unfair din ako sa kaniya. I judged him even when I had never met him personally. I judged him even though I had never really known him. The real him.

I Judged the book without knowing its content. And that book is him.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Total, kakasimula pa lang ng school year. I guess I should really give him a chance to prove himself to me, kahit hindi naman niya kailangan gawin 'yon, kahit for self-satisfaction na lang din.

A minutes later, Daniel decided to go outside. Sinang-ayunan ko na lang siya kaya sumama ako.

I was shocked to see Jack talking with the four boys when we got out. Nasa gilid lang nila si Alyzza na nakikinig sa seryosong usapan ng lima.

Nagmadali akong naglakad papunta sa kanila. Ngumiti ako nang nabaling ang tingin saakin ni Jack.

Anong ginagawa niya dito?

"Hi." I greeted him with a smile on my face.

He just waved his right hand. Nakasuot na naman kasi siya ng black mask.

Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman ang pagka-miss sa kaniya. Medyo matagal na rin nang hindi kami nakapag-usap nang matagal. Hindi kasi umaabot ng ilang minuto kapag aksidenteng nagkikita kami.

"Napadaan ka?"

"Dad called him for help."

Napaigtad ako sa gulat nang biglang nagsalita si Daniel sa gilid ko. Nginitian ko siya saka nagpaalam na kakausapin ko lang muna ang kuya niya.

Without his approval, Hinigit ko na si Jack palayo sa kanila. Huminto ako at binitawan ang kamay niya nang masiguro kong wala nang makakarinig saamin.

"I didn't know that you are aggresive, Baby." Jack chuckled.

"Baliw!" Mahina ko siyang tinulak. "May itatanong lang ako. Feeling ko kasi hindi ito pwedeng marinig ng iba."

He stared at me as if he already knew what I'm going to say. He take off his mask then cleared his throat.

"Ano 'yon?"

I sighed. "Hindi ka magagalit, ha?"

He smiled and nodded.

"Magkapatid ba talaga kayo ni Daniel?"

"Oo. Hindi ba kapani-paniwala?" Natatawa niyang tanong.

Nakahinga ako nang malalim nang makita ang reaksyon niya. I think I approached the right person.

Hindi sa pinagkukumpara ko ulit silang magkapatid, pero kung kay Daniel ako magtatanong, hindi naman niya ako sasagutin. Nakailang subok na ako pero ayaw talaga.

Atleast, una akong nagtanong sa kaniya.

"Eh, ba't magkaiba kayo ng apelyido?" Sunod kong tanong.

I was about to ask, why they always act like they don't know each other, pero mukhang hindi pa ito ang tamang oras para do'n. Good thing sumagi sa isip ko ang kaibahan ng last name nila.

"He chose to use our Grandfather's family name while I'm using our Dad's name."

"Ah.." tumango-tango ako. "..Gano'n pala 'yon?"

Tumango siya bilang sagot. "He hates me, Baby. Nahalata mo naman siguro 'yon. Respetuhin na lang natin 'yon."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Halata kasi sa boses niya ang lungkot kahit nakangiti pa siya habang sinasabi ito.

"Balik na tayo?" Biglaan kong anyaya.

Pilit akong ngumiti sa kaniya na agad din naman niyang sinuklian ng isang ngiti. Tahimik siyang nakasunod saakin habang naglalakad kami pabalik.

Nalulungkot ako para sa kaniya. Imagine, ayaw sayo ng kapatid mo? Ang masama pa do'n, minsan 'di ka pa ginagalang. Hays.

Ayaw kong pangunahan ang sitwasyon nila pero isa lang ang nasisiguro ko, may dahilan ang lahat.

Nadatnan naming seryosong nag-uusap ang lima. Lumapit sa kanila si Jack habang saakin naman lumapit si Alyzza na agad akong hinila palayo sa anim

"Seryoso daw kasi ang pag-uupan nila. Hindi tayo pwede." Bulong niya pagkaupo namin, katabi ang iba pang estudyante.

Wala sa sarili ko siyang tinanguhan. Bumabagabak pa rin kasi saakin ang huling sinabi ni Jack.

So, Daniel really hate his brother at aware naman doon si Jack.

Eh, si Jack? Gusto din ba niya si Daniel?

Ano ba talaga ang mayro'n sa inyong dalawa?

"Nagtataka ka siguro sa mga nangyayari, no?"

Nabaling ang tingin ko kay Alyzza. Parang bigla akong nakakita ng liwanag sa tanong niya. Masyado na ata akong uhaw sa impormasyon ngayon kaya papatulan ko na lang kung anuman ang sasabihin niya.

"Ipaliwanag mo nga saakin ang lahat ng nalalaman mo, Alyzza. Mababaliw na talaga ako kakaisip sa lahat ng ito, eh." Pagrereklamo ko sa kaniya.

"Matagal ng may kaalitan ang school natin, Baby. Hindi lang isa kundi marami pa."

"Bakit?" Gulat kong tanong.

"Mayaman ang mga Ferez, Baby, kung hindi mo pa alam," umiling siya. " I mean sobrang yaman. To the point na marami nang naiinis na sa kanila. Isa na do'n ang nangahas na pumasok dito kanina."

"My god!" Singhal ko. "Ang O.A naman nila."

"Iba ang nagagawa ng kainggitan, Baby," she reassured me. "Pasalamat na lang tayo at may pumoprotekta saatin."

Tapos jinudge ko pa. Hays.

"Kung nagtataka ka kung bakit nandito ang mahal mong si Prince Jack--"

"Crush ko lang siya." I corrected her. 'Tong babaeng to talaga!

"Tumutulong 'yan kasama yung anim pa niyang kasama. Kapag hindi na nakaya ni Jack na lusutan ang anumang problema, dun na tutulong amg anim." She continued.

Tahimik lang akong nakikinig habang seryosong-seryoso siyang nagsasalita. Maliit lang ang boses niya, tama lang sa pandinig ko.

"Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi magkasundo ang dalawang asul na 'yan. Eh, kung tutuusin may malaking naiambag naman dito sa school si Prince."

Napaisip ako sa sinabi niya. I wonder kung alam ba niya na magkapatid ang dalawa. Ayaw ko naman sabihin o magtanong man lang. Baka kasi hindi pa talaga niya alam at saakin pa talaga manggaling.

Besides, It's not my story to tell.

"Ano bang meron sa grupo nina Jack at ba't parang napakaimportante naman ata nila dito?"

Napangiti siya sa tanong ko habang naiiling.

"Tsk tsk tsk," iiling-iling niya saakin. "Wala ka nga talagang kaalam-alam sa pinasukan mong school." She sounds hopeless.

"Wala naman kasi sa plano ko ang lumipat dito, no! Basta na lang ako nagising one day na dito na pala ako ipinalipat nina mommy." I defended.

"Hindi ka man lang nagbackground check gano'n?"

"Magpaliwanag ka na nga lang." Inis kong sambit.

"Okay, okay," huminga siya nang malalim. "Si Jack at yung anim niyang mga kasama..." pambibitin niya. "..Mga asawa ko 'yon." Saka siya humalakhak.

Matalim ko siyang tinignan. Kahit kailan talaga!

"Okay, okay," tumawa siya nang ambahan ko siya ng suntok. "Parang kina King lang ang sa kanila. Iyon nga lang, college version. You know, gangster." Kibit-balikat niya.

Tumango-tango ako. I got her point.

Kung gano'n, gangster ang dalawang magkapatid at sila ang pumoprotekta dito sa school? WOW!

Ewan ko pero naastigan lang ako sa dalawa lalo na kay Jack. Hindi naman sa tuwang-tuwa ako sa nalaman. Ang akin lang, bumagay kasi sa hitsura nila. Yung bad-ass look nila na gangster na gangster.

I sighed as I realized something..

"They're not the bad boy types that I don't like, right?"  May bahid nang pag aalala sa boses ko.

"They do bad things because they have valid reasons to do it, Baby. Hindi naman sila yung tipo na nakikipagbasag-ulo kung saan-saan. Gangster lang talaga tawag ko dahil hindi ko alam ang tamang itawag sa kanila." Seryosong tugon niya.

Napangiti ako. Nilingon ko ang gawi nina Jack. Seryoso pa rin ang mga mukha nila habang magkaharap-harap na nag-uusap. Pati si David na masayahin at isip bata ay talagang nakapokus sa kung anumang sinasabi ni Jack.

Nalipat ang tingin ko kay Daniel. Seryoso din siyang nakikinig sa kuya niya. Hindi ko makita sa hitsura niya ngayon ang kawalang-galang niya sa kuya niya, bagkus ay parang sumasang-ayon ito sa lahat nang sinasabi ng kuya niya.

Ang cute nilang tingnan.

"May alam ka ba tungkol sa buhok ng dalawang 'yan?" Palusot kong tanong. Paraan ko na rin 'to para malaman kung may alam ba siya tungkol sa pagiging magkapatid ng dalawa.

"Malay ko sa kanila," she shrugged. "Ikaw nga ang malapit sa kanila eh."

"Hindi ko rin alam. 'di ko naitanong."

Totoo naman kasing hindi ko alam, eh. Malay ko rin ba sa dalawang magkapatid na 'yan!

Everyone's attention was turned to Daniel and Jack. Sabay silang naglalakad patungo sa harap ng lahat. Ilan sandali lang, sumunod sina Vincent.

Natahimik ang lahat nang nakapuwesto na ang anim sa harap. Umabante nang kaunti si Jack. Mukhang may nais sabihin.

"Makinig."

Gamit ang baritino niyang boses.  Suot pa rin niya ang mask niya pero sobrang seryoso at ma-autoridad ang pagtayo niya sa harap namin ngayon. Parang biglang naglaho ang nakasanayan kong pustura niya.

"Natukoy na namin ang mga taong lumusob dito," he paused for awhile. "Gawain nila ang lahat ng mga illegal dito sa lugar nito. Ibig sabihin, hindi sila maihahalintulad sa mga naunang lumusob saatin dito,"

Walang nagsasalita. Tahimik lang na naghihintay ang lahat sa susunod pa niyang sasabihin.

"Napagdisesyunan namin na dumito muna ang lahat hangga't hindi pa natin nalalaman ang layunin nila sa paglusob saatin,"

Hangga't hindi pa nalalaman? Akala ko ba hanggang bukas lang kami dito?

"Ipinalinis na ang lahat ng dormitory dito para doon na muna ang lahat. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Sumang-ayon ang lahat. Wala sa mukha nila ang pagkagulat sa mga nangyayari. Ako lang ata dito ang medyo naguguluhan.

"Iyon lang. Good night."

Hindi pa nakakaalis sa harap sina Jack nang may dumating na mga lalaki. Biglang umingay ang mga estudyante. Yung iba nagmistulang mga uod na nabuhuran ng asin sa sobrang kilig.

Who are they?

Napagtanto ko kung sino sila nang lumapit ang mga ito kay Jack at nakipag-apir sa kaniya isa-isa.

"Punta muna ako do'n." Biglang sambit ni Alyzza habang kina Jack ang kaniyang tingin.

Nagmadaling siyang umalis sa tabi ko ng walang paalam. Napailing na lang ako nang makita ko kung saan siya patungo. Abot-tenga ang ngiti niya nang nakalapit siya kina Jack.

"Shit!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang pumatong na braso sa balikat ko. Si Daniel pala.

"They really love the attention, huh." nakangising Daniel habang nakatingin sa grupo nina Jack. "Too bad, they can't get yours, right?" Matalim niya akong nilingon.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa lapit ng mukha niya saakin.

"No one can get your attention. Even that seven bastard princes." He added.

Lumayo siya nang kaunti mula sa pagkakaakbay saakin, saka niya ako hinarap. Tumitig siya diretso sa mata ko.

"You are exclusively mine, Mikaela. Only mine." Then he winked.

-------------------------------------------------------------

A/N: Pahingi ng feedback, anuba! HAHAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top