BLUE-HAIRED THREE
CALL
"Yaya, pakilagay po ito sa bakanteng vase sa tabi ng hagdan." Utos ko sa isa sa katulong namin pagkadating ko.
"Yiee.. Si señorita, may nanliligaw na." Kantyaw niya saakin bago niya tinanggap ang bulaklak.
Matagal na ito saamin kaya close na din siya samin. Dalaga pa no'ng nagsimula siya saamin, ngayon may mga apo na. Siya na rin ang halos mag-alaga samin ni kuya simula pagkabata.
"Hindi naman po sa gano'n." Nahihiya kong iling sa kaniya.
Kakantiyawin pa sana niya ako nang sabay kaming napalingon sa hagdan. Mapanuksong tingin ang nasa mukha ni mommy habang siya'y pababa patungo sa gawi ko.
"Sige, señorita at nand'yan na ang mommy mo." Bulong saakin ni yaya bago siya kumaripas ng takbo.
"So, who's the guy, hm?" Salubong saakin ni mommy pagkababa niya.
Pabiro ko siyang inismiran bago ako tuluyang lumapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.
"Wala po, my. Nagyaya lang po ng date." Tugon ko sa kaniyang tanong.
"Date?"
"I mean ka-partner ho sa acquaintance party." Pagdepensa ko. Mukhang ibang date ang nasa isip niya, eh.
Nginitian niya ako saka niya dahan-dahang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"So who's the lucky guy, 'nak?"
"Schoolmate lang ho."
"Hmm," tuloy lang siya sa pagsuklay ng buhok ko. "Can I meet him?"
"My, nakakahiya ho. In-invite lang ho ako pero 'di po tulad nang iniisip mo."
"Well. If you say so. You want my personal designer?"
Knowing mommy's designer? Baka pag-gownin pa ako no'n nang pang-enggrande. Ayaw ko naman maging center of attraction.
"Huwag na ho, my. Simple dress will do."
"Okay, anak." Ngiti niya saakin.
Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos nang kaunting usapin. Bumaba ako pagkatapos para mag-dinner, tapos balik ulit ako sa kwarto para matulog. Everyday routine.
Kinabukasan, nakita naming nakasandal sa gilid ng room namin si Jack pagkalabas namin.
'Di na naman kami nakatakas sa kantyaw ng mga classmates ko. Nakikisali pa sa kanila si Alyzza.
Binalewala ko na lang sila at hinayaan sa pagkantyaw. Bahala na sila kung anuman ang gusto nilang isipin. Labas na ako do'n.
Wearing a white mask again, lumapit si Jack sa gawi namin nang makita niya kaming nakalabas na.
"Shall we?" Agad niyang tanong saakin.
"Saan?" Kunot-noo kong baling sa kaniya.
"Mall." Tipid niyang sagot na mas lalong nagpakunot ng aking noo.
Gagawin namin do'n?
"I told you yesterday, I'll pick you up after your dismissal, right?"
"Ah," napatango ako nang maalala ko ang bilin niya kahapon. "Ba't sa mall punta natin?"
"To get you dress for tomorrow."
"Hala! Ikaw pala pipili ng susuotin--Shit!"
Hindi ko na naituloy ang tanong ko nang may tumulak sa likod ko. Napasubsob tuloy ako sa dibdib ni Jack, god!
Mabilis kong inayos ang sarili ko saka ko nilingon ang may kagagawan ng kabaliwan na ito. Nakangiting Alyzza habang naka-peace sign saakin ang nalingunan ko.
"Sama ka na. Arte-arte pa, eh." Arte talaga nito no?" Turo niya sa'kin habang kay Jack ang kaniyang tingin.
Wala akong magawa kundi mapapikit na lang sa kahihiyan. My god! Paano ko ba 'to naging kaibigan?
"Alis na kami." Magalang na paalam ni Jack kay Alyzza.
kinindatan siya ni Alyzza bilang sagot sa kaniya na agad naman niyang sinuklian ng isang pagsaludo.
Dumiretso kami sa parking lot saka kami sumakay sa dala niyang kotse. Nagtipa na rin ako ng mensahe kay manong na h'wag na lang akong sunduin, tiwala naman akong ihahatid ako ni Jack pagkatapos.
As he done parking his car to the mall's parking lot, we went straight to the boutique.
May dalawang backless long dress na inabot sakin ng sales lady. Yung isa ay kulay red at yung isa naman ay kulay asul.
Bet ko na sana yung red kasi Catriona ang datingan kaso si Jack ang pinapili ko. Siya naman kasi ang sasamahan ko, eh.
"'Di ka naman mahilig sa blue, no?" Hindi ko na naiwasang biruin siya nang piliin niya ang kulay asul.
Sumingkit ang mata niya bilang pagngiti saakin sabay hinawi ang kulay asul niyang buhok. Papogi!
Titig na titig siya saakin pagkalabas ko sa fitting area, suot ang pinili niyang dress. Umikot-ikot pa ako sa harap niya para kita nya ang kabuoan ko.
"Okay ba?" Nakangiti kong tayo sa harap niya.
"You look great, Baby." He said while his gaze is on the other side, not eyeing me directly.
Huli na nang mapagtanto kong backless nga pala ang suot ko. Kitang-kita ang suot kong baby bra at exposed na exposed ang likod ko. Shit!
Mabilis akong bumalik sa fitting room dahil sa kahihiyan.
Namumula na ang magkabilang pisngi kong nakatingin sa repleksyon ng aking sarili sa salamin. Wala akong ibang magawa kundi mapasabunot sa buhok at sarilinin ang kahihiyang ginawa ko.
Lumabas ako saka siya hinarap na nakangiti na para bang walang nangyari.
Even him, acted like nothing's happened. Mabilis niyang binayaran ang dress saka kami dumiretso sa store ng mga sandals.
Siya na rin ang nagpresentang pumili nang susuotin kong sandals. Again and again, I let him to choose his type. At the end of the day, siya lang din naman ang magbabayad.
He chose the aperlai that has the classiness of a sleek black high heel that suits to my dress. We went also to the fashion accessories store after, for completing my look for tomorrow's party.
"Anything else?" Tanong niya saakin nang tapos na kaming mamili.
Umiling-iling ako bilang pag-ayaw. Tinitigan niya ako na para bang naninigurado.
"Okay na talaga ako d'yan." I reassured.
"Alright, dinner?" Muli niyang anyaya.
Umiling ulit ako bilang 'di pagsang-ayon sa kaniya.
God, he's so chivalrous. Gusto ko man pero nahihiya na talaga ako.
"Uwi na lang tayo. Lapit ng mag-alas syete eh." I make an excuse.
Tinanguhan niya ako, mabuti naman. Sobrang malaking pera na ang nawaldas niya sa araw na ito. Given na, kakikilala pa lang niya saakin. Shocks!
Tahimik lang ako sa loob ng kaniyang kotse habang siya'y nagmamaneho. 'Di naman ako nao-awkwardan sa sitwasyon namin. Isa pa, sa sobrang kahihiyan ko, parang wala ng gustong lumabas na salita sa bibig ko.
Tinu-turo ko na lang sa kaniya ang daan pauwi samin. 'Di nagtagal ay nasa tapat na kami ng gate namin.
"Pasok ka muna? Bilang thank you na lang din sa araw na ito." I smiled at him after I unlocked my seatbelt.
"Okay lang?" Alinlangan niyang tanong.
"Okay lang. Gusto ka rin naman ma-meet ng Mommy ko." Ngiti ko sa kaniya upang maibsan kahit papaano ang kaniyang pag-aalala.
"Wait lang." Lumabas siya tapos umikot para pagbuksan ako ng pintuan.
Well, I guess, he agreed.
Matagal niyang tinitigan ang gate bago namin napagpasyahang pumasok.
"Wait." Pigil niya ulit sa'kin.
Nilingon ko siya at natulala na lang ako nang tanggalin niya ang mahiwaga niyang mask. Nginitian niya lang ang naging reaksyon ko. Oh my god.
"Your parents might think that I'm weird if I still wear this." Tukoy niya sa mask niya.
Nilagay niya ito sa bulsa niya saka niya ako hinawakan saaking palapulsohan. Habang yung free hand niya ay dala-dala ang pinamili niya saakin.
Nasa hapag na sina mommy't daddy nang pumasok kami. Kita ko sa mga mata nila ang gulat nang malingunan nila kami.
Sunod na bumaba ang tingin nila sa kamay namin ni Jack. Bumitaw muna ako para pumunta sa kanila at makahalik sa pisngi.
"Good evening mommy," halik ko kay mommy "Good evening, dad," baling ko naman kay dad. "Sorry ginabi kami." Nginitian ko sila pareho.
Nilingon ko si Jack na 'di pa umaalis sa pwesto niya. Pinuntahan ko siya saka ko siya hinawakan sa pala-pulsohan.
"Mommy, Daddy, si Jack Del Mundo ho. Schoolmate ko. Siya po yung sinasabi ko na nag-imbita sa'kin sa party." Pakilala ko kay Jack sa kanila.
Tumango naman si Mommy subalit may bahid pa rin nang pagkagulat sa mga mata niya. Si daddy naman ay parang normal lang ito sakanya. Great.
"Good evening, ho. Sorry po at ginabi ang anak niyo dahil sa'kin. May binili lang ho kami sa mall para bukas." Nahihiyang tugon ni Jack.
"It's okay, hijo. Baby informed me about it. Have a seat." Turo ni Mommy sa tapat nilang upuan.
"Thank you, ho." Jack bowed down politely.
Nginitian na lang siya saglit ni Mommy pati narin si daddy bago balingan naman ni Mommy ang pinakabatang katulong namin na nakatayo sa gilid ng mesa
"Elis. Add more plates please." Utos niya sa katulong.
"Opo ma'am." Mabilis na tumalikod ang katulong at tinungo ang kusina.
Umupo kami sa harap nila. Nilingon ko si Jack nang mapansin ko ang walang kakibuan niya.
Well, 'di naman siya masyadong pala-salita pero parang nahihiya siya. Isa pa, napapabalik ang tingin ko sa kaniya dahil wala na siyang suot na mask.
Gwapo na siya noon, pero mas gumwapo pa siya lalo. Goodness!
Tumikhim si Mommy na naging dahilan nang paglipat ko ng tingin sa kaniya. Seryoso siyang nakatitig kay Jack.
Nilingon ko ulit si Jack dahil do'n at nakita kong nanatili siyang nakayuko. Napaangat lang ang ulo niya nang dumating na ang pinakuhang plato ni Mommy sa katulong.
Ako na ang naglagay ng pagkain sa kaniyang plato nang nakita kong 'di pa siya gumagalaw. Hahawakan na sana niya ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa pero 'di niya naituloy dahil iniwas ko ito sakanya.
"Ako na Jack." Nginitian ko siya.
Tumango lang siya at 'di na ako sinaway.
Nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo pagkatapos nang tahimik naming hapunan, para kunin ang hiniram kong P.E sa kwarto ko.
Pagkababa ko'y dala-dala ko na ang paper bag na pinaglagyan ko ng P.E niya. Binilin sakin ni Mommy na ihatid ko siya hanggang sa labas.
"Did I make you uncomfortable with my parents?" I asked him as we headed to the gate, nearby to his car.
Hindi agad niya ako sinagot. Naglakad pa kami ng kaunti patungo sa harap mismo ng kaniyang sasakyan.
Nakasunod lang ang mata ko sa kaniya nang sumandal siya sa hambaan ng pintuan ng kaniyang kotse. Bale, magkaharap na kami ngayon.
Humalukipkip siya na para bang giniginaw at sinuklian din niya ako ng titig. He's wearing white long-sleeves kaya sigurado akong 'di siya giniginaw.
"Hmm.. Not really," he shrugged. "I was just trying to think on how to please your parents. You know, they might hate me if I did something wrong. "
"Hala. 'Di gano'n sina mommy," I shook my head repeatedly. "Si Alyzza nga na maypagkaano gustong-gusto nila."
"But, I'm not Alyzza, Baby. You think they'll like me?" He asked while lifting his brows.
"Hindi mo na kailangan i-please sila, Jack. Don't worry, they will surely like you." Ngiti ko sa kaniya.
Sinuklian niya ako ng ngiti na mukhang smirk lang, I don't know. Naninibago pa rin kasi ako ngayong wala na siyang mask.
"Ang gwapo mo naman pala 'pag wala kang mask, eh." Hindi ko napigilang puriin siya.
He smiled again or maybe it's just a smirk. I really don't know.
"Are you saying that I was ugly before? I mean, with mask?"
"No no!" I waved my both hands. "Gwapo ka na dati pero mas ano.. Uh. Gumwapo lalo ngayon."
Humalakhak siya. Kitang-kita ang kompleto niyang ngipin. Gusto ko pa sanang sabihin na mas gumagwapo siya 'pag tumatawa pero 'wag na lang. Nakakahiya na pinagsasabi ko.
"Stop complementing me, Baby. I'm starting to think that you're having a crush on me." He said mockingly. Tease is on his voice.
"Crush naman talaga kita."
Gustong gusto kong sabihin sa kaniya pero ayaw ko ulit. Sabi ni Mommy noon saakin, masama raw tingnan sa babae ang nagf-first move.
Umiling na lang ako saka siya hinampas nang mahina.
"Umuwi ka na nga! Gabing gabi na. Delikado na sa daan." Pakunware kong pagbugaw sa kaniya
He chuckled again. "And now you're being caring, huh? You really have a crush on me."
Tinaasan ko siya ng kilay saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa.
"A guy with blue-haired is having too much confidence." I uttered sarcastically.
Tumayo siya nang tuwid at hinigit niya ang dala kong paper bag saka niya ginulo ang buhok ko.
"You're blushing, Baby."
Hahampasin ko na sana siya ulit sa balikat kaso agad siyang nakapasok sa kotse niya habang tumatawa nang malakas.
"Goodbye, Baby!" Kumaway siya't pinaharurot na ang kotse.
Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako pumasok sa loob.
I can't stop myself from smiling. Mukha na akong tangang naglalakad papasok sa bahay.
Ilang linggo pa lang kaming nagkakilala pero pakiramdam ko, komportable na ako sa kaniya. He's really nice to be with.
Dumiretso ako sa banyo pagkapasok ko at naligo para makatulog na.
I was about to close my eyes, when my phone vibrated. May text galing kay Alyzza.
Alyzza:
" Gaga! Ikaw na naman usapan sa school. Mag-online ka and see for yourself. I-confirm mo narin ako. Inamag na friend request ko sa 'yo!"
'Di ko na siya nagawang replyan pa at agad na akong nag-online. Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa text niya.
I immidiately search Jack's fanpage. My eyes got rounded as I saw a recent post about Jack and I being together.
Mga stolen shot namin mula no'ng binigyan niya ako ng bulaklak para imbitahan sa party hanggang sa pagpunta namin sa mall para mamili ng susuotin ko bukas.
Higit 50k na ang likes at shares. Maging sa comment box ay pinagpyestahan na rin.
My god! Sino ba yung malademonyong admin sa page na ito?! She or he really knows how to annoy me huh?!
'Di ko na napigilan ang sarili ko at agad akong nagmensahe sa page. Hindi ako mahilig magmura dahil masama iyon, pero sa mga oras na ito, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Uminit ang ulo ko habang pinipindot ko ang send button. Yung tipong, naiiyak na ako sa sobrang inis.
Nagpakawala muna ako nang malalim na hininga bago ko binuksan ang request message ko nang mapansin ko ang pagnonotify nito sa messenger ko.
Nakaramdam ulit ako nang matinding kilabut at itim na awra pagkakita ko pa lang sa pangalan ng nag-message sa'kin.
"Daniel Ferez"
Yung lalaking may kulay asul na buhok na siyang nag-friend request sa'kin weeks ago.
May 12 messages siya saakin na sa 'di malamang dahilan, parang ayaw kong buksan ito. Feeling ko, masamang pangitain ang dala nito saakin.
Nag-logout na lang ako at 'di na binalak pang buksan ang mensahe niya.
Matutulog na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello." Sagot ko habang nanatiling nakapikit ang mga mata. I feel so sleepy as of now.
"Accept my request for god's sake! I sent you three consecutive friend requests. Don't make it four times MIKAELA!"
Bigla akong napabangon at tiningnan ang screen.
Unknown number. .
Naramdaman ko ulit ang maitim na awra na ipinagwalang bahala ko kanina.
"WHO ARE YOU AND WHERE THE HELL DID YOU GET MY NUMBER!?"
Kahit may pakiramdam na ako kung sino ang kausap ko, nagawa ko pa rin siyang tanungin.
Unti-unti na naman umakyat ang matindi kong kaba sa dibdib ko. Nanginginig na ang mga kamay ko.
Feeling ko, pinagpapawisan na ang buong katawan ko kahit naka-aircon naman ang buong kwarto ko.
Bakit ako nakakaramdam ng ganito?
"Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag mo na akong idamay! ADIK!" Nag-echo sa kwarto ko ang pagsigaw ko sa huling salita na sinabi ko.
Mabilis ang paghinga ko matapos ko siyang babaan ng tawag. 'Di pa nagdalawang minuto ay may pumasok na namang bagong mensahe galing sa kaniya.
Unknown number:
"You're rude but I like it"
Damn it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top