BLUE-HAIRED THIRTY ONE

MYSTERIOUS GUY


Humiwalay ako sa kaniya nang makaramdam ako ng pangangayat. Maingat niya akong inalalayan habang paupo ako sa upuan.

"Salamat." Nakayuko ako habang pinupunas ko ang natitirang luha sa pisngi ko.

Ngayon lang rumehestro sa utak ko ang kahihiyang ginawa ko. Shit. Mukha akong tanga kanina.

Mas lalo ko pang niyuko ang ulo ko nang sinusubukan niyang silipin ang mukha ko.

Narinig ko ang pagsinghap niya bago magsalita.

"You're fine now?"

Tinanguhan ko siya habang ang ulo ko ay gano'n pa rin ang ayos.

"Maybe we should go home. You're not really--"

"No!" Mabilis kong naiangat ang ulo ko. "I...mean, gusto ko pang gumala rito." Iniyuko ko ulit ang ulo ko pagkatapos kong magdahilan.

Shit again! What was that, Baby, huh? Nagmukha pa tuloy na gustong-gusto mo siyang kasama.

"Come on," he held my chin so I could look at him. "Are you ashamed of me?"

Kagat-labi ko siyang tinanguhan. Pinipigilan kong huwag na muna magsalita. Baka may masabi na naman ako na ikakahiya ko.

"Where do you want to go? Tell me." He smiled at me while holding my chin.

"Book store." Hindi ko alam saan nanggaling ang salitang 'yan. Basta ba, 'yan lang ang pumasok sa utak ko.

Binaba niya ang kamay niyang nakahawak sa baba ko saka niya ako tiningnan habang nakahalukipkip.

"You love reading?" May bahid ng pagdududa ang boses niya. May tantya akong alam niyang wala akong hilig do'n.

Panindigan mo 'to, Baby!

"Na," I waved my hand. "Gusto ko lang subukan. Pagkatapos natin do'n, punta tayo sa tea house." Ngiti ko sa kaniya.

Mukhang nakombinsi ko siya base sa hitsura niya. Mabuti na lang talaga at gumana nang maayos ang pag-iisip ko ngayon.

"Well.." Suminghap siya saka tumayo.

Akala ko tatanggihan niya ako, subalit napangiti na lang ako nang abutin niya ang kaliwa kong kamay saka ako hinila patayo.

"Let's go?"

Nginitian ko siya saka ko siya tinanguhan. Magkahawak ang
kamay namin nilisan ang lugar.

"So, what books do you want?" He asked while facing the book shelves.

Hawak pa rin niya ako sa kamay habang Nakangiwi akong nakatingin sa mga libro.

Kailangan mong pumili, Baby. Ikaw ang nagsuggest dito. 'Pag hindi, iisipin niyang nagdadahilan ka lang para lang makasama mo siya.

"Can we ask the sales lady?" Nahihiya ko siyang nilingon. Wala na. Hindi ko na alam ang pipiliin ko sa mga librong ito. Ito lang ang safe na sasabihan ko sa kaniya.

Nakangisi niya akong tiningnan. Napabusangot na lang ako nang guluhin niya ang buhok ko.

"I knew it. You're not into books." He laughed a bit.

Mas lalong bumusangot ang mukha ko nang talikuran niya ako at maglakad papunta sa kabilang shelve.

Hindi pwede 'to. Kailangan ko talagang panindigan ang disesyon kong ito.

Mabilis ko siyang nilapitan. Kakalabitin ko na sana siya, subalit hindi ko na naituloy nang makita ko ang ayos niya.

Isang gwapong Daniel na naka-side view ang nasa harap ko ngayon habang seryoso niyang binabasa ang
likod ng libro. Mukha siyang masungit na lalaki na adik sa libro sa pustura niya ngayon.

Hindi ko maiwasang mamangha sa ginagawa niya ngayon. Seryoso niyang binubuklat ang mga pahina ng libro. Inaalam ata ang laman nito.

I find him cool in this way. Kung titingnan ang ganitong ayos niya, parang napakaswerte kong babae dahil siya ang boyfriend ko.

Ngayon ko lang siya nakita na magbuklat ng libro. Sa room kasi namin, parang wala siyang pakialam sa inaaral namin. Ni hindi nga madalas magdala ng bag, eh.

What if I ask him to wear specs? Pakiramdam ko kasi, bagay na bagay sa kanya 'yon. Baka nga, iuwi ko na siya tapos titigan ko lang magdamag.

Wait--!

Nasampal ko ng wala sa oras ang sarili ko. What am I thinking? Am I fantasizing him? Kailan pa ako
nagkaganito sa kaniya? Shit ka self! Nakakahiya ka talaga.

"Come..."

Natigil ako bigla sa pagsampal sa sarili ko nang lingunin niya ako.

"What are you doing?" Kunot-noo siyang nakatingin saakin.

"Ah..eh, may dumapo kasing lamok sa pisngi ko." Nginitian ko siya nang pagkalapad-lapad. Yung ngiting minsan ko lang ginagamit. For emergency purpose only.

Palihim akong nakahinga nang maluwag nang tanguhan niya ako, hudyat na epektibo ang alibi ko.

"Come here," sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya.

"Try this." Sinara niya ang libro pagkalapit ko sa kaniya saka niya saakin inabot.

"Okay." I quickly took the book without checking its content.

Halos magkasalubong na ang kilay niya nang talikuran ko siya agad. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na ako sa counter para magbayad.

Sunod kaming pumasok sa Tea house. Tulad nga ng nasa utak ko, kailangan kong panindigan ang disesyon ko.

Pang-dalawang table ang napili naming upuan, magkaharap.

Hinayaan kong siya ang mamili ng tsaa namin nang sa gano'n ay 'di niya mahalata na wala talaga akong maalam dito.

Sa pangalawang pagkakataon, napangiwi ulit ako pagkakita ko pa lang sa tsaang sinerve saamin.

At sa pangalawang pagkakataon ulit, tatanungin ko ulit ang sarili ko kung bakit ko nga ba naisipan pumunta dito.

Tandang-tanda ko pa ang lasa ng tsaa. Ang pait. 'Di kaya ng lalamunan ko.

"Ah..Daniel?" Naiilang kong tawag sa kaniya.

Bahala na kung anuman ang isipin niya. Hindi ko talaga masikmurang inumin ito kahit pa may kalamansing free serve. No way!

"Daniel?" Tawag ko ulit sa kaniya. Hindi kasi niya ako nilingon sa unang tawag ko sa kaniya. Sa tsaa lang niya siya nakatingin.

"Woi." Kinalabit ko na siya sa may balikat.

"Nabibingi ka na ba?" Hindi ko naiwasang itanong sa kaniya. Umaakto kasing walang naririnig. Hindi ko alam kung trip ba niya ito o talagang may pagkabingi lang siya.

"I'm not Daniel." Seryoso niyang sabi habang ang tingin pa rin niya ay nanatili sa tsaa.

"Anong hindi ka si Daniel?"

Pinagsasabi ng isang 'to?

"Uy," inabot ko ang braso niya saka niyugyog. Wala parin. Hindi parin siya umiimik.

Sumandal ako sa upuan ko nang hindi na talaga niya ako pinansin. Seryoso ko siyang pinagmasdan habang
ang kamay ko ay nakahawak sa baba ko.

Hmm.. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya?

"Oh my--!" Napatingin siya saakin sa biglaang pagtayo ko.

Tama ba itong nasa isip ko? God!

Natataranta akong tumayo saka lumapit sa kaniya. Salubong ang kilay niyang nakatingin saakin habang namimilog ang mata ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

Alam kong sa palabas lang nangyayari ang nasa isip ko, pero heck!

"Don't tell me, ikaw si Jack?!"

"What the--" Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya saka siya padabog na tumayo.

"Ikaw si Jack, no?" Duro ko sa mismong mukha niya.

Nakaramdam ako nang kaunting takot nang makita ko ang pagdilim ng mukha niya. Hitsura na naman niya, halatang ginalit ko.

Mali ba ako?

Akala ko may sasabihin pa siya subalit napangiwi na lang ako nang talikuran niya ako.

Did I say something really wrong? Ba't pakiramdam ko, wala naman? He just said that he wasn't Daniel. Eh, may mali ba sa naisip ko na posibleng sinapian siya ng kapatid niya?

Shit! I shook my head in a moment when I realized my mistake.

Ang tanga mo, Baby! Tanga, tanga! Of all people, why Jack? You know how much he really hates to hear his brother's name. Pwede naman sina Vincent na lang. God!

I can't stop myself but to cuss my own stupidity.

Nang nagsawa na akong murahin ang sarili ko, mabilis pa sa alas kuwatro ko siyang hinabol. Muntik ko pang makalimutan magbayad sa sobrang pagmamadali ko.

"There he is."

Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Mabuti na lang at 'di pa siya nakakalayo. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan.

"Sino ka ba talaga?"

Napaatras ako nang kaunti nang lingunin niya ako. 'Yon pa rin ang mukha niya, masungit. Mukha na naman siyang mangangain.

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Hinigpitan ko lalo ang kapit ko sa kaniya nang tatabigin na naman niya ito.

"Sorry na kasi." I trampled my feet out of frustration.

"Look, Mikaela." I could feel the irritation in his voice. Damn.

"Is it really hard for you to call me Baby love?"

"Oh my--!" Nabitawan ko ang kamay niya sa pagkabigla ko. "'Yan ba ikinagagalit mo?" Shocked.

Hindi niya ako sinagot. Iniwas niya ang tingin niya saakin saka nakapameywang na tumalikod.

"I'm sorry," hinawakan ko siya sa kamay. "Akala ko kasi sinapian ka na talaga."

"At talagang naisip mo pa yan, ha?!" he faced me with disbelief. "Are you really that stupid?"

"Hoy, grabe ka, ha!" Padabog kong binitawan ang kamay ko. "Lagi mo na lang akong tinatawag na stupid."

"Psh." Inikutan niya ako ng mata saka siya nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy!" Pigil ko ulit sa braso niya. "Apakaattitude mo talagang jowa. Sorry na kasi," pagpapacute ko sa kaniya. "'Di ko talaga sinasadya. Akala ko talaga sinapian ka na ni J--"

"And don't ever mention my brother's name."

"Okay, okay. Sorry na." Itinakip ko ang kamay ko sa bibig bilang pananahimik.

"Psh. Let's go." Inabot niya ang kanang kamay ko saka niya pinagsaklob sa kamay niya.

"Ayaw ko pang umuwi." Nakasimangot kong bulong sa kaniya habang magkahawak-kamay kaming naglalakad malapit sa may elevator.

"We're not going home." Ngisi niya saakin.

Hinila niya ako papasok sa elevator. Napangiti na lang ako nang makita kong sa last floor ang punta namin.

"Sine?" Tanong ko nang makita kong doon nga ang punta namin.

"Well, it's obviously yes."

Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa kasungitan niya. Sinapian nga talaga ang isang 'to. Sinapian na naman ng katarayan.

Ako ang pinapili niya ng panunuorin pagkarating namin. Mas mabuti na
'yon kaysa sa siya ang pumili. Baka action movie pa ang bagsak namin. Puro barilan lang at patayan. Ayaw
ko pa naman sa gano'n.

"I'm the boyfriend here, Mikaela." Pigil niya sa kamay ko nang dadampot na sana ako ng pera sa wallet ko pambayad ng ticket.

I sighed before I took back my wallet to my bag.

"Ba't kanina sa bookstore pati rin sa Tea house, ako pinabayad mo?"

Saglit niya akong binalingan. Inabot na muna niya ang pera sa casher bago binalik ang tingin saakin.

"I paid the book as well as the tea." He said casually

"Really?!"

"Yeah."

Aba, loko ang mga 'yon, ah! Pinabayad pa ako, eh, nabayaran naman pala niya. Masingil nga ang mga 'yon mamaya.

Inakbayan niya ako pagkaabot ng casher ng ticket sa kaniya. Sunod kaming pumunta sa bilhin ng soft drinks at popcorn.

"Here." Inabot niya ang cash niya sa casher.

Napaismid ako nang makita kong nagpapa-cute ang mukhang turon na casher sa kaniya.

Saglit akong nilingon ni Daniel nang ipulupot ko ang braso ko sa braso niya. Hindi ko na inintindi kung anuman ang iisipin niya. Naiinis lang ako.

Ano ka ngayon ate? Taas-kilay kong tiningnan si turon na ngayon ay mukhang naiirita na.

Mas lalong nadagdagan ang inis ko nang ikutan niya ako ng mata. The nerve of this girl!

"Ah, sir?" Nakangiting tawag ni turon kay Daniel. "Kapatid niyo, ho?" Tinuro niya ako habang ang tingin niya ay nanatili kay Daniel.

Bwesit na tinderang 'to! Nilingon ko si Daniel saka ko siya pinandilatan ng mata. At ang mahusay kong boyfriend, nginisian niya lang ako.

Huwag mong sabihin na i-dedeny niya ako sa mukhang turon na haliparot na 'to?!

"She's my girlfriend Miss whoever you are."

Ha! Taas-noo kong binalik ang tingin ko kay turon. Ano ka ulit ate? Mahiya ka sana sa 'whoever you are' ng boyfriend ko.

Sumilay ulit sa labi ko ang ngisi nang tanging irap lang ang nagawa niya nang akbayan ako ni Daniel.

I rolled my eyes before we left her. Bagay lang sa kaniya 'yon. Apaka-attitude na turon.

"Let me pay next time. Napagkakamalan ka tuloy na kapatid ko." May bahid ng panunukso ang boses niya.

"Duh. Ang tanda mo na kasi para maging boyfriend ko."

Psh. Nakukuha mo pang pagtawanan ako, ha? Tingnan na lang natin mamaya.

"Hey. That's foul." He said mockingly.

Foulin mo mukha mo.

Walang katao-tao ang bumungad saamin pagkapasok namin sa sinehan. Hindi naman kasi bagong palabas lang ang pinili ko, eh.

Sa pinakadulo ang napili naming upuan. Napangisi na lang ako nang mamatay ang ilaw, hudyat na magsisimula na ang palabas.

Napili kong panuorin ay Conjuring. Napanuod ko na ito dati, nagkataon lang na isa ito sa choices. Isa pa, plano
ko talagang subukan kung hanggang saan ang pagkalalaki ng oh-so-called kong jowa.

"Ayan na." Kunwaring nanginginig kong boses nang magsimula ang palabas.

"Psh."

Hindi ko nakikita ang expression ng mukha niya, pero may pakiramdam akong nagtatapang-tapangan lang
siya. Syempre, pacool kunwari.

Tutok na tutok lang ako sa projector habang ang tainga ko ay nakapokus sa kaniya. Lihim kong pinagdadasal na sana magtagumpay ako sa pinaplano ko. Kahit para man lang sa self-satisfaction. Ameen.

Nilingon ko siya nang wala na akong marinig sa kaniya ni sigaw man lang.

Hindi ko maiwasan manlumo nang makita kong bored na bored ang
mukha niya habang nanunuod. As in, blangko ang ekspresyon.

The usual Daniel.

Sign na ba 'to na hindi dininig ang panalangin ko? Hays.

Padabog kong nilagay sa lap ko ang malaking popcorn ko. Busangot ko itong inubos lahat. Nilagok ko na rin ang softdrink ko sa inis.

Psh. Mission failed nga talaga.

"Cr lang ako." Bulong ko sa kaniya pagkalabas namin.

"Samahan na kita."

"Huwag na. Dito mo na ako hintayin."

"Fine."

Mabilis ko siyang iniwan sa kinatatayuan niya, malapit sa may entrance. Nagmadali akong
pumasok sa may girl's room.

Wiwing-wiwi na kasi ako. Ubusin ko ba naman ang isang litrong inumin?

Nag-retouch na muna ako pagkatapos. Nang masiguro kong ayos na ang hitsura ko, nagdisesyon na akong lumabas. Baka nainip na kasi ang kasama ko. Iwanan pa ako.

Mabilis ang lakad ko pabalik sa kaniya. Nakatanaw ako kung saan siya nakatayo habang naglalakad ako. Malapit na ako sa kaniya nang bigla akong natumba.

"Anak ng kamalasan nga naman."

May nabangga akong tao. Hindi pa ako sure kung tao nga ito sa lakas ng impact ng pwet ko sa sahig.

Hawak-hawak ko ang pwetan ko nang tumayo ako. Seryosong malakas talaga ang pagkakatumba ko.

"Pasensya na-- ikaw?!" Gulat akong nakaturo sa lalaking kaharap ko ngayon.

"At your service, Miss." He was smirking when he bowed his head.

Bumalik na naman saakin ang takot at kilabut na naramdaman ko noon sa kaniya pagka-angat pa lang ng ulo niya.

Wala sa sarili ko siyang itinulak saka tinalikuran.

Sino ka ba talaga Raven?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top