BLUE-HAIRED THIRTY NINE

SIBLING




I still don't know how I managed to get myself to go to S.P University. Basta ang alam ko lang nasa loob na ako ng Administration office. Lutang na ipinapasa lahat ng papeles ko.

I went straight to the cashier and payed all my expenses here. Gusto ko pa sanang maglibot sa campus kaso parang hindi na magandang ideya iyon. So, I decided to go home as soon as I enrolled. Diretsong natulog hanggang mag-umaga.

Kinabukasan, sakit ng ulo ang sumalubong saakin. Iyon bang unti-unting binibiyak bungo ko sa sobrang sakit. Isama mo pa ang pananakit ng tiyan ko ngayon. Bwesit. Nakaligtaan kong kumain mula kagabi.

Dahil nawala na ako sa mood, minabuti ko na lang na huwag na muna pumasok ngayon. Siguro naman, ayos lang kung m
umabsent ako ngayon. Unang araw pa lang naman, eh, tapos wala pa akong mga gamit sa school. Hays.

Bumaba ako at 'di na pinatagal pa ang sakit. Uminom ako ng paracetamol pagkatapos kong mag-agahan.

Tamad na tamad akong naligo nang bumuti na ang pakiramdamdam ko.

I chose to wear my black ZSIIBO Offshoulder backless. Binili saakin 'to ni Jack no'ng huling shopping namin.

Kung may isa pa akong gusto kay Jack, 'yon ay ang pagiging masabay niya sa lahat. Kung ang ibang lalaki ay ayaw nilang nakikita ang iniingatan nilang babae na nagsususuot ng masisikip na damit, iba siya sa kanila.

Lagi niya akong pinapabayaan sa ginagawa ko, kahit alam kong nasasaktan na siya minsan. Tudo suporta lang siya at hindi ko kailanman nakita ang pagkadismaya niya saakin.

Pathetic right? Yes. I was so pathetic back then.

Ni hindi ko man lang inalala ang pwedeng maramdaman niya. Nakikipaghalikan ako sa kung sinumang lalaking maispatan ko sa bar, tapos ang ending magpapasundo ako sa kaniya habang akay-akay ako ng ibang lalaki.

Saksi siya sa lahat ng kabalastugan ko sa manila. That's why I don't deserved him. Patuloy ko lang siyang sasaktan.

Kaya nga, laking pasasalamat ko na lang sa hindi niya pakikipag-ugnayan saakin magmula no'ng umuwi ako dito. At sana, ituloy-tuloy na niya 'yon.
Hindi lang naman para saakin 'to, eh, para rin ito sa ikakabuti niya.

Patuloy lang siyang masasaktan kung 'di ko pa pinitol ang kung anumang mayro'n kami. He deserves way way better than me. At alam kong darating din ang babaeng 'yon sa buhay niya balang araw.

Nakataas ang noo kong naglalakad patungong school supply. Ganito na talaga ako, parang may sasalihang beauty contest kung maglakad. Nakasanayan ko na rin.

Una akong lumapit sa may lagayan ng mga ballpen. Inaaliw ang sarili sa patingin-tingin. I want the best ballpen for my oh so cute penmanship.

Sunod akong pumunta sa may book session. Dito talaga ako mahihirapan. Hanggang ngayon kasi, wala talaga akong alam sa libro.

"Kung kasama ko lang sana si Aly--"

"Aw!"

Kinabahan ako nang may dumaing sa gilid ko. Siguro lutang pa ako kaya hindi ko napansin na may naapakan na pala akong babae.

"I'm so--Alyzza!"

Gulat na gulat akong napatingin sa nagmamay-ari ng paang naapakan ko. Gano'n di siya saakin.

"Shit. Ikaw nga!" Tili ko nang mamukhaan ko siya. "Akala ko namalik-mata lang ako."

Hindi ko agad siya nakilala sa ayos niya. Tulad ko, mukha na siyang babaeng-babae. Sobrang sikip ng damit at lantad na lantad ang hubog ng kaniyang katawan.

Lalapit na sana ako sa kaniya para yakapin, kaso natigil ako nang may biglang sumulpot na lalaki sa likod niya.

"Ow." It was David. Nahinto siya saglit, pero sa huli ay nginitian niya din ako.

Ang laki na rin ng pinagbago niya. Hindi na siya yung nakasanayan kong David na baby face. Matipunong lalaki ang nasa harap ko ngayon. Wow.

Nilingon niya si Alyzza sabay abot ng hawak niyang libro. Nanatili ang gulat na tingin saakin ni Alyzza habang tinatanggap ang libro.

Kung kanina ay nagulat na ako, ngayon ay sobrang gulat na. Gulat dahil sa pag-akbay ni David kay Alyzza.

This can't be.

Bihasa na ako sa ganitong sitwasyon, kaya alam ko sa mga oras na 'to na may namamagitan sa kanila.

...But how?

"Bumalik ka na pala?"

Tulala akong napatingin kay Alyzza. Naitikom ko ang bibig ko nang makita ko ang nakataas niyang kilay. Magsusuplada 'to. Ramdam ko 'yon.

"Yeah.." Tanging sagot ko.

Hindi ko mahanap ang tamang salita. Nakakasiguro akong alam nila kung ano ang tumatakbo sa utak ko ngayon.

Gustong- gusto ko silang tanungin kung paano sila nahulog sa isa't isa. Kung nasaan si Terry.

God. This so shocking, sa totoo lang. 

"Since when, Ate?" Malalim na boses ni David, dahilan ng pagkawala ng tulala ko.

Even his voice changed. Baby David is now out of nowhere.

"Noong isang buwan pa." Nakangiti kong sagot.

Kinabahan ako nang malingunan ko ulit si Alyzza. Taas na taas ang kilay habang sinusuri ang kabuoan ko. Kung pwede lang tumakbo ngayon, ginawa ko na.

"Alyzza!"

Naalarma ako sa biglang pagtaas ng boses ni David. Huli na nang subukan niyang pigilan si Alyzza. Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Malakas na sampal.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang pamamanhid nito. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa sakit ng sampal niya o magugulat sa pagsampal niya saakin.

"Bitch. I miss you."

Kusang nagsipag-unahan sa pagbaba ang mga luha ko nang yakapin niya ako. Gusto kong magbigkas ng kahit isang salita man lang, ngunit ayaw gumalaw ng bibig ko.

Tanging hikbi lang ang nagagawa ko. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang bigat sa dibdib ko. Bigat dahil sa tuwa at galak.

"Bwesit ka talaga. Hindi ka man lang nagpaalam saakin." Alyzza's sobs between our hugs.

Mas lalo lang akong naiyak sa paghikbi niya. Mukha na kaming tangang nag-iiyakan dito, walang pakialam sa mga taong nakapaligid saamin.

"Sorry." David mouthed.

Nagawa ko siyang ngitian at tanguhan, sa kabila ng posisyon ko. Lumapit siya saamin saka sabay na ginulo ang buhok namin.

"Girls will always be girls." Natatawa niyang iling.

We laughed as we parted our hugs. Nagpahiran ng luha sa isa't isa habang naiiling na rin na tumatawa.

Sumabay na ako sa kanila pagkatapos. Tinulungan na rin ako ni Alyzza na mamili ng libro. Nasabi kasi niya saakin na parehas lang pala kami ng course, Education.

Natuwa pa ako dahil akala ko magiging magkaklase ulit kami, kaso sa ibang school na pala siya. Sila ni David.

"Grabe. Ang sexy-sexy mo na ngayon." Hindi pa rin makapaniwalang tingin saakin ni Alyzza.

Nakaupo kami ngayon sa loob ng restaurant, na napag-alaman kong kina David pala.

Magkatabi silang nakaupo habang kaharap nila ako. Abala si David sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Alyzza habang ang kaibigan ko naman ay tuwang-tuwang nakatingin saakin.

"Ikaw nga, eh. Muntik na kitang hindi makilala sa suot mo." Balik kong papuri sa kaniya.

"Well." Kibit-balikat niya.

Masaya kaming nagkwentuhang tatlo. Kinuwento ko lahat ng naging buhay ko sa manila habang ganoon din ang ginawa nilang dalawa.

Maliban lang ang tungkol sa kanila. Naiintindihan ko naman. Siguro, hindi pa sila handang pag-usapan ang tungkol do'n. Malalaman ko rin naman 'yon, sa tamang oras at panahon.

"Kamusta na kayo ni Jack?"

Saglit akong natigil sa tanong ni Alyzza. Inaasahan ko naman talaga ito kaso mahirap lang talaga sagutin. Pinangungunahan ako ng konsensya kada nababanggit ang pangalang Jack.

"Sorry."

"No, no," mabilis kong saway kay Alyzza. "Ayos lang naman saakin." Sunod kong ngiti sa kaniya. 

Tumikhim muna ako bago ko sila parehong nginitian. Nakatutok na rin ang mata saakin ni David, gano'n rin si Alyzza.

"Si Daniel parin kasi, eh."

"Ow." Bigkas nilang pareho.

"Single pa rin hanggang ngayon si King."

"Alyzza!" Biglang saway ni David sa kaniya. "I told you to stop calling him King."

Nalipat ang buong atensyon namin ni Alyzza sa pagtaas ng boses ni David. Akala ko makakasaksi na ako ng bangayan, ngunit natawa na lang kami pareho ni Alyzza nang 'di nagtagal ay napaamo niya si David.

What a lovers.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa parking lot matapos namin bilhin lahat ng kailangan namin. Inanyayahan pa nila akong dalawa na ihatid ako, kaso tumanggi na ako.

Nagpalitan ng number saka umuwi na.

Kinabukasan, masigla akong bumangon saka dumiretso na sa banyo. Sinadya kong agahan ang gising dahil may pasok pa ako.

Ginanahan kasi ako pagkatapos ng naging bonding namin kahapon.

Suot ang aking napakasikip na damit kung saan kita ang pusod ko, taas noo akong bumaba ng kotse.

Dire-diretso lang ako habang pagewang-gewang ang balakang kong naglalakad palabas ng parking lot. 

Pataray kong iniikutan ng mata ang mga nadadaanan kong estudyante, lalo na ang mga kalalakihan na kung makasipol ay wagas. Hindi na nirespeto ang magandang dilag na tulad ko. Psh.

Sorry not sorry, but I so love being attention seeker.

"Sorry po, Miss, pero bawal pong pumasok ang may ganiyang suot."

What the--. All my over confidence faded in just a snap as soon as Manong guard blocked me.

Narinig ko pa ang pagsinghap ng ibang estudyante. Yung iba natatawang nakatingin saakin.

"Pardon?"

"Hindi po talaga pweding pumasok ang--"

"Stop," maarte kong itinaas ang palad ko. "Titingnan ko lang."

Inikutan ko siya ng mata saka dinampot ang phone ko sa bag. Kapag talaga wala 'to sa rules, naku!

"Anak ng." Mahina kong mura nang makita ko nga sa patakaran ng unibersidad.

"Diba po?" Sarkastikong tingin saakin ni Manong guard. "Tumagilid ka po, Miss. Nahaharangan niyo po ang ibang estudyante." Pambubugaw niya saakin, gamit ang hawak niyang baton.

Kung sa ibang pagkakataon, baka nasupladahan ko na siya, kaso..Hays.

Kagat ang labi ko, unti-unti akong umatras saka tumayo sa may gilid ng guard house.

Nakasimangot akong nakatingin sa mga estudyanteng malayang pinapapasok. Parang gusto ko ng maglaho at magpakain na lang sa lupa kada natatawa nila akong sinusulyapan.

Grabe pa naman ang kayabangan ko kanina. Shit. Ba't ko ba kasi nakalimutan na hindi na ako sa manila nag-aaral? Malamang sa malamang, bawal dito ang mga damit ko. Psh.

Pumikit ako nang hindi ko na nakayanan ang kahihiyan. This is so embarrassing! I need to find ways. I really need to.

Mabilis kong naidilat ang mata ko nang may pumasok na ideya sa utak ko. Ideya na pwedeng magpahamak sa maganda kong buhay. Shit.

"Okay, self. Bago ang lahat, huminga ka nang malalim." Bulong ko sa sarili.

Sobrang delikado ang naisip kong 'to at hindi rin ako sigurado kung makukumbinsi ko si Manong guard. Bahala na.

I took out my red lipstick from my bag, then carefully pasted it on my lips. Naramdaman ko ang unti-unting pagbalik ng kompiyansa ko sa sarili.

Sinuklay ko muna ang hanggang balakang kong buhok, gamit ang daliri ko saka ako huminga ng napakalalim.

Napatingin saakin si Manong guard nang pumwesto ako sa harap niya. nahaharangan ang mga nagbabalak na pumasok na estudyante.

"Ano na naman, Miss?"

Nginisian ko siya nang makita ko ang inip niyang reaksyon.

"Hindi mo ba ako kilala?" Pataray kong turo sa sarili ko.

"Hindi, kaya umalis ka na't magpalit."

Aba!

"Well, let me introduce myself, sir," pakunwari kong galit.

"Ako lang naman ang nag-iisang girlfriend ni Daniel Ferez. Ang Daniel Ferez na anak ng may-ari ng unibersidad na ito."

There. Saglit siyang nagulat, pero agad din siyang napayuko nang mapagtanto ang ibig kong sabihin.

Nakita ko rin ang paglingon saakin ng ibang estudyante sa loob. Yung iba, parang 'di naniniwala saakin. Yung iba naman lantarang nagbubulungan.

Oh, great.

"Pasok na po."

Muntik na akong mapahalakhak nang marinig ko ang boses ni Manong guard. Parang kanina lang halos sigawan na ako tapos ngayon, sobrang amo na ng boses.

Gano'n na siguro sila katakot kay Daniel.

"Bye." Maarte kong paalam.

Kinikindatan ko pa ang ibang estudyante habang papasok ako sa gate. Abot-tengang ngiti ang binibigay ko sa kanila. Ginagawa ko 'to para kahit paano, may maging kaibigan man lang ako dito.

"Stay still."

Natigil ako sa paglalakad nang may nagsalita sa likod ko.

"Daniel." Kinakabahan kong lingon sa kaniya.

Napaatras ako nang makita ko ang ayos niya. Nakangisi siyang nakatangin saakin habang may suot na specs.

And his hair... Balik asul na ulit.

"Labas ka."

Napahawak ako sa dibdib ko nang mahuli kong doon siya nakatingin. Bwesit.

"Narinig mo ba ako, Mikaela?" Nakangisi niyang tanong saakin habang nanatili ang tingin niya sa dibdib ko.

"I said, get out!"

"Anak ng--!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya.

Lalapitan ko na sana siya, kaso natigil ako nang may humawak sa braso ko.

"Hi, Baby."

At anong ginagawa ng Hunter dito? Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay pinandidilatan niya ako ng mata.

"Sabi mo tulungan kita?" Bulong niya saakin habang ang tingin niya ay diretso lang kay Daniel.

Muntik ko nang matadyakan ang bwesit nang higitin niya ako palapit sa kaniya saka inakbayan.

"Sabay ka na lang, ha?" Muli niyang bulong saakin.

Bwesit ka talagang babaero ka!

"Bro," nakangiti niyang tinanguhan si Daniel. "Baby ko nga pala." Saka niya ako pilit na pinaharap.

"We're not siblings so stop calling me bro." Said Daniel before he turned his way and left us.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top