BLUE-HAIRED THIRTY FOUR
BESTFRIEND
Lahat sila gulat na napatingin saakin pagkabanggit ko sa pangalang Raven.
"What's with that reaction?" Baling ko sa kanilang lahat. "Kilala niyo siya?"
Walang sumagot saakin. Lahat sila yumuko na tila wala silang balak na sagutin ako.
"Alyzza?" Lipat ko ng tingin sa katabi ko.
Tanging iling lang din ang ginawa niya. Nagtataka ko silang tiningnan isa-isa. Are they hiding something?
Naalarma ako nang agawin saakin ni Daniel ang letter. Nilukot niya ito saka tinapon sa gilid.
"How do you know him?" Diretsahang tanong niya saakin.
Kung kanina ay sobrang seryoso siya, ngayon ay medyo kumalma na ang hitsura niya.
"'Yon na sana ang itatanong ko sa 'yo kanina. Kilala mo ba siya?"
"No," mabilis niyang sagot. "Stay away from him. Don't let him get close to you, understand?"
"Hindi ko naman iyon hahayaan pero--"
"No more buts, Mikaela. That's my command as your boyfriend. Respect it." Ma-awtoridad niyang bigkas.
Wala akong nagawa kung hindi itikom na lang ang bibig ko at hindi na babalakin pang magsalita. Kagat-labi ko siyang tinanguhan.
"Good. Let's take a rest."
Tinapon niya sa gilid ang hawak pa niyang rosas kanina, saka niya ako hinawakan sa kamay.
Tinapunan ko ng tingin ang mga kasamahan namin bago ako nagpahila kay Daniel. 'Di pa tayo tapos mga traydor!
"Sa hideout punta natin?" Tanong ko habang tinatahak namin ang daan papuntang rooftop.
"Yes." Tipid niyang sagot.
"Anong gagawin natin do'n?" Ginalaw ko ang hawak pa niyang kamay ko para lingunin niya ako. "Gusto ko pang manuod ng sayaw." Dugtong ko nang hindi niya ako nilingon.
"The dance cover is done."
"Eh, gusto ko pa kasi do'n." Pagmamaktol ko.
Napaatras ako nang kaunti nang bigla niya akong lingunin. Napakapit ako sa gilid. Kasalukuyan kaming nasa hagdan papuntang rooftop.
"I want to rest, Mikaela. If you don't want to come with me, then go back there. As if I really care."
He held out my hand and left me alone.
Natutop ako sa kinatatayuan ko pagkaalis niya, hindi makapaniwala sa inasta niya. Did he just leave me alone?
Gusto ko siyang habulin ngunit ayaw makisama ng mga paa ko. Para bang ang bigat-bigat nito na tila hindi maigalaw.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang biglaang pagkirot nito. Ang bigat na rin ng pakiramdam ko. Para bang ang sakit-sakit na. Ang hirap huminga.
"Cheer up, Baby. Parang 'di ka na nasanay sa isang 'yon." Bulong ko sa sarili ko habang lumulundag-lundag.
Napaupo ako sa hagdan nang mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko. Yumuko ako saka ako nakipagtitigan sa kamay ko.
"Huwag kang iiyak, Baby. Huwag na huwag." Dilat na dilat ang mata ko habang nakatingin pa rin sa kamay ko.
Para na akong sira-ulo sa ginagawa ko.
"Sabing huwag kang iiyak, eh." Mabilis kong pinahid ang mata ko nang hindi ko na napigilan maluha.
"I hate you, Daniel. I fucking hate you!"
Sinubsob ko ang mukha ko sa kamay ko. Hindi ko na kayang pigilan pa. Mas lalo lang akong naiiyak kapag pinipigilan ko.
Napapahagulgol na ako sa iyak kada sumasagi sa utak ko ang mukha niya kanina. Para bang wala lang sa kaniya ang mga binitawan niyang salita saakin. Wala na siyang pakialam saakin.
"I really hate you."
Basang-basa na ang kamay ko sa sobrang dami ng luhang pinakawalan ko. Ito na ata ang pinakamatinding iyak ko sa buong buhay ko.
Inangat ko ang ulo ko nang makaramdam ako ng pangangayat. Ilang sandali pa ay muli akong napahawak sa dibdib ko nang kumirot na naman ito.
"Bakit lagi mo na lang ako pinapaiyak?"
Hindi ko maiwasang maawa sa lagay ko ngayon. Mukha na akong babaeng inabandona ng kasintahan niya, kahit ang totoo naman niyan ay simpleng pag-iwan lang talaga ang ginawa niya.
"Required ba talaga na maiyak ako sa simpleng bagay lang?" Tanong ko sa sarili ko habang 'di matigil-tigil ang paghikbi ko.
Binuksan ko ang bag ko para maghanap sana ng tissue. Mas lalo lang ako naiyak nang wala akong nahanap.
"Uuwi na lang ako."
Nagpakawala ako nang matinding buntong-hininga saka ko pinakalma ang sarili ko. Lumundag ako ng isang beses at pilit ipatigil ang mga dumadaloy na luha sa pisngi ko.
Nang medyo bumuti na ang pakiramdam ko ay humakbang ako ng isang beses pababa, subalit agad rin ako napatigil nang makita kong may lalaking nakaharang sa hagdan.
Lalaking naka-itim na hoody.
I was almost out of balance when I saw his face. Mabuti na lang at napakapit agad ako sa may gilid.
"Raven." Tanging nabigkas ko lamang.
"Here. You look mess."
Namimilog ang mata kong nakatingin sa nakalahad niyang panyo saakin. Tumayo ako nang tuwid saka ko ito hinablot sa kaniya.
"You're welcome, Miss." Nakangisi niyang sabi.
Nakakaramdam man ako nang matinding kaba, nagawa ko pa rin pahiran ng bigay niyang panyo ang mukha ko.
"Salamat." Inilahad ko sa kaniya ang panyo niya pagkatapos kong gamitin.
"Oh, please," he looked at me with disbelief. "May lakas na loob ka pa talagang ibalik saakin yan, ha?"
Napalunok ako sa kahihiyan. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya saka ko nilagay sa bag ko ang panyo.
"Sa susunod ko na lang ibabalik."
Yumuko ako saka humakbang pababa. Uuwi na talaga ako. Ayaw ko na dito.
Napatigil ulit ako nang salubungin niya ako. Wala akong nagawa kundi iangat ang ulo ko.
"Padaan." Diretso lang ang tingin ko sa gilid. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata.
"What if I don't?"
Hindi man ako nakatingin sa mukha niya, dinig ko pa rin ang panunukso sa boses niya.
"Please lang. Uuwi na ako."
Napapikit na ako. Hindi ko na talaga kayang tagalan ang pinaparamdam niya saakin.
"What if I really don't?"
This time, napatingin na ako sa kanya. Nakasilay ang ngisi sa kaniyang labi. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalapit ang katawan namin sa isa't isa.
"I won't let you, Miss unless.." napakunot ang noo ko nang taasan niya ako ng kilay. "..You'll come with me."
Hindi agad ako nakapagsalita. Sandali akong natutop sa kinatatayuan. Sobrang pamilyar talaga ng mga galaw niya.
Nabalik ako sa ulirat nang may naalala ako.
"Sasama ako kung sasabihin mo saakin ang connection mo kay Daniel." There. Ito ang dapat ko na sana naitanong sa kaniya.
Yung ngisi niya, yung pilyo niyang boses, yung halos lahat ng galawan niya at higit sa lahat, yung pinaparamdam niya saakin. Parang katulad ng kay Daniel.
"Miss." Napaigtad ako nang hawakan niya ako sa batok saka ako hinila palapit sa mukha niya.
"Anong ginagawa mo?" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya.
"Hoy!" Bulyaw ko nang lalo pa niyang nilapit ang mukha niya saakin.
Tinikom ko ang bibig ko. Pigil na pigil ako sa paghinga, saka ko marahas na pinikit ang mata ko nang sobrang lapit na ng mukha niya saakin. Kunting galaw lang, mahahalikan na niya ako.
"Sasagutin kita kung sasama ka saakin." Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa tainga ko.
Ho! Nagpakawala ako nang malakas na buntong hininga nang bitawan niya ako.
Akala ko hahalikan na ako. Gano'n din kasi ang gawain ni Daniel. Thanks god.
Humakbang ako patalikod para idistansya ang katawan ko sa kaniya.
"Ano?" Taas-kilay niyang tingin saakin.
"Fine." Tipid kong sagot.
"Good girl." Nginisian niya ako bago ako talikuran.
Sa kagustuhan kong malaman ang sagot niya, sumunod ako sa kaniya, kahit walang kasiguraduhan ang kapakanan ko.
Nasa likod lang niya ako habang tinatahak namin ang daan. Natigil ako sa pagsunod sa kaniya nang makita kong sa likod ng building namin ang punta namin.
"Ano?" Lingon niya saakin nang mapansin ang pagtigil ko.
"Ba't d'yan tayo dadaan?"
"Gusto mo bang malaman ang sagot ko o hindi?"
Nagdalawang isip pa ako nang maalala ko ang sinabi ni Daniel. Sabi, huwag na hayaang makalapit pa saakin ang lalaking 'to, ngunit sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasakay na sa kotse ng Raven na 'to.
Mukha man siyang 'di mapagkakatiwalaan, may pakiramdam pa rin akong walang mangyayari saakin.
Bahala na kung malaman 'to ni Daniel. Sana nga malaman na lang niya, eh. Ang sakit-sakit niyang magsalita. Psh.
Inayos ko ang seatbelt ko, pagkatapos ay isinandal ang likod ko sa upuan.
Tahimik lang akong nakaupo sa shotgun seat habang ang kasama ko ay seryosong nagmamaneho.
Tumigil kami sa may park, malapit lang sa school.
"Nandito na tayo." Nginitian niya ako bago siya naunang lumabas.
Kinalas ko na rin ang seatbelt ko saka siya sinundan. Napangiwi na lang ako nang salubungin ako ng sinag ng araw.
Alas dose na pala kaya tirik na tirik ang araw.
Sumunod na rin ako sa kaniya nang naupo siya sa isa sa mga bench dito. Naupo ako sa tabi niya, tama lang ang agwat namin.
"Anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko.
Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot. Hindi ko alam pero biglang nawala ang kabang nararamdaman ko nang makita ko ang ayos niya.
Sobrang seryoso ng mukha niya. Yung seryoso na hindi nakakatakot kung tititigan. Yung seryosong mukhang problemado.
"Tingnan mo sila."
Mabilis akong napatingin sa tinuturo ng daliri niya.
"Anong meron sa mga bata?" Kunot-noo kong binalik ang tingin ko sa kaniya.
Gano'n pa rin ang ayos niya. Seryosong nakatingin sa mga bata.
"Nakakainggit sila. Mapapa-sana all ka na lang, eh."
"Huh?" Anong pinagsasabi ng isang 'to?
"Psh," inip niya akong sinulyapan "Ang slow mo." irap niya saakin bago niya ibinalik ang tingin sa harap.
"Yes na lang," irap ko din sa kaniya. "Sabihin mo na saakin ang ugnayan niyo ni Daniel. Gusto ko nang umuwi."
"Lunch muna tayo?" He asked, ignoring my statement.
"Aba't--!"
Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang pagkulo nito. Lunch time nga pala.
"Gutom ka na?"
Sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang sinseridad sa mukha niya. Nginitian ko siya saka ako tumango.
"Psh," he shook his head before he stood up. Tumayo na rin ako.
"'Di ka man lang pinakain ng boyfriend mo. Aww--!" Napadaing siya nang kurutin ko siya sa may braso.
"Huwag nga natin siyang pag-usapan." Saway ko. Humiwalay ako sa kaniya saka ko siya inikutan ng mata.
"Iba ka rin, no? Kaya ka nga sumama saakin para sa kaniya tapos ayaw mong pagusapan natin siya?" Natatawa siyang umiiling.
"Pakainin mo na nga lang ako. Gusto ko sa mamahalin."
"Asa ka. 'Di kita jowa para dalhin do'n."
"Aba't!" Kukurutin ko na sana siya ulit pero mabilis siyang nakaiwas.
"Kuripot!" Sigaw ko sa kaniya. Tumakbo na kasi ang loko.
Busangot ang mukha kong nakatingin sa kaniya. Magkaharap kaming nakaupo. Dito niya ako dinala sa isang kwek-kwekan.
"Here's your order, Ma'am and Sir." Ngiti saamin no'ng babae pagkalapag niya ng inorder ni Raven.
Hindi sa maarte ako pero ayaw ko talaga sa isaw. Ni hindi nga ako masyadong kumakain ng manok kahit ano pang klase ang pagkakaluto no'n.
"Masarap 'yan, promise. Nakakabusog." Ngiti niya saakin saka niya nilantakan ang pagkain.
"Kung hindi lang talaga ako gutom."
Kumuha ako ng dalawang disposable gloves. Isa sa kanang kamay ko at isa sa kabila naman. Huminga muna ako nang malalim bago ako sumubo ng rice.
"Masamang sinisimangutan ang pagkain."
Lumunok muna ako bago ko siya balingan. "Siguro naman mayaman ka, pero ba't dito mo kasi ako dinala?"
"Sabi ko nga diba? Hindi kita jowa."
"Porque 'di mo 'ko jowa, dito mo ako dinala? Atsaka lunukin mo nga muna 'yan. Nakakadiri ka," turo ko sa bibig niya. Nagsasalita kasi habang may isaw pa sa bibig.
"Walang kapoise-poise." Irap ko sa kaniya.
"Ang arte mo naman. 'Di ka naman maganda."
"Aba't!" Muntik ko nang ibato sa kaniya ang ulam ko. Walang hiya talaga.
Padabog kong nilamon ang natitira kong isaw. Masisiraan lang ako ng bait kung makikipagusap lang ako sa lalaking 'to.
Mabilis namin naubos ang pagkain. Siguro, dahil na rin sa gutom. I was drinking my water when he suddenly burped. Muntik na akong masamid.
"Raven!" Saway ko sa kaniya. "Magtino ka nga."
Tiningnan niya lang ako na parang nasisiraan na ako ng bait sa pagsaway ko sa kaniya. God!
"Ang arte-arte mo talaga. Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa 'yo ni Daniel."
"Hindi ako maarte. Ang sagwa mo lang kumilos." Depensa ko.
Now, I wonder if he still has a connection with Daniel. Akala ko napakaseryoso nitong tao, eh. Akala ko lang pala.
"Sabihin mo na saakin ang sagot mo. Uwing-uwi na talaga ako." Naiinis kong sambit sa kaniya.
"Okay, okay. Kalma ka nga. Nangunguna tayo. Napakainit ng ulo mo, Miss."
"Isa na lang talaga, matatadyakan na kita." Pointing the stick of isaw to him.
"Okay, seryoso na." Umayos siya ng upo saka ako tiningnan diretso sa mata.
Maingat kong binalik sa plato ang stick at sinuklian ko rin ng seryosong tingin ang kaniya.
Ito. Ito ang Raven na inaakala ko. Ang seryoso at may nakakatakot na tingin. Walang halong biro.
"He's my bestfriend, Miss. My only bestfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top