BLUE-HAIRED SIX


LOVE LETTER

Nagsitayuan ang mga classmate ko sabay nag-unahan sa paglabas nang marinig nila ang matinding sigaw saakin ni Daniel. Tanging ang apat lang niyang kasama at si Alyzza ang nanatili.

"Selos? Anong selos ang pinagsasabi mo?" 

"Do I have to explain the word JEALOUS to you, Mikaela?" Nanunuya niyang tanong.

"Stop with your sarcastic question and don't call me by my second name, you crackhead!"

"What did you call me?!" Mahina pero may bahid ng iretasyon ang kaniyang boses.

Nakaramdam ako ng kaba nang sunod siyang suminghap.

"What again, Mikaela?" He stepped forward while sharp gaze is on his eyes.

"Cra..crackhead." I said with hesitation.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ng mga kasama niya sa kaniyang gilid, kasunod si Alyzza na tumabi din saakin.

"This is enough, Daniel. Binabastos mo na kami!" Matapang na sigaw ni Alyzza.

"You're out of this, Alyzza." Saglit na sinulyapan ni Daniel ang katabi ko, bago niya ibalik ang tingin saakin.

"I'll report you all to the principal office!" Isa-isang tinuro ni Alyzza ang apat na lalaki. "Lalo ka na!" Huling turo niya kay Daniel.

She turned to me and took my hand. "Let's go."

I was about to agree, but Daniel stopped us.

"She's not coming with you, Alyzza." Matalim niyang tingin sa kasama ko.

"As if magpapapigil kami sa 'yo. Bitawan mo nga sya!" Pagmamatigas ni Alyzza habang sinusubukan niyang alisin ang kamay ni Daniel sa braso ko.

Tumulong na rin ako sa pagtanggal ng kamay ni Daniel nang makita kong hirap na hirap si Alyzza, kaso masyado malakas ang kalaban. Ayaw matanggal, ugh!

Nabitawan ako ni Alyzza nang sapilitan akong higitin ni Daniel. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang kaibigan ko, basta na lang niya ako hinila palabas. Damn this boy!

"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paghila.

Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga nadadaanan naming mga estudyante. Hila lang siya nang hila. Napapangiwi ako sa higpit ng hawak niya saakin.

"Bitaw nga sabi eh! Sisigaw ako 'pag 'di mo ako binitawan!" Banta ko.

"Then scream." Nakangisi niya akong nilingon.

"You stupid blue hair! Saan mo ba ako dadalhin?!"

Pinagsusuntok ko na siya sa likod gamit ang isa kong kamay pero parang wala lang ito sa kaniya.

Ugh!

"Bagalan mo naman ang paglakad. Sumasakit na paa ko, oh. Hindi na ako magpupumiglas." I pleaded.

Kanina pa kasi niya ako hinihila. Hindi ko alam kung saan ang punta namin at kanina pa namin inaakyat ang hindi matapos-tapos na hagdan.

Huminto siya saka niya ako nilingon. Sunod na bumaba ang tingin niya sa kawawa kong mga paa.

"Fine." Tipid niyang sabi saka pinagpatuloy ang paghila saakin.

This time, naging maayos na ang paglalakad namin, hawak hawak pa rin ang kamay ko.

Gusto ko man kumawala kaso mukhang wala talaga siyang balak na bitawan ako.

Mas dumami pa ang nadadaanan naming estudyante nang nasa third floor na kami, Curiosity all over their faces.

Napasinghap ako nang makitang papaakyat na naman kami sa fourth floor. Ramdam na ramdam ko na ang pagod at pawis sa katawan ko, samantala itong kasama ko walang pinagbago ang pustura.

"Can we rest for a bit? Sumasakit na talaga paa ko." Walang lakas kong sabi.

"Endure it. We're about to come."

I was about to punch his back again, but he immediately threatened me using his eyes, so my plan failed.

"Stop what you are planning, Mikaela." Then he dragged me again.

Bwesit ka talagang lalaki ka! Walang puso!

Nakahinga lang ako nang malalim nang tumigil kami sa may rooftop ng school. May bahay-bahayan dito at sa tapat nito kami tumigil.

Hawak pa rin ang mga kamay ko, may dinukot siyang susi sa bulsa niya, gamit ang isa pa niyang kamay.

'Di ako nakapunta sa lugar na ito.  Hanggang fourth floor lang ako nadala ni Far. Is this some kind of hideout?

"Anong ginagawa natin dito?"

Hindi niya ako sinagot, bagkus sapilitan niya akong pinapasok. Bastos talaga!

"I need to rest here."

"Eh, bakit kasama pa ako?"

"Because I really need to rest." Tamad niya akong tiningnan saka hinila papunta sa mahabang sofa.

Napatitig ako sa kaniya nang umupo siya at isinandal ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak parin sa kamay ko.

Iniling ko ang ulo ko saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Rest? Pambihira naman, oh. Magrerest ka na nga lang, nandamay  ka pa! At asan ang cellphone ko, ha?"

Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri bago niya ako tiningnan.

"You're right. I should not have dragged you here."

"At sino bang nagsabi na dalhin mo ako dito?" Hinigit ko ang kamay ko sa kaniya. "Aalis na ako!"

Tinalikuran ko siya sabay martsa sa pintuan. Napabalik ako nang may nakalimutan akong kunin.

"Asan yung sinira mong phone ko?"

"I threw it in the trashcan."

"Ano?!"

"I said, I threw it in the trashcan."

"Bwesit ka talagang sira-ulo ka!"

Hindi na ako nakapagpigil at lumapit ako sa kaniya saka ko sinabunotan ang kulay asul niyang  buhok.

Wala na akong pakialam kung anong gagawin niya saakin pagkatapos nito.

"Bwesit na bwesit talaga ako sayong hype ka!" Panggigigil ko.

"Stop it!"

Sinubukan niyang huliin ang kamay ko, ngunit mabilis kong naiiwas ito. Tuluyan na siyang napayuko nang lalo ko pang diniinan ang pagsabunot.

"Hype na hype ka talaga!" Sige lang ako sa pagsabunot. Wala na akong pakialam kahit makalbuhan pa siya.

"Mikaela!" Buong lakas niyang inalis ang kamay ko.

Habul-habol ang hininga kong nakatingin sa kaniya. Bwesit!

"What was that for?" Kunot-noo niyang inaayos ang nagulo niyang buhok.

"For ruining my day, sabotaging my phone and for stealing my first kiss," for giving me a strange feeling when you're around too.

"Madami! I have so many reasons to do that. I should have done this before. Nagpipigil lang ako." Nanggagalaiti kong sigaw sa kaniya.

Huminga siya nang malalim saka siya sumandal sa sofa. Pinikit niya ang mga mata na para bang pigil na pigil sa pwede niyang gawin saakin.

"You're stressing me out." He gulped.

"You're stressing me out more, Daniel. Hindi ko alam bakit mo ginagawa 'to lahat!"

"Will you stop shouting?" He stood up without looking at me.

"I'll leave you here and get some sleep. Don't ever try to run away. I locked the door." He then went into the room I saw earlier.

Mabilis akong tumayo nang masigurado kong wala na siya. Hindi na ako nagsayang ng oras at naglakad ako patungong pintuan.

"Bwesit! Naka-lock nga!" Nagpapadyak na ako sa inis sa harap ng pintuan. Naka-lock nga talaga.

Dismayado akong napabalik sa sofa. Walang magawa kundi isumpa ang kwartong pinasukan niya.

"May araw ka rin!"

Dahil na rin sa puyat at sa kaalamang wala ng pag-asa na makalabas, nahiga na lang ako sa sofa at tuluyan nang nakatulog.

Nagising ako nang may narinig akong maingay galing sa mini-kitchen.

Nilibot ko ang paningin ko at ngayon lang napagtanto ang disenyo ng loob.

Lalaking-lalaki ang datingan. Halos puro itim at puti lahat ng kagamitan. Mabango rin ang paligid. Wow.

Kinusot ko ang mata ko saka lumapit sa mini-kitchen. Nakasuot ng apron si Daniel at napansin ko rin ang pagpalit niya ng isang black V neck T-shirt.

He really looks so serious while cooking. Akala mo talaga kaaway ang nakasalang kawali.

Since, ayaw kong masira ang pagluluto niya na halata namang para saamin, ise-set aside ko na muna ang inis ko sa kaniya.

"What are you cooking?" I asked as I sat in the armless chair next to the sink.

"Aglio E Olio." He looked at me for a moment.

Ow. Pasta. Not my favorite pero ayos na.

"Hahatian mo naman siguro ako d'yan, diba?"

"I brought you here so you're my responsibility for now."

Hm..Mabuti na yung sigurado, no. Baka kasi nag-aassume lang ako tapos plano niya palang gutumin ako. Kung nakaya nga niyang basagin ang cellphone ko, eh.

"Okay. Thank you." Nakangiti kong pasalamat sa kaniya.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid para makakita ng orasan. Saktong alas unse na ng hapon. So, mahigit isang  oras na pala akong nakatulog.

"Daniel, may number ka ba ni Alyzza?" I asked as I remembered my bag. 'Di ko pala nadala nang kaladkarin niya ako rito.

In-off niya ang gas stove saka siya kumuha ng mga plato.

"Why?" Saglit niyang lingon saakin.

Dire-diretso lang ang lakad niya papuntang dining table na nasa likod ko lang, dala ang mga plato.

Kung ibang tao 'to, tutulungan ko pero dahil siya si Daniel, never mind.

"Naiwan kasi ang bag ko. Ipapakuha ko sana."

Bumalik siya sa pinagkuhanan niya ng plato para kumuha ulit ng ibang kakailanganin.

"I called David to bring it here since they're coming here with Alyzza," nilingon niya ako nang tapos na niyang ilapag lahat. "Anything else?"

Umiling ako.

"Good."

Mabuti naman kung kasama si Alyzza. Mukhang dito rin ata kakain ang mga kasama niya base sa dami ng mga plato na nilagay niya.

Napalingon kaming pareho sa bumukas na pintuan. Iniluwa nito ang kasamahan niyang apat na may dalang mga pagkain, kasama nila ang kaibigan ko.

"I wouldn't come here if Baby isn't here!" Hasik ni Alyzza pagkapasok pa lang niya. Kitang-kita sa mukha niya ang iritasyon.

Dumiretso siya saakin at inabot ang bag ko. Napapailing na lang ang apat na lalaki sa katarayan nito.

"Kumain na tayo. Gutom na ako."  Si foreigner.

Nilagay nila isa-isa ang mga pagkain sa lamesa nang magsiupuan na ang lahat. Halatang in-order pa sa labas lahat ng dala.

Magkatabi kami ni Alyzza habang sa gilid naman niya ay si Terry. Sa gilid ko naman ay si Daniel tapos kaharap namin yung foreigner at yung dalawa pa nilang kasama. Base sa mga mukha nila, parang mababait naman.

"'Di ka naman sinaktan ni Daniel, diba?" Bulong saakin ni Alyzza.

Nilingon ko siya para sana sagutin, subalit agad akong napatingin sa katabi niyang si Terry na pasimpleng nilalagyan ng chicken wings ang kaniyang plato. Nilingon din siya ni Alyzza, sunod na bumaba ang kaniyang tingin sa kaniyang plato na ngayon ay nilalagyan pa rin ni Terry ng ibang pagkain.

'Di siya umimik nang ibalik niya ang tingin saakin. Umiling ako at nginitian siya bilang sagot sa tanong niya.

Naging mabuti naman ang naging tanghalian namin. Medyo naparami rin kami ng kain.

"I didn't know that Daniel is really good at cooking." Papuri ni Alyzza.

"'Yan lang naman ang kaya niyang lutuin, eh." Sabi ni foreigner na napag-alaman kong siya pala ang David nang may itanong ang pinakamatangkad sa kanila, si Vincent.

"Bad 'yan, David. Baka magalit si halimaw." Yung mukhang mabait at masayin sa kanila, si Isze.

"Tama na nga 'yan, 'pag 'yan nainis." Suway ni Terry na halata namang nakiki-trip na rin.

Nakikitawa na rin si Alyzza sa panunukso nila kay Daniel habang nanatili akong tahimik na umiinom ng tubig. Natatawa rin ako pero ewan ko ba't ayaw kong makisama sa kanila.

"Is Vincent really your leader? Then why everyone seems so afraid to Daniel?" Ani Alyzza.

Tiningnan ko ang tatlong lalaking nasa harap ko na tawa parin nang tawa. Nagtagal ang tingin ko kay Vincent. 

So may pa-leader silang pakulo, huh? at hindi si Daniel 'yon? Okay.

"Grabe ka naman, ate," natatawang sambit ni David. "Parang wala dito si kuya Daniel." Turo niya kay Daniel.

Sa kanilang lima, siya ang napansin kong malambing. Well, except ngayon na nakikisama sa pangt-trip sa kasama nila.

"Mababait kasi kami Alyzza kaya gano'n." Si Isze.

"We know how to respect OLD MAN too." Dagdag pa ni Vincent, emphasizing the "old man".

Naging maingay na ang buong room nang sabay-sabay silang humalakhak. Hindi ko na rin napigilang matawa lalo na nang mangibabaw ang tunog Dolphin na tawa ni David.

Nahinto kami nang padabog na tumayo si Daniel. Lahat ay tumahimik nang isa-isa niya kaming binigyan nang matalim na tingin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang itigil niya ang mata niya saakin.

"Fix yourself. You still have class later." Madiin niyang bigkas bago tumalikod at padabog na isinarado ang pintuan.

"Pagpasensyahan niyo na siya mga ate, ha? Tumatanda na kasi eh." Pagbasag ni David ng katahimikan.

Nagpatuloy ang tawanan dahil sa sinabi niya. Kinuha ko na rin 'yon bilang pagkakataon na makalabas.

Dala ang aking bag, walang paalam akong lumabas. Naiwan sa loob si Alyzza kasama ang apat na lalaki.  May pakiramdam kasi ako na dapat kong sundan si Daniel.

Naabutan kong nagpapakawala siya ng usok galing sa bibig. He's smooking.

Hinulog niya sa sahig ang dalang sigarilyo saka niya ito inapakan nang malingunan niya ako.

"Let's go." Tinabingi niya ang ulo niya bilang signal na sumunod lang ako sa kaniya.

Wearing his black V neck Tshirt and blue Toddler Casual Cotton Short Pants with Princetown Leather slipper, nauna siyang maglakad.

Papasok siyang ganiyan ang suot? Oh, well.

Nasa likod lang niya ako habang pababa kami ng hagdan.

"You smoke?" Mahina lang ang pagkakatanong ko habang nasa hagdan kami.

"Yeah. Why?" Saglit niyang lingon saakin.

"Alam mo bang pwedeng mapa-aga ang pagkamatay ng tao dahil sa paninigarilyo?"

'Di niya ako sinagot, bagkus ay pinagpatuloy lang niya ang paglalakad hanggang sa marating namin ang room.

Himala at 'di ako masyadong napagod sa paglalakad. Unlike no'ng paakyat kami.

"I'm leaving. Stay inside while waiting Alyzza." Bilin niya.

Magkaharap kaming nakatayo sa harap ng pintuan, medyo nakatingala ako sa kaniya dahil sa tangkad nito saakin.

"'Di ka papasok?" I asked, ignoring what he said.

"No. I have things to do."

"Okay," tango ko sa kaniya. "Saan mo pala tinapon ang cellphone ko?" I added as I remembered my phone.

"Why?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakapamulsa siyang tumingin saakin.

"Kukunin ko bilang ebidensya. Anong akala mo, nakalimutan ko na ang ginawa mo porque pinakain mo ako ng pasta?"

"If that's your plan then, I'll accompany you to the principal's office tomorrow." Kalmado niyang sagot saakin.

"Bakit bukas pa? Ba't 'di ngayon? Natatakot ka, no?" Panghahamon ko sa kanya.

Ngumisi siya saka yumuko para pantayan ang tingin ko

"I have to come up with something more important than your delirium."

I was about to poke him but he quickly turned his head away.

"Not again, Mikaela." Nanunukso niyang iniling ang ulo niya habang nanatili ang ngisi sa kaniyang labi.

"I really hate you!" Sigaw ko mismo sa kaniya.

"Hate me as much as you can," tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad palayo "Bye!" Wagayway niya habang nakatalikod na naglalakad.

Nakatanaw pa rin ako sa likod niya hanggang sa tuloyan nang mawala sa paningin ko ang kaniyang pustura.

"Well, well, well. Nandito na pala ang malandi ng taon!"

I turned around when someone spoke behind me. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay niyang nakatingin saakin. Nasa likod niya ang mga alipores niya na gano'n din ang posisyon.

"Eunice."

Umiiling siyang pumalakpak na parang proud na proud.

"Should I give you an award for flirting the two famous guy here? You flirtatious bitch!" Maarte niyang sigaw saakin.

"Ano bang pinagsasabi mo?" I asked curiously.

"Oh, come on bitch. You know what I mean."

Napabuntong hininga ako nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Tumayo ako nang tuwid saka ko siya tiningnan diretso sa mata.

"Kung ang ibig mong sabihin ay ang pagiging malapit ko sa dalawa," referring Jack and Daniel. "They're just a friends."  Pagkaklaro ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo saka siya pataray na naglakad palayo saakin. Inikutan muna ako ng mata ng mga alipores niya bago sila sumunod na tumalikod. Hays.

A minutes later, Dumating si Alyzza mag-isa. Busangot ang mukha na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Oh, asan yung apat?"

"Yung mga demonyong iyon? Mga gago! Pinaghugas ba naman ako ng pinggan? My god!" Nagpapadyak na siya sa inis.

"Ginawa nila 'yon?" Natatawa kong tanong.

"Oo, Baby!"

"Oh, eh nasaan na pala sila ngayon? Hindi sila papasok?"

"Iniwan ako do'n Baby," she sounds like cry baby. "Come to think of it, ako na prinsesa sa aming bahay?" Turo niya sa sarili "Pinaghugas ng pinggan?! I'll sue them! I'll sue them, Baby! Makikita nila! I'll sue them!" Namumula ang pisngi niya sa inis.

"Kalma, may pasok pa tayo. Mamaya na 'yan." Natatawa kong saway sa kaniya.

Yung apat na 'yon talaga!

"Wala daw pasok. Meeting ng staff about our acquiantance party." Kalmado na ang kaniyang boses.

"Kaya pala kunti lang din ang mga estudyanteng nakikita ko ngayon." I said as I realized what she said.

Nagyaya siyang mag-mall muna kami bago umuwi. Gusto daw maglabas ng inis kaya pumayag na ako. 

Dahil sa kawalan ng cellphone, siya na tumawag ng sundo namin para maihatid kami.

Magkahawak-kamay kaming naglalakad-lakad dito sa loob ng mall. Titigil 'pag may maispatan na produkto o dresses, pero sa huli, hindi rin namin bibilhin. In short, We're doing window shopping.

"Doon tayo." Turo niya sa national bookstore.

I'm not into books pero sige lang. Pumasok kami saka nagsimulang tumingin-tingin.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang tuwang-tuwa siyang nakatingin sa book shelves.

"Para 'di ka ma-bored kakasunod saakin, magkwento ka na lang."

"Ano naman ang iku-kwento ko?"

Kumuha siya ng maliit na basket para paglagyan ng gustong libro.

"Yung sa acquiantance nina Prince hanggang sa pagdurog ni Daniel sa cellphone mo."

Inaalala ko ang mga importanteng bagay na nangyari saakin during that time. Nainis ako nang unang sumagi sa isip ko ay ang paghalik saakin ng Daniel na 'yon.

"Wala namang nangyari bukod sa pagnakaw ng halik saakin ng letseng Daniel na 'yon!"

Nabitawan niya ang basket na may lamang libro. Gulat siyang tumingin saakin.

"Pakiulit nga yung sinabi mo?" Namimilog ang mata niyang nakatingin saakin, hindi inalintana ang nahulog.

Inilingan ko siya saka ako yumuko para kunin ang mga nalaglag niyang libro. Isa-isa kong binalik lahat sa basket.

"You heard it right," inabot ko sa kaniya ang basket.  "I went to the powder room to refresh myself because Jack was badtrip. I was about to leave the place nang biglang nawala ang ilaw. I thought it was just a simple brown out pero sadyang nakakamatay nga pala ang maling akala."

"And then?" Excited niyang singit, yakap-yakap na ang dalang basket.

"He planned it or baka akala ko lang pala," iling ko. "Pero, rinig na rinig ko pa rin ang music sa labas kaya imposibleng brown out talaga."

"I think he really planned it." She pointed her finger to the air, assuming that she knew the possible reason.

"At doon na siya pumasok saka ako ninakawan ng ano...halik." I ended with hesitation.

"Ah!" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya sa biglaang pagsigaw niya.

"Ba't ka sumigaw?" Pabulong kong tanong. Napatingin na kasi saamin ang ibang tao sa paligid.

Hinigit niya ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig para magsalita.

"Kinikilig ako!" Tili niya.

"Ha!?"

Pinakalma niya ang sarili bago magsalita.

"Don't get me wrong Baby, ha? Alam mo kung gaano kita pinu-push kay Prince pero, ah!" Sigaw na naman niya.

Napa-facepalm na lang ako dahil sa kahihiyan.

"Ang cool do'n ni Daniel este King sa part na 'yon!" Nagpapadyak na siya sa  tuwa. "King na ulit ang itatawag ko sa kaniya. Natutuwa kasi ako sa kanya ngayon."

"Ewan ko sa 'yong babae ka!"

Iniwan ko siya saka naunang pumunta sa counter kahit wala naman akong dala. Sumunod siya saakin na may ngiti sa labi.

Lumabas na kami 'pagkatapos niyang bayaran ang mga libro. Dumiretso kami sa Tea-house pagkatapos.

Wala rin akong hilig sa tsaa pero sige lang din.

Kinwento ko sa kaniya kung paano nag-cross ang landas namin ng kupal na 'yon habang nakaupo kami. Puro tili, sigaw at hampas lang din ang nakuha ko sa kaniya.

Hinayaan ko siyang tapusin ang isang libro bago namin napagdesisyunang umuwi.

Magkatabi kaming nakaupo sa second seat ng sasakyan nila. Ihahatid ako pabalik sa school dahil doon naghihintay ang sundo ko.

"Anong plano mo sa acquiantance? Next week na 'yon." Tanong niya habang nasa loob kami ng kanilang sasakyan.

"Si mommy na ang bahala do'n. This time, baka hindi na pumayag 'pag tanggihan ko siya."

"Mabuti naman kung gano'n," nilingon niya ako saglit "What about your date? Si King or si Prince?" Taas-baba ang kilay habang nakangiti nang nakakaloko.

"'Di ko na alam ang gagawin ko sa 'yo, Alyzza." Iling ko.

Rinig na rinig sa loob ng kotse ang halakhak niya. Kanina pa niya sinisingit sa usapan si Daniel. Kung bakit ko pa kasi kinuwento, eh.

"Seryoso na," sambit niya. "Why not invite Jack as your date? Total pumayag ka naman no'ng ininvite ka niya."  Seryoso na ang kaniyang boses.

"Paano? Bibigyan ko din ba siya ng bulaklak?"

"Oh my god!" Napasapo siya sa kaniyang noo. "Syempre hindi! Iba dapat."

"Panong iba?"

"Hmm.." saglit siyang huminto para mag-isip.  "..Love Letter! Gawa ka ng love letter para appreciable."

Love Letter?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top