BLUE-HAIRED SEVENTEEN
HURTS AND TEARS
Akala ko lilipas na naman ang gabi na badtrip pa rin ako. Hindi ko kasi nagawa ang plano ko. Imbes na siya ang pagtripan ko, ako pa tuloy nadali.
Parang naglaho na parang bula ang plano ko. Hindi man ata niya pinlano, still, nasabotahe pa rin. I really can't win against him, and it's proven. Kani-kanina lang.
Gayun pa man, naging maayos naman ang buong gabi ko. Lalo na yung reaksyon niya kanina, ang epek! Nakakawala lang ng stress. Thanks to him kahit napagtripan na naman niya ako.
"Alam mo, nagiging weird ka na rin. Lagi na lang kita nahuhuling tumatawa mag-isa." Sambit ni Alyzza.
Magkaharap kami habang nakahiga sa kaniya-kaniyang kama. Patagilid akong nakahilata sa kama, gano'n din ang posisyon niya.
"Huwag mo nga akong idamay. Kayo lang 'yon." Irap ko sa kaniya.
Kanina pa niya ako tinutukso tungkol sa pagtawa ko habang nanghuhuli kami ng palaka. Ayaw ko man aminin pero nagiging weird nga talaga ako nitong nagdaang araw.
Sino bang mag-aakala na yung taong laging sumisira ng araw ko, eh, nagagawa na niya akong patawanin ngayon. Ang weird lang talaga.
"Alam mo, kung hindi ko lang nalaman na may girlfriend na si King? Sa kaniya talaga ang boto ko." Bigla niyang sambit na agad ko naman siyang tinaliman ng tingin.
Okay na sana, eh. Okay na okay na dapat ang araw ko, eh. Parang nasira na naman.
"Matulog na nga tayo. Maaga pa tayo bukas." Natatawa niyang irap saakin saka nagtalukbong na ng kumot.
Nainis man ako, ngunit wala na rin akong nagawa kundi ipikit na lang din ang mata ko.
Kinabukasan, bumungad saakin ang nagngingiting nakaupo sa dining table na si Daniel. Tulad nga ng bilin niya saakin, may dala nga siyang mga pagkain.
Nilagpasan ko siya saka dumiretso na sa banyo. Bihis na bihis akong lumabas pagkatapos.
Pagkalabas ko ay dalawa na sila ni Alyzza ang nakaupo sa hapag, magkaharap. Nginitian ko sila nang sabay silang mapalingon saakin. Agad kong kinalkal ang dalang supot ni Daniel pagkalapit ko. Napangiti ako nang hindi ang mahal niyang Alio E Olio ang laman nito.
"Mabuti naman at hindi yung Alio E Olio niya ang dinala." May panunuksong boses na sambit ni Alyzza.
"Nasan sina Vince?" Baling ko kay Daniel. "Magkakape ka?"
Nilingon ko siya nang hindi siya agad sumagot. Kumunot ang noo ko nang makita kong sobrang seryoso ng tingin niya saakin. Ano na naman ang problema niya?
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya saka ako kumuha ng dalawang baso para saamin. Hindi ko man alam ang kape niya, pinili ko pa rin ang chocolate coffee. Bahala na kung ayaw niyang magkape.
Nararamdaman ko ang panunuod nila saakin habang nagsasalin ako nang mainit na tubig galing sa thermos.
"You're now calling him Vince, huh. Kailan pa 'yan?" Biglang sambit ni Daniel.
"Eh, naririnig ko lang na Vince ang tawag sa kaniya ng iba. Wala naman atang masama kung makiki-Vince lang din ako, diba?" I turned my gaze to Alyzza, but she immidiately turn her gaze away.
"Are you that close to call him Vince?" He asked in a serious tone.
Nilingon ko siya saka naupo sa tabi niyang upuan. Kaharap namin si Alyzza na ngayon ay nagse-cellphone. Halatang ayaw makisama sa usapan.
"Bawal na bang maki-Vince ngayon?" Seryoso kong baling ulit kay Daniel.
Saglit niyang sinulyapan ang kapeng nilatag ko sa harap niya.
"But I call him Vincent and we're close." Diretso ang tingin niya saakin.
"Bakit parang nangangamoy selos ka na naman?" Diretso rin ng tingin ko sa kanya. "Akala ko ba hindi mo ako type?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. Sumimsim muna siya sa kape niya bago niya binalik ang tingin saakin.
"I didn't say that, Mikaela." Aniya na may kayabangan ang boses.
"Psh. Sinungaling!"
Akala ba niya, nakalimutan ko na ang sinabi niya? Na ayaw niyang maging boyfriend ko? Ha! Ano siya ngayon?
He shook his head. "What exactly did I say? As far as I remember, that's not what I said. Think about it."
"Ah basta! 'Yon na 'yon."
Tinikom ko ang bibig ko saka iniwas ang tingin sa kaniya. Wala sa sarili kong hinawakan ang mainit-init pang kape ko.
"Mikaela--"
Huli na nang subukan niya akong pigilan.
"Aw!" Napadaing ako nang matalsikan ng mainit na tubig ang kamay ko nang bigla kong mabitawan ang baso.
Mabilis niyang nahigit ang napaso kong kamay papunta sa may lababo. Hindi naman humahapdi pero kung maka-react naman ang isang 'to parang mababalian na ako ng braso.
"Kuha muna ako ng petroleum." Sambit ni Alyzza.
Nginitian lang siya ni Daniel at umalis na para kunin ang petroleum.
"Careful next time, tss."
Carefulin mo mukha mo. Tss.
"Okay lang naman ako." Pabulong kong sabi.
Diretso lang ang tingin ko sa bumubuhos na tubig galing sa gripo. Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kaniya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya nito.
Mabuti na lang at agad din bumalik si Alyzza, dala ang petroleum. Sabay kaming tatlong umalik sa dining.
"Ako na," padabog kong hinablot ang gamot kay Daniel. Tinanguhan lang niya ako at hinayaan gamutin ang sarili kong kamay.
"Mauna na lang ako. Sasabihin ko na lang kay Sir na medyo male-late kayo ng dating." Ani Alyzza.
Agad ko siyang nilingon saka pinandilatan ng mata. Sinuklian lang niya ako ng ngisi bago lingunin si Daniel.
"Bye guys. Enjoy!" Masayang paalam niya.
Wala akong nagawa kundi isumpa ang pintuan kung bakit niya siya hinayaan makalabas.
Napalingon ako sa katabi ko nang kunin niya saakin ang gamot. Tahimik niyang pinahiran ang kamay ko.
"May girlfriend ka ng tao," na mukhang turon. "Kaya bakit mo pa ako nililigawan?"
Nilapag niya sa lamesa ang petroleum saka niya ako tiningnan na may pagtataka sa mata.
"Wala akong girlfriend, Mikaela. That's why I'm here."
"Ang sabihin mo, ito-two time mo ako." Irap ko sa kaniya saka ko inilayo ang kamay ko sa kaniya.
"I.don't.have.girlfriend, Mikaela. Saan mo ba 'yan napulot?" Irita niyang tanong.
"Eh, sino yung Scarlet?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Grabe! Pinalayas pa talaga kami sa hideouts, ah. 'Yon pala mga tipo mo?"
Napahawak ako sa dibdib ko nang padabog siyang tumayo. Irita niyang sinuklay ang asul niyang buhok bago niya ako tiningnan.
Gulat akong nakatingala sa kaniya habang halos magkadikit na ang kilay niyang nakadungaw saakin.
"She did that?!"
Napaigtad ako sa tikas ng boses niya. Ramdam ako ang sobrang kaba sa dibdib ko nang mag-squat siya saka niya ako ikinulong sa gitna ng mga braso niya.
He closed his eyes, out of frustration, habang nakapatong ang dalawa niyang braso sa gilid ng upuan ko.
"Tell me. What else did she do to you?" Kalmado niyang tanong saakin. Malalaki na ang paghinga niya. Halatang nagpipigil.
Dahil sa kaba, hindi agad ako nakapagsalita. His eyes trying to convince me to speak. Napasinghap siya ng iling na lang ang tanging naisagot ko.
He tapped my head then carefully took my hand.
"Let's talk about it later. Male-late ka na."
Hindi na niya ako hinintay pang kumibo at pinatayo na niya ako saka dinampot ang garapon na pinaglagyan ng palaka sa may pintuan.
Hawak niya parin ang kamay ko habang yung isang kamay niya ay dala ang garapon. Wala ng estudyanteng nakakalat sa hallway nang papunta kami sa laboratory. Tumigil kami nang nasa tapat na kami ng pintuan.
"Pasok ka na. I have things to do but we'll talk later." Seryoso niyang baling saakin, hawak niya pa rin ang kamay ko.
Napalingon ang lahat ng nasa loob nang buksan niya ang pintuan. Mabilis akong napabitaw sa kaniya saka siya nilingon.
"Hindi ka papasok?"
He shook his head "I'll be back later."
I nodded and smile. He tapped my head and handed me the jar before he turned away.
Tahimik kong tinanaw ang imahe niya habang naglalakad siya palayo. Tuluyan na akong pumasok nang hindi ko na siya maaninag.
Bakit pakiramdam ko, bumabalik na naman ang kaba ko sa dibdib. Ang pinagkaiba lang, wala na yung kilabut na pinaparamdam niya saakin. Talaga bang nagiging weird na rin ako? Hudyat na ba 'to na kailangan ko ng magpacheck up sa doctor?
"Oh, ba't 'di pumasok ang isang 'yon?" Sambit ni Alyzza. Saglit niyang sinulyapan ang pintuan bago niya binaling ulit ang tingin saakin.
"May pupuntahan daw, eh. Babalik din naman daw mamaya." Mahinahong sagot ko.
Dala-dala ang garapon, sabay kaming naupo sa assigned seat namin. Napangiwi ako nang silipin ko ang loob nito. Dilat na dilat ang mukha ng palaka pero buhay pa naman.
"Wear your gloves. We'll start in just a minute." Utos ni Sir.
Agad din naman namin dinampot ang kaniya-kainyang gloves na iniwan namin dito kahapon.
Muntikan na akong masuka nang damputin ko ang palaka palabas sa garapon. Gumalaw-galaw pa ito na parang gusto ng kumawala.
"Stay still. Huwag kang makulit." Inis kong bulong sa palaka.
With the use of pushpin, I smiled as I successfully pinned the frog on my assigned chair table. Napabusangot ako nang makita ko ang hitsura ng palaka.
Parang naiiyak siya na ewan, o baka ini-imagine ko lang na gano'n. Nilingon ko si Alyzza at nakita kong mukhang parehas lang din kami ng nararamdaman.
Posible ba na maawa ka sa isang palaka lang? Kasi ako, sobrang awang-awa na ako. Ano bang dapat kong gawin?
Nakatitig lang ako sa palaka, gano'n din siya saakin. Huminga ako nang malalim bago ko napagdisesyunang kunin ang blade.
You can do this, Baby! Kung ang lamok nga, kaya mong patayin na hindi naaawa, ito pa kaya. Kaya mo 'yan self. Tiwala lang.
Naiiyak kong sinimulan ang pagbutas ng gitnang bahagi ng katawan niya. Napapikit ako nang tumalsik sa kamay ko ang fresh na fresh pa niyang dugo.
Whoa! Tuloy mo lang 'yan, Baby. Isipin mo lang ang lamok. Tama! Isipin mo na lang ang mga lamok.
Nagpupumilit pang kumawala ang palaka nang tuluyan ko nang mapunit ang bahagi ng tiyan niya. Mabilis ang paggalaw niya para makawala pero 'di nagtagal, bumagal na ang mga galaw niya nang tuluyan ng mabutas ang gitnang bahagi niya.
Tumulo na ang luha ko nang isa-isa kong pinupunit ang laman-loob niya. Wala na siyang buhay. Patay na ang palaka!
"I only need the bones. Everyone should be careful when cutting. Baka may makaligtaan kayong buto. 75 ang bagsak niyo. " Sir reminded us.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa inis. Padabog kong nilagay sa loob ng garapon ang mga napunit kong lamanloob. Medyo nagdulot pa ito ng ingay kaya napalingon saakin si sir.
"Do we have problem, Miss Suarez?" Kalmado ngunit may diin na tanong ni Sir.
"Nothing sir." Umiling ako saka ko siya tamad na nginitian.
"Good."
Muntik ko nang maibato sa kaniya ang garapon nang ikutan niya ako ng mata. Kalalaking tao, apakaattitude.
Labag man sa loob ko, tinuloy ko pa rin ang operasyon. Tumutulo ang luha ko habang binabalatan ko na ang lahat ng bahagi ng katawan niya.
Kapag ako naging teacher, I won't let my students do this. Madami pa naman ang pagpipiliang activity. Hindi yung kikitil pa ng buhay para lang sa grades. Demonyo lang ang kayang gumawa no'n. And yes! Demonyo si sir. Sobrang demonyo niya!
Nilagay ko sa Acqua water nang tapos ko na lahat. Hindi ko na pinatagal pa't agad kong hinubad ang gloves ko saka naghugas ng kamay gamit ang hand sanitizer.
Hindi pa ako nakuntento at kumuha pa ako ng alcohol sa bag ko saka binuhos sa kamay ko. Hindi ako nandidiri o nasusuka. Ayaw ko lang mabahiran ng kasamaan ang kamay ko.
"Sir, tapos na po ako." Labas sa dalawang butas ng ilong kong paalam.
"You may go."
God knows kung nakailang pigil ako sa sarili ko na huwag ibalibag ang teacher namin. Hindi niya ako tinarayan pero hindi 'yon sapat na dahilan para hindi ako magalit sa kaniya.
Nilibot ko ang tingin sa mga kaklase. Ako pa lang pala ang natapos. Tumabi ako kay Alyzza na ngayon ay tumutulo na rin ang luha.
Hindi ko na nakayanan pa at napahikbi na rin ako. Lumabas na lang ako na 'di siya nililingon.
Nahinto ako sa paglalakad nang may pumigil saakin. Hinawakan niya ako sa balikat saka pinaharap upang pantayan ang tingin niya.
"Why are you crying--"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap na ako sa kaniya. Kusang rumagasa sa paghulog ang mga luha ko nang mahinahon niyang hinahagod ang likod ko.
"Sinong nagpaiyak sa baby ko?"
Humiwalay ako sa kaniya saka ko siya tiningnan diretso sa mata. May mga luha pa ring tumatakas sa mata ko na agad ko ring pinunasan.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagbitaw ng salita.
"Diba, kayo ang may ari ng school na 'to?"
May bahid man ng pagtataka ang mukha niya, tinanguhan pa rin niya ako.
"What is it, Baby?"
"Parusahan mo si Sir. Wala siyang awa--"
"What did he do to you, Mikaela?!"
Naalarma ako sa biglaang pagtaas ng boses niya.
Mabilis akong umiling saka ko siya hinawakan sa balikat para pakalmahin.
"Wala siyang ginawa, Daniel. Gusto ko lang siyang mabigyan ng leksyon sa pagpatay ng maraming palaka." Nakasimangot kong paliwanag.
Lumambot ang ekspresyon niya pagkatapos kong magsalita. Napayakap na rin ako sa kaniya nang higitin niya ako.
"If that's what my baby wants."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top