BLUE-HAIRED ONE

DANIEL

Sinadya kong agahan ang gising ko. Ayaw kong mahuli sa unang regular class ko. Sa sobrang aga ko, wala pang katao-tao nang dumating ako.

Dapat nag-breakfast muna ako, pero mas mabuti na rin siguro 'to. Kaysa naman sa ma-late at matrap ulit sa haba ng traffic.

May isang oras pa bago magsimula ang first subject ko kaya 'di naman masama kung sisilip muna ako sa college building para do'n na muna mag-agahan. Magb-breakfast lang naman, eh.

It took me a long minutes bago nahanap ang canteen nila dito.

My god! Ang lawak nga pala dito kaysa saamin.

'Di ko napansin kahapon kasi medyo crowded pero ngayong walang masyadong estudyante ay kitang-kita ang kabuoan nito.

Male-late ako mamaya, sigurado 'yon! 'Di bale, I'll make an excuse na lang.

Umupo ako sa pinakagitna na pangdalawahang table. Bale dalawang pang-grupong table ang pagitan namin ng pintuan. Bukod kasi sa mga tindera, eh, wala ng iba pang tao.

Patapos na ako nang may pumasok. Si blue-haired guy with mask kahapon. Dire-diretso siyang naglakad sa counter. Oorder ata.

Dinalian ko na ang pagsubo ng pancake ko nang namataan kong o-order nga talaga siya. Ewan ko pero kinabahan ako bigla kahit wala naman akong ginagawang masama.

Nanatiling nakayuko ang ulo ko. Natataranta na ako habang pinagpatuloy ko ang pag-ubos nang inorder ko

"Aw!" Napadaing ako nang mabitawan ko bigla ang kape ko. Natapon sa puting blouse ko at tumagos sa balat ko ang init nito.

"Ano bayan! Ang dumi na tuloy ng uniform ko." Pagalit kong bulong sa sarili.

Kumuha ako ng panyo sa bag ko para pangpunas sa parte nang nabuhusan. 'Pag minamalas ka nga naman, oh!

"Baby?" Bigla akong natigil sa pagpunas at napaangat sa nagsalita.

Wrong timing ka Jack!

"Ikaw nga!" Turo niya saakin na parang tuwang-tuwa.

Napatingin siya sa blouse ko at nilipat do'n ang nakaturo niyang kamay. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya.

"Anong nangyari d'yan?" Pumikit siya na para bang alam din niya ang sagot sa tanong niya "Anong ginagawa mo dito sa building namin?" Dugtong niyang tanong.

"Breakfast I guess?" I answered unsurely.

"Eh, may canteen kayo do'n ah?"

Napakamot na lang ako sa natural brown hair ko. Sa totoo lang, 'di ko rin alam paano sagutin ang tanong niya. Hindi ko rin kasi alam ba't ko naisipang dito magbreakfast kahit meron naman talagang canteen samin.

"Uh, nevermind," he shook his head. How can I help you then?" Turo niya ulit sa blouse ko.

I eyed my poor blouse. Mukhang lalong nadipena yung mantsa ng chocolate coffee. I feel hopeless!

"May ano ka uh.. Extra t-shirt?"

Lihim kong pinagdarasal na sana mayro'n siya. Ayaw kong pumasok sa first class ko na ganito ang ayos. Never.

"I have my P.E uniform on my locker. If that's okay with you, kukunin ko."

Hay. Thanks god.

"'Di mo gagamitin this day? Baka kasi bukas ko pa maisuli kung gano'n."

"No, it's okay. I have extra. So, okay lang?"

"Do I have choice?" Nakakahiya man pero wala na talaga akong pagpipilian. Ngayon pa ba ako magcho-choosy?

"Right." Tanging sagot lang niya.

"Thank you." Nginitian ko siya saka ko siya tinanguhan.

Nag-tricycle kami nang ihatid niya ako sa class ko. Tatanggihan ko na sana siya kasi sobrang abala na ako sa kaniya kaso gusto daw niya. Wala din daw namang siyang ginagawa.

Namumula na ako sa kahihiyan habang nasa loob kami ng tricycle tapos idagdag mo pa yung bango ng P.E uniform niya na suot-suot ko. 'Di ko alam kung kinikilig ba ako o ano, ewan. Bahala na.

Tama nga ako kanina. Medyo na-late na ako nang dumating kami. May mga nauna nang pumasok at nasa loob na rin ang teacher namin. Lahat sila napalingon nang makita kami sa pintuan.

"So you're a third year highschool, huh?" Jack uttered mockingly.

"What's with that reaction?" Turo ko sa mukha niya.

Baka kasi iniisip niyang ang nene ko pa, ha. No way.

"Nothing." Sumingkit ang mata niya. Signal na ngumiti siya. Ang ganda talaga ng mata.

"Thank you nga pala sa paghatid at pati narin sa P.E uniform mo." Paglihis ko sa usapan.

'Di ko kasi siya kayang kulitin sa naging reaksyon niya. Nakaka-intimidate mata niya.

"It's my pleasure, Baby." Then he winked before he turned his back and walked away.

Uminit ang pisngi ko saka nakaramdam ulit ng kaba sa dibdib ko. What a perfect wink.

Hind ko alam paano ko na-survive ang dalawa kong subject na 'di nasisita ng teacher. Lutang na lutang ako kanina pa. 'Di 'to maganda.

Palabas na ako ng classroom para sa breaktime nang may kumalabit sakin.

"Uy!" Isa sa mga classmate ko. Naglahad siya ng kamay pagkalingon ko.

"Alyzza nga pala." Ngiti niya saakin.

Nagawa ko parin siyang ngitian sa kabila nang pagkagulat ko sa kaniya.

"Baby." Pagtanggap ko sa kamay niya.

"So, you're the girlfriend of Prince Jack?"

Namilog ang singkit kong mata sa biglaan niyang pagtatanong.

"Hala. Hindi!" iling ko sa kaniya. "Mali ka nang iniisip. Hinatid niya lang ako pero 'di niya ako girlfriend." Natataranta kong paliwanag.

"So, suitor?"

Napatakip na ako sa bibig ko sa gulat ulit. Ano bang iniisip ng babaeng 'to?

"Mas lalong hindi!"

Ni-head to foot niya ako na may pagtataka sa kaniyang mga tingin. Tiningnan ko rin ang sarili ko at ngayon ko lang din naalala na suot-suot ko pa pala ang P.E niya. Kaya naman pala.

"Ay sus! Dinideny mo lang eh. Ang gwapo kaya no'n!"

Pabiro niya akong sinindot sa tagiliran. Napasulyap ako sa iba naming mga kaklase na nakikinig na rin saamin.

"Mahabang kwento." Baling ko ulit sa kaharap ko.

Kinaladkad niya ko papunta sa canteen. Medyo gulat pa ako sa ginawa niya pero nagpatianod na lang din ako sa huli.

Umupo kami sa pandalawang table. Umorder sya ng chocolate cake saka buko juice, samantalang buko juice lang din ang akin dahil medyo busog pa ako

"Make it short. Makikinig ako."

I sighed. Pinagpipilitan pa rin talaga niya.

"Sorry to disappoint you but Jack and I are not together."

Napawi ang excited niyang mukha. Naging seryoso na ito.

Kinuwento ko na lang sa kaniya kung paano ko nakilala si Jack kahapon bilang tour-guided ko dito bilang new student hanggang sa napadpad ako do'n kanina sa kabilang building. Literal na nakanganga sya.

"Eh, paanong napunta sayo 'yang P.E niya?" Turo niya sa suot ko.

Sumipsip muna ako sa juice ko bago ko siya sinagot.

"Natapunan ko ng kape yung blouse ko. Nagmagandang loob lang siya kaya gano'n." Kibit-balikat ko.

"Ahh.." Tumango-tango siya na para bang nakuha niya ang punto ko.

"So, paano nagkasya sayo 'yan? Malaking lalaki kaya 'yon." She added.

Napangiti naman ako nang maalala ko yung naging eksena namin pagkatapos kong magpalit sa cr.

"Hihi, medyo malaki." Nahihiya kong sabi kay Jack, pagkalabas ko galing ladies' room.

Napahawak siya sa batok niya at mataman niya akong tinignan. Head to foot. Lumapit siya saakin pagkatapos.

"Let me help you." Gamit ang baritino niyang boses.

Umupo siya sa paanan ko saka niya tinupi yung laylayan ng pants na pinahiram niya saakin. Namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Tumayo siya pagkatapos saka niya ako tinitigan.

"I-tuck in mo na lang yung T-shirt sa pants o ako na ang gagawa?" He sounded so innocent.

Agaran ko namang ginawa ang suhestiyon niya bago pa niya ako maunahan. Huli na nang mapagtanto ko ang awkwardness ng galaw ko nang makita ko ang pag-iwas niya ng tingin.

"You look good." Seryosong tugon niya sakin habang ang tingin niya ay nanatili sa gilid ko.

"Ah!"

Nawala ang pagmumuni-muni ko sa biglaang pagtili ni Alyzza sa harap ko. Nahihiya akong napatingin sa mga estudyanteng nakaupo sa tabi namin.

"Yiieee.. 'Yang hitsura na 'yan, alam na alam ko 'yan. Kinikilig ka no?!" Kantyaw niya saakin.

Napayuko na lang ako sa kahihiyan ulit. Kulang na lang isubsob ko ang ulo ko sa mesa.

"Crush mo na, no?"

Mabilis kong naiangat ang ulo ko. Nakangisi siyang nakatingin saakin. Parang siguradung-sigurado na siya sa isasagot ko.

"My god! For a new student like you? Ang swerte mo!" Parang kinikilig niyang sabi. "Alam mo bang minsan lang 'yon dito mapunta? At talaga namang nasa sa 'yo ang swerte. Prince charming kaya 'yon sa college kung 'di mo pa alam."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. That explained me, why prince tawag niya sa kaniya.

"At alam mo bang masyadong pribado ang lifestyle no'n? Pati nga facebook account no'n walang kalaman-laman eh, o baka yung gusto lang niyang maging friend do'n ang nakakakita sa post niya. 'Di ko alam." Kibit-balikat niya. "Inamag na friend request ko do'n kaya binawi ko na lang. "

Sumubo muna siya sa chocolate cake niya ng isang beses saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ewan ko ba do'n. Ang pogi na nga tapos nagpapapogi pa."

Muli siyang sumipsip sa juice niya bago ulit nagpatuloy sa sasabihin.

"Well, if you're curious why he's wearing mask, fa--"

"Fashion daw kasi."

Napangisi siya sa agarang pagputol ko sa sasabihin niya.

"Right. Tinanong mo?"

"'Di ko na napigilan, eh. One Hundred percent gwapo na sana. Panira lang yung mask niya."

"So crush mo nga, " she chuckled. "Ano ka ba! Normal lang naman magkacrush do'n. Sa gwapo ba naman niya?" Natatawa niyang sabi.

"Maraming nagkakagusto do'n?" Well for sure madami.

"Yup! Isa na ako do'n pero 'wag kang mag-alala, support kita dito. Sabay na lang tayong kiligin." Saka siya humalakhak.

Naitikom ko na lang ang bibig ko sa sinabi niya. Tama naman kasi siya. Sino ba namang 'di magkakacrush do'n? Ganda nga ng mata, eh.

Bumalik na kami sa room dahil nag-bell narin, hudyat para sa susunod na klase.

Pinilit kong makinig sa Math teacher namin dahil ayaw kong umuwi mamaya na wala man lang natutunan.

Sabay kaming pumunta ni Alyzza sa parking lot no'ng nag-uwian na. Palitan ng number saka kunting chikahan bago dumating ang mga sundo namin.

She treated me as her friend na daw starting now.

Dumiretso na ako sa kwarto ko pagkapasok ko sa bahay saka nag-halfbath. 'Di pa naman ako inaantok at tapos ko na rin lahat nang gagawin ko kaya nag-browse muna ako sa facebook account ko.

Bigla ko naman naalala ang kwento sakin kanina ni Alyzza tungkol sa facebook account niya.

"Jack del mundo"

Ang daming lumalabas na results. Yung iba halatang dummy account at poser. Paano ko naman malalaman ang kaniya dito, eh, sabi nga ni Alyzza, masyadong pribado daw ang account niya.

Iniisa-isa kong binisita lahat ng profile nang lumabas na resulta. Yung iba puro stolen habang kumakain siya sa canteen nila, tapos yung iba naman habang naglalakad siya sa isang corridor sa college building. May suot siyang mask sa lahat ng picture niya at kapansin-pansin parin talaga yung blue-haired niya.

Wala akong in-add kahit na isa sa nabisita kong profile.

Nakita ko ring may iba't iba siyang fanpage. Sikat nga talaga ang isang siya.

Binuksan ko ang may pinakamaraming likes dun. Morethan 100 thousands likes. WOW!

Literal na napanganga ako sa bagong post nito, with the caption of "SHE MUST BE THE GIRLFRIEND! Mention her if you know this lucky girl."

"My god! Ano to?!"

Nakapost do'n ang ilang mga picture namin habang magkasama kami kanina.

Mula sa tricycle hanggang sa paghatid niya sakin sa room ko. May isa pang picture do'n na naka-zoom ang likod ng P.E shirt niya na suot-suot ko na may nakasulat na 'Del mundo'

Ilang minuto lang nang ipost 'to ngunit naka Twenty thousands likes na ito at mas marami pa do'n ang shares.

Pumunta ako sa comment box. Wala ni isa ang naka-mention sa'kin do'n. Yung iba nilait-lait ako na keyso ang nene ko pa daw para kay Jack. Yung iba naman pinupuri ako.

'Di ko na kinakaya ang nakikita ngayon!

Magla-logout na sana ako nang biglang sunod-sunod na ang pagpapop-up ng friend request sa account ko.

Inaccept ko yung ibang namumukhaan ko na kaklase ko, subalit may isa lang talaga ang nakakuha ng attention ko.

Kulay asul ang buhok niya sa profile niya at walang suot-suot na mask.

Nakaramdam ako nang kakaibang awra pagkabukas ko pa lang sa account na 'yon. Matinding kaba at takot.

Isang madilim na awra ang binibigay nito sakin habang tinitingnan ang profile picture niya. Hindi ito si Jack!

Pangalan pa lang, alam ko ng hindi siya. Shit.

"DANIEL FEREZ" Who are you?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top