BLUE-HAIRED NINETEEN
2 Months have passed..
Time flies so fast. Parang kahapon lang, nag-aalboroto pa ako kina Mommy tungkol sa biglaang paglipat nila saakin dito. Ngayon, parang tinuturing ko na itong pangalawang tahanan ko.
Akalain mong dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang makulong kami dito.
Nakakatampo man dahil sa loob ng pananatili ko dito, isang beses lang ako kinamusta nina mommy. Kadalasan, si Yaya ang tumatawag saakin, nangungumusta, habang sina mommy, tinanong lang kung ayos lang ba ako dito, hindi ko naman ba pinapabayaan ang kalusugan ko. Other than that, wala na.
Ni hindi man lang ako tinanong kung kailan ba ang labas namin dito. But anyways, ano nga ba ang bago doon? Kahit nasa iisang bubong pa rin naman kami, gano'n lang din ang takbo namin. Kaya, anong pinagkaiba ng pananatili ko dito at doon sa bahay? Nothing. Nothing more, nothing less.
Kakatapos ko lang mananghalian nang biglang pumasok si Alyzza. habul-habol ang hininga niya. Tumayo ako sa kama ko saka ko siya nilapitan.
"Anong nangyari?" I asked as I approached her.
Sa halip na sagutin ako'y pumunta siya sa kusina saka nagsalin ng tubig. Uminom muna siya bago siya tumingin saakin.
"Si Sir Calib, Baby."
Kinabahan ako sa paraan ng pagkakabanggit niya sa pangalan ni sir.
"Pinatalsik na pala siya dito saatin. Magdadalawang buwan na ang nakalipas."
"Ha?!" Oh my god!
Gulat akong lumapit sa kaniya. Inagaw ko sa kaniya ang ininuman niya saka ko nilagok ang natitirang tubig.
Mag-iisang buwan na simula nang sinumbong ko siya kay Daniel. Mag dadalawang buwan na rin mula nang hindi pumasok si sir sa klase namin. Don't tell me...
"Nalaman ko lang sa mga kaklase natin. Wala bang kinalaman dito si King?" May pag-aalala sa boses ni Alyzza.
"Hindi maari 'to." I shook my head in disbelief.
Parehas lang din pala kami ng iniisip. Naikwento ko kasi sa kaniya yung pagsumbong ko kay Daniel.
'Yung isang 'yon! Sinabi ko lang na parusahan niya, hindi patalsikin. God! I'm pretty sure he did this. Nararamdaman ko 'yon.
"Dumating na ba sina Daniel?" Taranta kong tanong kay Alyzza.
Balisa niya akong tinanguhan saka uminom ulit ng tubig.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at mabilis kong dinampot ang cellphone ko sa kama saka nagmadaling lumabas. Dumiretso ako sa hideout pagkaakyat ko sa rooftop.
Nagtatawanan ang grupo nang mabuksan ko ang pintuan. Lahat sila ay napalingon sa gawi ko.
"Hi ate!"
Mabilis akong naglakad palapit sa kanila na hindi sinusuklian ang bati ni David. Tumigil ako sa harapan ni Daniel na ngayon ay may hawak na namang sigarilyo. Matalim ko siyang tiningnan.
"What did you do again, Daniel." Hindi 'yon patanong, bagkus, tunog inaakusahan ko siya.
"What is it again, Mikaela?" Kalmado niyang dungaw saakin.
Kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang sigarilyo saka ito tinapakan. Napasinghap ang apat sa ginawa ko.
"Okay, I'm sorry. I won't smoke again if that's your problem again." Kalmado pa rin ang kaniyang boses.
"Hindi 'yon tungkol dito. Wala akong pakialam kahit ikamatay mo pa ang pagbubuga mo ng usok. Ang tanong ko--"
"Hey, hey. Calm down," he cut me off. "Let's go outside." Inabot niya ang kamay ko saka iginiya sa labas.
Agad kong binawi ang kamay ko pagkalabas namin at inis ko siyang tiningnan diretso sa mata.
"Bakit mo pinatalsik si Sir Caleb?" Madiin kong tanong.
Bumuga siya nang matinding hangin bago magsalita.
"You asked for it, Baby. " I knew it.
Naikuyom ko ang kamao ko sa inis.
"Huwag mo akong mababy-baby!" Sinuntok ko siya sa balikat. "Pabalikin mo siya dito! Hindi ito ang hiningi ko sa 'yo." Suntok ko ulit sa balikat niya.
"I won't do that. He made you cry, so he deserves it."
"Bulshi--"
"Stop it Baby," napigilan niya ang pag-amba ko ulit ng suntok sa kaniya. "You're on your stupid tantrums again."
Hinigit ko ang braso ko sa kaniya saka ko siya inikutan ng mata. Narinig ko ang pagsinghap niya sa kawalan.
Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakangising aso na naman siya.
Napabaling ang tingin ko sa kaniya nang hawakan niya ang braso ko. Hinigit niya ako palapit sa kaniya saka ako niyakap nang mahigpit.
"I missed you, Baby. Namiss ko katarayan mo."
"Bitawan mo nga ako!" Nilayo ko ang sarili ko sa kaniya. "Huwag mo akong mamiss-miss dito! Wala akong na-miss na Daniel." Sinuntok ko ulit siya sa balikat.
Napahawak siya sa parte ng balikat niya na sinuntok ko, nagkunwaring nasaktan.
"Ah, basta! Ayusin mo 'to, Daniel. Huwag na huwag kang magpapakita saakin hangga't 'di mo binabalik sa trabaho si Sir." May pagbabanta sa boses ko.
"But--"
"No more buts. 'Yon ang gusto ko." Pagpuputol ko sa kaniya.
He sighed. "Anything, ma'am." Walang gana niyang sabi.
"Hindi man lang naawa sa tao," inikutan ko siya ng mata na kaniyang tinawanan lang. "Pwede namang iutos na lang sa kaniya na 'wag nang magpapapatay ng palaka. Hindi 'yong kinuhanan agad ng trabaho. Psh,"
"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?!" Singhal ko sa kaniya nang malingunan ko siyang tumatawa.
"Wala." Natatawa niyang iling.
"Ahh," dahan-dahan akong tumango. "Pinagtatawanan mo ako?!"
"Hindi nga." Natatawa pa rin niyang iling saakin.
"Bwesit ka talagang lalaki!" Lumapit ako sa kaniya saka ko siya kinurot-kurot sa tagiliran.
"Ah!" Napatili ako nang ako naman kilitiin niya sa tagiliran. My weakness.
"Isa Daniel!" Banta ko sa kaniya. "Ah!" Napatili ulit ako nang kilitiin niya ulit ako.
"Isa!" Banta ko ulit sa kaniya na pinagwalang-bahala lang niya ulit.
Tuloy pa rin siya sa pagkiliti saakin hanggang sa dalawa na kaming napagod. Hindi ko namalayan na napayakap na pala siya saakin sa likod.
Hinayaan namin pareho ang naging posisyon namin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka ako humarap sa kaniya para ayusin ang pagkakayakap sa kaniya nang mahigpit.
"I missed you too, Daniel," mahina kong sambit, tama lang sa pandinig naming dalawa.
Nagtagal ng ilang minuto ang gano'ng posisyon namin. Siya ang unang kumalas. Hawak-hawak ang magkabilang balikat ko, pinantayan niya ang mga tingin ko.
"Marunong ka ng chumansing, ah." Nakangisi niyang sabi.
Mabilis siyang tumakbo nang damputin ko ang cellphone ko sa bulsa para sana pamalo sa kaniya.
Tuwang-tuwa siyang tumatakbo palayo saakin. Takbo lang din ako nang takbo na akala mo naman talaga maabutan ko siya.
"Bwesit ka talaga!" Inirapan ko siya nang napagod ako sa kahahabol.
Naupo ako sa sahig saka ko siya muling inirapan.
Nakita kong may dinampot siya sa kaniyang bulsa. Nakasimangot akong tumayo saka naglakad palapit sa kaniya.
"Ayan ka na naman." Turo ko sa hawak niyang sigarilyo.
Tiningnan niya lang ako saglit bago binalik sa bulsa ang isang lighter. Sunod niyang tinapon sa tabi ang sisindihan na sana niyang sigarilyo nang makita niya ang busangot kong mukha.
"Sorry." Sambit niya, saka niya hinawakan ang kamay ko at pinisil.
"Alam ko namang mahirap 'yan tigilan, pero huwag naman sa harap ko." Tukoy ko sa bisyo niya.
"Yes, ma'am. 'Di na mauulit." Ngiti niya saakin, sabay saludo.
Binigyan ko siya ng isang ngiti na mas lalong nagpalawak ng kaniyang ngiti.
Nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa't isa nang palagi na siyang sumasama saamin ni Alyzza. Kung ano ang trip namin, pinipilit din niyang makisama. Kahit may pagka-kill joy nga lang minsan.
Inis na inis pa ako sa kaniya nang nagpupumilit pa siyang sumama saamin. Ang dahilan niya ay dahil daw sa panliligaw niya saakin. Nakailang reject na ako sa kaniya kaso palagi niyang sinasabi na hindi daw niya hinihingi ang aprobal ko.
Sa kakapilit niya sa sarili saamin, ito namang kaibigan kong si Alyzza, tudo push saamin. Basta, 'di ko na lang namalayan na nasanay na ako sa presensya niya.
May mga sitwasyon naman noon na hanggang ngayon ay gano'n pa rin. Tulad na lang ng, mawawala na lang siya ng dalawang araw dahil may aayusin tungkol sa sitwasyon ng school. Minsan rin, nagsusuplado siya saakin.
Isa pa, hindi ko pa rin maitanong ang tungkol sa pagiging magkapatid nila ni Jack. Hindi pa rin niya kasi ino-open saamin ang tungkol do'n.
Speaking of his brother, hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi na siya nagpakita saakin magmula nang ni-reject ko ang panliligaw niya.
Nakaka-miss siya pero mas nangingibaw ang pagkairita ko sa kaniya. Noong una, 'di ko naman naramdaman 'to sa kaniya. Nitong mga nakaraang araw lang talaga. Lagi kasing sumasagi sa isipan ko ang mukhang turon niyang babae.
Siguro kaya hindi na nagpakita, dahil nagpokus na lang sa babae niya. Trip lang talaga niya yung pagligaw niya saakin. Gano'n ata.
"You're mad."
Nabalik ako sa katinuan nang magsalita ang nasa harap ko. Hindi ko pala napansin na napalalim na ang pag-iisip ko. Napansin pa ata niya ang pagkairita sa mukha ko.
Pinagsaklop ko ang hawak niyang kamay ko sa kamay niya saka ko siya nginitian.
"Hindi naman. May naisip lang ako." Ngiti ko sa kaniya.
Alam kong masama ang ginagawa kong 'to, pero bahala na.
"What is it? Hm." Sambit niya matapos niyang hiigpitan ang paghawak sa kamay ko.
"Naisip ko lang kung kailan tayo makakawala dito?" Palusot ko.
"Sa next week na."
"Talaga?!--Bakit?" Napawi ang katuwaan ko nang masilayan ko ang reaksyon niya. Nakasimangot siyang nakatingin saakin.
"Hindi mo ba gusto na dito ka lang?" He said in a low tone.
"Gusto. Kaso nakaka-miss rin naman lumabas. Dito kasi, walang mall na pwedeng puntahan." Paliwanag ko na totoo naman.
Yes, nothing will change, but no one can change the fact that it's better to feel the freedom than staying here for another weeks and months. Nakaka-miss gumala.
"We have store here. You can buy your needs." He pouted.
"Kahit na," Pisil ko sa pisngi niya. "Iba pa rin sa labas."
"There's no Daniel outside."
Napatakip ako sa bibig ko. Pinigilan kong 'wag matawa. Here we go again.
"Para kang bata," mahina ko siyang pinalo sa balikat. "'Lika na nga," Pisil ko ulit sa pisngi niya. "Ipagluto mo ulit ako ng mahal mong Alio E Olio." Diin ko sa "E"
"Ikaw ang mahal ko."
Hindi ko na napigilan pang matawa sa hirit niya. Napapikit na lang ako nang malingunan ko ang kaniyang hitsura. Seryosong nakatingin saakin na tila ba hindi alam kung bakit ako sobrang natatawa.
Lagi na lang siyang gumagan'to. Yung tipong magbibitaw ng punch line na gamit na gamit na. Hay. Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to?
"Tara na. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo." Natatawa kong anyaya.
Wala na siyang nagawa nang higitin ko na siya pababa ng hagdan.
Nakaupo kami ngayon ni Alyzza sa may hapag namin habang pinapanuod namin siya sa kusina. Titig na titig lang kami sa kaniya.
Alam na alam ko talaga sa sarili ko na masama talaga itong ginagawa ko. Mahal ko na siya pero bilang kaibigan lang. Totoo 'yon.
Totoo lahat nang ipinapakita ko sa kaniya. Totoong na-miss ko siya kahit dalawang araw lang naman siyang nawala. Pero ang mali, pinapaasa ko siya.
Pinapaasa ko siya na may namamagitan na saamin higit pa sa pagkakaibigan. 'Yon ang mali.
Mali na gawin ko siyang replacement. Kahit ang totoo niyan, nasaktan naman talaga ako kay Jack. Nasaktan ako sa hindi na niya pagpaparamdam saakin simula nang patayan ko siya ng tawag.
Alam kong nasabi ko na sa sarili ko na mali ang ligawan ako ni Jack dahil inaakala kong girlfriend talaga niya yung babae. Pero kahit papaano naman, umasa ako.
Umasa ako na pupuntahan niya ulit ako dito sa school at ipapaliwanag ang tungkol sa babaeng 'yon.
Pasekreto kong nakurot ang binti ko. Kasalanan ko naman kasi, eh. May paleksyon-leksyon pa akong nalalaman. Baka na-realize na talaga ni Jack na hindi ako worth it at tinuon na lang ang atensyon sa babae niya. Psh.
"There." Nakangiting nilapag ni Daniel ang tapos na niyang Alio E Oglio.
This is it. Wala na talagang konsensya-konsensya. Mapapatawad naman siguro ako ng isang 'to, eh. Isa pa, ang gwapo niya. Madali lang niya ako palitan kung sakaling malaman niya ang kahibangan ko.
Sa ngayon, magtitiis muna ako. Makakarating naman ata kay Jack ang tungkol saamin ni Daniel, total magkapatid naman sila.
Tama. Makakarating sa kaniya ito. Kahit mali na gamitin ang isang 'to, sa huli, maganda naman ang makukuha ko.
"Eat." Ngiti saakin ni Daniel nang ilapag niya sa harap ko ang pasta.
"Thank you." Nginitian ko din siya.
And I'm sorry in advance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top